Loading...
Tuesday, September 24, 2013

[ Final Chapter ] Love, Time and Space



Ang nakaraan... Chapter 1, Chapter 2, Chapter 3


“T-teka Cid, saan ba talaga tayo pupunta?”
Ang muling paguusisa ni Shane habang hatak-hatak ng binata ang kanyang kamay.  Ngunit nananatili lamang na tahimik si Cid, hanggang sa nakarating sila sa isang bahagi ng Park na very familiar sa dalaga.

Huminto sila malapit sa eksaktong lugar kung saan sinagip ni Cid si Shane sa muntik nang pagkakapahamak nito, halos lagpas isang buwan na ang nakalilipas.  Tahimik ang kahabaan ng buong kalye ng gabing iyon.  Wala halos dumaraan na mga sasakyan at mangilan-ngilan lang din ang mga taong nagpaparoo’t parito sa mga sandaling iyon.

“Dito?  Bakit dito?”
Ang muling pagtatakang tanong ng dalaga.

Pero nanatili pa ring tahimik si Cid.  Sinulyapan naman ni Shane ang mukha ng binata at bakas dito ang matinding kalungkutan habang pinagmamasdan nito ang same spot kung saan niya sinagip si Shane.

“Dito…”  Ang halos pabulong na usal ng binata, ngunit sapat ang katahimikan ng buong paligid para marinig pa rin iyon ng dalaga.

Nilingon muli ni Cid ang katabing dalaga.  Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam na ng kakaibang weird feelings si Shane. 

“Cid, ano ba talagang nangyayari?  Naguguluhan na ako…”

“Listen Shane…”  sabay hawak ng mahigpit ng binata sa dalawang kamay ng dalaga.

“Tumingin ka sa mga mata ko.  Dito mo mahahanap ang sagot sa iyong mga katanungan.”

Nawi-wirduhan man, ay sinunod na rin ni Shane ang gustong mangyari ng binata.  Sa unang sulyap ng dalaga sa mga mata ni Cid ay nadama niya ang isang di maipaliwanag na kalungkutan.  Unti-unti nitong sinasakop ang kanyang buong katauhan.  Hanggang sa naramdaman niyang tila unti-unti na siyang nahuhulog sa isang malalim na balon… Sa wari niya ay kasing gaan na siya ng isang balahibo na dahan-dahang dinuduyan ng hangin.  Sa mga sandaling iyon ay nasa under the “state of trance” na ang dalaga.

“Teka, nasaan na ako?”  Ang bulong ni Shane sa sarili.  “Anong lugar ba ito?”

Pinagmasdang mabuti ni Shane ang buong paligid.  Sa itsura ng lugar , alam niyang nasa isang hallway siya ng isang pribadong opisina.  Sa kanyang kanan ay matatanaw mula sa naglalakihang salamin na bintana ang kalapit na building ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho.  Hanggang sa bigla siyang nakarinig ng tunog ng isang pintuang isinara ng biglaan at kasunod niyon ay ang tinig ng isang pamilyar na taong malapit sa puso niya… Nakita niyang lumabas mula sa pinto ang isang babaeng sa tantya niya ay halos kasing edad lamang niya, maganda rin ito tulad niya, mga 5’6” ang height, maganda ang pangangatawan at halatang isang executive office girl based sa suot nitong uniform na medyo hawig sa uniporme ng mga flight attendants.  Kasunod ng di kilalang babae ay si Cid.  Executive looking din sa suot nitong powder blue long sleeve shirt, na binagayan ng black with silver stripes na necktie at black slacks.  Nagmamadali at patungo sa direksyon ng kinatatayuan ni Shane.

“Ellaine, wait!”  halos sumigaw na si Cid habang hinahabol ang babae.

“Please, mag-usap muna tayo.”  Nahawakan ng mahigpit ni Cid ang mga braso ni Ellaine.

“Cid, ano ba?  Bitawan mo ako.  Hindi pa ba maliwanag sa iyo?  Hindi na ako masaya sa piling mo.  Niloloko na lang natin ang isa’t isa kung ipagpapatuloy pa natin ang malaking kabaliwang ito.”

“Pero Ellaine, paano naman ako.  Ang nararamdaman ko para sa’yo?  Ang dami ko nang pangarap para sa atin.  Sa iyo na umikot ang mundo ko.”
Mabilis na inilabas ni Cid ang isang maliit na kahon na naglalaman ng isang sing-sing mula sa bulsa ng kanyang long sleeve shirt.

“Heto, handang-handa na akong pakasalan ka.”
Pilit na iniabot ni Cid ang sing-sing kay Ellaine ngunit hindi niya iyon tinanggap.

“Pasensya na, pero hindi ko matatanggap yan.”

“Ellaine, huwag mo naman gawin sakin ito.”  Ang pagsusumamo ni Cid at mabilis niyang niyakap ng ubod ng higpit si Ellaine.

“Cid, ano ba?  Bitawan mo nga ako.  Hindi mo ba talaga naiintindihan?  Kailangan ko pa bang ulit-ulitin at ipa-mukha sa iyo na hindi na kita mahal.  Tapos na tayo.  I’m breaking up on you!”
Halos nagpupumiglas na si Ellaine para lamang makatakas sa higpit ng yakap sa kanya ni Cid.

Paaaakkkk!!!  Isang malutong na tunog ng sampal ang umalingawngaw sa buong hallway.  Sapat ang isang sampal na iyon upang makabitiw si Cid mula sa pagkakayakap niya kay Ellaine.

“Ellaine, please huwag mong gawin ito.  Mahal na mahal kita.”  Ang halos nagmamakaawang pag-hagulgol ni Cid sa harap ni Ellaine.

“I’m sorry Cid, but we’re done!”
Mabilis na tumalikod si Ellaine at naglakad patungo sa malapit na Elevator.

Habang si Cid naman ay naiwan na mag-isang nakatayo sa gitna ng hallway.  Tahimik na humihikbi at lumuluha… naiwang nakakalat sa marmol na sahig ang sing-sing.

Awang-awa si Shane para kay Cid.  Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan.  Tinangka niyang lumapit sa binata upang payapain ang kalooban nito ngunit biglang nagbago ang buong paligid at eksena…
Natunghayan na lamang ni Shane ang kanyang sarili na nasa parking lot sa basement ng gusaling iyon.  Dumaan sa kanyang harapan ang isang silver-grey na kotse, lulan si Ellaine at isang di kilalang lalaki ang nagmamaneho nito.  Kasunod niyon ay nakita naman niyang nagmamadaling sumakay si Cid sa kanyang kulay navy blue na kotse at mabilis na pinaharurot iyon para sundan ang kotse ni Ellaine.

Kasunod niyon ay mabilis na nagbagong muli ang mga eksena…

Nakatayo na ngayon si Shane sa tabi ng kalsada, malapit sa Park, sa eksaktong lugar kung saan siya muntik na maaksidente.  Isang kulay silver-grey na kotse ang mabilis na dumaan sa harap niya.  Mabilis iyon na nakalagpas bago pa magkulay pula ang stop light.  Ilang Segundo lang ang pagitan ay kasunod naman na humahagibis na dumaan sa harap ni Shane ang kulay navy blue na kotse ni Cid.  Pilit na hinahabol pa rin ang kotse ni Ellaine.  Ngunit sa kasamaang palad ay naabutan ng pagkulay pula ng stop light si Cid.  Dire-diretso niyang pina-arangkada ang kanyang kotse at dahil na rin sa pagmamadali ay hindi napansin ng binata ang isang paparating na malaking delivery truck.  Huli na para umiwas…

Blaaagggg!!!  Krraaashhh!!!

Isang head-on collision ang naganap.  Halos madurog ang harapang bahagi ng kotse ni Cid.  Sa loob nito, sa may driver’s seat ay duguan at halos naghihingalo na ang binata.  Usal pa rin nito ang pangalan ng pinakamamahal niyang babae… si Ellaine… kahit sa pinakahuling mga sandali ng kanyang buhay.

“Diyos ko, Cid!!!” ang malakas na sigaw ni Shane.  Binalak niyang iligtas si Cid mula sa pagkakaipit nito sa loob ng kanyang kotse ngunit huli na ang lahat… nagbalik nang muli sa normal state si Shane.  Kaharap na nyang muli si Cid sa dakong iyon ng Park malapit sa pinangyarihan ng aksidente nila ni Cid.  Hawak hawak pa rin ng binata ang mga kamay ng dalaga.

“Hindi… hindi totoong patay ka na… ayoko Cid… hindi ako naniniwalang wala ka na sa mundong ito.”
Bakas sa boses ni Shane ang matinding pagkalito at kalungkutan.  Hindi siya makapaniwalang hindi na nag-e-exist sa mundong ito ang lalaking muling nagpatibok sa kanyang puso.

“Pero, totoong-totoo ka Cid.  Nahahawakan pa nga kita oh.” Ang halos naluluha at pautal-utal na sabi ni Shane.

“Iyan ay dahil tinanggap mo ako ng buong-buong sa puso mo.  Naniwala ka na maaari pa rin na tumibok at magmahal muli ang isang sugatang puso.  Ganun din ako, Shane…”

“Pero my time is almost up dito sa mundo niyo Shane.  Kailangan ko nang umalis at maglakbay patungo sa liwanag… Napakasaya ko dahil kahit sa maikling panahon na nakasama kita ay naramdaman kong muli ang tamis ng tunay na pag-ibig.  Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin Shane…”

Sa huling pagkakataon ay ubod tamis na hinalikan ni Cid ang mga labi ni Shane.  Tumagal din ng ilang saglit na magkalapat ang kanilang mga labi.  Ninamnam ni Shane ang mga huling sandaling kapiling niya ang guwapong binata… Pagmulat ng kanyang mga mata ay unti-unti nang naglalaho si Cid sa kanyang harapan.

“Kung nakilala lamang siguro kita ng mas maaga Shane.  Hindi sana magiging ganito ang ating mga kapalaran.  Pero ito talaga siguro ang nakaguhit sa ating mga tadhana at kailangan natin itong tanggapin.”

“Cid, please huwag ka munang umalis…”

Kasabay ng malamig na simoy ng hanging pang gabi ay naglaho na rin ng tuluyan si Cid.  Naiwang mag-isa si Shane sa dakong iyon, tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin sa langit habang bumubukal ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.  Bago niya lisanin ang lugar na iyon ay tila ba may pahabol pang mensahe si Cid para sa kanya na dala ng hangin…

“… Sa langit na lang ibubulong  ang nadarama ko para sa iyo… at sa hangin na lang ipadadala ang haplos ng pag-ibig ko na para sa iyo…”

“Hinding hindi ka mawawala dito sa puso ko Cid.  Maraming Salamat.”


- Wakas -

----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nag-bigay ng panahon sa aking previous entry titled [ Chapter 3 ] Love, Time & Space.  Shout out goes to the following:

Marichu Bajado, jonathan, Joy, Rix, Archieviner, Bino, Jon Dmur, Ric LifeNCanvas, Erica, Superjaid, ZaiZai, Bulingit, Lalah, Nicole See, Silent Readers

49 comments:

  1. Oh. Ang lungkot ng ending:( but beautiful written.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah, sad ending po siya Mommy Joy and salamat po sa pagbabasa!

      Delete
  2. Naiyak ako promise. I never expected that twist, well partly. Noong pumunta sila sa park dama ko ng hindi na nabubuhay sa pisikal na mundo si Cid. What I didn't expect was why he died, kung saan kasangkot maging si Shane.

    Hindi na kita pasasabugan ng granada since you delivered the ending so well. Tama lang na hindi mo nga ito pinahaba. Gosh, ang sakit lang talaga. Alam mo yung they had the right love at the wrong time... itong ito yun!

    Pusa ka talaga, Fiel! XD

    Di ako makakaget over dito, eh.

    P.S. Technically wise, okay ang narration, very detailed. Buong serial nabasa ko ang wala naman akong major faults na napansin doon. Hmm, avoid super usage of sound effects lang. It will ruin the feel of the story, better narrate it instead.

    P.P.S. Hindi pa rin ako maka-get over! Bakit ghost na si Cid?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo habang sinasali-type ko toh, mejo nabigatan din ako sa mga eksena pero kailangang tapusin eh. Mejo emo mode din ako nung ginagawa ko toh huhuhu T_T

      Maraming salamat sa pagiging critic ng story nila Shane and Cid, Mariz :)) Much appreciated!

      Sinadya ko talagang gawing sad ung ending... masyado na kc kayong nasasanay sa "they lived happily ever after eh" LOL

      *cat hugs*

      Delete
    2. Charot lang yang comment mo. Sa totoo lang fan ako ng tragic endings. Bwahaha. Sama ko lang.

      Delete
    3. Ahahaha, adik ka Mariz :D

      Pero sa totoo lng din, parang nagugustuhan ko nang gumawa ng mga tragic themed na story lol

      Delete
  3. So ito na pala ang ending... time space warp... ngayon din! charut!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha! tawagin na sila Shaider at Annie! nyahahaha XD

      Delete
    2. ang tagal mag reply ahahaha

      Delete
    3. ahahaha! sori namans XD di ko alam na hinihintay mo pala ang aking response hihihihi~

      Delete
  4. Ghost? hehe
    Kakaibang love story! Nasa ending ang twist.
    Nice one Fiel : )

    ReplyDelete
  5. may pahinga2x effect ako kasi tuamtayo mga balahibo ko hahahaha ganda nga ng twist ha parang korean ehhh charoootsssss woooottt pero pweding pwedi kana nyan feeyyeeelll ayyyeettt may future ka sa pagsusulat nakakainggit hahaha pero ipagpatuloy mo yan wag ka kasing tatamad tamad hahaha biyaya na ng dyos eh. hehehehe

    pero in fairness talaga tagal kong natapos kasi may tayo balahibo effect habang nagbabasa ako. mas masarap talaga na sabihin ano ang nararamdaman bago maging huli ang lahat, its good that cid even for that moment he has the courage to say it though he knows how much he will hurt shane but at least for a while they're happy and thats all matter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahahaha! namiss ko ng subra yang "charoootssss wooooottt" mo ahahaha!

      Maraming salamat for appreciating my work. Ang ingay mo! *evil grin*

      Delete
  6. It reminded me of that Demi Moore film...

    ReplyDelete
    Replies
    1. somewhat yeah... pero magkaiba naman sila ng flow ng story :)) thanks Glen!

      Delete
  7. ang lungkot!!! parang Ghost

    ReplyDelete
    Replies
    1. pati si Kuya Bino, nalungkot din ehehe :))

      Salamats!

      Delete
  8. para kong nanaood ng koreanovela.... at lalo kong naiyak....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaah, sori naman Cher Kat ehehehe... I know nung time na nibabasa mo toh, mejo mabigat din ang pakiramdam mo. Hug ka na lng ng pusa. *cat hugs*

      Delete
  9. Unexpected ang twist! Nice and very well written ang story Fiel :)

    Napalakas ang basa ko sa Paaakk! na pagkakasampal, feel na feel ko ang lutong nito hehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha, maraming salamat sa pagsubaybay mo Zai sa buhay nila Shane at Cid hanggang sa huli. Much appreciated!

      Delete
  10. Naknampusa kong namayapa nagkatotoo nga yung hula kong multo si Cid :(

    Ikaw talaga pusa pinaiyak mo mga readers mo hu hu hu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahehihihi... naiyak ka rin ba Ate B? uu sad talaga ung ending ng story... tissue!!! *sniff*

      Delete
  11. Magbabalik din kaya ako para sabihin sa isang tao na siya lang ang minahal ko? At mayroon din kayang magsasabi sa akin, kahit na sa isang bulong lamang, na sa kanyang buhay ako ang kanyang minahal? May naaalala ako dito...

    Galing ng pagkakasulat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaah, sir Jonathan! masyado namang matalinhaga ang inyong tinuran ngayon. Lalo tuloy akong nacurious kung sino yang tao na tinutukoy nyo.

      Salamat po sa pagsubaybay!

      Delete
  12. Asan yung BGM mo? Kala ko di mo tatanggalin? :/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waah, it's perfectly working fine here. Maayos naman siyang nagpi-play... weird!

      Delete
    2. third day ko na tong vinisit. still not working :/

      Delete
    3. clear mo ung cache ng browser mo or mas better switch to another one!

      wala naman problema dito maski nung nagpunta ako ng comp shop. nagpi-play naman siya ng maayos.

      Delete
  13. Parekoy back read muna ako hihihi

    ReplyDelete
  14. At dahil naintriga ako, binackread ko talaga sya.
    HUUUU ang ganda. T_T

    Sana nakakasulat din ako ng mga ganitong bagay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yey, salamat sa pag backread mo Jhanz :))

      and glad you liked my mini series!

      Everyone can write including you of course. Konting pinch lng ng imagination then you can come up with your own very good story. Kaya yan!

      Delete
  15. Ohmygod kuya, Nicholas Sparks lang ang peg ? Bat mo pinatay si cid nung una kuya, Ang sama mo ! Eeeee. Pero in fairness, magandaaaaa. Ipost mo sa Wattpad kuya, Hit yan. :DD

    Clap clap. Grats sa ending. :) Weeeeee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nicole!!! ahahaha, sino si Nicholas Sparks? (ayan ginoogle ko pa) so isa pala siyang novelist hihihi :D

      Ayun talaga ung twist ng story eh... Cid was just a spirit bound to cross the light... nag-stay lng siya ng saglit sa physical world at nakilala nga nya si Shane... and yeah, sad story at may konting panghihinayang. Pero that's how the story goes eh.

      Wattpad? hmmm... let see... :P

      Salamats!

      Delete
  16. Ayhetchu!! Deym. I hate you talaga how could something so beautiful have a sad ending. Naman eh. You made me cry fiel. Daya!! Next series mo sana happy ending na please please please. May future ka as romance writer. This is so beautifully written my friend. Superb.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaaah! don't hate meee ahahahaha :D

      Jaid, yun talaga ung twist dito sa story nila Shane at Cid. This story only depicts that not all good things will last forever... kailangan lng talaga nating tanggapin na hindi talaga meant para sa atin ang isang tao or bagay.

      Yep, I'm planning to write another story with a good ending. Pero mejo matatagalan pa siguro, need to refresh pa may brain cells hehe XD

      Salamat for liking my mini series!

      Delete
  17. Sabi na nga ba galit ka sa happy ending eh! Ulit! yong masaya naman!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha, eeh kase masyado kayong nawiwili sa "good endings" kaya para maiba naman... ayan lungkut-lungkutan ang ending XD

      Cge next time na ganahan ulit akong magsulat ng mini series, happy ending namans!

      Salamat Kuya Mar :))

      Delete
  18. Late ko na nabasa yung huling parts ah. pero nakakagulat nga ang ending. Pre-halloween din pala ito. hehehe. :) Wawang Shane. Loser na naman sa dulo. Sana may karugtong. Tipong magiging masaya naman si Shane. pero syempre, discretion naman yun ng ating mahusay na writer. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat parekoy! may nagsuggest na sakin sa twitter about sa idea mong sequel... in fact, marami nang pumapasok na ideas sa utak ko kung sakali mang gawan ko ng part 2 ito. Well, let's see...

      Delete
  19. Kinilabutan ako.... nalungkot.

    Di ko akalaing... si Cid pala ay isang alaala na lamang, isang magandang alaala ng nakaraan.

    Well written story Fiel, magaling kang manunulat. Kuha mo ang emosyon ng iyong mambabasa, magaling ka ring maglaro ng emosyon hehe. Tsaka ang background music angkop na angkop ha, so dun palang na feel ko ng medyo malungkot nga ang ending nito.

    Next... hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat rin sa magandang remarks mo ate Gracie :))

      Yeah, malungkot talaga itong story nila Shane at Cid... pero who knows diba? baka magkaroon ng sequel ehehe *finger's crossed*

      Delete
  20. parang need ko mag back read,, spoiler lang nabasa ko agad ending..hahaha

    ReplyDelete

 
TOP