Loading...
Thursday, June 18, 2015

.: Pag-ibig :.


Isang araw ay nagtungo sa isang isla ang iba’t ibang uri ng emosyon at pakiramdam para magbakasyon.  Ang bawat isa sa kanila ay masayang nagkakantahan at nagsasayawan nang biglang mag-anunsyo ng babala ang tagapamahala ng isla.

“Makinig ang lahat, may paparating na isang malakas na bagyo.  Kailangan nyo nang lisanin ang islang ito bago pa mahuli ang lahat.”  Sabi ng tagapamahala.

Nang marinig ang babala ay nagkagulo ang mga bakasyunista.  Lahat ay nagmamadaling sumakay sa mga bangka para lumipat sa kabilang isla.  Subalit si Pag-ibig ay nagpaiwan muna sa isla hanggang sa magdilim ang langit.  Nang magsimula na ang malakas na ulan ay saka pa lamang siya gumayak.  Sa kasamaang palad ay napuno na ang lahat ng bangka.  Kaya nakiusap si Pag-ibig kay Karangyaan na nakasakay sa isang mamahaling bangka.

“Karangyaan, Karangyaan… puwede mo ba akong pasakayin sa iyong bangka?  Naubusan na kasi ako ng masasakyan papunta sa kabilang isla eh.”  Ang tanong ni Pag-ibig.

“Naku Pag-ibig, pasensya ka na hah? Hindi kita mapapasakay sa bangka ko.  Punong-puno na kasi ito ng mga ari-arian kong  pilak at ginto.  Wala ka nang space dito.”  Ang sagot ni Karangyaan.

Dahil dito ay sunod na nilapitan ni Pag-ibig si Kagandahan na nakasakay sa isang magarbong bangka.

“Kagandahan, Kagandahan… maaari mo ba akong pasakayin sa iyong bangka? Naubusan na kasi ako ng bangka eh, papunta sa kabilang isla.”  Pakiusap ni Pag-ibig.

“Ay naku Pag-ibig, pasensya ka na hah? Pero di kita pwedeng isama eh.  Sadyang napakalinis at napakaganda ng aking bangka.  At ayokong marumihan ito at maputikan.”  Sagot ni Kagandahan.

Maya-maya pa ay dumaan ang bangkang sinasakyan ni Kalungkutan.

“Kalungkutan, may pwesto ka pa ba sa bangka mo? Naubos na kasi yung mga bangka eh.  Wala na akong masasakyan.”  Ang sabi ni Pag-ibig.

“Naku Pag-ibig, ikinalulungkot ko may pwesto pa naman sa bangka ko pero… gusto ko kasing mapag-isa eh.  Subukan mo na lang siguro sa ibang mga bangka.”  Ang sagot ni Kalungkutan.

Sa di kalayuan ay narinig naman ni Pag-ibig ang isang bangka na may malakas na tugtugan.  Pinuntahan niya ito at nakita nyang nakasakay si Kasiyahan na aliw na aliw sa pagsasayaw.

“Kasiyahan, Kasiyahan, pasakayin mo naman ako sa bangka mo.  Naubos nang lahat ng mga bangka dito eh.“  Ang sigaw ni Pag-ibig.

Dahil sa lakas ng musika at pagiging abala ni Kasiyahan sa pasasayaw ay hindi niya napansin si Pag-ibig.  Nagpatuloy ito sa pagsasayaw hanggang sa makalayo sa pampang ang sinasakyan nitong bangka.  Halos mawalan na ng pag-asa si Pag-ibig nang may biglang tumawag sa kanya.

“Psst… psst…psst…”
“Pag-ibig, Pag-ibig, halika dito sa bangka ko.  Paparating na ang bagyo.  Sumabay ka na sa akin.”

Nabuhayan ng loob si Pag-ibig.  Sa sobrang pagmamadali sa pagsakay sa bangka ay hindi na niya nagawang usisain kung sino ang tumawag sa kanya.  Nagsimula ang paglalayag ng mga bakasyunista.  Hanggang sa makadaong sila sa isang ligtas na lugar.

Pagbaba ni Pag-ibig ay nakasalubong niya si Karunungan…

“Karunungan, alam mo ba kung sino yung nagmagandang loob sa akin kanina, na nagpasakay sa bangka niya?  Nakalimutan ko kasing magpasalamat sa kanya eh.”   Ang tanong ni Pag-ibig.

Ngumiti si Karunungan at sinabing…

“Pag-ibig, yung sumaklolo sayo kanina ay walang iba kundi si Panahon a.k.a Oras.  Niligtas ka niya dahil alam niya ang tunay mong halaga.  Dahil kung mawawala ka sa mundong ito ay mawawala din ang tunay na kapayapaan at kaligayahan.  Hinding-hindi ka puwedeng pabayaan ni Panahon…“


--------------------- 

May mga taong nakakalimot nang magmahal dahil sa sobrang karangyaan.  At kapag pakiramdam natin ay mas mahalaga tayo sa ibang tao, ay madali rin maisantabi ang pag-ibig.  Minsan din sa sobrang lungkot o sa sobrang saya natin, nawawalan na tayo ng pag-ibig.  Subalit kung meron tayong ibibigay na sapat na panahon sa ating kapwa ay tiyak na marunong din tayong magmahal.  Dahil ang oras ay Pag-ibig ang katumbas. 

19 comments:

  1. Napaisip ako kung sino ang isasakay ko sa bangka, si Pag-Ibig ba, si Karunungan, si Kaligayahan, si Kagandahan? Wala sa kanilang lahat dahil ang isasakay ko eh si Kapayapaan. Marunong pa rin naman akong umibig pero wala na akong panahong ilalaan para sa kanya dahil mas gusto ko ng katahimikan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello sir Jo :)
      Hong lalim naman ng hugot ng comment nyo hehe.
      Sabagay, you definitely deserves a peace of mind above all others.
      Naiintindihan ko kayo sa bagay na yan!

      Delete
    2. Kapag malalim yung post, malalim din ang hugot. Damang dama kasi. Musta ka na?

      Delete
    3. Hehe!
      Ayus naman ang buhay-buhay dito sir Jo :)

      Delete
  2. wow.. ang ganda naman.. hindi ko naisip agad si Panahon.. bakit hindi ka magpublish ng book mo parekoy.. or pwede din sa Wattpad...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat parekoy. naku, amteur'ish blogger lang ako hehe saka dito muna ako sa lungga ko sa blogspot. di pa ako kumportable sa ibang platform :)

      Delete
  3. I remember my friend saying, "Time is my currency. If I spend my time with you, that means you are special."

    Pero minsan kasi nakakaloko din ang panahon at atensyon, akala natin pag-ibig na yon, yun pala, namamangka lang sa dalawang ilog... #hugotmuch

    Sensya na Fiel, daming feels nitong post mo for me at the moment eh. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree much ako sa quotes na yan Cher Kat :)

      Hanu ba yan pati pala ikaw may malalim na hugot din hehe!

      *Hugs na lang kita Cher Kat*

      Delete
  4. OH may kuya! mag publish ka na ng book! napakagnda, wala halong etchos! :) also natatwa lang ako, all those time na nagbabakasyon ako, ang imagination ko tlga kay pag-ibig ay hugis heart! hahahahhahahah.

    ReplyDelete
  5. hala aga ng valenmitems chars lang ehehehe

    ReplyDelete
  6. Fiel kun, kung andun si Panahon, nasaan si Kopong-kopong?hehe

    Pero pag-ibig nga naman. Sasagipin, pagdating ng tamang panahon. :)

    ReplyDelete
  7. Ang ganda naman nito Fiel! Napa clap clap clap ang puso ko :)

    ReplyDelete
  8. Hay! Fiel, you never fail. Ang ganda. <3


    www.jhanzey.net

    ReplyDelete
  9. Ikaw na Parekoy. :-) Inspired ka ba ngayon? Hehe

    ReplyDelete

 
TOP