“Shane? Okay ka lang ba dyan?”
“Huy Sis! Sagutin mo naman ako.”
Ang sunod-sunod na tawag ni Joyce. Halos
gibain na niya ang pintuan ng cubicle sa CR ng kumpanyang kanilang
pinagtatrabahuhan.
“Nag-aalala na ako sa’yo best. Ayos ka lang ba dyan?”
Nakarinig siya ng mahinang kaluskos sa loob at kasunod nyon ay dahan-dahang
bumukas ang pintuan ng cubicle. Tumambad
kay Joyce ang kaawa-awang anyo ng kanyang matalik na kaibigan. Bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan. Namumula at namumugto sa luha ang mga mata ni
Shane. Bago pa man makapag react si
Joyce ay mabilis siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap ng kanyang kaibigan. Kasunod nyon ay umalingawngaw sa loob ng
buong CR ang paghagulgol ni Shane. Bakas
sa bawat pag hikbi nito ang pait at sakit ng kaloobang kanyang dinadala sa mga
oras na iyon.
“Wala na kami ni Jake.
Siya na mismo ang kusang nakipag break sa akin. Nawalan na daw siya ng gana sa relasyon namin. Ang sakit-sakit lang Joyce. Nung isang linggo lang maayos pa kami. Ang saya-saya pa namin. Pero bakit bigla na lang nagka ganito ang
lahat? Huhuhuhu!”
Ramdam ni Joyce ang sakit ng kaloobang pinagdadaanan ni
Shane sa mga sandaling iyon. Somehow ay
nakakarelate din siya sa kanyang matalik na kaibigan. Ilang beses na rin niyang naranasan in the
past na ma-reject ng mga lalaking kanyang nakarelasyon.
“At alam mo ang pinakamasakit pa dito ay napaka bilis niyang
nakahanap ng kapalit ko sa puso niya.
Nakita ko silang magkasama nung girl kaninang umaga sa coffee shop na
malapit dito sa office.”
Hindi makapagsalita ng maayos si Shane dahil sa matinding
pag-iyak. Halos pautal-utal niyang
binibigkas ang bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig.
“Huhuhu! Sobrang sakit lang talaga. Parang di ko matanggap na mauuwi lang sa wala
ang halos isang taon naming relasyon.”
“Ssshhhh… tahan na Shane.
Mabuti na rin siguro na ganyan ang nangyari. At least nalaman mo ng maaga ang tunay na
kulay ng lalaking iyon. A jerk like him
is not worth your time and emotion. Kaya
tahan ka na ha!?” Pilit na pinapakalma ni Joyce ang kalooban ng kanyang
kaibigan sa abot ng kanyang makakaya.
Lumipas ang ilang linggo, patuloy na naging malulungkutin at
depressed si Shane. Mabuti na lamang ay
laging nanjan sa kanyang tabi si Joyce upang siya’y alalayan at paalalahanan na
maging matatag.
Isang hapon ng Huwebes, isang buong araw na naman ng
pagtatrabaho sa opisina ang kanilang natapos.
“Oh Shane, hindi na muna kita masasabayan sa pag-uwi ngayon
ha? Pinasuyo kasi sakin ni Mama na
singilin yung utang sa kanya ng tiyahin ko.
Alam mo naman, gipit din kami ngayon.
Ayus ka lang naman na mag-isa muna sa pag-uwi diba?”
“Oo Joyce, Ayus lang ako.
Sa totoo nga nyan, ako na itong sobrang nahihiya na sa iyo eh. Ang laki na ng naitulong mo sa akin. Ikaw itong naging shock absorber ko these
past few days. Maraming salamat talaga
ha. Baka naluka-loka na ako kung wala
ang tulad mo sa tabi ko.”
“Sus, ang drama mo ha!” sabay sundot sa tagiliran ng kanyang kaibigan.
“Kaya nga tayo mag-best friend diba? Oh siya, siya, baka gabihin na ako. Dun na ako sa kabilang kalye mag-aabang ng
jeep na biyaheng Pasay. Oh, pano
kita-kits na lang tayo bukas ha. If you’ll
ever need me, I’m just a text or call away… and remember itago mo din ang mga
kutsilyo at blade.”
“Tse! Sira ka talaga. Oh sige nah, magkita na lang tayo ulit
bukas.” Ang masayang tugon nito sa kaibigan.
Habang pinagmamasdan makalayo ni Shane ang kaibigan ay tila
nakaramdam na naman siya ng kalungkutan.
Tutal ay maaga pa naman, napagpasyahan niyang tumambay muna saglit sa
isang malapit na park. Naupo siya sa
isang wooden bench sa may ilalim ng isang malaking puno ng Mahogany. Doon ay sinariwa niyang muli ang mga
pangyayari sa kanyang buhay nitong mga nagdaang araw. Hindi niya namalayan na dahan-dahan na pa
lang dumadaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Hanggang sa narealized niya na kailangan na
pala niyang umuwi.
Pinili ni Shane na tumawid sa isang di kalakihang private
road, ang pinakamalapit na daan patungo sa terminal ng FX na biyaheng
Cubao. Tahimik ang kahabaan ng buong
kalye. Mangilan-ngilan lamang ang mga
taong naglalakad sa bangketa.
Dahil sa matinding kaiisip sa mga nangyari sa kanyang buhay
these past few days ay hindi na nakita ni Shane ang paparating na humaharurot na
pulang kotse. Huli na nang mapansin niya
iyon. Halos mga three feet na lang ang
pagitan ay tatama na sa kanyang katawan ang bakal na bumper ng kotse. Huli na para umiwas.
“Diyos ko!” ang tanging nasambit ni Shane sa sarili…
“Kayo na pong bahala sa akin.”
Napapikit na lamang siya sa mga sandaling iyon. Hinihintay ang posibleng katapusan. Nang bigla na lamang niyang naramdaman na
parang may kung sinong tumulak at yumakap sa kanya. Napaka bilis ng mga pangyayari. Pagmulat ng kanyang mga mata ay natunghayan
na lamang niya ang kanyang sarili na nakahiga na sa malambot na Bermuda grass
sa isang bakanteng lote malapit sa pinangyarihan ng supposed-to-be na aksidente
niya.
“Miss, okay lang kayo?” Isang malambing na tinig ng lalaki
ang kanyang narinig.
Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay nakita niya ang isang
lalaking nakatunghod at nakangiti sa kanya.
Sa kanyang tantya ay nasa pagitan ito ng edad 23 – 25. Disente itong pagmasdan sa kanyang suot na
powder blue long-sleeved shirt na binagayan ng necktie na may black and silver
stripes, black slacks at black leather shoes.
Katamtaman ang kanyang pangangatawan at tangkad. Sa tantya ni Shane ay nasa 5’7 ito. Hindi sila nagkakalayo pagdating sa
height. May maliit itong dimple sa
magkabilang pisngi na lalong nagpa guwapo dito.
Saglit na natulala si Shane sa kanyang nasaksihan…
“Errr… Miss? Yohooo!? Ang sabi ko, ayos lang ba kayo?”
To be continued...
----- Pasasalamat -----
Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled Congratulations, your vote has been registered! Shout out goes to the following:
Bino, Olivr, MEcoy, Superjaid, sherene, Umi, Rix, Jei Son, eMPi, 88-Nutty Thoughts-88, jonathan, JonDmur, Wrey Swift, Joy, Senyor Iskwater, Arvin U. de la Peña, Bulingit, Ric LifeNCanvas, Pao Kun, Leah TravelQuest, Xian, Phioxee, ZaiZai, glentot
kainis ka ha! nakakabinit ka naman. hahaha. more pa! when ba ang susunod na kabanata nito? ahahha
ReplyDeleteAbangan niyo na lang sir hehe :D
Deletetapusin mo dali!
ReplyDeleteExcited much ate? hehe :D basta, abangan mo ang next chapter!
DeleteMaganda ang intro, parang drama sa TV, pero nakakainis dahil bitin. Now na! Lol....
ReplyDeleteHaha salamat sir Jonathan. Masyado nang mahaba pag binuo ko yung story dito. Tatamarin ang mga readers hehe :D
Deleteayun oh may series! nabitin naman ako! buti naman at di natuluyan si shane!
ReplyDeletewait sana di mangyari ang inisip kong conflict!
Na-curious naman ako sa iniisip mong conflict parekoy hehe :D
DeleteNakakabitin naman:)
ReplyDeleteHehe, abangan nyo po yung next chapter Mommy Joy :D may kakaibang twist!
Deleteso, chapter 1 pa lang ulam na! hahaha Next na agad! Baka sakaling ma encourage mo ko mag move on sa entry mo na to! hahaha joke!
ReplyDeleteHahaha may pag move on talaga Kuya Mar? :D
DeleteNaku, abangan nyo talaga yung next chapter!
Chapter 1 palang pala to? Kala ko malapit na tayo sa buod ng kwento e hehe. Exciting ha, pero bakit yung guy lang ang may kompletong description (in fairness gwapo sya hehe), how about the girl Shane? Sige aabangan ko to, I won't say bitin kasi I know ganito talaga dapat, yaan mo na nagrereklamong bitin haha. kung tapusin mo naman kaagad ang kwento, bitin pa rin ang komento pareho din. kung mahaba naman tatamarin magbasa at bitin nalang ang komento hahahaha! ay Ewan, sensya na tagal di nakapagbloghop now lang nagkatime ulit, Now na nga lang nang okray pa ano? hehehe. God bless Fiel, ganda ng flow ng kwento, good vibes!
ReplyDeleteHahaha Ate Gracie! I mishu po :))
DeleteKaaliw nga yung kumento mo eh... ganito talaga siguro yung style ko ng paglalahad ng kuwento. Masaya yung bitin. Yung tipong pagiisipin mo yung mga readers ng mga ideas for the next chapter haha.
Basta abangan mo yung next chapter, maraming revalations na mangyayari :))
Hehe salamat Wrey :) kaka kilig ba? naku abangan mo ang next chapter XD
ReplyDeletehmmm kaya ka pala kinikilig lately kasi eto ginagawa mong kwento. inspired yata si fiel-kun ;-D
ReplyDeletehahaha sekwet ate Aicy :D
Deleteasa na karugtong nito fiel pusa?
Deletenext week Ate Aicy, pramis ipo-post ko na yung karugtong hehe :D
Deleteoops..to be continued pala....
ReplyDeletesige until next time : )
balik po kayo for the next chapter. di nyo dapat ma miss yun haha XD
DeleteFeel ko mapapadali ang pag mo-move on ang lola mo....:)
ReplyDeletexx!
*wink* kindat na lang ako sa kowment mo ate Grah. I won't say much baka magkaroon kayo ng idea eh haha :D
DeleteSi Edward ba yun? nayupi ba yung kotse? joke lang.hehehehe. :) Aabangan ko ang kasunod. yihiii, si Shane. :)
ReplyDeleteHaha salamat sa comment parekoy :))
DeleteAbangan kung tuluyan na nga bang makaka move on at iibig muli si Shane XD
mahaba haba ang kuwento na ito......tiyak may bagong pag ibig na naghihintay kay shane..
ReplyDeleteSalamat sa pagbasa parekoy... abangan natin ang mga susunod na kaganapan sa buhay ni Shane :)
Deleteahahaha ayos sumeserye ka na din nyahahahaha.
ReplyDeleteSyempre hahaha :D
Deletethose words kaya laging may problema..
ReplyDeleteayyy ganun? sabagay tama ka jan... sana makabalik ka for the next chapter :))
Deleteand thanks din pala sa pagbisita!
ay ikaw pala ang pusang kasagutan ko minsan sa twitter/fb hi hi. Kaganda naman ng kwentong gawa inaantay ko na ang kasunod :)
ReplyDeleteSalamat sa pagdalaw sa aking mundo at pagsunod sa GFC - followed u back I'm #191 :) Balik ako dito para mag back read see ya around!
Ate Balut!!! maraming salamat din sa inyong pagbisita. Yep, ako nga yung pusang kakulitan nyo nila Pao at Mecoy sa Twitter/FB haha :D
Deleteaaahhh .. yun pala ang nangyari .. hehehe .. adik lang nauna ko basahin yung 2nd chapter .. pero ayun, tsk tsk ... kawawang shane ... buti na lang meron na syang bagong super hero ..
ReplyDeletehmm.. papano kaya ito magiging happy ending,,
yan ang aking aabangan .. XD
Haha yun oh! salamat Leeh for reading Chapter 1 :))
DeleteHappy ending ba kamo? Abangan! *wink*
bob pede hahaha! maganda nmn ha hahaha!! sira ulong jake un haha!!
ReplyDeletesabi na eh.. may biglang susulpot sa dulo, medyo bitin anu kaya ang nexr??
ReplyDeletesi kuya mar at arvin ang nasa isep ko sa lalaki hahahaha pero parang mas bongga na si zai ata un ha? bwahahahaha ooohhh halalalala i miss u all hahahahah
ReplyDeletepandora charms, ugg,ugg australia,ugg italia, moncler, ugg pas cher, moncler outlet, vans, thomas sabo, canada goose, barbour, bottes ugg, louis vuitton, moncler, karen millen, hollister, marc jacobs, wedding dresses, canada goose outlet, moncler, pandora charms, ray ban, louis vuitton, montre pas cher, canada goose, supra shoes, louis vuitton, barbour jackets, ugg boots uk, toms shoes, moncler, converse outlet, moncler, juicy couture outlet, pandora jewelry, sac louis vuitton pas cher, doudoune canada goose, converse, replica watches, nike air max, lancel, canada goose, coach outlet, pandora jewelry, juicy couture outlet, moncler, doke gabbana outlet, ugg,uggs,uggs canada, canada goose outlet, links of london, canada goose, gucci, moncler
ReplyDeletesupreme new york
ReplyDeletekobe shoes
golden goose
kyrie 6
yeezy shoes
jordan shoes
palm angels hoodie
off white
golden goose
alexander mcqueen outlet