Loading...
Tuesday, January 1, 2013

Goodbye 2012, HELLO 2013!


Current Time: 7:25 AM. So kamusta naman kayo? rather ako muna? Halos 3 hours pa lang ang tulog ko, eto at nakaharap na naman sa monitor ng computer. So kamusta naman yun? adik much lang? 

Hopefully, ay naging maayos at masaya ang pagsalubong ninyo sa taong 2013 kagabi. Teka, pakibilang muna ang mga daliri sa kamay at sa paa ninyo.  Kumpleto pa ba? 20 all in all? Good!

Sumipat-sipat din ako sa mga bagong entry ng aking mga kaibigang bloggers at napansin ko na uso yata ang "year end post special", gusto ko sanang gumaya kaso wala naman talaga akong maikukwento sa inyong mga nakakagilalas at kahindik-hindik na mga pangyayari sa buhay ko bilang isang blogero. Saka kababalik ko lang din sa mundo ng blogging nung nakaraang July 2012. Kaya hindi magandang tingnan kung incomplete ang magiging year end post ko.

So yeah, naging maayos naman ang pagsi-celebrate namin ng bagong taon dito sa San Mateo. Sobra akong naaliw sa mga makukulay na aerial fireworks ng aming mga kapitbahay. Although parang mejo nabawasan ang dami ng pinaputok nilang aerial fireworks kagabi compared sa mga nakaraang taon, still bongga pa rin naman.  Saka, usong uso din ang Sky Lanterns ha, halos lagpas 50+ yata yung nakita kong naglulutangan sa madilim na kalangitan kagabi.  Gasgas na gasgas din sa aking pandinig ang kantang Gangnam Style na pinatutugtog sa aming buong neighborhood. Pero ang mga bagets sa labas, sige hataw naman sa pagsayaw lols!

May ipo-post sana akong mga pictures dito na kuha ko kagabi kaso lang, ang shunga kong kapatid iniwan yung charger ng one and only digicam namin sa bahay nila sa Pasig. Ayun drained ang battery. Kainis! Siguro ihahabol ko na lang sa next post ko yung mga pictures.

Muli ay taus puso akong nagpapasalamat sa inyong lahat na naging malaking bahagi ng aking buhay blogero dito sa mundo ng blogosperyo. Sana ay huwag kayong magsasawang bumisita at makipagkulitan sa akin on the year ahead. Cheers!

H A P P Y ~ N E W~Y E A R!
We will open the book. Its pages are blank. We are going to put words on them ourselves. The book is called Opportunity and its first chapter is New Year’s Day.

36 comments:

  1. Thanks Gia! Happy 2013 to you as well :)

    Cheers!

    ReplyDelete
  2. Happy new year Fiel kun! Kumpleto pa ba ang mga mata mo? :) Yung pages ko lalagyan ko na ngayon ng mga kulay this time! :))

    ReplyDelete
  3. @Pao Kun - Maraming salamat and Happy 2013 to you as well. Wahaha, syemps naman kumpleto pa din ang aking mga bright and tantalizing eyes :D

    Hmmmm... what pages? yung sa blog mo? hindi pa ba makulay yun? XD

    ReplyDelete
  4. Happy New Year Parekoy Fiel. U see this year :)

    ReplyDelete
  5. Natuwa ako nun makakita din ako ng floating lanterns kagabi! Pero mas natuwa ako dahil less ang nagpaputok kagabi, hehe.. Kakasawa nga gangnam style, kaloka, maya't maya.. Abangan ko pag-pos mo ng pics.. Happy New Year!

    ReplyDelete
  6. nawala pa ang comment ko! haha ito na. sabi ko usong uso ang lantern na yan, mas ok nga yan kaysa goodbye pilipins, kung yon ang nakalutang sabay sabog, goodbye barangay talaga ang mangyari sa dami! hahaha ito namang gangnam ayaw paawat ang mga bata pag narinig na ang koros sabay2x pang tumalon! walang kwenta! haha dahil nagbalik ka lang nong july2012, sabay na natin buoin ang taon ng entries dahil ako rin bago lang ako nagbabad ulit sa blogspero. so sabay2x 1 2 3.. happy new year na nga lang muna sayo fiel!! hahaha

    ReplyDelete
  7. happy new year naway makabuo ka na dis year hahaha makabuo ng mga maggandang post pa haahaahah

    ReplyDelete
  8. "Sana ay huwag kayong magsasawang bumisita at makipagkulitan sa akin on the year ahead"

    parang kelangan ko ng timba, iiyak kasi ako ng madami! :P

    HAPPY NEW YEAR kuya Fiel, 2013 will be a great year to all of us! :)

    ReplyDelete
  9. @Archieviner - salamat parekoy, happy new year din sa iyo.

    @Joanne - yeah, dito sa amin feeling ko nabawasan ang nagpaputok kagabi kasi hindi naman naging sobra yung usok after nung putukan.

    @Lala - haha, uu nga noh. what if lumulutang or lumilipad din yung goodbye pilipins? kamusta naman yun? ahaha! grabe din yang gangnam style na yan, hindi na sya nakakatuwang pakinggan. ang sakit sa tenga :D

    HAPPY NEW YEAR!!!

    ReplyDelete
  10. @Kulapitot - hahaha, sana nga makabuo na ako...... ng mga magagandang post pa :D

    @Jessica - ngeek, nakakaiyak ba yung sinabi ko ahaha :) Salamat and happy new year din. Sana swertehin tayong lahat sa 2013!

    ReplyDelete
  11. Happy Happy New Year ^^ abangan ko ang mga pics na yan..

    na miss ko na rin ang New Year sa Pinas... kaya sa TV na lang ako nanood -- ung Countdown ng GMA hehehe

    ReplyDelete
  12. Maligayang bagong taon!, kumpleto pa naman ang mga daliri ko haha.

    ReplyDelete
  13. haha, tulugan na. puyatan kagabi e.

    ReplyDelete
  14. @JonDmur - happy new year din sa inyo sir Jon. uu nasa MOA nag countdown yung GMA kagabi haha.

    @Nong Inong - haha, mas kumpleto ang mga daliri, mas masaya!

    @Olivr - uu nga eh, gusto kong matulog kaso ang iingay naman ng mga pamangkin ko >_<

    @Denoy - happy 2013 din!

    ReplyDelete
  15. happy new year fiel :) goodluck for 2013

    ReplyDelete
  16. Nagbilang ako ng mga daliri.. Sobra ng isa. joke. Kumpleto pa naman, hehe. Nawa'y wag mabawasan! Ok ang celebration. Dito walang sky lanterns, mukhang interesting yun ah! Happy New Year!

    ReplyDelete
  17. tulog ako nung new year's eve. hahaha XD

    ReplyDelete
  18. happy new year fiel! hope legendary yung 2013 mo;-) wag ka mainggit don sa ibang me yearend post.;-)

    ReplyDelete
  19. Aabangan ko ang mga pics ha?
    Happy new year fiel kun, at thank you sa pagbahagi mo sa amin ng iyong 2012:)
    Happy tyo dapat sa 2013!

    ReplyDelete
  20. Late na ang comment ko na ito kasi nagkasakit ako pero habol pa rin ang pagbati ko sa iyo parekoy ng Happy New Year! :)

    ReplyDelete
  21. Happy new year Fiel! Go and rock 2013!!!

    ReplyDelete
  22. Happy New Year Parekoy. May you have a blessed AD 2013. :-)

    ReplyDelete
  23. perehas lang tayo, walang year end post. hehehe

    ReplyDelete
  24. Happy new year Fiel. Ok lang yan, ako rin napakaigsi pa nga ng year end post ko eh. hehehehe :)

    God bless you more.

    ReplyDelete
  25. Hi Fiel! Happy new year! Buti kapa may nakitang skylanterns :) Nice to know you had a blast in celebrating the new year. God bless!

    ReplyDelete
  26. san sa pasig nakatira kapatid mo... baka mag kapitbahay lang kami hahaha... Happy New Year Fiel, totoo bang nkaka pinsala ang sky lanterns at nka ban ito sa ilang karatig bansa at even sa europa?

    ReplyDelete
  27. Happy New Year Fiel! More fun posts this 2013! ^◡^

    Fashionmoto

    ReplyDelete
  28. Wishing you a prosperous 2013!!

    ReplyDelete
  29. natatawa pa rin ako sa naisip kong ang goodbye pilipins ang lulutang bilang isang sky lantern! hahaha goodbye barangay talaga ang mangyari!! hahahaha

    mukhang hindi kita naramdaman sa blogsphere ambusy ata? wala ka rin sa twitter. hehehe namiss ko kadaldalan mo... see u around.

    ReplyDelete
  30. Happy New Year parekoy! Ako di ko pa nga natatapos ang year end post ko hahaha...day 6 of Jan na..hahahaha...

    Tapos may mga bago na akong entry hahahaha

    ReplyDelete
  31. huling huli na kong babati hahaha
    engots ko kasi
    belated happy new year parekoy

    ReplyDelete

 
TOP