Loading...
Monday, January 28, 2013

Kristal na Pluma

Ang simula...

"Eeeeeee!"

Isang matinis na tili ng babae ang bumasag sa katahimikan ng gabi sa isang maliit na nayon na matatagpuan sa bayan ng San Mateo, Rizal.

"Marcooooo! parang di ko na yata kayang tiisan pa."

"Kaya mo yan mahal ko.  Konti na lang."

"Mila konting ire pa.  Nakikita ko na ang ulo ng bata." Wika ng matandang kumadrona.

Isang impit na sigaw at maka-ubos lakas na pag-ire ang pinakawalan ni Mila.  Kasunod nyon ay ang pagluwal nya mula sa kanyang sinapupunan ng isang gwapo at malusog na sanggol.

"Uha-uha-uha-uha-uha!" ang palahaw na iyak ng munting anghel habang pinuputol ni Aling Choleng ang pusod nito.  Nilinis nya rin ng mabuti ang mga bahid ng dugo sa katawan ng sanggol.  Pagkatapos ay maingat nya itong ibinalot sa makapal na lampin at inilapag ng marahan sa dibdib ng nanghihina pa ring si Mila.

"Lalaki ang anak mo Mila."

"Maraming salamat po Aling Choleng."

"Tingnan mo ang ating anak, Marco.  Hindi ba't napaka gwapo nya? Mukhang nagmana sa iyo." Ang maluha-luhang sabi ni Mila habang pinagmamasdan ang bagong silang na anak.

"Maraming salamat po Panginoon at nakaraos din sa panganganak ang aking asawa."  Ang bulong ni Marco sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang unico iho.

Mula sa liwanag ng tanglaw nilang lampara ay maaaninag ang katamtamang tangos ng ilong ng sanggol, makapal ang buhok at kilay nito. Meron din itong maliit na biloy sa magkabilang mga pisngi.

"Ano nga pa lang ipapangalan natin sa kanya?"  Ang masayang tanong ni Marco sa asawa.

"Liam, ang gusto kong maging pangalan niya. Lalaki syang isang matalino, malakas at matapang na bata. Parang isang mandirigma na may busilak na kalooban at matibay na paninindigang ipaglaban kung ano ang tama."

Sa mga sandaling iyon ay isang bulalakaw ang gumuhit sa madilim na kalangitan.  Agad iyong napansin ni Marco dahil malapit lamang sa bintana ng munti nilang tahanan ang kanilang kinaroroonan.  Kitang kita nya ang pagbulusok nito sa kalapit na bukid.

"O sya, sya. Mukhang maayos na naman ang lahat dito.  Ako'y aalis na upang makapagpahinga na rin kayong mag-anak." Ang masayang wika ng matandang kumadrona na bakas na rin sa mukha ang pagka hapo sa gabing iyon.

"Marami salamat pong muli sa tulong ninyo.  Marco pakihatid mo naman si Aling Choleng kahit hanggang sa abangan lang ng tricycle sa kanto.  Huwag kang mag-alala at ayos lang kami ng anak mo dito."

Matapos maihatid ni Marco ang kumadrona sa sakayan ng tricycle ay hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang nakita kaninang bumagsak na bulalakaw sa bukid.

"Totoo kaya yung nakita ko kanina? o isang guni-guni lamang?" bulong nito sa sarili. "Isa lang ang paraan upang malaman."

Tangan ang ilawang lampara ay tinungo ni Marco ang isang dako sa madilim na bukid upang magsiyasat. Doon ay nakita nyang may kakaibang liwanag na nagmumula sa likod ng punong mangga malapit sa lubluban ng kalabaw. Nilapitan nya iyon at namangha sa kanyang nasilayan. May isang kalaliman na hukay ang kanyang nakita, mga tatlo hanggang apat na talampakan ang lalim at dalawang yarda ang lapad. Sa gitna ng hukay ay may isang bagay na lumulutang. Naglalabas ito ng kakaibang liwanag na nagpapalit palit sa apat na sinag ng kulay. Pula, Luntian, Bughaw at Dilaw. Sumasabay ang pagpapalit palit ng liwanag sa saliw ng kakaibang musika na nagmumula din sa mahiwagang bagay na iyon. Isang napaka payapang musika. Nakakahalina at naghahatid ng katiwasayan sa pakiramdam.

Nilapitan ni Marco ang lumulutang na bagay at kanyang pinagmasdan ang kariktan nito.  Hugis Pluma ito, mga tatlong pulgada ang haba, may munting balahibong puti sa pinaka tuktok, gawa sa kumikinang na kristal. Dahan dahang iniangat ni Marco ang kanyang kamay at kinulong sa kanyang kamao ang Kristal na Pluma. Naramdaman nya ang kakaibang enerhiyang nagmumula dito. Napakainit sa pakiramdam pero hindi nakakapaso. Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Napalibutan ng kulay pula, luntian, bughaw at dilaw na liwanag ang paligid ng katawan ni Marco. Isang napakalakas na enerhiya. Para syang hinihigop patungo sa kawalan. Kung gaano kabilis lumitaw ang nagkikislapan at nakakasilaw na liwanag ay ganun din ito kabilis naglaho. Nabalot muli ng kadiliman ang paligid. Ang payapang musika ay napalitan ng huni ng mga kuliglig.

"Paka ingatan mong mabuti ang sagradong bagay na yan.  Iyan ang magsisilbing gabay na magliligtas sa sanlibutan.  Hindi pa lubos ang kapangyarihang taglay nyan sa ngayon.  Ngunit sa takdang panahon...Sa ika labing walong pag-inog ng mundo sa araw...Hanggang sa muli..." isang mahiwagang tinig na hatid ng hangin ang kanyang narinig.  

Makalipas ang labing pitong taon...

Maayos na naitaguyod ng mag-asawang Mila at Marco ang kanilang nag-iisang anak na lalaking si Liam.    Lumaki itong puno ng pagmamahal, magalang at may respeto sa mas nakakatanda sa kanya.  Kahit mahirap ang buhay sa bukid ay nagawa nilang pag-aralin sa elementarya at highschool ang kanilang anak.  Ngayon ay ang pang matrikula naman sa kolehiyo ang pinagtutulungan ipunin ng mag-asawa.

"Inay, papasok na po ako." Ang wika ni Liam. Nakagayak ng uniporme sa kursong Bachelor in Office Administration. Patungo na sa isang pampublikong pamantasan sa lungsod ng Maynila. Batid niya ang hirap ng buhay nila sa bukid kaya ipinangako nya sa kanyang ama at ina na mag-aaral siyang mabuti upang mabigyan sila ng maginhawang buhay sa hinaharap.  Hindi man natupad ang pangarap niyang mag-aral ng kursong Medisina ay nanatili pa rin siyang masaya at kuntento sa kung ano ang meron siya sa kasalukuyan.

Papatawid na siya sa kalye patungong unibersidad, nang may isang humaharurot na kotse ang biglang lumitaw sa kanyang harapan. Napaka bilis ng mga pangyayari. Huli na para umiwas. Isang pulgada na lang halos ang pagitan ng bakal na bumper ng kotse at tatama na ito sa kanyang katawan nang maramdaman nyang biglang nag-init ang suot niyang kwintas, ang Kristal na Plumang regalo ng kanyang ama nung ika-pitong kaarawan niya. Kumislap ng kulay dilaw na liwanag ang kwintas at sa isang iglap ay nasa kabilang bahagi na siya ng kalye, katabi ni Manong na nagtitinda ng Sorbetes.  Hindi na siya nagulat sa nasaksihan dahil noong bata pa man siya ay hindi na niya mabilang kung ilang beses nang nangyari ang  mga ganung kababalaghan.  Lagi siyang nililigtas ng Kristal na Pluma mula sa kapahamakan.  Nagagawa din nyang utusan ang apoy para lumakas at humina ang lagablab nito.  Napapagalaw din niya ang daloy ng tubig sa ilog.  Kaya niya rin kontrolin ang lakas ng ihip ng hangin sa paligid.  Mahigpit na bilin ng kanyang ama na paka ingatan at  huwag ihihiwalay mula sa kanyang katawan ang Kristal na Plumang kwintas.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nagpatuloy sa normal na takbo ng buhay si Liam.  Unibersidad - Bahay - Unibersidad.  May mga barkada siya ngunit hindi mahilig gumimik. Walang ibang nakakaalam sa kapangyarihang taglay ng Kristal na Pluma bukod sa kanyang ama at ina.  Hanggang sa sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan...

Ang Pagtutuos ng Liwanag at Dilim...

Sumapit ang ika-labing walong kaarawan ni Liam.  Pagkagising pa lang niya noong araw na iyon ay kakaiba na ang kanyang pakiramdam.  Para bang may nagbabadyang panganib na magaganap.  Ramdam din niya ang patuloy na pag-init ng Kristal na Pluma sa kanyang dibdib.  Panaka-naka ay nararamdaman niyang parang may dumadaloy na kuryente mula rito.

Pagpasok nya sa Unibersidad ay lalo pang tumindi ang kilabot na kanyang nararamdaman.  Walang tigil din sa pagkislap ang Kristal na Pluma na natatakpan ng uniporme sa kanyang dibdib.  Habang naglalakad siya sa catwalk ng paaralan ay biglang nagdilim ang kalangitan.  Gumuhit ang matatalim na kidlat, sunod sunod ang dagundong ng kulog, at umihip ang malakas na hangin.  Kataka-taka din na biglang nagkaroon ng manipis na hamog na animo'y kumot na bumabalot sa buong paligid.  Ang mga tao at estudyanteng kasabay niyang naglalakad ng mga sandaling iyon ay sabay-sabay na nagtumbahan na tila ba nahulog sa isang malalim na pagkakahimbing.

"Puta, anong nangyayari?" Magkahalong pagka mangha at takot ang nararamdaman ni Liam sa kanyang nasasaksihan sa oras na iyon.

Kasunod nun ay mabilis na pinalibutan ng kulay pula, luntian, bughaw at dilaw na liwanag ang paligid ng katawan ni Liam.  Pinoprotektahan siya ng Kristal na Pluma laban sa itim na kapangyarihang unti-unti lumulukob sa kapaligiran. Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng dumadagundong na tinig ng babae.  Nagmumula  ito sa rooftop ng kanyang paaralan.

"Matagal na kitang hinahanap. Naririto ka lang pala. Ibigay mo sa akin ang Kristal na Pluma ngayon din kung ayaw mong wasakin ko ang pinakamamahal mong mundo."

Patuloy ang paglatay ng matatalim na kidlat sa madilim na kalangitan.  Kahit may nadaramang takot ay hindi natinag si Liam.

"Alam kong nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan ang Kristal na Plumang ito.  Aking nadarama na gagamitin mo lang sa kasamaan ang kapangyarihan nito.  Kaya hindi ko ito ibibigay sa iyo. Hindi kailanman.  Hindi ka rin Diyos para sabihin na kaya mong gunawin ang aming daigdig." Ang matapang na sigaw ng binata.

"Puwes, para mo na rin sinintensyahan ang sarili mong katapusan.  Mga alagad ng dilim paslangin ang pangahas na batang ito!"

Mula sa karimlan ng paaralan ay natanaw ni Liam ang mga pigura ng mga taong paparating.  Habang papalapit ang mga ito ay unti-unti niya silang nakikilala.  Si Arline, ang tindera ng kwek-kwek sa labas ng paaralan, si Archie ang nagtitinda ng Peryodiko sa may abangan ng jeep. Nandun din si Manong Jay, ang Barakong matadero sa may palengke na kalapit ng paaralan, Si Mar ang school photographer - nakasukbit pa sa leeg nito ang mamahaling Kamera, si Kristyan ang security guard ng paaralan at si Lala ang dalagang nagbabantay sa internet cafe' sa labas ng paaralan na mahilig magsuot ng maiksing damit, halos lumuwa na ang kanyang Kuyukot. Maputla ang kulay ng balat, malamlam ang ningning ng kanilang mga mata, nakabuka ng bahagya ang mga bibig at tumutulo ang laway na mala asido ang bagsik.  Mga animoy zombies na handang pumaslang para sa kapirasong laman.

Unang nakalapit si Arline at iwinasiwas ang matatalas niyang kuko kay Liam na agad naman nitong naiwasan.  Si Manong Jay na dala dala pa ang matalas na kutsilyong pang tadtad ng karne sa palengke ang sumunod na umatake.  Ganundin ang ginawa nila Archie, Kristyan, Mar at Lala.  Sabay sabay silang umatake pero puro pagiwas lang ang kayang gawin ni Liam.  Batid niyang mga tao pa rin sila na nalulukuban lang ng itim na kapangyarihan kaya ayaw niya silang saktan.  Nagpatuloy lamang siya sa pag-iwas sa bawat bugso ng pag-atake ng mga zombies na ito.  Ngunit hanggang kailan niya ito gagawin?

Maya-maya pa ay nakarinig si Liam ng mahiwagang tinig na nagmumula sa Kristal na Pluma.  Isang malambing na tinig ng babae.

"Ngayon na ang takdang panahon.  Pagsama-samahin mo ang kapangyarihan ng apat na elementong taglay ng Kristal.  Tanging iyon lamang ang makakapag panumbalik sa dating anyo at katinuan ng iyong mga kaibigan.  Magtiwala ka lang sa sarili mong kakayahan!"

"Hindi ko alam kung paano pero sige bahala na." Ang sigaw ni Liam.  Hinawakan niya ang Kristal na Pluma at mabilis na itinaas ito.

"Apat na elementong umiikot at nananahan sa sangkalupaan, ako'y inyong tulungan.  Pagsamo ko'y inyong dinggin.  Ibigay sa akin ang banal na kapangyarihan!"

Isang nakakasilaw at naga-alab na sibat ng liwanag ang bumulusok mula sa kalangitan.  Tumama ito sa Kristal na Pluma na nagsimulang umikot sa ibabaw ng palad ni Liam. Nagliwanag, tumama sa lupa ang dilaw na sinag, ang bughaw na sinag ay tumama sa kalapit na lagoon, ang luntian ay pumailanlang sa mga puno't halaman at ang pulang sinag ay tumama naman sa nag-aalab na puso't damdamin ni Liam.  Kakaibang lakas ang kanyang naramdaman. Ang apat na sinag ng kulay ay sabay sabay umikot sa katawan ni Liam at tumama sa kalangitan na nagpaulan ng banal na liwanag.  Sapat upang ibalik sa dating anyo at katinuan ang mga taong nilukuban ng kadiliman.  Nanumbalik silang muli sa dati nilang katauhan.  Sila'y natumba at nakatulog.

"Magaling! Hindi ko akalain na kaya mong gisingin ang natatagong kapangyarihan ng Kristal na Pluma.  Ngayon tikman mo naman ang bangis at hagupit ng Reyna ng Kadiliman!" Ang mahiwagang tinig ay unti unti nag-anyong babae na may suot na itim na kapa at mahabang damit.  Kasing itim din ng gabi ang mahaba niyang buhok at mga kuko.  Ang mga mata nya ay nanglilisik sa galit.

Sa isang kumpas ng Reyna ng Kadiliman ay nakalikha siya ng isang kawan ng mga makamandag na Ahas at Alupihan at sabay-sabay iyong sumugod sa kinaroroonan ni Liam.

"Kapangyarihan ng Lupa, bigyan mo ako ng kalasag!" Suminag ang kulay dilaw na liwanag mula sa Kristal na  Pluma na nasa ibabaw ng palad ng binata.  Lumikha iyon ng isang mala domang harang na sumangga sa kawan ng mga ahas at alupihan.

Tinawag niya rin ang kapangyarihan ng apoy.  Nakalikha siya ng limang malalaking bola ng apoy at sunod sunod niyang ibinato sa paparating pang mga kawan ng ahas at alupihan. Natusta ang lahat ng makamandag na nilalang.  Ngunit bago pa muling nakakilos si Liam ay pinaulanan na siya ng mga mala sibat na itim at pulang enerhiya ng Reyna ng Kadiliman.

"Aaaaaah!!!" halos hindi kinaya ng binata ang muling pag-atake ng Reyna.  Halos madurog ang kalasag na nilikha ng Kristal. Hindi pa nakuntento ang Reyna at sunod sunod pa itong nagpaulan ng kuryenteng itim sa direksyon ni Liam. Sapul ang binata. Halos hindi siya makakilos sa sakit at hapdi ng sugat na kanyang natamo mula sa pag-atakeng iyon.

"Ano ngayon taga lupa? Kaya mo bang talunin ang aking walang hanggang lakas at kapangyarihan? hahahahaha!"

"Eto pa, namnamin mo!"

Lumikha ng itim na bola ng enerhiya ang Reyna ng Kadiliman. Halos kasing laki iyon ng limang 10 wheeler truck na pinagsama-sama.

"Magpaalam ka na sa mundong iyong ginagalawan. Eto na ang iyong katapusan!"

"Huwag kang susuko.  Naniniwala ako sa taglay mong kakayahan." muling nagsalita ang mahiwagang nilalang sa loob ng Kristal ng Pluma.

"Hindi ako basta makakapayag na sirain mo ang mundong aming ginagalawan.  Hindi ko hahayaan na mamatay ng walang katuturan ang mga inosenteng nilalang sa mundong ito.  Ang aking ama at ina.  Ang aking mga kaibigan.  Mahal ko sila.  Sila ang nagbibigay lakas at pag-asa sa akin kaya hindi ako makakapayag!" Ang matapang na sigaw ni Liam.

Muli siyang nakatayo na para bang wala siyang malubang sugat na natamo.

"Kristal na Pluma, pagsama-samahin mo ang kapangyarihan ng apat na elementong iyong taglay!"

"Nag-aalab na apoy, daluyong ng tubig, lupit ng hangin, at lakas ng lupa. Ngayon na!"

Umihip ang napakalakas na hangin. Nakakasilaw ang liwanag na nilikha ng Kristal. Nagsama-sama ang apat na elemento.  Pula para sa apoy at naga-alab na damdamin, bughaw na kumakatawan sa tubig, luntian ay para sa hangin at dilaw ay kumakatawan naman sa lupa.  Ang Kristal na Pluma ay nag-iba ng anyo.  Isa na ito ngayong matalim na espada.  Mabilis iyong hinawakan ni Liam at buong tapang at lakas na sumugod sa paparating na higanteng itim na bola ng enerhiya na galing sa Reyna ng Kadiliman.

Naga-alab sa pag-asa at pagmamahal ang mga mata ni Liam.  Determinadong talunin ang kalaban.  Walang takot na sinalubong ng binata ang higanteng itim na bola ng enerhiya. Sa isang wasiwas ng banal na espadang kristal ay nahati ito sa dalawa.  Hinigop ng espadang kristal ang lahat ng enerhiyang laman ng itim na bolang iyon.  Sa sobrang pagkabigla ay hindi na nagawang umiwas pa ng Reyna at dire-diretsong itinirak ni Liam ang espadang kristal sa dibdib nito.

Tsak!

"Ugh! hindi ito maaari. Hinde. Tao ka lamang. Hindeeeee!" ang matinis na sigaw ng Reyna ng Kadiliman habang unti unting nagiging abo ang buo niyang katawan.

Noon din ay muling nagliwanag ang paligid.  Nawala na ang bakas ng madugong labanan. Nawala na din ang itim na hamog sa paligid.  Unti-unti nang nagkakamalay ang mga taong pinatulog kanina ng itim na kapangyarihan ng reyna.

Muling nagbalik sa pagiging Kristal na Pluma ang Espada.

"Tapos na..." ang tanging naibulong ni Liam sa sarili. Marami siyang sugat at galos na natamo sa labanang iyon.  Ngunit hindi niya ito alintana.  Masaya siya at nagbalik na ang lahat sa dati.

Kuminang at umilaw ang Kristal na Pluma. Lumabas mula doon ang isang mahiwagang nilalang. Isang babae na tila isang anghel. May mabalahibo itong mga pakpak, katamtaman ang haba ng malasutla nitong buhok, nakasuot ng mahabang puting damit.  Kinausap nito si Liam gamit lamang ang isip.

"Alam mo ba na ang kakayahang taglay ng tao na umibig at magmahal ang siyang lalo pang nagpapasidhi sa lakas ng kapangyarihang taglay ng Kristal na Pluma?  Kaya pinili ko na itago pansamantala sa inyong mundo ang Kristal na Pluma ay dahil alam kong ligtas siya rito hangga't nasa pangangalaga ito ng isang taga daigdig na tulad mo at ng iyong buong pamilya na likas ang kabutihan at pagmamahal na taglay para sa isa't isa."

"Kaya hindi ka nagawang talunin ng Reyna ng Dilim ay dahil sa taglay mo ang mapagmahal at busilak na puso na kailanman ay hindi kayang taglayin at maiintindihan ng tulad niyang nilalang na nabubuhay sa kadiliman, poot at kalungkutan.  Maraming salamat at nakilala ko ang isang tulad mo Liam. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam."

Ang mahiwagang nilalang ay unti-unting pumaimbulog patungo sa kalangitan.  Kumikinang sa tama ng sinag ng araw ang kanyang mga pakpak at kasuotan.  Kasabay ng banayad na ihip ng hangin ay ang paglaho niya sa likod ng mga ulap at bughaw na langit.  Ang Kristal na Pluma ay unti-unti na rin naglaho mula sa mga kamay ni Liam.

"Maraming Salamat." ang tangi na lamang niyang nasambit.

+ Wakas +


Ito ang aking opisyal na lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan.com, Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

84 comments:

  1. Fantaserye! hahaha... naaliw ako sa kwentong ito lalo na sa mga pangalan ng bloggers na ginamit mo! At si Lala talaga ang labas ang kuyukot hahaha! Bravo!!! Hindi naman mahaba! Naiiklian nga ako eh.

    Magaling! Goodluck sa entry natin!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha salamat kuya Mar :) at sana magustuhan ni Lala yung role nya dito.

      Goodluck din sa entry mo!

      Delete
    2. hahahaha napaka imaginative nga eh magawa nga yan sa totoo!! bwahahahaha ganda ng kwento parang humahawak ako sa mesa habang nagbabasa kasi ramdam na ramdam ko ang aksyon ni reyna ng kadiliman hahaha

      Delete
    3. hahaha salamat Lala. sana makagawa pa ako ng ganitong fantaserye next tym :)

      gustong gusto mo talaga si reyna ng kadiliman haha!

      Delete
    4. hahaha may naiimagine ako sa reyna ng kadiliman hahahaha feel na feel ko yong hagupit niya hahaha

      Delete
  2. Wow...isa pala akong barakong matadero pareng Fiel..naks..hahahaha

    Kakatuwa naman ..pero maganda ang entry mo kaya lang nabitin ako eh...

    Di mo man lang ini-reveal kung sino ang mahiwagang babae na parang anghel...hehehe...para tuloy may part 2..hehehe..

    Good luck sa entry mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha salamat din Daddy Jay. Glad you liked your role here :))

      ay bitin pa ba? hopefully after this makagawa ako ng part 2 para ipakilala ung babaeng anghel hehe.

      Goodluck din sa entry mo.

      Delete
    2. oo nga ano siguro bagay kay joanne ang mahiwagang babae hahaha nakakabitin nga! hahaha galing mo gumawa ng kwento hanep bow ako ha!! hongseksik ko!! hahaha

      Delete
    3. salamat sa nice compliment Lala. pag na recharge na tlaga tong mga brain cells ko, kasali kau sa castings nung sunod na story ko hehe.

      Delete
    4. ay ako ba yung joanne, lala? hihi.. like ko kasi ang role nun mahiwagang babae, haha

      Delete
    5. ikaw nga ang mahiwagang babae sana sa fantaserye!! hahaha bagay sayo dahil mahaba ang buhok mo hahaha si arline nga eh dyosa ng mga kwekkwek hahahaha

      Delete
  3. wow! eto ang peg ko at pangarap ko rin dati pa na makagawa ng mala-fantaserye or action adventure na kwento ..eh syempre wala naman akong talent sa pagsusulat kaya hindi ko magagawa yun hehe..

    sobra akong naaliw lalo na at kasama ako sa extra hahaha! ang Dyosang nagtitinda ng kwek kwek! i love it.. pero LOL talaga ako kay teh lala na halos kita na ang kuyukot hahaha! magaling magaling! more fantaserye please :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Arline. Next time na makagawa ulit ako ng ganitong kwento magandang role na ibibigay ko sa iyo hehe.

      Naku, sana talaga magustuhan ni Lala ung role nya dito haha.

      kayang kaya mo naman din gumawa ng ganitong story. konting imagination lang ang kailangan hehe.

      Delete
    2. uber gusto ko ang extra role ko dito hahahaha kailangan gawing real ang kuyukot na yan hahaha in 3 months!! hahaha char!! gawa ka pa ng kwento naaliw ako hahaha naiwan ko ang powerpoint presentation ko hahahahaha

      Delete
    3. hahaha ikaw na ang reyna ng kuyukot :D

      lagot ka, ung PP presentation haha :P

      Delete
  4. May hari palang nagtitinda ng peryodiko dito parekoy. Whahaha. Naaliw ako. Lalo na sa kuyukot ni lala. Panalo. lol Balikan ko to. Babasahin ko opis :D

    Good luck sa entry natin parekoy :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha salamat parekoy. nagustuhan mo ba ang role mo? :D

      kaaliw, lahat talaga kayo yung role ni lala ang napansin hahaha XD

      Delete
    2. natawa ako din sa role ni archie parang bagay na bagay lang hahahaha hangmacho kasi ng pagtitinda ng peryodiko hahahahaha

      oo ako talaga ang napansin sa lahat hayop hahaha ako na ang seksik talaga why not i love the role!! hahaha sa susunod sana yong talagang bold star na hahahahahah

      Delete
    3. kaya un ang ibinigay kong role kay pareng Archie, nakaka macho tlaga ang dating nung pagtitinda ng peryodiko lalo na sa isang hari na tulad nya. hahaha XD

      Delete
    4. Nabasa ko na parekoy. Nag enjoy ako. nakakaaliw. Ipag patuloy gumawa ng marami pang ganto :)

      I'm proud of u :)

      Delete
    5. Salamat ulit parekoy. Dapat We should be proud kasi magiging parte na tayo ng history sa Bagsik ng Panitik hehe.

      *apir*

      Delete
  5. salamat sa paglahok! pakilink lamang po dito ang entry: http://www.damuhan.com/2013/01/bagsik-ng-panitik-bnp-2013-munting.html

    thanks :)

    ReplyDelete
  6. ang ganda naman ng entry mo parekoy... mas gusto ko approach nitop kasi may halong fantasy.. .. gusto ko sana sumali kaso di ko alam pano isisingit yung kuyokot at puta hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat parekoy at nagustuhan mo itong isinulat kong entry. Konting imagination lng naman ang kailangan mo para makagawa ka rin ng kakaibang entry for BnP :))

      Delete
  7. Hahahaha!!! Nakakatuwa lalo na nung naintroduce yung mga karakters! ;) Hahah! Ayos to. Una ata itong Fantaserye ng BnP? Galing parekoy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha salamat parekoy. ang kulet nung pagkakalagay ko ng roles nila sa taas haha. next time kasama ka na rin sa casting :))

      yep, itong entry ko yata ang kauna-unahang fantaserye entry sa Bnp.

      Delete
    2. wow unang fantaserye? hongaling!! goodluck sa entry fiel! lahat kau for the win eh! gawa ka ulit ha hahaha

      Delete
    3. maraming salamat sa suporta at wagas na comments dito Lala hahaha :D

      hindi ko pa nababasa ung entry ng ibang kalahok, pero I think ito nga yata ung nagiisang fantaserye ang theme sa BnP.

      Delete
    4. Siguraduhin mo kasi mageekspek ako ng malaking role. kontrabida. Hahaha!

      Delete
    5. hahaha, you gave me an idea there. humanda ka Pao :)) *evil grin*

      Delete
  8. Wansapanataym!!!!.. ehe... ang husay ng gawa.. goodluck sa iyong entry.. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha salamat shyvixen for appreciating my entry :))

      Delete
  9. At bakit hindiako kasama sa fantaserye? Sana ako nalng yung babaing malambing ang boses na galing sa pluma!hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaah ate, pramis sa next fantaserye ko kasama ka na rin sa casting hahaha. Ayy uu nga ano, bagay sayo ung babaing malambing ang boses sa pluma :))

      Delete
  10. Wow! Nag-enjoy ako sa story mo!! Super kakaaliw basahin, parang pwedeng gawing tv show, haha! At bloggers pa talaga ang cast.. sana na-extra man lang ako, hahaha! Chos!

    Good Luck! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Miss Joanne for appreciating my entry :) naku next tym tlga pramis ko yan sa inyo. kasali ka na sa casting hehe.

      Need ko lng muna i-recharge tong mga brain cells ko. mejo na-drain ako dito sa entry na toh haha.

      salamuch!

      Delete
    2. hahahaha si joanne! bagay don sa babaeng may ari ng kwintas. nagsuggest talaga. pero maganda talaga fiel natuwa ako dahil comedy na fantasy at ramdam ko super ang kwento parang totoo hahaha parang nanood ako ng tv lang hehehe

      Delete
    3. ako nga yun joanne, haha! o may role na ko, dapat sa next na series e ako na bida, haha! Ambisyosa lang :)

      Delete
    4. hahaha para makabawi echos!! dapat sayo yong lumulutang na babae pero ang powers labas sa kilili hahaha go yan joanne tanggapin! hahaha

      Delete
  11. naimagine ko yung reyna ng kadiliman.. well ang ganda ng fight scene hahaha :) goodluck fiel.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Gilbert :) anung naimagine mo dun sa reyna ng kadiliman? hahaha

      Delete
  12. aliw ako sa cameo ng ibang bloggers... ahahahaha....

    naalala ko bigla ang rayearth saka yung encantadia ba yun?

    Good luck po fiel!!!

    *bearhugs*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha salamat nutty. Ito siguro ang epekto ng pagiging anime lover/fantasy game fan ko haha. kaya ayan ang kinalabasan! :D

      salamat sa suporta!
      ^__^

      Delete
  13. Galing naman at very special na nakasama mga sikat na bloggers. Good luck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming Salamat Mami Joy :) baka gusto nyo pong mag co-star sa next fantaserye ko if you don't mind? hahahaha :D

      Delete
    2. Oo naman. That would be fun:)

      Delete
  14. gujab! congrats at natapos mo yung wentong pinagiisipan mo kahaps. :D

    AYos ang flow ng wento at ang elemento ng pantasyang may katas ng aksyon. clapclapclap :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wheee! maraming salamat din sa nice compliment sir Khanto :))

      Delete
  15. fiel hihi wow ha XD .
    kudos~ :"> at bet ko ang name na liam lol.
    natawa lang ako nung bigla xang nagmura hahaha :>

    good luck~ :> tutulungan ka ng kristal na pluma kk~ :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Krykie!!! haha, required kasi na maisama yung word na yun for this contest hehe.

      Salamat! Kristal na Pluma power up! XD

      Delete
  16. bookmarked this XD. haha! goodluck sayo!!! :DDD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Aian :) thanks for following my blog as well. Followed u back :D

      Delete
  17. Good luck sa entry mong ito......magaling...barako pala si jay,hehe..

    ReplyDelete
  18. huwaw fantasy ang genre!
    angas want ko yang power ni liam,
    sarap iimagine nung scenes haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. wuy pareng Mecoy, maraming salamat for appreciating my entry. Yeah Fantasy genre ang ginawa ko para maiba naman ang theme hehe.

      Goodluck sa entry natin!

      Delete
  19. pasensya ka na parekoy naun lang
    nakapgcomment sa kabila ng pag bisita mo sakin parati
    naun ko lang napansin di
    pla ko nakafollow sayo kung di pa dahil
    kay bluedreamer di ko mapapansin
    sorry talaga
    anyways habol na lng ako sa mga post

    ReplyDelete
    Replies
    1. its alright don't worry hehe. talagang nag comment ka din dun sa mga previous post ko. salamat parekoy!

      Delete
  20. Maraming salamat Wrey :)) pang entry kasi sa contest kaya kailangan rich sa wordings hehe. :))

    ReplyDelete
  21. Naiisip ko si coco martin sa kwento. Hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha Juan Dela Cruz ba ang peg? mejo malayo kasi wala naman aswang sa entry ko pero same silang Fantasy ang theme :D

      Delete
  22. mainstream fantaseries. pwede pwede.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah, fantaseries to the extreme! maraming salamat :))

      Delete
  23. All star cast, aliw! Nakalimot ako bigla para akong nanunuod ng anime serye sa tv, nagkikislapan ang mga powers :-D this one rocks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Miss Gracie :)) glad you liked the special effects hahaha!

      Goodluck din po sa entry nyo.

      Delete
  24. Ang galing! Ang ganda ng kwento - action packed at may special participation pa ng bloggers! :) Pwedeng pwedeng maging fanta series :)

    Good luck sa entry mo Fiel Kun!!! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat din for appreciating my work Zai :))

      Delete
  25. Mabagsik ang pagkakasulat mo Parekoy. :-) Lumalabas ang talent natin ha. Habang binibasa ko ito ay gumagana ang mga imahinasyon ko. Parang anime lang.

    ReplyDelete
  26. Parang dragon ball/enteng kabisote ang istorya ah. hehehehe. Ayos ang imahinasyon mo dito bro. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha maraming salamat parekoy. Sali ka na din :)

      Delete
    2. hahaha. next time na siguro. kapos na rin sa oras. Good luck bro. :)

      Delete
  27. Hi Beautiful,

    Nice blog, Shall we follow eachother?
    Let me know on my blog and I will follow back straight away.


    Love, Carmen
    www.mydailyfashiondosis.blogspot.com

    ReplyDelete
  28. aliw na aliw ako dito..... level up talaga! Good Luck Good Luck!

    Astig ang mga tauhan sa kwento hehehe.....

    Galing ng pagkakabuo sa fantaserye..... kaw na!

    ReplyDelete
  29. Fantaserye..para din akong nanonood ng movie o kaya serye...galing...pagka sabing may bulalakaw...darna agad ung naisip ko...hehehe sana may role din ako...hehehe ambisyosa lang ung peg...hahaha


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Miss xoxo_grah :)) next fantaserye ko pramis kasama ka din sa castings. Naku ang dami nyo nah hahaha. Pagiisipan kong mabuti kung paano ko kayo lahat maisisingit.

      Delete
  30. kelan to parekoy ilalabas sa tv?lols galing mo tlgang kumatha ng mga gnitong imhinasyon ....

    good luck sa entry moooo ... pede ko bng ibooking si liam hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, salamat Josh :)) at natawa talaga ako dyan sa booking hahaha. sige go!

      Delete
  31. ayus... ikaw pa lang ata ang fantaseryeng nabasa ko sa kumpetisyon... nice great job :)

    ReplyDelete
  32. Ang ganda ng plot nito. Imaginative. Ang linis ng pagkakasulat, agad mong maiintindihan ang daloy ng kwento dahil nakasaayos iyon ayun sa nais itakbo. Nice!

    ReplyDelete
  33. back reading your posts..
    I like your story... lurv it

    ReplyDelete

 
TOP