Good morning folks! Kamusta naman ang Lunes nyo? Nakaboto na ba kayo? Naku kung hindi pa eh, mahaba haba pa ang itatakbo ng araw. Gising na at pumunta na sa inyong mga voting precincts and exercise your rights. Remember, makapangyarihan ang ating boto. Kaya sulitin natin ang pagkakataon, okay?
Syempre, ikukwento ko lang sa inyo ang mga ganaps sa akin ngayong araw ng Halalan 2013. Ayun maaga pa lang nagising na ako, kasi early birds catches the worm. Kasabay kong nagtungo sa voting precinct ang aking tatay. Since maaga naman kaming dumating eh, kami din ang first batch ng mga botante sa araw na ito. Nakakaaliw lang tignan kasi pangalan ko yung kauna-unahang nakalista dun sa yellow paper para sa Cluster ko. Magkaiba kami ng tatay ko ng voting precinct at cluster. Nasa first floor ng school building yung sa akin, samantalang yung sa kanya naman ay nasa second floor.
Banaba Elementary School nga pala yung name ng school kung saan kami nakalista para bumoto. Dyan din ako grumaduate ng elementary ages ago lol.
After kong ma confirmed yung cluster at precinct ko sa listahan, pinapunta ako nung poll watcher sa waiting room. Susyal may waiting room pa haha. Look at the bamboo sofa, parang nasa bahay lang. Nasa Cluster 54, Precinct 0098A nakalista ang aking name.
Si Ma'm oh busy sa pag-e-explain sa aming first 12 early voters. Parang model lang ng PCOS Machine ang peg!
Yey, after a few minutes lang ng paghihintay pinapunta na kami sa kabilang room, sa mismong voting precinct. I know, bawal mag piktyur piktyur sa loob ng voting precinct pero dahil may katigasan ang ulo ko, hindi ko napigil ang aking sarili na magpipindot sa aking Canon digi cam... este, Nokia X2 phone lang pala. (Humihingi po ako ng patawad sa mga taga Comelec, sa Barangay na lang po ako magpapaliwanag ^_^)
Syempre habang bisi-bisihan ang lahat sa loob ng voting precinct, naka nakaw ulit ako ng ilang shots.
After a few minutes ng paghihintay eh dumating na rin ang time ko para i-exercise ang aking rights para bumoto. Punta ako sa poll watcher, pinakita ko yung voters id ko, tinanong nya name ko, then konting lista ng name sa yellow paper (kung saan ako ang nasa una lol) at may pirma pang ganaps. Binigyan niya ako ng Ballot, ballot secrecy folder at marking pen. Then pumili na ako ng magandang puwesto para simulan ko na ang pag shade sa bilog na hugis itlog. Siguro mga wala pang limang minuto eh natapos ko na ang pagpili sa mga kandidatong aking napupusuan at ang shading sessions. Kaya kinati ulit ang aking kamay at pumindot pindot na naman sa nyelpon at konting piktyur sa ballot secrecy folder. Nanginginig pa nga ako nyan habang kinukunan ko ng piktyur kasi baka mahuli talaga ako at mapagalitan ng poll watcher. Patawad po talaga, sa Barangay na lang ulit ako magpapaliwanag ^_^
Sa pangalawang pagkakataon ay nagkita kami ulit ni PCOS Machine at in-insert ko sa kanya ang aking balota and success! Lumabas na ang mga katagang "Congratulations, your vote has been registered!" Then patak patak din ng indelible ink sa aking daliri si Ma'm poll watcher. Dinutdot pa nya ang hintuturo ko dun sa basahan kaya mejo kumalat tuloy yung ink.
Sa pangkalahatan ay naging maayos naman ang proseso ng pagboto ko ngayong araw. Since maaga kaming dumating sa voting precinct ay wala pang tao at hindi pa ganun kainit at siksikan. Mababait din naman yung mga poll watchers at volunteers. Maayos naman ang seguridad sa paligid ng paaralan dahil naglipana sa paligid ang mga pulis na armado ng baril. So kamusta naman jan sa inyo? Vote, vote din pag may time ha? Hanggang mamaya pang 7 PM ang botohan. Marami pa kayong time para sumaglit sa inyong mga precinct.
----- Pasasalamat -----
Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled Sana ngayong eleksyon. Shout out goes to the following:
Lady_Myx, Rix, Genskie, MARIA, 88-Nutty Thoughts-88, jonathan, ZaiZai, Bino, Bulingit, Overthinker Palaboy, khantotantra, Jei Son, yccos, MEcoy, ignored_genius, bagotilyo, Phioxee, mga_espasyo, jloartworks, Joy, eMPi, Mr. Tripster, Ric LifeNCanvas, Leah | Travel Quest, Ishmael Fischer Ahab


























