Loading...
Thursday, July 2, 2015

Usapang Pusa

Hindi lingid sa inyong kaalaman na mahilig talaga ako sa pusa.  Ewan ko ba, mas trip kong mag-alaga ng pusa kesa aso.  Although, gusto ko rin naman ng dog pero biased talaga ako pagdating sa mga pusa haha.  Kaya naman abot tenga ang ngiti  ko nung makita ko itong fb post ng Gamezhero tungkol sa mga iba't ibang gawi ng mga alaga nating pusa.  Allow me to share my thoughts about it.

Ang natatandaan ko, di uso sa amin ang litter box kung saan pwede mag-poo-poo ang mga alaga naming pusa.  Kaya ang ending, mapanghi lagi ang mga sulok-sulok ng bahay namin noon.  Eh nangungupahan lang kami ng apartment, kaya wala talagang malawak na space para sa dumi ng mga pusa.  Bad trip lagi ang nanay ko nun kase sya lagi ang taga-linis ng dumi lol Dati nga sinubsob pa niya yung nguso ng pusa namin sa poo-poo nito, para daw magtanda at di na ulit dumumi sa loob ng bahay.

So far, di naman choosy ang mga naging alaga naming pusa pagdating sa pagkain.  Kahit ano lang kinakain nila.  Yung the usual na tira-tira namin after a meal, sulit na yun sa kanila.  Di naman kami richie-rich para makabili ng cat food.

Based sa experience ko, di ko pa naman nararanasan ang makalmot sa mukha ng pusa habang natutulog.  Pero may naging pusa kami dati, white female cat siya na super sweet at tumatabi talaga sa higaan namin.  One time, nagising na lang ako kase dinidilaan nya yung tenga ko. Nakakakiliti yung magaspang nilang dila.

Haha relate much ako dito.  Halos mamuti na yung mga itim at iba pang dekolor na damit namin dahil sa balahibo ng pusa.  Natatandaan ko pa, pati yung slacks kong itim nung high school, ang dami laging nakadikit na balahibo.

Recently lang may nangyaring ganito sa pamilya ng kuya ko.  China-charge nila yung tablet nila sa taas ng tv, eh lumabas sila saglit.  Pagbalik nila ng asawa't anak nya, ayun nasa sahig na yung tablet, basag.  Sira na.  Ang salarin yung alaga nilang pusa.  Malapit kase sa may bintana nakapwesto yung tv.  Eh dun din dumadaan yung pusa nila, kaya ayun dedz ang tablet lol

Madalas namin gawin ito ng alaga kong pusa lalo na pag nag-ka-cat talk kami haha.  Pero hindi sa bintana.  Sa labas lang ng bahay namin dun malapit sa may gate.  Nakikinood din siya sa mga dumadaang tao sa kalsada.

Yung isang pusa namin dati, sa taas ng tv mahilig tumambay.  Eh ngayon di na niya pwedeng gawin yun, kase flat screen na ang mga tv.  Di na uso yung mga boob tubes.  Sa tuwing ginagamit ko itong laptop, di ko pinapalapit yung pusa namin.  Istorbo eh lol

Naku, gawain din ito ng pusa namin.  Kung hindi patay na daga, mga butiki, ibon, ipis pati palaka dinadala sa loob ng bahay.  Dati meron pa ngang tipaklong saka bulate.  Ang lakas ng trip ng pusa namin haha.

May isa pa nga akong memory sa isa sa mga naging alaga naming pusa dati.  Dun siya mismo nanganak sa higaan namin sa kwarto.  Eh wala kaming kamalay-malay na magkakapatid (tabi-tabi kasi kami noon sa isang room sa pagtulog) kaya nang paggising namin nung umaga, may isang dedz na kuting. Nadaganan ko yung isa.  Kawawa naman tsk!

All in all, siguro mga lagpas sa 15 na pusa na ang inalagaan ng buong pamilya namin simula noong bata pa ako.  Most of them, died of old age.  Sa ngayon, meron akong isang 8 years old na male cat at may bago kaming ampon na female cat.  She's currently pregnant :)

Ikaw mahilig ka ba sa pusa?
Meow!

64 comments:

  1. ahuhuhu.. Cats!

    Naku, di ko na alam kung ilan na ang naalagaan naming mga pusa overall since mga bata pa kami.. Yung oldest miming in the house namin ay i think nasa 6 years old na din. Si Why. So old and grumpy. Lol. Tapos mahilig mangalabit. Yung pinaka-fave ni papa ay si Jude kaso ngayon may bago na, si Tofu na. LOL.

    Very limited lang ang physical encounters ko sa mga miming namin dahil kapag nagtagal, I get allergies. My eyes start to get itchy and red, then I sneeze non-stop then my skin gets itchy as well. Huhuhu.. Alam mo yung every time haharutin ko ang mga pusa namin ay pagsasabihan ako na "Tama na yan. Mamaya mag-momorph ka na naman." Huhuhubels.

    Daming pictures ng mga pusa naming pwedeng pang-meme! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello cher Kat :)
      Haha, habang tumatanda talaga ang pusa, nagiging grumpy na.
      Yung 8 year old na male cat ko nga, mukha nang ermitanyo ahaha :-)

      Too bad, you have an allergy sa mga pusa.
      Hong sarap pa naman makipagharutan sa kanila :d
      Yung pusa ko, hilig kong pisilin yung ilong haha!

      Delete
    2. Ahay yong mengmeng ko sobrng mahal nmin..llke sya at tnong ko lang ..kpg pla llke un pusa mo me times n d sya umuuwi..mnsn dlwng arw..tas alalang alala kmi ..tuld now d n nmn sya umuwi kgv pa..super worried n ko ..kc super love tlga nmn s mengmeng...kc npkalovable nyng pusa..sya un pusang mlmbing..mhhga s lap ko..oh kya pg nkhga aq pptong s dibdib nmn..at don mttlg..o kya mnsn s mukha ko...tas ung gsto k s knya d tlga sya dmudumi s loob ng bhy..kht ihi..tlgbg llbas sya ..mg iingay sya pg nddumi sya or iihi..at d mpkli n tlgng gstng gstng lmbas kya alm n nmn pg nddumi sya..i miss him..sna umuwi n sya..

      Delete
  2. wala sa listahan ang pusa na kangkarot? yung parang kada buwan ay nanganganak haahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahaha. so far wala pa naman kaming nagiging pusa na kangkarot =))
      very conservative ang karamihan ng naging pusa namin.every other year naman sila kung manganak. :))

      Delete
  3. meron kaming pusa dati na close dun sa aso namin... pati nga pagkain nung doggie kinakainan nya rin lol.. yung kapatid kong babae yung ma mahilig sa pusa ... ako kasi m,as prefer ko dog hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang cool din pag magkasundo ang pusa at aso :)
      gustuhin ko man mag-alaga ng dog, ayaw kase ng nanay ko.
      na-trauma na siya dati sa aso nung nakagat yung sister ko lol

      Delete
  4. Haha, love the visuals. Mas gusto ko rin pusa kesa aso, siguro dahil mas ok yung kagat ng pusa. Na-miss ko tuloy pusa ko. I enjoyed this post very much.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Arni :)
      *apir* haha, ako nga quota na sa kalmot ng pusa pero sige pa rin.
      mejo nakakatakot din ang kagat ng pusa, pero mas malakas yata rabies ng aso.

      Maraming salamat sa pagbisita!

      Delete
  5. Lingid sa kaalaman ko kuya na mahilig ka sa pusa! ganun pa man, ye! ako din, biased ako sa pusa, i love all of them. Ewan ko pero yung pusa namin natetrain kong sa labas ng bahay mag poop at higit sa lahat, yes! reliable source ko siya pagdating sa hanapn ng daga. :) Best source ever! :) I love this post!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Koya Steve!!!
      Apir tayo jan! mahilig ka rin pala sa pusa :)
      Hindi lahat ng naging pusa namen masipag manghuli ng daga lols
      Meron akong naging pusa na pinapanood lng ung daga dumaan sa harap nya :-s

      Delete
    2. hahahaha, feeling ko kapag mas malaki yung daga sa pusa panunuorin lang tlga niyaa, may gnyn kaming naging pusa! hahahaha.

      Delete
    3. wahaha naku korek ka jan Steve.
      yung mga daga dito samen, kasinlaki ng pusa lalo na ung galing sa kanal lol :p

      Delete
  6. Ako lang siguro ang mag comment na hindi mahilig sa pusa. Lumaki akong may mga alagang pato, manok, kuneho, kambing, aso at baboy. Hindi na siguro ako nagalaga ng pusa dahil sobrang dami na. Hindi po isang pato, isang manok o isang kuneho ang alaga ko. Hindi ko na lang sasabihin. Anyways, maganda ang pusa at siguro sa pagtanda ko, pusa na ang aalagaan ko dahil pareho na lang kaming nasa bahay at natutulog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello sir Jo!
      Hong yaman, daming alagang hayop sa rancho XD
      Ini-imagine ko na parang old MacDonald had a farm lang ang peg ng bahay nyo :-d

      Delete
    2. O saan ka, may quails pa akong alaga nuon. Isa isa namin silang kinain, wawa naman. Mayroon pa pala kaming fishpond with mini turtles. Pagod na pagod ako kapag weekends.

      Delete
  7. Cat lover! Present!hehe

    Nakakatuwa yung mga pictures ng pusa, though hindi ko naman lahat naexperience sa pusa namin sa bahay.

    Si Yaoming (pusa namin) eh madalas na nakakapasok noon sa kulambo. ewan ko kung anong meron sa kanya at nagagawa niya iyon. Minsan nagigising na lang ako sa kalagitnaan ng gabi, katabi siya tas humihilik pa. Minsan naman me dala siyang decapitated na daga, kaya tuwing umaga, either may dugo sa kumot at banig or me pugot na daga.hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Apir tayo jan Kuya Froi!
      Buhay pa ba si Yaoming? gusto ko syang makita ahaha!
      Kadiri nga minsan yung mga pusa natin, ganyan din sa amin.
      Kaya tuloy ambantot nung kumot namin dahil sa dedz na daga or ipis na dala ng pusa :-d

      Delete
  8. May mga aso kami dati, pero pusa wala hehehe.

    Saka parang di ko rin feel magkaroon ng pet sa bahay, kasi nga kwarto ko pa lang di ko na naaasikaso, pet pa kaya :)

    Na-enjoy kong basahin ang mga experience mo sa pag-aalaga ng pusa, sayang naman yung tablet lol, at hindi ako aware na may 'cat-talk' palang nagaganap :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi ser Jep!
      Ahahaha, baket naman? madali lng mag-alaga ng pusa :)
      Ummm, about cat talk... basta mejo mahirap ipaliwanag kung paano kami nagkakaintindihan ng pusa ko. parang animal instinct ba :))

      Delete
  9. Nice blog layout! :D ang kulit naman ng post na ito! :D buti nalang hindi kami nag pusa hahahahaha :D

    xx,
    Jewel
    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Jewel :)
      Hulaan ko, dogs ang pet sa bahay nyo ano?

      Delete
  10. Wow bago setup ng page ehehehe

    ReplyDelete
  11. Apir Fiel! Mas gusto ko din mga cats. Grabe lang ang tawa / lungkot (nabaliw?) ang naramdaman ko sa panganganak ng isa nyong cat sa kama, na deds tuloy ang kitten.

    Advance congrats sa pregnant cat! At super agree ako sa mga pics ng kabaliwan ng mga pusa haha :)

    ReplyDelete
  12. Naks, ganda ng bagong layout! :) Never ako nahilig sa pusa e (or any pet actually). Feeling ko masyado pa akong selfish para sa ganitong commitment HAHAHA

    www.jhanzey.net

    ReplyDelete
  13. Yong alga Kong pusa Minsan sinusumpong lalapit sa akin iikot sa Binti ko sabay kagat sa Binti ko bakit kaya ganun?

    ReplyDelete
  14. Anyone can answer me.. Ung pusa namin very malambing ee katabi pa ng anak q matulog but my ngyari bigla syang nawala ng 2days nkita ng kpatid sa bubong ng kpitbahay pag uwi samin parang nanibago taz hindi na kumakain puro inum ng tubig matamlay at parang hindi na kmi kilala... Hais ��

    ReplyDelete
  15. paano mag alaga ng kuting nakita ko lang po sa daan at inuwi ko ngayon..please help

    ReplyDelete
  16. cat lover po ako...
    may Persian cat po ako ngayun kuting palang siya ..tapos hung isang back feet na parang lumiyad pilay pilay siya ngayun.. nakakaawa naman ano po gagawin KO??

    ReplyDelete
  17. hello. baka pwede nyo po ko matulungan. nanganak po pusa ko kahapon. ung isa namatay kasi hindi natanggal sa sac. tpos ung isa naman pag uwi ko ngayon knakain na ng pusa ko. yung isang natira kinakagat nya ngayon. ano po ba dapat kong gawin? dinudugo din ung pusa ko ngayon. tulungan nyo po ko. please. thanks.

    ReplyDelete
  18. anong ko lang po pag napilayan po ba yung pusa gagaling pa po ba un kasi po ung pusa namin napilayan siya hindi na tuloy siya makalakad huhuhuhu ano pong pweding gawin? ;-( ;((

    ReplyDelete
  19. Ano ang lunas sa pusa na ayaw kumain at nag susuka.Pasensiya na po kac d ko kayang nakikita ang pusa Kung Hindi makakain ng mabuti.😞😞

    ReplyDelete
  20. Cat and dog lover here...i enjoy reading ur post po...☺

    ReplyDelete
  21. Ako nung bata ako namumulot ako ng mga kuting galit na galit magulang ko..tapos nag hiwalay ang parents ako napunta ako sa tatay ko so mejo pde abg pusa ang problema nmn ung kapatid ko sa ama ayaw sa pusa ayun wala ng chance nung mag asawa nlng ako tsaka ako nagpusa bnilhan ako ng pusa ng asawa ko at kahapon lang bnilahan nya ulit ako..masaya ako at nagkaroon ako ng nemo at luna na pusa hehe ang prob ko lng ung persian ko nanghhuli ng ipis.. poison ba un?4 months plang sya. 😞😞

    ReplyDelete
  22. Nalason po pusa ko😭...walang ganang kumain pero nagamot na po cia .kaso walang ganang kumain..ano po gagawin ko para bumalik yung appetote nia sa pagkain?

    ReplyDelete
  23. Pano po na lalaman na nag lalandi na Ang isang pusa? Tnx po

    ReplyDelete
  24. Naganan ko po pusa ko then pagkatapos nangisay po sya pero mag 22hours na buhay paren po sya ngunit hindi po sya nakakagalaw ng maayos na parang na stroke po kung sa tao. Ano pong dapat kong gawin plss patulungan po ako

    ReplyDelete
  25. una kong inaalagaan na pusa napulot lang nila mama sa palengke tapos inuwi nila sa bahay. tuwang tuwa ako non kase first time namin magkakapusa sa bahay. maliit pa sya pero kumakain na sya non. pero ang nakakalungkot lang namatay sya agad hindi manlang namin nakasama ng matagal, hindi namin alam kung anong dahilan ng pagkamatay nya. nung gabi kase na yon nilambing ko pa sya kinarga ko pa tapos ayon lumabas sya ng bahay tapos after ilang minutes tinawag ko kase kakain na sya pero nakailang tawag na ko di pa din lumalapit kaya nag alala na ko dati rati naman kase lumalapit agad yon. lumabas na ako ng bahay sa sobrang pag aalala tapos tawag ako ng tawag sa kanya pero wala pa ding lumalapit hanggang sa natapatan ko mg ilaw ng flashlight yung bandang gilid ng gate namin dun ko na nakita ang walang buhay na si bambam :( nakakapagtaka lang kase namatay sya ng di namin alam ang dahilan tapos wala syang kasugat sugat o kahit anumang bahid na magtuturo ng sanhi ng kanyang pagpanaw :(

    ReplyDelete
  26. nakapulot kami ni anak ng 3 muning sa kanal, parang 0 day pa lang sila nun. ung anak ko, med student, ginawa nya pinalumod nya sa mga kittens ung pinaka tiniest tube tapos dun sa other end gumamit sya ng pinakamaliit na needle ng syringe. dun namin pinadaan ung milk na pang infant.nabuhay silang 3 na sobrang malusog. grabe talaga ung time na binigay namin sa kanila. para nmakadede ng milk nung medyo kaya na nila, hinihiga namin sila sa kama na may nakaipit na unan magkabilang tabi. parang mga bata nag aagawan sa dede at atenyon. basta dumating kami kanya kanya na silang magpapakarga. ginagawa lang na mga poste ang mga binti namin kaya dapat lagi kami naka pants. kapag matutulog naman, agawan din ng pwesto, guto nilang lahat sa tiyan ni mister. bawal ang kumot kasi tinatanggal nila at dinadala sa banyo. sa kanilang 3(gilas, mia at puti) si mia ang pinakamatalino. kapag sinabihan mo sya na malaki ang bilbil o kaya naman mukhang unggoy, nagagalit. kinakagat kami. kapag ssinabihan naman namin sya na madumi ang paa, tinatago nya mga paa nya at pansamantalang pupunta sa ilalim ng kama at dun maglilinis. to be continue na lang muna.. antok na kasi ako. BTW as of now 10 ang alaga kong pusa. good night for now.

    ReplyDelete
  27. nakakatuwa yung pusa na drawing ah Try mo mga sa blog ko bka magustuhan mo Pinoy Trending Stuffs

    ReplyDelete
  28. Hello...super cat lover kami ng ate ko,Mula Bata pa kami Dina mabilang kng ilang Pusa na Ang naging kapamilya namin...kapamilya namin sila kng ituring namin...sa ngayon 8 nalang Ang pusa namin pero March 1, 2020 ngayon diko mapigilan Ang sobrang pag iyak dahil nawala Ang isa sa kanila at Mahal a Mahal ko..."pino"Ang pangalan nya Mula sa salitang "pinulot"Kasi pinulot Lang namin yon sa palengke...pero matagal na syang andito samin at minahal ko NG sobra...halos diko matanggap,Ang sakit...mas gus2 kopa Kasing namamatay sila sa tanda na o sa sakit na ginawa ko Ang lahat mabuhay Lang pero namatay din Kasi sa ganon inililibing ko sila NG maayos...Ang mawala Lang Ang pusa namin na kahit kunting bakas ay walang naiwan at sobrang napakasakit sa aking loob...at para Rin akong nawalan NG kapamilya..sa pagkawala ni pino at Sana makamove on din ako agad...paalam "pino"Mahal Kong pusa...Hindi Kita makakalimutan..diko mapigilang lumuha pag nakikita ko Ang kanyang higaan...sobrang sakit talaga....

    ReplyDelete
  29. May alaga rin kami mga pusa, at ngaun ngaun lng din pumanaw ung pinkabunso na pusa namin. Naiiyak ako dahil ang lakas nya , walang sakit, naglalaro pasya kagabi at may kahabulan pa na hayop. Hanggang sa tumambay nlng sya sa labas. Nung magsasara na kmi ng bahay ay pinauwi ko naman. Ok naman sya hanggang sa makatulugan ko nakita ko na ok naman sya. Walang anumang bakas na may nararamdaman sya. Dahil ang sigla sigla pa nya. Pero nitong umaga nakita mo na may suka sya , at nakita ko nakahiga sya bandang kusina namin, akala ko ok lng sya, kaya di ko gaano pinamsin, sanay ako natutulog sya kht saan. Pero pgdaan ko sa tapat nya galing ako banyo bgla ko nakita nakanganga sya at bas ng laway kamay nya. Dun nako nag alala kya tinawag ko nanay ko. Pinainom ng tubig na may sugar pero wala , di narin naka survive. Sa maiksing oras na un na ok nmn sya nung gabi kinabukasan wala na sya. Sobrang nkakalungkot, nkakaiyak dahil bebe pa sya. Wala p sya 1year.

    ReplyDelete
  30. May alaga rin kami mga pusa, at ngaun ngaun lng din pumanaw ung pinkabunso na pusa namin. Naiiyak ako dahil ang lakas nya , walang sakit, naglalaro pasya kagabi at may kahabulan pa na hayop. Hanggang sa tumambay nlng sya sa labas. Nung magsasara na kmi ng bahay ay pinauwi ko naman. Ok naman sya hanggang sa makatulugan ko nakita ko na ok naman sya. Walang anumang bakas na may nararamdaman sya. Dahil ang sigla sigla pa nya. Pero nitong umaga nakita mo na may suka sya , at nakita ko nakahiga sya bandang kusina namin, akala ko ok lng sya, kaya di ko gaano pinamsin, sanay ako natutulog sya kht saan. Pero pgdaan ko sa tapat nya galing ako banyo bgla ko nakita nakanganga sya at basa ng laway kamay nya. Dun nako nag alala kya tinawag ko nanay ko. Pinainom ng tubig na may sugar pero wala , di narin naka survive. Sa maiksing oras na un na ok nmn sya nung gabi kinabukasan wala na sya. Sobrang nkakalungkot, nkakaiyak dahil bebe pa sya. Wala p sya 1year old.

    ReplyDelete
  31. Swerte sa bahay ang pusa at nagpapa alis ng badluck at mga bad spirit takot sila sa pusa pag natutulog ka kasama ang pusa di ka malalapitan ng kahot anong uri ng nilalang kaya huwag manakit ng pusa

    ReplyDelete
  32. hello pooo, baka po matulungan nyo po ako. Yung pusa po kasi namin bigla nalang nalumpo tapos di po sya makalakad ng ayos, wala naman po syang bali sa paa o sugat man lang po. Ano po kaya pwedeng gawin. Message nyo po ako if may idea po kayo anong pwedeng gawin, here's my fb acc po: Katherine Mae Sabate Eyay

    ReplyDelete

 
TOP