Ahoy, since mejo sabaw ako ngayon at ayaw ko naman mag post ng something emo ay magbalik tanaw na lang muna tayo sa nakaraan. Buksan ang lagusan tungo sa nakaraan [ Time Space Warp ngayon din! ] Ang topic for today is something 90's at naging paborito ko din ito dati nung bata pa ako, ang Japanese Hentai Sentai na, mga bata sabayan nyo akong magbilang... 1, 2, 3, 4, 5 equals FIVEMAN! Oo dahil lima ang myembro at pawang magkakapatid pa silang lahat kaya tinawag ang grupo nilang Fiveman . Ipinalabas ito sa Pilipinas noong mid-90's sa ABC 5 (TV5)
[ Plot ]
Nagsimula ang kwento noong taong 1970's nang ang isang scientist na nagngangalang Dr. Hoshikawa (ama ng ating mga bida) ay gumagawa ng eksperimento kung paano gagawing luntian ang planetang Sedon. Nagtagumpay siyang makapagpatubo ng bulaklak ngunit noong araw din yun ay sinalakay sila ng mga kontrabidang taga Zone Empire. Dahil sa kaguluhan, nawalay silang mag-asawa sa kanilang mga anak. Ang limang bata ay nailigtas ni Arthur G6, isang intelligent robot at dinala sila sa planetang earth.
Lumipas ang maraming taon (early 90's), naging matagumpay na mga guro ang magkakapatid sa isang eskwelahan. Ipinagpatuloy din nila ang pagsasanay at pagde-develop sa Fiveman technology. Hanggang sa isang araw ay sinalakay ng Zone Empire ang Mundo at dito na nagsimula ang kanilang kagilagilalas na pakikipagsapalaran.
[ Ang mga Bida ]
Five Red, Gaku Hoshikawa
27 years old, ang panganay at kuya ng grupo
Science Teacher at magaling sa Kendo
Weapons: V-Sword, V-Shuttler
Attack: V-Sword Spark
Five Blue, Ken Hoshikawa
25 years old, pangalawa sa magkakapatid
P.E. Teacher at magaling sa Judo
Weapons: Twin Arrays, Twin Yoyos, Twinrisbees
Attack: Rolling Arrays
Five Pink, Kazumi Hoshikawa
23 years old, pangatlo sa magkakapatid
Math Teacher at magaling sa Fencing
Weapons: Cutie Circle, Circle Putter
Attack: Circle Finish
Five Black, Fumiya Hoshikawa
20 years old, pang-apat sa magkakapatid at kakambal ni Remi
Japanese Language Teacher at magaling sa Karate
Weapons: Power Cutter, Black Jaws, Cutter Discs
Attack: Screw Cutter
Five Yellow, Remi Hoshikawa
20 years old, bunso sa magkakapatid at kakambal ni Fumiya
Music Teacher at magaling sa Kung Fu
Weapons: Melody Tact, Yellow Flute
Attack: Tact Attack
Arthur G6
Super Five Robo
[ Ang mga Kontrabida ]
Zone Empire
Empress Medora
Lakasan na ang volume ng inyong computer :P
thanks for the info..hindi ko alam to ah! ang na abutan ko lang eh ung american version na...hehehe naalala ko tuloy ung helmet regulation dito sa city namin...:)
ReplyDeletexx!
hahaha! tama ka, xoxo grah! Dumaguete City is now the CITY OF POWER RANGERS!! :D
Delete@xoxo_grah - mid 90s ito dati naipalabas. di ko lang alam kung anung channel sa inyo sa Dumaguete ang ABC 5 dati or baka hindi ito nai-ere sa inyo... i dunno lols.
Deletehaha tama si Shiela, Power Rangers yung sa american version.
kaya nga...di to talaga ma alala na napanood ko ung version na to...:)
Delete@shiela...it's morphin time!
ay di ako sure kung sa Fiveman nga nanggaling or ginaya yung Power Rangers. haha!
Deletenaabutan ko to, pero di ko to napanood.
ReplyDeleteaww sayang naman. maganda din tong Fiveman, parang may pagka Bioman at Maskman sya :D
Delete1.2.3.4.5...Fiveman!!! Isa din to sa sentai series na inaabangan ko noon. ABC 5 sya kasama noon ang Jeto-jet-jetoman! :D
ReplyDeleteSir Khanto, I'm happy na marami pa din (like you) na naaalala at nagustuhan ang mga sentai series na ganito. Diba ang Jetman sa RPN 9 yata sya naipalabas, correct me if I'm wrong.
DeleteGustung gusto ko talaga ang ganito.. magmula sa Bioman...
ReplyDeleteKapag nakakakita ako niyan sa TV talagang pinapanood ko....
Sana magkaroon ng bago.... at makapanood ako ulit hehehe
ang saya lang kasi... sana bumalik ang panahon... nung mga araw na nanonood lang ako ng TV....
Sir Jon! *apir* ang saya talaga kapag mejo magkakalapit tayo ng age hahaha! ang dami ko din magagandang memories sa sentai series noon.
DeleteNung nag-research ako, maraming bago na Sentai series sa Japan ngayon kaso parang di sya ganun kaganda compared sa mga naipalabas noong 90s.
Alam na alam ko ang mga ito dahil lumaki ako sa panahon kung saan ang mga super hentai este sentai na ito ang mga napapanuod ko. Channel 5 ito! Ahaha, tapos channel 13 yata or channel 9 yung Bioman? Then, channel 2 yung ultraman. Si Arthur G6 yung nagiging cannon nila dyan diba?
ReplyDeleteParekoy! *apir* haha yeah, kapanahunan natin ito :D Yung Bioman sa channel 13 sya ipinalabas dati. Kasabayan din nila yung iba't ibang versions ng Ultraman sa channel 2.
DeleteYup, si Arthur G6 yung nagiging Earth Cannon :)
ayon si ultraman pala yon! hahaha tawang tawa ako sa ultraman na yan! wagas ang mga moves na halatang parang ginawa lang sa likod ng bahay. at sikat na sikat yang ultraman sa teks2x alam mo yon? yong mga cards? hahaha na experience kong maglaro din don with cousins. meron pa bang ganon ngayon?
DeleteHaha Lala, yeah naexperience ko din ang paglalaro ng teks/cards ng different animes and Ultraman dati. May mga nakikita pa akong anime cards ngayon na binebenta sa labas ng mga schools dito sa amin.
Deletebasta para sa akin, si ultraman ang dabest hehe
Deletepagclick ko sa entry na 'to, nagplay agad yung theme! shet! biglang nagflashback childhood memories ko. hehe! ayos to! stig!!!
ReplyDeleteAhaha parekoy! ayus diba? sinadya ko talaga isama dito yung theme songs nila para kumpleto ang flashback :D salamat!
Deletenapanood ko lang ito dati kasi walang ibang palabas hahaha hindi ako fan pero wala lang akong choice! hahaha saan country ba ito pala? buhay pa ba ang mga five rangers na yan? parang ginawa lang ang five rangers sa likod ng bahay lol
ReplyDeletehahaha Lala, lahat ng palabas na ganito ang tema ay nanggaling sa bansang Japan :)
Deleteahaha natuwa naman ako sa entry na ito. di ba gabi na ito kasi ang mga naunang palabas nito yung sailormoon nyahaha. tapos kasabay yung skyranger gabin na parang kabatch ni shaider sa plot, bettle borg, turbo ranger nyahahaha. Following ur blog na din :)
ReplyDeleteSa pagkakaalala ko, hapon pinalalabas ang Fiveman sa ABC 5 dati. Mga around (kung hindi ako nagkakamali) 5 PM or 6 PM ata ito pinalalabas tuwing sabado dati. Yup yung Sailormoon, 6:30 PM sya ng sabado pinalalabas.
DeleteSalamat din sa pag-follow Rix :D
Nose probe limbs! ehehehe.
Deletenakakamiss tong panoorin..gustong gusto ko talaga tong mga to pinakahuli ata yung jetman..gusto ko yung story nun kasi may halong love story at hindi lang basta love story ah may twist ang sanga sangang pag-iibigan ng mga bida at kontrabida hehehe... sana magkaroon ng re-run ang mga to :)
ReplyDeleteMiss Pink!!! ay oo I also love the story of Jetman. Ang cute at masyadong mahinhin ang character ni Kaori (White Swan) dun haha. Saka sila din ni Ryu (Red Hawk) ang nagkatuluyan sa ending nung series.
DeleteI am also hoping na magkaroon ng re-run ang mga Sentai's noong 90s para sa mga young audience natin ngayon.
Kaya ko pala d alam to kasi umalis ko pinas 1989:) anyway, seems interesting serie:)
ReplyDeletehaha its alright Mami Joy :) yup, very interesting ang mga series na ganito. Sana maipalabas ulit ang ganyan dito para naman magkaroon ng idea ang mga kabataan ngayon kung ano ang meron dati hehe.
Deletehaha thanks Wrey! dati kung hindi yung kuya ko ang nakakaaway ko (nag-aagawan kami lagi sa character nung Red - FiveRed, Red 1, Red Hawk etc. lols) yung mga kalaro ko namang bata sa labas. I still remember, tuwing hapon kundi holen or teks ang laro namin, ginagaya namin ang Fiveman, Bioman or Maskman, with matching toy sword or stick ng kawayan at kumot na cape haha :D
ReplyDeleteTeka, totoo ba yung nabasa ko sa taas? Power Rangers ay american version ng 5 man? Sabagay, di ko na maalala masyado ang plot ng parehong palabas na to. hahaha. Pero napanood ko rin naman pareho.
ReplyDeletehaha, di ako sure parekoy kung sa Fiveman nga ginaya yung Power Rangers. Pero may napuntahan akong site dati na pinaguusapan yung ganyang topic, di ko lang sure kung sa Fiveman, Bioman or Maskman ginaya yung sa american version na Power Rangers.
DeleteBenta yung segwey ng Hentai mo! LOLZ! nawata akoo XD
ReplyDeleteAnyways, OLD SCHOOOLLLL!!! medyo nakalimutan ko na nga ito at salamat sa pagrefresh! Mabuhay ang Hen--este--Sentaaaiii!!! XDDD
hahaha thanks Xian :) yeah, two thumbs up for Hen...Sentai haha! XD
Deletehi fiel-kun~ awww this post is so nostalgic ahh~ :> feeling ko ang tanda ko na lol ^_^
ReplyDeletei've seen this ~ hahaha napanuod ko 'to lol :)
haha salamat Krykie :) nobody is too old or too young when it comes to these stuffs na nagpapasaya sa atin. Kaya never lose the child in you :D
Deletehindi ko lam kung anong napanood ko.. if bioman, or fiveman.. and natatandaan ko lang, nagaaway kami ng pinsan kong babae kung sino gaganap na pink 5 pag naglalaro kami.. hehehe...
ReplyDeletehaha thanks Meeka. Kami din ng kuya ko dati lagi nagaaway kung sino ang dapat na gumanap na lider sa laro namin tuwing maglalaro kami ng Fiveman/Bioman/Maskman thingy stuffs haha.
Deletena miss ko to ^^
ReplyDeletewahaha Tey! buti at napasyal ka ulet dito lols. Yeah, sobrang nakaka miss ang ganitong mga palabas :D
DeleteAt parang na-miss ko tuloy bigla yung Five Man.
ReplyDeleteMga ganitong palabas ang uso dati eh. Wala pa yung mga One Piece, Pokemon, Naruto etc.
Ito ang libangan ng mga bata.
Sobra talagang nakakamiss ang ganito parekoy. Yung One Piece meron pa ngayong pinapalabas sa GMA7. Wala na yung Pokemon at Naruto.
DeleteAng sarap naman mag down Memory Lane sa post na ito :) napapa-indak ako sa background music ha ha! O di ba it shows na no genre specific when it comes to Legend cartoon/anime :D. I remember nung bata ako meron Bioman then Fiveman then Power Rangers. Dito sa US binalik nila ang Power Rangers at may orange and black na naku naguguluhan ako sa mga name ha ha!Thanks for sharing this Fiel :)
ReplyDeleteMiss Leah!!! haha, favorite ko talaga tong mag trip down to memory lane. Kasi admit it, ang daming masasayang memories ang nakaraan haha, lalo na yung time ng kabataan natin.
DeleteThanks at nagustuhan mo yung bg music :)
go go go..power rangers....
ReplyDeleteNgeeek! FiveMan not Power Rangers wahehehe XD
Deleteyes, naalala ko ito. Galing mag-search ng images ah : )
ReplyDeletepower rangers lang yung alam ko. lol
ReplyDeleteparang tanda ko to
ReplyDeleteito ba ung red 1 blue 2 ung sinisigaw nila?
nice usong uso to nuon
dameng palabas na hentai este sentai nuon
awww bigla ko tuloy namiss ang kabataan ko...ako si pink 5! :)
ReplyDeleteoff white
ReplyDeletekobe sneakers
goyard outlet
goyard outlet
curry 6
off white clothing
authentic jordans
off white t shirt
golden goose outlet
kyrie irving shoes