Loading...
Wednesday, January 1, 2014

Thank you's and some realizations of the past year


Hey, yoh! Kamusta naman ang lahat?  Kumpleto pa ba ang inyong 10 little fingers, the left and the right? Yes? Good!  Sana ay naging masaya ang pagsalubong ninyo sa taong 2014.  I’m sure marami pa sa inyo ang may hang-over at wala pang mga tulog.  Pero, ayos lang yan.  Ang mahalaga naman ay naipagdiwang ninyo ang bagong taon ng masagana at makabuluhan kasama ang inyong mga kapamilya.

  • Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng mga kaibigang bloggers na naging bahagi ng munting espasyo na ito sa nagdaang taon na 2013.
  • Maraming salamat sa aking mga kaibigang naging totoo at sinsero sa kanilang mga salita.  Naramdaman at na-appreciate ko po ng sobra iyan.
  • Maraming salamat sa iyo na tumanggap at yumakap sa aking mga kakulangan, kalokohan at ka-emohan.
  • Maraming salamat sa iyo na patuloy na nakaka-appreciate sa aking mga blogpost, mahaba man ito or maikli; may kwenta man or wala.
  • Maraming salamat sa iyo na walang sawang bumibisita at nagdadagdag ng “page hits” sa pahinang ito.
Syempre, after ng ilang pasasalamat, nais ko rin naman ibahagi sa inyo ang ilang mga bagay na natutunan at na-realized ko sa nakalipas na taon:

  • Hindi lahat ng taong nakikilala at nakakasalamuha mo ay magiging totoo sa iyo.  Karamihan sa kanila ay mga nagpapanggap na mabuti lang.  Marami sa kanila ay sa simula lang magiliw sa iyo.  Pero sa paglipas ng panahon, makikita mo, unti-unti ka na rin nilang makakalimutan.
  • Nakakapagod rin pala yung habol ka ng habol sa taong inakala mo ay may pagpapahalaga sa iyo.  Isang malaking katangahan ang patuloy na habulin pa ang isang taong ni kahit minsan ay di ka man lang nagawang lingunin.
  • May mga taong sagana lang sa salita.  Kulang naman sa gawa.  Yung mahilig mangako.  Hindi naman pala kayang pangatawanan.  Kaya in the end, nga-nga ka!
  • Hindi rin katanggap-tanggap yung sasabihan kang "busy" siya. Pero makita-kita mo, sa iba may panahon siya.  Isang malaking BS!
  • Huwag tayong pipili ng kaibigan na magpapayong lamang sa atin sa panahon ng tag-ulan.  Piliin natin ang kaibigan na makapagbibigay sa atin ng pananggalang sa anumang uri ng panahon.

Kaya ngayong 2014, dapat maging mapagmatyag, mapangahas... matanglawin! *evil grin*

Happy New Year!


25 comments:

  1. I'm glad to have discovered your blog before the year ended :) Couldn't agree more sa mga realizations mo. Hope you have an amazing year ahead! Happy New Year to you! xx

    ReplyDelete
  2. Mukhang malalim ang pinaghuhugatan ng mga realizations mo ah. Mukhang naging makulay ang 2013 mo. Mabuti at marami kang natutunan. :)

    ReplyDelete
  3. hehehe, mabigat nga yung mga realizations mo. lahat tayo e dumadaan ata dyan. at pagkatapos naman nyan, tanggap mo na yan for sure at maiintindihan mo na rin sila. isipin mo na lang na ganon talaga. minsan tayo din kasi, akala natin lahat e friends natin. hahahaha. basta tayo pre, friends tayo ah. Happy new year. :D

    ReplyDelete
  4. Feel na feel ko mga sentiments mo. Dahil ako po ay hindi lamang nagbabasa ng mga posts mo, I also observe people who passes by your blogging home. Sa totoong realidad, hindi lahat ng babati sa iyo at may ngiti ay magiging kaibigan mo. Minsan ang tao ay daraan lamang dahil may matutunan ka sa kanila. Sabi nga, to be happy, give more, expect less! In your case, you have done your part and kudos for that effort. Gusto mo gumawa ako ng post and give true to life examples with names, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
  5. "Hindi rin katanggap-tanggap yung sasabihan kang "busy" siya. Pero makita-kita mo, sa iba may panahon siya. Isang malaking BS!".. Nakarelate ako with that line.. A few of my so called friends are always busy.. They probably just want to move on

    ReplyDelete
  6. Salamat din Fiel-Kun for showing interest sa mga sinusulat namin. Ikaw na yata pinaka faithful sa mga bumibisita sa blog ko. I should give you a medal for that. Pag nagkita tayo one day, I will give you a big hug if you allow me:)
    Your comments always warms my old heart and makes it younger:) Your mother is very lucky having you as her son. Very thoughtful young man.
    I wish you all God's best this year and the years to come.
    ANyway, Jonathan, I will wait for your post about us:)

    ReplyDelete
  7. I feel you but better leave the bad vibes behind and hope for the better days to come.
    Happy new year! Thanks for adding me sa FB :)

    ReplyDelete
  8. "Nakakapagod rin pala yung habol ka ng habol sa taong inakala mo ay may pagpapahalaga sa iyo. Isang malaking katangahan ang patuloy na habulin pa ang isang taong ni kahit minsan ay di ka man lang nagawang lingunin."

    HARD, and unfortunately, true. Wala kasi tayong magagawa sa mga taong ganyan. Darating at darating din siguro ang panahon na makakatagpo mo ang taong hindi gagawa nyan. Hehe. Happy new year!

    ReplyDelete
  9. happy new year parekoy it's been awhile. been busy too. haha apir!
    ramdam koall lahat ng realizations. good vibes =)
    cheers!

    ReplyDelete
  10. Happy New Year! Ramdam ko ang pinaghugutan mo... minsan ganyan talaga...

    enjoy lang....

    ung iba diyan naramdaman ko din... lalo na ung para kang naghahabol....

    --- ako naman... nakaranas... ung feeling na gusto mong maging kaibigan ang isang tao o maging part ka ng group pero ramdam mo na ayaw nila sayo... o sa simula lang pero paglipas ng araw parang wala lang...

    ReplyDelete
  11. I love your realizations... Super spot on! Most of them, na-realize ko rin... buti na lang nasabi mo...hehehe

    ReplyDelete
  12. Aray ang sakit haha, tinamaan ako sa ibang sinabi mo lalo na yung di tayo nagkita last vacation, nangako ako pero napako haha, di bale, natawagan naman kita at nakausap ng personal at nanghingi ng dispensa which I think is the best part - reaching out :) :)

    Buti nalang wala ako na meet na nai plan ko talaga aside from you. Good thing ang na meet ko ay puro super spot on lang at naisingit lang sa 'busy' kong time. Hehehe.

    Happy New Year Fiel!

    ReplyDelete
  13. HAPPY NEW YEAR Fiel!!!!God bless. Ingat sa pagpili ng mga kaibigan. may ilan na nandyan lang kasi may kailangan :)

    ReplyDelete
  14. Happy new year fiel! May hint of emo-ness ang post nato. Hehe.

    ReplyDelete
  15. hindi ko alam kung paano mag cocomment kasi mukang pareho tayo ng sentiments eh nyahahahaha.... kaya pala...hmmmm chatroom? lolz

    well ganun talaga ang buhay its a constant realization of things happening in your life. but the most important part of it is that we learn form the experience that we encounter... paki tagalog nga check ko lang kung tama ako sa inexplain ko... chars!

    "Huwag tayong pipili ng kaibigan na magpapayong lamang sa atin sa panahon ng tag-ulan. Piliin natin ang kaibigan na makapagbibigay sa atin ng pananggalang sa anumang uri ng panahon. " ---- nayyyyyyyyyyy katol bet mo? lolz

    Happy new year kaibigan... hoy magreply ka dun sa tanong namin ni Tony kelan sunod na meet up ahahahaha.

    ReplyDelete
  16. Medyo mabigat ang mga realizations mo kapatid. Pero tama ka naman eh. Oh well happy new year!! *huggies*

    ReplyDelete
  17. Serious ang post ganun?

    HAPPY NEW YEAR!

    ReplyDelete
  18. Happy New Year, Fiel!
    Just dropping by!
    Vacation mode pa rin ako, hehe
    (until when, di ko alam...nginunguya ko muna ang 'real world' with our family and relatives...pag may time na para mag-isa, baka makapag-update na uli...(keeping my fingers crossed)...
    I'm happy to be a part of your 2013!
    Good vibes sa ating lahat para sa 2014!
    Cheers!

    ReplyDelete
  19. happy new year. kahit medyo may bahid ng pagdadrama ang post na to, natutuwa parin ako. madami din ako narealize sa pagtatapos ng taon, sana oks ang lahatt sa 2014

    ReplyDelete
  20. Ang new year new year ganto ang post/ Heavy realizations? lels.
    Dapat maingat na tayo sa friends this year. Someone worth the trut and time.

    ReplyDelete
  21. happy new year fiel!
    ang laman naman ng sinabi mo! hehe
    nacurious tuloy ako haha

    ReplyDelete
  22. Happy 2014 Ka-Fiel! Marami rin akong realizations sa nakaraang taon lalo pa't naging inactive ako sa blogosphere. Pero ganun talaga, focus nalang sa happy and positive side of life. Pero minsan kung talagang mabigat sa dibdib, mas mainam na sabihan ang taong gustong patungkulan ng mga hinaing, ng mapag usapan at magkalinawan. Iwas tampo, iwas wrinkles hehe. Stay happy Ka-Fiel, cheer up na. Hugs!

    ReplyDelete

 
TOP