*Phew* *sabay punas ng pawis* Grabe ang init na dala ng summer ngayon. Talagang matutuyuan ka ng tubig sa katawan. Anyways, dahil mejo na bored ako kaninang tanghali ay naisip kong magbutingting ng kung anik anik sa mini storage space ko dito sa bahay at natuwa naman ako nang makita ko na buhay pa pala ang pinaka iingatan kong collection ng mga abubot (karamihan ay anime collectible cards or simply "teks") na nakalagay sa isang lumang kahon ng sapatos na nababalutan ng lumang magazine. Mind you, halos 15+ years ko na pala siyang naitatabi. Most of the anime cards/teks I have here ay nasa mint condition pa. Meron mga mejo luma na pero mapapakinabangan pa rin naman. Ang dami na nyang bagyong pinagdaanan. Kahit binaha kami nung 2009 dahil kay Ondoy ay talagang nanatili syang matatag sa kanyang kinaroroonan sa mataas na bahagi ng aming tahanan haha. So without further ado, eto po ang mga snap shots ng mga nilalaman ng aking "Box of Memories".
Ang lumang kahon ng sapatos at aking mga "teks"
Ang collection ko ng Ghost Fighter cards
May Dragon Ball Z din ako
At si Sailor Moon oh hahaha
Collectible Coca Cola Cards circa 1996-1997?
First Top-Up card released by Level Up Games Inc., on 2003
Hindi halatang na-adik ako sa Ragnarok Online dati :P
Mga katibayan na kumita sa akin ng malaki ang Level Up Games lol
----- Pasasalamat -----
Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled A dose of random photography. Shout out goes to the following:
Rix, Lady_Myx, Bino, Mar Unplog, Leah | Travel Quest, 88-Nutty Thoughts-88, Olivr, sherene, Phioxee, MEcoy, yccos, jonathan, Senyor Iskwater, Pink Line, Lalah, Ester Yaje, June | Life and Spices, xoxo_grah, Archieviner, ZaiZai, bluedreamer27, Ric LifeNCanvas, joy, Gilbert Pagunaling, bagotilyo, ERICA, ignored_genius, Anthony
buti ka pa u keep that level up! ang dami kong ganyan noon pero i dint mind keeping it hahaha that's it sus kabataan! hahaha
ReplyDeletealam ko rin yang teks2x na yan yong finiflip yan sa thumb diba ganyan hahaha well im playing that too with my cousins nong virgin pa ako este sa kabataan ko pala hahaha
uu machaga ko talagang inipon yan dati hehe. Buti na lang nasa maayos pa rin silang kalagayan until now.
Deletepuro ka na lng virgin nyahahaha XD
hahahaa bakit nakikialam sa pagiging virgin na yan ha? hahaha tsseeh! hahaha namiss ko ng dumaldal talaga at mas lalong namiss kitang bugbogin sa twitter hahahaha
Deleteang kauna unahang top up card ng level up n gawa s papel dba? pero mas prefer ko yun plastic kc pwedeng gwing keychain, ubos yaman ako noon dahil sa bot
ReplyDelete-Anthony
Ay di ko na naitabi yung papel na top up card ko >,<
DeleteMas gusto ko din yang gawa sa plastic at ginagawa ko din siyang keychain dati lols
Ay botter ka pala? nyahahaha!
Ang unang serve rko pa talaga noon ay Chaos sa guild na steelwolves, kung natatandaan mo pa, after maka 99 ng priestress ko (chiksilog tlaga ako before) eh nagbot nako kasi nag-aaral, then gabi bakbakan :D
Deletetnx nmn sashout out... aq walang collection....tsk
ReplyDeleteYou're very much welcome Senyor :))
DeleteMarami ka namang collection of friends in your circle diba? :)
Call me JJ Fiel.. wag na June... haba haba eh.. nyahaha.
ReplyDeleteI had all items like that before tapos may holen pa... nyahaha,
Nakakamiss childhood days..
Dapat ang music mo yung sa Voltes 5
Umm okay JJ nyahaha :D
DeleteMadami din akong holen dati. Nakalagay siya dun sa malaking empty bottle ng pulbos kaso binigay ng nanay ko dun sa inaanak nya hahaha~
Ay tinanggal ko pansamantal ung music. Isip ako ng ipapalit :))
naaalala ko, yung naipon kong teks, inanays... hahahah.... sayangs.
ReplyDeleteDi ko matandaan yang coke cards, mas tumatak sa akin yung mini coke bottles na pinapapalit noon. :D
ay sayang ginawa pa lng meryenda ng mga anays ang teks nyo sir Gelo hehehe. Buti na lang dito samin, wala atang termites.
Deleteyung mga mini coke bottles ko nagkandawalaan na sila. meron din ako nun dati eh.
Super like ko yan bunso alala ko tuloy kuya ko mahilig sa teks and mga tau-tauhan ha ha! Madalas kagalitan ng nanay dahil nauwing amoy araw :P life is simple back then no? Now mga bata psp at tablet na hawak tskkk..
ReplyDeleteHahaha thanks Ate Leah :))
DeleteAko din dati gaya ni Kuya mo. Kahit tanghaling tapat, hala sige laro sa gitna ng arawan ahahaha. Kaya ang ending nakakatikim ako lagi ng palo sa nanay ko lols
Yep napakasimple lng ng buhay bata dati. Pero ngayon, wala na puro gadgets na ang hawak ng mga bata >.<
katuwa naman... naalala ko pa ang teks... madalas ako maglaro noon kaso wala akong naitabi kahit isa ...
ReplyDeleteparang naaalala ko ang coke cards na yan...
nice....
Thanks Kuya Jon :))
DeleteNoong 90's talaga eto ang laruan ng mga bata. Nung pumasok na ang 2000, ayun isa isa nang nagsulputan ang mga gadgets at computer kaya halos karamihan ng mga bata ngayon hindi na experience ang magkapaglaro ng ganyan.
Wow! Naalala ko rin, my son had some of those:)
ReplyDeleteKakatuwa ang init ano, nagiging active ang mga tao:)
Dito naman, may heater pa kami at gusto ko nang pumailalim sa makapal na kumot:)
Thanks Mommy Joy *hugs*
DeleteKung pwede lang sana ipadala nyo dito ang mga snow jan sa Norway hahaha :) Kapalit naman yung alinsangan ng panahon dito.
Ahaha naipon din ako ng text ng ghost fighter pati yung top up card ng ragarok :D kaso natapos din yun nung bagyong melenyo..
ReplyDeleteNasan na ba tong Melenyo na ito at nang mapalo sa pwet lols
DeleteSayang yung mga koleksyon mo Rix hehe :))
Uu di lang yun yung teks na naipon ko, meron din ako nung x-men yung malapad :D
Deletehaha naks siguro hustler ka sa text nuon no!
ReplyDeletehaha samen wala na ko naitabi ni isa hahaha
kahit nga picture wala!
tanda ko nuon coka cola pogs ang madame ako haha
Wahahaha hindi naman ako masyado hustler dati. Slight lang. Mas gusto ko kasing i-collect yung card lalo na pag maganda yung design/art. Tapos yung mga duplicate ang pinanglalaban ko hehe.
DeleteAy uu ang dami ko din pogs dati pati yung plastic na slammer. Kaso sinunog ata ng nanay ko yun dati hahaha.
Wow, ang daming collections ah..hehehe. kami sa province ang teks at holen lang ang natatandaan kong meron ako plus ang "rubber bands" din pala.
ReplyDeleteYou still keep these? Wow grabe ang dedication mo sa preservation nila ah..hahaha. But seriously, having these items always remind you of your once childhood era. It's nice to travel back in time while holding all these.
Plus special mention, ang naka adikan ko lang diyan sa mga anime na yan ay ang GHOST FIGHTERS, buong family namin tutok diyan dati hahaha..But due to a poor memory now, di ko na tanda ang story niya hahaha..I just knew few characters like, Master Jericho, Master Jeremiah, Eugene, Alfred, Vincent and the other one I forgot, Yung girl din nakalimutan ko na rin hehehe.
A blast from the past!
Naku Daddy Jay, lahat yang nabanggit mo na holen at rubber bands meron din ako dati hahaha. Pati nga yung tansan at wrapper ng kendi ginagawa din namin na currency, kunwari pera lols
DeleteYup, I'm still keeping those. Nakakatuwa nga dahil sa hinaba haba ng panahon eh talagang naingatan ko siya. Buti rin at walang anay dito sa bahay namin. Kung nagkataon siguro baka matagal nang nasira tong collection ko :)
Hahaha, I'm very happy na naging fan ka din pala ng Ghost Fighter dati *apir* :D Maganda naman kasi yung flow ng story, isang spiritual detective na naging tagapagtanggol ng both spiritual and human world si Eugene (Yusuke in Japanese) Oh diba you can still recall yung mga main characters. Dagdag mo din pala si Dennis, yung taong lobo na may kulay red at mahabang buhok.
meron ako nung coca cola cars, sailor mooon (o ha!) Pogs , text na mga pelikula at drawing at mga pog slammers hehehe
ReplyDeleteHuwaw, are you still keeping those Kuya Bino? patingin naman hehe :)
DeleteNakakatuwa talaga pag may kakilala ka din na may mga ganyang bagay pa rin until now.
Haha. The usual "tex", buti nga wala kang "pogs". haha. XD These things surely bring back good memories.
ReplyDeleteAy meron akong pogs dati kaso like what I said above, sinunog yata ng nanay ko lolz Nung bata kasi ako, nakakalimutan ko madalas itago ung mga laruan ko after kong maglaro kaya ayun ang ending, inaakala ng nanay ko na basura na sila kaya direcho sa basurahan hahaha :D
DeleteHaha. Ngayong matanda na tayo, these things seem like trash, lalo na kung hindi naman talaga minahal. Pero nung bata, pinakiki-patayan ko pa kapag ninakaw nila ang tex ko. lol
DeletePareho tayo. Sa akin nakatago pa ang mga teks ko. Aba, pinaghirapan ko ring ipunin yan noong elementary student ako kaya may sentimental value. Meron akong mga teks ng Ghost Fighter at Dragonball. Meron din akong BTx at Zenki.
ReplyDeletecollection(s)???
ReplyDeletehhhmmmm.... noong bagets ako hilig kong magcollect ng holen... tapos ilalagay ko sa jar then ididisplay sa estante.
bet ko ding magcollect ng goma, yung gagawin mo syang chains na 10 pcs, same color per chain.
hehehehe... isip bata na naman.... very nostalgic...
wow may naitabi ka pa talaga parekoy. ako kahit isa ata wala. sarap balikan ang pag kabata
ReplyDeletewaaah ang daming teks... naalala ko yung parang comics na teks ...yun ata ang unang teks sa pinas eh...hala ang tanda ko na
ReplyDeleteWala bang maaarbor si jamboy diyan hehehe.
ReplyDeleteSiguro paglaki ni jamboy ganyan din, hahalungkatin amg baul at sisilayan ang mga kanyang collections:)
Ang dami ah, puwede na ngang pakinabangan at ibenta sa mas malaking halaga. Siya, itago mo pa at after ten years, mas mahal na yan. Ang mga estudyante ko, collection nila ngayon Kaizer cards.
ReplyDeleteNakakamiss yung tex at yung coca cola cards! Wala kang pog? I used to have tapos hindi ko na maalala kung saan na napunta...
ReplyDeleteang galing mo naman parekoy at napakasinop mo at naitabi mo pa tong mga to..
ReplyDeletelagi kasi akong talo sa mga kalaro ko kaya wala talaga akong maitatabi na text, jolens o pogpag man hehehe
grabe antagal na yang mga coca cola cards huh... batang bata pa ako nun eh...
ReplyDeletehayst.. nakakmiss tuloy maging bata ulit hehehe
ReplyDeletehaha...dami mong anik-anik ah...
ReplyDeleteganyan din ako nuon pero wala na lahat...dapat pala ini-store ko.
di bale makabili na lang uli, heh
cooL! gusto ko yang mga tex mo :D ako naman, ang iniipon ko dati yung mga sailor moon paperdolls na naka ilang stick-o containers (yung malaki hah :D) tapos mga tex ng hunter x hunter :D yung dugsong dugsong na rubber bands, saka skecthes ng dragon ballz :D hehe.
ReplyDeletesalamat sa shoutout :D
from Myxilog with love <3
sayang tinapon ko na yung mga sakin ... tandang tanda ko yung mga teks. yung ghostfigther cards. hahaha
ReplyDeletenamimiss ko tuloy maging bata ulit :p
Wow! Hangdami...naalala ko din tuloy ung kabataan kong hilig sa pag d-drawing ng ghost fighter character...nostalgic...:)
ReplyDeletexx!
Naitago mo pa talaga yan! Actually di naman ako naglalaro ng teks pero naalala ko nung binili ako ng madaming madaming teks na puro f4 hahaha. meteor garden. nako! sana naitago ko pa un kasi may nakakatawa ako ala-ala dun.
ReplyDeleteapakadami talaga ng naitago mo! grabe
omg andaming teks.. naalala ko dumadayo pa kami ng kuya ko sa bayan para makipagteks sya, daming ganyan pati rubber bands hehe
ReplyDeleteay grabe fiel hindi naman sobrang dami ng collection mo noh? hehe!
ReplyDeleteminsan nalulungkot ako kasi andami sa mga ganyan kong koleksyon e nawala ko. lalake pa naman anak ko mapakita ko man lang sana mga nilaro ko noong bata. natira lang sa kin e yung marami kong ghost fighter na teks. yung mga old school tulad ng mga pelikulang pinoy na malayo ang kwento dun sa totoong plot ng story ay nawala na lahat, hehehe. meron pa naman ako mga NBA cards at maraming jordan :D yun pamana ko sa kanya. kainggit ka bro at naipon mo pa ito lahat.
ReplyDeletei have those level up cards way back in the philippines. you have your treasures here! Keep it up man! i just got back in blogging! hope to hear more there!
ReplyDeletefiel 15 years? ilang taon ka na bah? at hmm honggong ngayon nawiwili ka pa din naman sa anime diba? addiction na ba yan fiel?
ReplyDeletewow haha ako din nag lalaro ng teks dati. haha naalala ko pa nga teks money pa nga ee. sugal yun hahaha well bata pa ee. sugarol lang haha. dati may mga teks, pogs at jolen ako tinatabi ko rin yun.. hahaha sarap maging bata :) puro laro lang talaga.
ReplyDeletewohooo! adik ka rin pala sa ragna. adik din ako nyan, huminto ako ng isang year sa pag aaral para lang dyan. natuto akong magnakaw para pambili ng load. hahaha. nasa aken pa yung ibang cards ko na hindi nasama sa mga tinapon ng mama ko. hahaha
ReplyDeleteMe want the sailormoon cards! benta mo na sakin. Hahahaha
ReplyDeletebro, ragnarok player din ako before, since 2nd year HS, kakalabas pa noon ng ragna, year 2003 pa yata un, ive been collecting cards back then , kaso natapon ng mama ko ung set of cards ko, nakita ko ung sau, bumalik ung mga ala ala, i know its rare to find those cards, especially ung 50 na munak ro cards, bro if its okay, pwdi ko bang bilhin ung 1 ? something to hold on to memories from the past, :( ive been playing also ro2 since last jan till now :) pero iba tlga ung ro1 noon. hope to receive a reply from u bro - jayson hamoy
ReplyDeletebinebenta mo po ba yan? hehe tanong lng po
ReplyDeleteis it for sale dragon ball z & yuyu*hakusho teks?
ReplyDeleteif it is bilhin ko yung iba
ReplyDeleteSANA SANA mabasa mo ito kahit alam kong medyo matagal na ang post, BRO im ALVIN reply ka po bro if ever, legit card collector po kasi ako at umaasang/naghuhunt na mapadami pa ung collection ko.. thanks! hopefully maisahre mo ung teks mo sken.. 09174165418 number ko dude, sana makabili or hingi ako sa collections mo thanks!
ReplyDeletebape sta
ReplyDeletesupreme shirt
curry shoes
kyrie irving
yeezy boost 380
stephen curry shoes
supreme clothing
goyard outlet
off white outlet
bape hoodie