Loading...
Sunday, January 5, 2014

A blogger's meet up with Sir Jonathan, Cher Kat, Arvin, Geosef & Rix

Ika-4 ng Enero, taong kasalukuyan.  Around 2:30 PM. Ang itinakdang petsa at oras ng pagkikita-kita.  Maraming "First time" ang nangyari sa araw na ito.  First time kong makita at makilala ng personal si sir Jonathan Yu of Metaphorically Speaking na kakauwi lang mula Thailand para sa 10 araw na bakasyon,  nanjan din sina Arvin of Chateau de Archieviner, Cher Kat of Saturday Thoughts, Geosef of Alfabeto Della Mia Vita at syempre, meron din beterano na sa mga blogger's meet ups at second time ko nang nakita; si Rix of Rixophrenic.

Arvin, Sir Jonathan, Rix, Me & Cher Kat
(For some odd reasons talaga, I'm a bit conscious sa pic ko na toh lol)
Thanks to Geosef , ang aming official photographer

Ang napagkasunduang first meeting place ay ang PureGold San Mateo branch.  Sa kanilang lima, talagang si Sir Jonathan pa ang naunang dumating LOL.  Pangalawa ako syempre. Tumambay kami saglit sa Jollibee.  Gusto na nga sana namin umuwe dahil ang tagal nilang dumating (lol)  Anong petsa na? Ang dami na naming naubos na sundaes at softdrinks ni sir Jonathan.  Marami na rin kaming napag-usapan tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa mundo ng blogging at mga fellow bloggers.  Maging ang mga personal na buhay nila Rix, Arvin, Cher Kat at Geosef ay napag-chismisan na rin namin --- pero syempre, joke lang yun hahaha!  Then ayun na nga, dumating na rin sila sa wakas.  Nagpakiramdaman, nagkamustahan, nagkulitan, nagbigayan ng mga pasalubong, kumain at picture taking, nang magsawa na sa kuwentuhan, akala ko ay time to go home na for me, pero bigla naman nila akong kinaladkad papuntang Marikina River Banks

@River Banks Mall, Marikina City
Sir Jonathan, Rix, Cher Kat, Me & Arvin

As usual, ang mahiyaing si Geosef ang aming photographer sa larawang ito.  Nasa aming likuran ang famous na World's Largest Shoes (made from Marikina of course) na naitala sa Guiness' Book of World Records noong December 2002.  Natakot pa nga ako para kay Geosef dito dahil nasa gitna siya ng busy road while he was taking this photo.  

Napag-tripan din namin sumakay ng Horror Train na matatagpuan sa isang mini carnival sa tabi ng Marikina River Park.  Sa halip na matakot eh natawa lang ako.  Tanungin nyo na lang sila kung bakit ahaha!  Then tambay mode kami saglit sa gilid ng River Park.  Umupo sa isang tabi.  Nagmuni-muni. Kalikot at pindot sa mga dalang gadgets.  Nagbilang ng mga dumadaang tao sa paligid at pinanuod ang mga nag-i-skate board habang naririnig mo sa background ang creepy sound effect nung Horror Train.  After magsawa sa pagtambay, kinaladkad naman nila ako patungong SM City Marikina na tanaw mo lang sa kabilang ibayo ng ilog.  Kumain ng dinner sa Chicken Charlie at nag-videoke sa Quantum.  Di po kami kumanta ni Sir Jonathan. Ang mga belter lang na sila Cher Kat, Arvin, Geosef at Rix ang kumarir sa videoke machine *evil grin* At syempre after ng videoke sessions, uwian na... for me.  Pero sila, naku mga adik talaga sa galaan. Walang kapaguran.  Sinulit ang buong magdamag!

Seriously speaking, I really had a grand time with you guys!  Kahit di planado yung pagpunta natin ng Marikina River Banks at SM City Marikina ay natuwa ako ng sobra sa araw na ito.  Maraming salamat talaga sa inyong time and effort.  I really appreciated it! 

Sir Jonathan Yu - Sobra ko po talagang na-appreciate ang kabutihang ipinapakita ninyo sa akin at sa genuine friendship.  Maraming salamat po for being so generous to me, kahit unang beses pa lang natin magkita.  Huge thank you po dito sa inyong mga pasalubong!

Cher Kat - Your bubbly and sweet personality really made me happy today.  Maraming salamat sa gift na isang box na Choco Crinkles.  I really appreciated it.  Say hi to Pete for me ^_^

Rix - Naku, ikalawang beses na naming magkita ni Rix today.  Halos wala pang isang buwan nung una kaming magkita-kita nyan with Anthony.  Wala akong masabi sa taong ito, keen observer talaga at magaling bumasa sa behavior ng isang tao.  Maraming salamat ulit sa pag-sama mo sa meet up sa ikalawang pagkakataon.  Much appreciated.

Arvin - Thanks a lot for being soooo generous.  Nahiya talaga ako ng sobra lol Maraming salamat sa araw na ito, I really appreciated it.  Natawa ako nung nabanggit mong same kami ng tone ng boses ni Geosef.  Ang layo kaya, itanong mo pa kay Sepsep XD 

Geosef - Ang mahiyain, tahimik at misteryosong si Sepsep! Nais din kitang pasalamatan for tagging along sa ating meet up today.  Thanks a lot for the company, I really appreciated it too!


At jan nagtatapos ang kuwento ng aming mini adventure for today. Bow!

67 comments:

  1. hello Fiel! :) woohoo! Happy New Year sayo :) great start yan ah. sana nakasama ako dyan :) ingat lagi!

    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Jewel :))

      naku, kelan kaya ako makakarating jan sa inyo sa Cebu?

      Delete
  2. Yey ang saya! I'm soo happy seeing you guys together. Sa group na eto talo na na-meet ko ng personal. Si Arvin, Kat and Jonathan. Kelan kaya tayo magka-kaladkaran Fiel??? LOL :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, natawa ako sa salitang "kaladkarin" lol

      isa na yata akong pusang kaladkarin *evil grin*

      thanks ate B!!!

      Delete
    2. Palitan mo na title ng blog mo.... Fiel, ang Pusang Gala

      Delete
    3. Pwede! pero hindi naman travel blog itong espasyo ko hihihi :D

      Delete
  3. Someday sasamo ako sa inyo ha :) haha

    ReplyDelete
  4. Si kat at si sepsep ang tunay na belter eeeeeee...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, si Sepsep tatahi-tahimik pero mahusay pala sa videokehan lol

      pati si cher Kat, isang songer na pusa hihihi XD

      Thanks din Rix for being the "sub admin" for today nyahahaha.

      Delete
    2. Sino kaya ang naka 99, aber? Galing ninyong kumanta, nahiya me!

      Delete
    3. nyahahah tsamba lang po yun.... May sariling buhay yung videoke machine lolz.

      Delete
  5. Next time hope makasama na si grandma:)
    Pero mabored kayo sa akin. Pag kumanta pa ko, parang frog:)))
    Di puede din puyatan, may curfew ko sa mga anak ko:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I dont think so mommy Joy. Na meet na po kita kaya I know di kayo boring kasama :D

      Delete
    2. Mommy Joy!!!! *biggie hugs* sana nga po, ma-meet ko rin kayo one of these days :))

      Yan po ha, si Rix na ang nagpapatunay na hindi kayo boring kasama hehe :D

      Delete
  6. May dahilan kung bakit ang mga tao ay nagkakakilala at nagiging iisang puso at pag iisip. Hindi lamang sa kanilang mga isinusulat kung hindi na rin sa kanilang layuning maging makatao at magkaroon ng mga kaibigan. Sa mundo ng pagsusulat, ang mga letra na ating hinahabi ay nagiging isang katotohanan kapag nagkakaharap ang mga may akda. Isang malaking sugal pero kailangang gawin. Kung naging mga kaibigan, isang tagumpay. Kung sila man ay dumaan lamang panandalian, isa rin siyang bagay na may kapupulutang aral.

    Ako ay nagpapasalamat ng marami sa iyong kabutihang puso at mapagkumbabang pananaw sa mga bagay bagay. Isa kang mapalad na tao dahil na rin sa iyong taglay na kaisipan. Ngunit ako ay higit na mapalad sapagkat ikaw ay aking naging kaibigan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako ay sumasang ayon sa sinabi mo Sir... Isang karangalan ang makilala namin kayo...

      Delete
    2. Hindi talaga ako agad nakapag-react ng mabasa ko itong comment nyo sir Jonathan kaninang umaga. Sobrang salamat po talaga sa time, effort at sa generosity nyo :))

      Natutuwa din po ako at we share the same sentiments tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa blogging, the people around it, at sa ilang personal things na rin.

      Cheers for the friendship!

      Delete
    3. Habaan na ito para maging isang post na rin. Hindi ka maka react kasi kagigising mo lang. Ako ay uuwing masaya kasi nga nagkaroon ako ng mga kapamilya, hindi po ang tv station, kungdi mga pet cats and fellow monkeys, ha,ha,ha. Lagot ako dito!

      Delete
    4. Ahahaha. sino kaya yung mga "monkeys" na yan? *evil grin*

      Delete
    5. Grabe ang comment ni Jonathan pang-balagtasan lol

      Delete
  7. Wow! Glad to see you guys had fun. Hoping na one day ma meet ko rin si Sir Jonathan - hehe! Alam ko na dadayuhin ko nalang pala siya sa Bangkok kasi doon naman siya naka base eh haha. Wishful thinking - hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, lumipat na po ako, ha,ha,ha. Gusto ko din ma meet ang daddy jay ng mga bloggers.

      Delete
    2. Ayan ha, si Sir Jonathan ang gustong ma-meet ni Daddy Jay at hindi ako hihihi XD

      Delete
    3. Aw, selos agad si Fiel hahaha..siyempre both of you hahaha, in different occasion nga lang siguro. Kasi di naman kayo pareho ng lugar or magkasama parati haha

      Delete
  8. Natumbok na ni Sir Jo ang nais ko ding sabihin. Salamat Fiel, ang saya ko din nang araw na iyon, nakita ko in flesh and blood ang aking kapwa pusa! Hihi... In fairness, sa una mahiyain ka pero nung nasa Chicken Charlie na tayo, madaldal kna! Hehe. Whenever you comment on posts, I know you always put a piece of yourswlf on it, hindi lang basta-basta comment. The positivity that you try to put in every words you say makes me so grateful that I have come to know you. And its really nice to be able to sit beside yoy and hear your giggle and laughter that you always try to include in the emoticons :) Salamat! Salamat din kay Cher Jo. He had always been one of the few bloggers I look up to. Sobrang idol sa humility, generosity, super cool and on-the-go! Hihi. Working on my post too. Kaso sira ang laptop ko so sa journal ko muna :) *pusahugs*

    ReplyDelete
    Replies
    1. uulitin daw ulit... Sasayaw na daw ikaw lolz.

      Delete
    2. Alam na kung saan dadalhin si cher kat!

      Delete
    3. nyahaha tama... next time dapat may video na na tayo ng videoke at sayaw sayaw na game lolz

      Delete
    4. @Cher Kat - thanks a lot for this sweet message Cher Kat :)) *blush*
      *squishy cat hugs*

      @Rix @Sir Jonathan - naaayyyy anu yang sayaw sayaw na yans? lol

      Delete
    5. Magpraktis ka na diyan sa lungga mo dahil pag bumalik ako ikaw ang magiging star dancer namin, ha,ha,ha. The Cat Dance by fiyel.....

      Delete
    6. Waaaahhh noooooo! ayaawwwww nyahahaha :D

      Delete
  9. sa susunod, ikaw na ang magiging prince of EB fiel-kun. hihihihi. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, mas gusto ko ang Prince of Tennis. maiba lungs hihihi XD

      Delete
  10. 1. mahiyain si sepsep?
    2. gusto ko rin maghorror train!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. hay naku, cguro dahil kakakilala nya pa lang saken kaya ganun siya ka tahimik. pero, mukha naman silang magkasundong magkasundo nila Arvin at Cher Kat that time. sila madalas naguusap lol

      2. naku, basta wag lang ung horror train sa may river banks Marikina. epic fail XD

      Delete
    2. Sorry Fiel, may pinagdadaanan lang. *hahaha!* Nice to meet you. Next time ulit. :)

      Delete
    3. Ahahaha. ganun ba? pansin ko nga sa mga status post mo sa fb eh #emomode :D

      salamat din Sepsep!

      Delete
  11. Naks, nawiwili na sa mga meet ups! Great start for new year!

    Happy new year sa inyo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman ahaha :D di na kase nakapalag ang pusa nang hinagisan ng pokeball lol

      Happy New Year din Pao!

      Delete
  12. nice meet up...ang di lumalabas na si fiel siya na ngaun ang number one sa EB. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. correction please... paki tanggal na ang salitang "di lumalabas" *evil grin*

      Delete
  13. Sabi nga nila minsan kailangan din natin makisalamuha sa mga taong hindi natin kilala dahil malay natin sila pala ang magiging totoong kaibigan natin. Masaya ako at naenjoy ninyo ang ganitong pagsasama...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wuy, may bago akong visitor. Salamat po :))

      Tama po kayo jan *thumbs up*

      Delete
  14. Sounds so, so fun! I've always wanted to have a meet-up with local bloggers like this too! I'm so jealous! Haha. Glad you had fun :)

    Anyway, I really think you're like a "mahinhin" and gentle type of guy base on the way you write and how you are in these photos! Hehe. Guess lang :P

    Have a good day!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wanna see my dark persona? ahaha, just kidding.

      Thanks Czarina Mae :)

      Delete
  15. nice umaeyeball ka na talaga :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha :D

      naku Kuya Bino, sila lang naman tong mapilit na makita ang pusa eh XD

      Delete
  16. ay nakuh sa inyo as usual hanggang inggit lang ako! hahahaha para kang si cinderella feyel! talagang umuwi ka before 12? hihiihihi (sabay batok sa ulo ng pusa) hahahaha kelan naman kaya din yong panahon ko! langya eh! luging lugi na ako! hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hay naku Lala, mag migrate na kase kayo malapit dito sa Maynila lol

      iba na kase ang time zone jan sa CDO eh... kelangan pa yata i-adjust ang mga orasan pagpupunta kami jan ahahaha chos!

      Delete
  17. Nice meeting you fiel. Sa wakas nagkita narin tayo. Sana maulit patong meet up batin. kakanta kana ah. Magpraktis kana ngayon. Salamat din dahil nakaladkad ka namin kahit san. Haha

    Happy New Year. Kita kits ulit ah. Oh yan binisita ko na ulit blog mo ah. Wag na tampo. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha, anong tampo pinagsasasabi mo jan? di naman KITA nire-required or ANY of my followers na bumisita/kumento sa bawat post na ginagawa ko dito (you have your own free will na gawin ang gusto nyo) ang sa akin lang, sana 'wag kayong makalimot. yun lng. hindi rin kase ako nakakalimot sa mga taong naaalala ako. that's simple dba? *wink*

      naku, singing ba kamo? puro anime songs lang alam ko *evil grin*

      salamat ulit sa masayang meet up!

      Delete
  18. Nahalata ko nga.. ang hilig mo sa meet up Fiel.. hahaha.. seriously? nag ipon muna ng courage? lels.. Sayang.. Di ako nakasama.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, hindi lng kase busy ung mga bloggers na na-meet ko kaya ayan, sinamantala ang pagkakataon hihihi XD

      Delete
  19. Ang saya naman! :D Andami mong kameet up! Sama ako minsan! Hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes, enjoy talaga :) sure, sama ka rin Jhanz :))

      Delete
  20. Dahil ba anonymous blogger si Geosef kaya sya ang photographer? Hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, looks like di na rin anon si Geosef. ang dami na rin naman nyang nasamahang eb at madalas yata silang nagkikita nila Arvin at Kat. Camera shy should I say? Kaya ung mga pics nya, puro patago or nakatalikod *evil grin*

      Delete
  21. Gusto ko ang ganyang bloggers' EB, daming ganap! Nakarelate ako sa horror train, di pala nakakatakot, nakakagulat lang kasi ginugulat ka naman literally. Ang nangyayari, hinahambalus ang mga kawawang nilalang na nakaharang sa daan hahaha. Advice ko? Magdala ng payong! Hahaha joke lang, wag kawawa rin e.

    ReplyDelete
  22. nice looking forward na mameet din kita one of this days parekoy!
    Its been a while since nakasama ko sa get together ng mga bloggers

    ReplyDelete
  23. Ang saya, sana tayo soon kuya. :D

    ReplyDelete
  24. lumelevel up oh. nakiipag EB na din siya :D

    ReplyDelete
  25. ayun oh . lumelevel up na siya. nakikipag EB na . ayos :D

    ReplyDelete
  26. Sayang ndi ako nkasama :( next time pipiliin ko na ang mga kaibigan kesa sa work lols

    ReplyDelete

 
TOP