Loading...
Wednesday, August 26, 2015

Just a pinch of random rants

Note: Kung hindi nyo po trip magbasa ng mga rants, paki-close na lamang po ang window nitong page.  Salamat!



1. Isa sa pinaka ayaw ko is yung may pakikialaman kang gamit ko tapos hindi mo naman ibabalik kung saan mo ito eksaktong nakuha.  Mas nakakainis pa yung di na nga nagpaalam, hindi pa binalik sayo.  Diyan madalas nagiinit ang ulo lalo na dito sa bahay.  Yung isa kong kapatid ganyan ang ugali.  Pag yung gamit nya yung makanti mo lang, galit na galit na.  Tapos pag sya naman tong may kinukuha or hinihiram na gamit ko, ni hindi man lang maibalik ng maayos kung saan nya iyon kinuha.  Nakakapikon din minsan.  Kahit pa kapatid mo, napagsasalitaan mo rin ng di maganda.

2. Isa pa yung pag kukuha ng tubig na inumin sa ref.  Ibabalik nang wala na halos laman yung bote tapos ako pa yung pagsasabihan na di ko daw nilalagyan ng tubig yung mga bote sa ref.  Hala, what the freakin' F!? Di na nga ako nagsasalita, kusa ko na nga lang na pinupuno ng tubig yung mga bote sa ref tapos sakin pa rin ang sisi.  Anung klaseng paguugali yan?

3. Even the nicest people have limits.  Yung pinakitunguhan mo nang maayos tapos nagawa ka pa rin gag*hin sa huli.  Mga mapagsamantala sa kabaitan ng iba.

4. Nitong mga nagdaang araw naging mainit na issue sa social media ang tungkol sa mga Balikbayan Boxes na pinadadala ng ating mga OFWs na kailangan umanong higpitan, inspeksyunin (bulatlatin) at buwisan ng Bureau of Customs.  Susme, ang daming problema na dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno.  Bakit ang mga Balikbayan Boxes pa ang pinagiinitan nila.  Ayun, matinding batikos tuloy ang inabot nila. Kayo ba, papayag ba kayong bulatlatin ng mga dirty greasy fingers nitong mga taga BOC ang mga padala ninyong Balikbayan Boxes, syempre hinde diba?

5. Ayon nga sa napakinggan ko sa programa ni Prof. Danton Remoto sa Radyo5 titled Remoto Kontrol, since ang dami nga daw mga problema ng ating bansa ngayon tulad nyang kapalpakan sa MRT at sa hindi maresolbang problema sa traffic, kailangan ng mga maliliit at magaan na issue (pero nakakabwisit) na tulad nyang sa Balikbayan Boxes.  Para syempre yung attention ng publiko, ma-divert.  Bahagi iyan ng political strategy.  Na-gets nyo?

6.  Eto pa.  I just want to clarify some things.  I'm not a fan nor a hater of #Aldub loveteam, okay? Magbibigay lang ako ng aking puna.  Sa mga fans ng Aldub dyan, friendly reminder lang.  Huwag basta sugod nang sugod sa mga fan pages ng ABS-CBN sabay magpopost kayo na kesyo sikat ang Aldub, trending lagi, laos na ang kalabang programa, blah, blah, blah.. etc.  Alam mo yun, sa tuwing magbabasa ako ng mga articles sa mga Kapamilya fan pages, hala yung mga comments laging may naliligaw na Aldub fans kahit di naman relevant dun sa mismong topic.  Kaya wag kayo magi-expect na itatrato kayo ng maayos ng mga Kapamilya fans dun.  Malamang magre-retaliate ang mga iyon.  Syempre pumasok kayo sa teritoryo nila eh.  Yung mga ganung bagay ang malimit na pinagsisimulan ng mainitang diskusyon ng mga fans ng magkalabang network.  Marami pa akong gustong sabihin tungkol sa loveteam na yan.  Pero since bumabalik na ang kabutihan sa aking puso haha, I will keep it to myself na lang :)

Okay, kalmado nako.
That's all folks!

16 comments:

  1. I super agree that even the nicest people snap! so ok lang i vent out mo lang fiel! then breathe in and out

    The Girl with the Muji Hat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ate Erica :)
      Buti na lng meron ganitong platform tulad ng blog kaya kahit papaano nakakapag vent out tayo XD

      Delete
  2. Nyahaha ang puso mo hinay-hinay

    ReplyDelete
  3. hahaha, Fan naman ako ng Aldub but it irks me at nabubuwisit ako sa mga warfreaks na fans din lols. Pero it takes two to tango din kasi, may mga fans din sa abs na noon sumusugod sa kalabang territory para manira. I just hate haters on both sides hahaha

    ReplyDelete
  4. agree naman ako sayo dito parekoy.... kaso guilty ako sa number 2... lagi ako pinapagalitan ni mama kapag di ko nirerefill yung mga bote sa ref kapag umiinom ako LOL
    Aldub fan din ako pero hindi naman super die hard na pupunta pa sa page ng rival network para lang mangbash hehe

    ReplyDelete
  5. Gusto kong magcomment dun sa aldub, yip, no wonder nakakakilig pero alam mo yung pati sa night news at late night news sinasama? how poor na love team. Hindi kagaya ng ABS na hinid na kelngang masiyadong ipangalandakan EVRYDAY ang loveteams nila at lahat well stablished. The most powerful loveteams nanggagaling talaga sa dos tulad ng Jadine, Lizquen at kathniel, wag na nating i mention ang pbb housemates na laging trending, the voice at iba pa nilang shows na hindi na msiyadong need i PR dahil napaka creative talaga. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha you nailed it Steve! apir tayo jan (o)

      Delete
  6. ermergerd. ok lang naman talaga mag rant alam mo minsan naiisip ko talaga mag blog ng pure tagalog pero baka kasi alam mo na mauwi sa ranting hahahahaha!

    Jewel
    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  7. Hahaha I love your rants Fiel!

    Pareho tayong ayaw ang mga pangingialam ng gamit at yang eksena sa ref. Pag may ganyan tinatanong ko talaga, "ano pinapalamig mo sa ref, ung lalagyan?"

    At yung sa aldub fans, ewan ko nga ba. Minsan instagram post ng taga abs cbn, mag cocomment bigla na mas sikat ang aldub. ano konek? haha! tapos puro post na mataas ang rating ekek, pero kung isipin mo, parang un lang naman nag ra-rate sa kanila, among other shows. pero hindi naman sila cino-commentan ng ganun diba? Lol, minsan wala na respeto ang mga tao..un ata pinaka source ng mga problema no

    ReplyDelete
  8. Its such as you learn my thoughts! in thiệp chúc mừng năm mới You seem to know a lot about this,
    like in bao lì xì
    you wrote the guide in it mẫu bao lì xì đẹp or something. I feel that you just could do
    with a few p.c. to drive the message house a bit, but mẫu thiệp chúc mừng năm mới 2017 đẹp
    other than that, this is magnificent blog. A fantastic read.công ty in

    ReplyDelete

 
TOP