Loading...
Sunday, September 27, 2015

Gusto ko ng ice candy!


Alright, buti naman at sinapian ulit ako ng kasipagan para makabuo ng isang post kahit bago man lang matapos ang buwang ito. 

Let’s get it straight to the point.

“Post mo, opinyon mo.  Wala akong karapatan na pakialamanan yan.  Post ko, opinyon ko.  Kung naapektuhan ka, then it’s not my problem anymore.”

Ang number one rule ko sa Facebook at Twitter, walang pakialamanan sa kung ano ang nakapost sa timeline ng iba.  Kanya-kanya kasing opinyon yan eh.  Lahat tayo may iba’t ibang take sa mga bagay-bagay at issues sa ating paligid.

Never akong sumugod sa timeline posts ng iba para lang makipag diskusyon or makipag “trashtalk’an” dahil lang against sa aking paniniwala yung kung ano mang nabasa ko sa post na iyon.

Never din akong nag PM or DM sa kahit na sino porke hindi ko lang nagustuhan yung nabasa ko sa pinost nya.  Yun ang paniniwala nya eh at hindi na dapat pang panghimasukan.

Kaya natatawa na lang ako pag may bigla-biglang magp-pm or dm sa akin at pagsasabihan ako ng kung anu-anong ka-negahan dahil lamang sa hindi nya nagustuhan yung ipinost ko.  Ano yun, wala na ba akong karapatan magpost sa sarili kong timeline at kailangan mo pa talagang manghimasok sa bakuran ng iba? Haha.   It only means na siya itong sobrang affected.  Mag-effort ba naman na i-pm/dm ka eh.

Hindi ko rin ugali ang basta-basta na lamang mag-a-unfriend sa facebook kung wala rin lang mabigat na dahilan.

Kaya natatawa na lang ulit ako sa kababawan ng ibang tao na bigla ka na lang i-a-unfriend dahil lamang may naipost kang something na di nila nagustuhan lalo na kung tungkol sa pucho-puchong "fandom war" na yan.

Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na solid Kapamilya fan na ako noon pa man.  Kahit noong hindi pa man nauuso yang dalawang pantanghaling love teams ng magkalabang network ay very vocal na talaga ako sa pagsuporta sa Dos.   Kung matagal ko na kayong friend sa facebook at followers ng blog na ito, alam na alam nyo yan J  So very obvious naman kung saan ako papanig diba?

I also know my limitations.  Hindi porke nakikisali ako sa “fandom wars/network wars” na yan ay wala na akong paki-alam sa iba pang mga mahahalagang issues ng ating bansa.  FYI lang, as early as now ay meron na akong listahan ng mga napupusuan kong mga kandidato para sa National Elections next year.  Tumutulong din ako sa social media campaign ng Apple Drive Project ni Sir Rj Garcia on facebook.  His advocacy aims to educate parents and children of impoverished areas of the Philippines the importance of proper hygiene and healthy eating.  Alam ko din ang dahilan kung bakit laging nakaupo ang papel ni Apolinario Mabini sa Heneral Luna movie haha /joke

So ayun lang and I will end this post with this kowtabol-kowts:

“I’m responsible for what I post.  You’re responsible for what you understand.”


Tara kain na lang tayo ng ice candy!
Next
This is the most recent post.
Older Post

33 comments:

  1. Intense! Tama naman na may opinyon ang bawat isa sa atin. Hindi na dapat panghimasukan kung hindi ka sang ayon. Different opinions make the world unique. Respect is what we should practice then.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi sir Jo!
      Wahaha. intense ba? hindi naman masyado :d
      You nailed it sir Jo *apir*
      Kaya gustong-gusto ko ang mga comments nyo kasi isa kayo sa mga kilala kong blogger friend na may malawak na pang-unawa sa mga bagay.

      Respect is the keyword here :)

      Delete
  2. Go lang sir Fiel! Tulad nga ng motto ng mga pabebe girls - "Walang makakapigil sa'yo." :)
    Nosi balasi hehehe.

    ReplyDelete
  3. hihi. minsan kasi gusto lang talaga nila magpapansin. :)) well, mag-one year na akong walang pesbuk account. :) hello fiel!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahooyyyy Myx! tagal mong absent ah XD
      haha yeah, mga KSP lng talaga sila.

      uu nga pala, anyare sa fb mo? kala ko tuloy i-unfriend moko wahaha! :d

      Delete
    2. :d buy busyhan ulit. Pero ill try to be active now. Kasi mawawalan na ako ng trabaho ngayon. 1 month na lang endo na. Kamusta ka? Lovelife? Hihi

      Delete
  4. I FREAKING LOVE THIS POST. GANYAN DIN AKO, Pagkapost ko about ALDUB in an everyday basis na ginawa ng Diyos, may nagparinig ako, parang ewan lang diba? nakakatawa, sobra silang affected sa opinion natin! hahaha.APIR!

    I have nothing against aldub/pastilass pero mas ayoko tlaga sa pastillas, hahaha,. ang ayoko lang ineera sa hindi naman dapat i ere na araw, istasyon, dahil mas mahalaga para sa kin ang social issues. pati magazine shows diba? parang ewan lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahaha Steve!
      Di na kase ako makatiis eh hanggat di ko nailalabas ang mga saloobin ko.
      Buti na lng may ganitong klase ng platform para i-vent out lahat ito lolz
      Madami kase sa paligid ang mga "know it all". Akala nila, alam na nila ang lahat.

      Salamats! :d

      Delete
  5. I feel you Fiel-kun, though wala naman akong pinapanigan sa mga ganyan.
    At panalo yung kowtabol-kowts. :)

    ReplyDelete
  6. tama ka jan parekoy.. everyone is entitled to their own opinion at dapat yun respetuhin... grabe naman yung mangun-friend dahil lang dun... hindi naman siguro yan batayan ng pagkakaibigan ...
    pero aaminin ko... may crush ako kay maine LOL... peace tayo huh ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahaha parekoy. ganun lng siguro talaga kababaw ang ibang tao. intindihin na lng naten sila :)
      Ahaha, no problem with Maine... si JDL lng tlaga ang di ko gusto lol

      Delete
    2. ay naku ayoko din sa kanya .. I don't like his way... you don't have to drag other down to make other people laugh diba? Kaya nga I admire Micheal V kasi di nya kailangan manghamak ng iba para lang magpatawa hehe

      Delete
  7. natawa ako sa nagDDM pa...
    pede namang unfollow sa fb at mute sa twitter kung sakaling it rubs them the wrong way sa post mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep naku sir Khants lalo na nung kasagsagan ng issue about inc lol
      ahaha, wala eh. ganun talaga kababaw ang ibang tao XD
      :d

      Delete
  8. Tama na yan kain na lang tayo ni tonyo hahaha

    ReplyDelete
  9. hahaha. chill lang. ice candy-sili flavor pa more!

    ReplyDelete
  10. I both love Pastillas and Aldub and I don't see any valid reason para kamuhian ang kahit isa sa kanila. I just don't get those narrow-minded people who spend so much of their time just to drag others down. They're both making people happy so why hate them?

    I really love this post. This must be read by netizens with pea-sized brain baka sakaling mamulat sila na there's no need to fight.

    ReplyDelete
  11. Basta ako abs cbn ang gusto na istasyon.

    ReplyDelete
  12. Công ty cổ phần in Hồng Đăng in ky yeu in phong bi mong muốn trở thành công ty chuyên nghiệp mau the nhan vien
    In thẻ VIP nhất về các dịch vụ thiết kế in ấn và quảng cáo.Mẫu kỷ yếu đẹp
    Mẫu phong bì đẹp Hoạt động hiệu quả, công ty in tại Hà Nội Tăng trưởng bền vững dựa trên nền tảng hài hoà in giấy khen giá rẻ
    in kẹp file giá rẻ lợi ích giữa các bên hữu quan.Luôn coi khách hàng là trung tâm của mọi công việc, là đối tượng phục vụ quan trọng nhất. Chất lượng công việc, tiến độ thỏa mãn yêu cầu khách hàng là ưu tiên số 1 in bằng khen tại Hà nội
    in bao lì xì coi trọng mối quan hệ lâu dài,thiết kế in ấn phát triển nhiều đối tác mới,in offset phát triển dựa trên sự tôn trọng của các bên. Với tiêu chí in thiệp chúc mừng năm mới
    in catalogue giá rẻ gắn kết bển lâu - Cùng nhau phát triển


    ReplyDelete
  13. MOST VALUABLE PLAYER
    1. LeBron James, Miamixưởng in lịch tết
    2. Kevin Durant, Oklahoma Cityinlịch độc quyền
    3. Chris Paul, L.A. Clippers in lịch để bàn chữ a
    4. Russell Westbrook, Oklahoma City in lịch để bàn chữ M
    5. Carmelo Anthony, New York In lịch lò xo 7 tờ
    Second Team
    G Kobe Bryant, L.A. Lakers
    G James Harden, Houston
    F Carmelo Anthony, New York
    F Blake Griffin, L.A. Clippers
    C Marc Gasol, Memphis

    ALL-NBA TEAMS
    First Team
    G Chris Paul, L.A. Clippers in lịch để bàn giá rẻ
    G Russell Westbrook, Oklahoma City in kẹp file tại Hà Nội
    F LeBron James, Miamimẫu kẹp file tài liệu đẹp
    F Kevin Durant, Oklahoma City báo giá in kẹp file
    C Tim Duncan, San Antonio thiết kế kẹp file

    Third Team
    G Dwyane Wade, Miami
    G Tony Parker, San Antonio
    F Chris Bosh, Miami
    F Al Horford, Atlanta
    C Brook Lopez, Brooklyn

    ReplyDelete
  14. MOST VALUABLE PLAYER
    1. LeBron James, Miamixưởng in lịch tết
    2. Kevin Durant, Oklahoma Cityinlịch độc quyền
    3. Chris Paul, L.A. Clippers in lịch để bàn chữ a
    4. Russell Westbrook, Oklahoma City in lịch để bàn chữ M
    5. Carmelo Anthony, New York In lịch lò xo 7 tờ
    Second Team
    G Kobe Bryant, L.A. Lakers
    G James Harden, Houston
    F Carmelo Anthony, New York
    F Blake Griffin, L.A. Clippers
    C Marc Gasol, Memphis

    ALL-NBA TEAMS
    First Team
    G Chris Paul, L.A. Clippers in lịch để bàn giá rẻ
    G Russell Westbrook, Oklahoma City in kẹp file tại Hà Nội
    F LeBron James, Miamimẫu kẹp file tài liệu đẹp
    F Kevin Durant, Oklahoma City báo giá in kẹp file
    C Tim Duncan, San Antonio thiết kế kẹp file

    Third Team
    G Dwyane Wade, Miami
    G Tony Parker, San Antonio
    F Chris Bosh, Miami
    F Al Horford, Atlanta
    C Brook Lopez, Brooklyn

    ReplyDelete
  15. Mẫu thiết kế logo quan cafe đẹp và ấn tượng
    Chuyên thiết kế logo my pham đẹp và sang trọng
    Làm logo spa salon chuyên nghiệp
    Cần thiết kế logo nhà hàng đẹp
    Mẫu thiết kế logo thoi trang sinh động, fasshion
    Cung cấp logo noi that cho các công ty
    Thiết kế logo công ty trong và ngoài nước
    Thiết kế logo xay dung cho các tập đoàn
    Mẫu logo xe hoi đẹp
    Chuyên cung cấp dòng xe mercedes chính hãng haxaco tại TP.HCM/Cần Thơ/Hà Nội

    ReplyDelete
  16. Kumusta na..salamat sa pagiging bahagi sa walong taon ng blog ko..thank you....isa ka sa pinapasalamatan ko....

    Happy 8 years......

    ReplyDelete

 
TOP