Loading...
Friday, May 31, 2013

[ Chapter 1 ] Love, Time and Space


“Shane? Okay ka lang ba dyan?”
“Huy Sis! Sagutin mo naman ako.”

Ang sunod-sunod na tawag ni Joyce.  Halos gibain na niya ang pintuan ng cubicle sa CR ng kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan.

“Nag-aalala na ako sa’yo best.  Ayos ka lang ba dyan?”

Nakarinig siya ng mahinang kaluskos sa loob at kasunod nyon ay dahan-dahang bumukas ang pintuan ng cubicle.  Tumambad kay Joyce ang kaawa-awang anyo ng kanyang matalik na kaibigan.  Bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan.  Namumula at namumugto sa luha ang mga mata ni Shane.  Bago pa man makapag react si Joyce ay mabilis siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap ng kanyang kaibigan.  Kasunod nyon ay umalingawngaw sa loob ng buong CR ang paghagulgol ni Shane.  Bakas sa bawat pag hikbi nito ang pait at sakit ng kaloobang kanyang dinadala sa mga oras na iyon.

“Wala na kami ni Jake.  Siya na mismo ang kusang nakipag break sa akin.  Nawalan na daw siya ng gana sa relasyon namin.  Ang sakit-sakit lang Joyce.  Nung isang linggo lang maayos pa kami.  Ang saya-saya pa namin.  Pero bakit bigla na lang nagka ganito ang lahat?  Huhuhuhu!”

Ramdam ni Joyce ang sakit ng kaloobang pinagdadaanan ni Shane sa mga sandaling iyon.  Somehow ay nakakarelate din siya sa kanyang matalik na kaibigan.  Ilang beses na rin niyang naranasan in the past na ma-reject ng mga lalaking kanyang nakarelasyon. 

“At alam mo ang pinakamasakit pa dito ay napaka bilis niyang nakahanap ng kapalit ko sa puso niya.  Nakita ko silang magkasama nung girl kaninang umaga sa coffee shop na malapit dito sa office.”
Hindi makapagsalita ng maayos si Shane dahil sa matinding pag-iyak.  Halos pautal-utal niyang binibigkas ang bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig.

“Huhuhu! Sobrang sakit lang talaga.  Parang di ko matanggap na mauuwi lang sa wala ang halos isang taon naming relasyon.”

“Ssshhhh… tahan na Shane.  Mabuti na rin siguro na ganyan ang nangyari.  At least nalaman mo ng maaga ang tunay na kulay ng lalaking iyon.  A jerk like him is not worth your time and emotion.  Kaya tahan ka na ha!?”  Pilit na pinapakalma ni Joyce ang kalooban ng kanyang kaibigan sa abot ng kanyang makakaya.

Lumipas ang ilang linggo, patuloy na naging malulungkutin at depressed si Shane.  Mabuti na lamang ay laging nanjan sa kanyang tabi si Joyce upang siya’y alalayan at paalalahanan na maging matatag.

Isang hapon ng Huwebes, isang buong araw na naman ng pagtatrabaho sa opisina ang kanilang natapos.

“Oh Shane, hindi na muna kita masasabayan sa pag-uwi ngayon ha?  Pinasuyo kasi sakin ni Mama na singilin yung utang sa kanya ng tiyahin ko.  Alam mo naman, gipit din kami ngayon.  Ayus ka lang naman na mag-isa muna sa pag-uwi diba?”

“Oo Joyce, Ayus lang ako.  Sa totoo nga nyan, ako na itong sobrang nahihiya na sa iyo eh.  Ang laki na ng naitulong mo sa akin.  Ikaw itong naging shock absorber ko these past few days.  Maraming salamat talaga ha.  Baka naluka-loka na ako kung wala ang tulad mo sa tabi ko.”

“Sus, ang drama mo ha!” sabay sundot sa tagiliran ng kanyang kaibigan.

“Kaya nga tayo mag-best friend diba? Oh siya, siya, baka gabihin na ako.  Dun na ako sa kabilang kalye mag-aabang ng jeep na biyaheng Pasay.  Oh, pano kita-kits na lang tayo bukas ha.  If you’ll ever need me, I’m just a text or call away… and remember itago mo din ang mga kutsilyo at blade.”

“Tse! Sira ka talaga. Oh sige nah, magkita na lang tayo ulit bukas.” Ang masayang tugon nito sa kaibigan.

Habang pinagmamasdan makalayo ni Shane ang kaibigan ay tila nakaramdam na naman siya ng kalungkutan.  Tutal ay maaga pa naman, napagpasyahan niyang tumambay muna saglit sa isang malapit na park.  Naupo siya sa isang wooden bench sa may ilalim ng isang malaking puno ng Mahogany.  Doon ay sinariwa niyang muli ang mga pangyayari sa kanyang buhay nitong mga nagdaang araw.  Hindi niya namalayan na dahan-dahan na pa lang dumadaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.  Hanggang sa narealized niya na kailangan na pala niyang umuwi.

Pinili ni Shane na tumawid sa isang di kalakihang private road, ang pinakamalapit na daan patungo sa terminal ng FX na biyaheng Cubao.  Tahimik ang kahabaan ng buong kalye.  Mangilan-ngilan lamang ang mga taong naglalakad sa bangketa. 

Dahil sa matinding kaiisip sa mga nangyari sa kanyang buhay these past few days ay hindi na nakita  ni Shane ang paparating na humaharurot na pulang kotse.  Huli na nang mapansin niya iyon.  Halos mga three feet na lang ang pagitan ay tatama na sa kanyang katawan ang bakal na bumper ng kotse.  Huli na para umiwas.

“Diyos ko!” ang tanging nasambit ni Shane sa sarili…
“Kayo na pong bahala sa akin.”

Napapikit na lamang siya sa mga sandaling iyon.  Hinihintay ang posibleng katapusan.  Nang bigla na lamang niyang naramdaman na parang may kung sinong tumulak at yumakap sa kanya.  Napaka bilis ng mga pangyayari.  Pagmulat ng kanyang mga mata ay natunghayan na lamang niya ang kanyang sarili na nakahiga na sa malambot na Bermuda grass sa isang bakanteng lote malapit sa pinangyarihan ng supposed-to-be na aksidente niya.

“Miss, okay lang kayo?” Isang malambing na tinig ng lalaki ang kanyang narinig.

Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay nakita niya ang isang lalaking nakatunghod at nakangiti sa kanya.  Sa kanyang tantya ay nasa pagitan ito ng edad 23 – 25.  Disente itong pagmasdan sa kanyang suot na powder blue long-sleeved shirt na binagayan ng necktie na may black and silver stripes, black slacks at black leather shoes.  Katamtaman ang kanyang pangangatawan at tangkad.  Sa tantya ni Shane ay nasa 5’7 ito.  Hindi sila nagkakalayo pagdating sa height.  May maliit itong dimple sa magkabilang pisngi na lalong nagpa guwapo dito.

Saglit na natulala si Shane sa kanyang nasaksihan…

“Errr… Miss? Yohooo!? Ang sabi ko, ayos lang ba kayo?”

To be continued...



----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled Congratulations, your vote has been registered!  Shout out goes to the following:

Bino, Olivr, MEcoy, Superjaid, sherene, Umi, Rix, Jei Son, eMPi, 88-Nutty Thoughts-88, jonathan, JonDmur, Wrey Swift, Joy, Senyor Iskwater, Arvin U. de la Peña, Bulingit, Ric LifeNCanvas, Pao Kun, Leah TravelQuest, Xian, Phioxee, ZaiZai, glentot

40 comments:

  1. kainis ka ha! nakakabinit ka naman. hahaha. more pa! when ba ang susunod na kabanata nito? ahahha

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. Excited much ate? hehe :D basta, abangan mo ang next chapter!

      Delete
  3. Maganda ang intro, parang drama sa TV, pero nakakainis dahil bitin. Now na! Lol....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha salamat sir Jonathan. Masyado nang mahaba pag binuo ko yung story dito. Tatamarin ang mga readers hehe :D

      Delete
  4. ayun oh may series! nabitin naman ako! buti naman at di natuluyan si shane!
    wait sana di mangyari ang inisip kong conflict!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-curious naman ako sa iniisip mong conflict parekoy hehe :D

      Delete
  5. Replies
    1. Hehe, abangan nyo po yung next chapter Mommy Joy :D may kakaibang twist!

      Delete
  6. so, chapter 1 pa lang ulam na! hahaha Next na agad! Baka sakaling ma encourage mo ko mag move on sa entry mo na to! hahaha joke!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha may pag move on talaga Kuya Mar? :D

      Naku, abangan nyo talaga yung next chapter!

      Delete
  7. Chapter 1 palang pala to? Kala ko malapit na tayo sa buod ng kwento e hehe. Exciting ha, pero bakit yung guy lang ang may kompletong description (in fairness gwapo sya hehe), how about the girl Shane? Sige aabangan ko to, I won't say bitin kasi I know ganito talaga dapat, yaan mo na nagrereklamong bitin haha. kung tapusin mo naman kaagad ang kwento, bitin pa rin ang komento pareho din. kung mahaba naman tatamarin magbasa at bitin nalang ang komento hahahaha! ay Ewan, sensya na tagal di nakapagbloghop now lang nagkatime ulit, Now na nga lang nang okray pa ano? hehehe. God bless Fiel, ganda ng flow ng kwento, good vibes!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha Ate Gracie! I mishu po :))

      Kaaliw nga yung kumento mo eh... ganito talaga siguro yung style ko ng paglalahad ng kuwento. Masaya yung bitin. Yung tipong pagiisipin mo yung mga readers ng mga ideas for the next chapter haha.

      Basta abangan mo yung next chapter, maraming revalations na mangyayari :))

      Delete
  8. Hehe salamat Wrey :) kaka kilig ba? naku abangan mo ang next chapter XD

    ReplyDelete
  9. hmmm kaya ka pala kinikilig lately kasi eto ginagawa mong kwento. inspired yata si fiel-kun ;-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. asa na karugtong nito fiel pusa?

      Delete
    2. next week Ate Aicy, pramis ipo-post ko na yung karugtong hehe :D

      Delete
  10. oops..to be continued pala....
    sige until next time : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. balik po kayo for the next chapter. di nyo dapat ma miss yun haha XD

      Delete
  11. Feel ko mapapadali ang pag mo-move on ang lola mo....:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. *wink* kindat na lang ako sa kowment mo ate Grah. I won't say much baka magkaroon kayo ng idea eh haha :D

      Delete
  12. Si Edward ba yun? nayupi ba yung kotse? joke lang.hehehehe. :) Aabangan ko ang kasunod. yihiii, si Shane. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha salamat sa comment parekoy :))

      Abangan kung tuluyan na nga bang makaka move on at iibig muli si Shane XD

      Delete
  13. mahaba haba ang kuwento na ito......tiyak may bagong pag ibig na naghihintay kay shane..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pagbasa parekoy... abangan natin ang mga susunod na kaganapan sa buhay ni Shane :)

      Delete
  14. ahahaha ayos sumeserye ka na din nyahahahaha.

    ReplyDelete
  15. those words kaya laging may problema..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayyy ganun? sabagay tama ka jan... sana makabalik ka for the next chapter :))

      and thanks din pala sa pagbisita!

      Delete
  16. ay ikaw pala ang pusang kasagutan ko minsan sa twitter/fb hi hi. Kaganda naman ng kwentong gawa inaantay ko na ang kasunod :)

    Salamat sa pagdalaw sa aking mundo at pagsunod sa GFC - followed u back I'm #191 :) Balik ako dito para mag back read see ya around!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Balut!!! maraming salamat din sa inyong pagbisita. Yep, ako nga yung pusang kakulitan nyo nila Pao at Mecoy sa Twitter/FB haha :D

      Delete
  17. aaahhh .. yun pala ang nangyari .. hehehe .. adik lang nauna ko basahin yung 2nd chapter .. pero ayun, tsk tsk ... kawawang shane ... buti na lang meron na syang bagong super hero ..


    hmm.. papano kaya ito magiging happy ending,,

    yan ang aking aabangan .. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha yun oh! salamat Leeh for reading Chapter 1 :))

      Happy ending ba kamo? Abangan! *wink*

      Delete
  18. bob pede hahaha! maganda nmn ha hahaha!! sira ulong jake un haha!!

    ReplyDelete
  19. sabi na eh.. may biglang susulpot sa dulo, medyo bitin anu kaya ang nexr??

    ReplyDelete
  20. si kuya mar at arvin ang nasa isep ko sa lalaki hahahaha pero parang mas bongga na si zai ata un ha? bwahahahaha ooohhh halalalala i miss u all hahahahah

    ReplyDelete

 
TOP