Loading...
Sunday, April 14, 2013

Ang langgam sa ilalim ng kama


“Oh, kamusta na yung bagong alaga mo?”  Ang nakangiting bati ni Cherry kay Mimi habang inaayos nito ang gamot ng kanyang pasyente sa isang tray.

“Ayun, gaya pa rin noong una siyang dumating dito sa ospital.  Kahit anong paliwanag ang gawin ko sa kanya, hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iimbak ng rasyon na pagkain sa ilalim ng kanyang kama.  Aba’y gusto ba niyang papakin siya ng sandamukal na langgam doon? ”  Ang nakasimangot na tugon nito.

“Easy ka lang jan teh.  Bata lang yun eh.  Pagpasensyahan mo na.  Saka ngiti ka naman jan.  Lagi ka na lang nakasimangot eh.  Sige ka maaga kang tatanda nyan."  Ang masayang tugon ni Cherry kay Mimi sabay sundot sa tagiliran ng kanyang kaibigan.

“Talagang tatanda ako ng maaga sa batang iyon eh.  Masyadong pasaway.  Tara, magmeryenda nga muna tayo sa cafeteria...”

Matalik na magkaibigan sina Cherry at Mimi simula noong sila ay nasa high school pa lamang.  Parehong kurso na nursing din ang kinuha nila pagdating sa kolehiyo.  Sabay din silang pumasa sa board exam at kapwa piniling magsilbi sa isang pampublikong ospital sa Maynila.  Halos magkapareho din sila ng taste sa lahat ng bagay; sa pagkain, pananamit, gadgets, paboritong palabas sa tv at  musika sa radyo.  Kaya nga BFF na ang turingan nilang dalawa.  Ngunit pagdating naman sa paguugali ay mejo naiiba sila sa isa’t isa.  Si Cherry ay laging nakangiti, masayahin, at mahaba ang pisi pagdating sa pagpapasensya.  Kabaligtaran naman niya si Mimi na may pagka suplada ang dating at madaling uminit ang ulo.

Lumipas ang ilang linggo at ganun pa rin ng ganun ang ginagawa ng batang pasyenteng inaalagaan ni Mimi sa Children’s Ward.  Kung hindi sa ilalim ng kama ay sa ilalim naman ng unan ito madalas magtago ng pagkain.

“Balita ko malapit nang dalhin ang batang iyon sa bahay ampunan.”  Ang bulalas ni Mimi kay Cherry noong minsang nagkasabay sila sa cafeteria ng ospital.

Buong pagtataka naman ni Cherry kung bakit kinakailangan dalhin sa bahay ampunan ang batang pasyente na tinutukoy ni Mimi.  Na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya batid ang tunay na pangalan nito.  Wala bang mga magulang o kamag anak man lang ang batang iyon?

Isang araw ng sabado ay di sinasadyang lumiban si Mimi sa trabaho kaya si Cherry ang natokang magbantay at mag-alaga ng pansamantala sa bata.

Paglapit pa lamang ni Cherry sa kinaroroonan ng bata ay agad niyang napansin ang ilang langgam na paroo’t parito sa ilalim ng kama nito.

“Kamusta ka na?”  Ang masayang bati ni Cherry sa bata, na sa pagkakakita sa kanya ay biglang napabangon ito mula sa kanyang hinihigaan.

“Mabuti naman po ako Ate.“  Ang tugon ng bata sa kanya.  Bakas sa mga mata nito ang kalungkutan.  Isang batang babae, payat ang pangangatawan at sa tantya niya ay nasa walong taong gulang.

Umupo si Cherry sa isang bahagi ng kama malapit sa bata.  Hindi na siya nakatiis pa at mabilis niyang tinanong ito kung bakit lagi siyang nagtatago ng pagkain sa ilalim ng kama.

“Para po kasi iyon sa nanay at tatay ko.  Pati na rin sa bunso kong kapatid na si Junior.  Matagal ko na po silang hinihintay.”  Ang malungkot na tugon ng bata sa kanya.

“Teka, ano bang pangalan ng nanay at tatay mo? At nasaan na ba sila ngayon?  Meron ka pa bang mga kamag-anak?”  Ang sunod-sunod na tanong ni Cherry sa bata.

"Hindi ko po alam ate.  Pagkagising ko ay namalayan ko na lang na nandito na pala ako sa ospital.  Wala na po akong maalala sa mga nangyari.  Alam nyo po ba kung nasaan sila?”

“Ah, hindi eh.  Pasensya ka na ha?”  Ang nabiglang sagot ni Cherry sa bata.

“Tignan nyo ito Ate.”  Iniangat ng marahan ng bata ang kanyang unan at sa ilalim nito ay nakita ni Cherry ang ilang piraso ng pakete ng biskwit, candy at isang maliit na laruang bola na yari sa goma.

“Para sa kanila po ang mga ito.  Hindi po ako nawawalan ng pag-asa.  Iingatan at itatago ko po yan hanggang sa dumating ang araw na kunin at sunduin nila ako dito…”

Ilang araw pa ang lumipas at nabalitaan na lang ni Cherry mula kay Mimi na kinuha na pala ng DSWD ang bata at nakatakda na daw itong dalhin sa isang bahay ampunan.

Isang malaking palaisipan pa rin kay Cherry ang misteryo ng pagkatao ng batang ni hindi man lang niya naitanong kung ano ang pangalan nito.  Hanggang sa dumating ang araw na nakatakdang masagot ang lahat ng kanyang mga katanungan tungkol sa batang iyon.

Na-ikuwento sa kanya ng kanilang head nurse na Angela pala ang pangalan ng batang iyon.  Ang bukod tanging nakaligtas sa lumubog na pampasaherong barko na biyaheng pa Maynila galing ng Mindanao.

Sa mga sandaling iyon ay naramdaman ni Cherry na parang may kung anong kumurot bigla sa isang bahagi ng kanyang puso.  Hindi niya namalayan na dahan dahan na pa lang dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata.

Bigla niya rin naalala ang mga sinabi ni Angela sa kanya na hindi ito nawawalan ng pag-asa at patuloy siyang maghihintay hanggang sa araw na muli niyang makapiling ang kanyang buong pamilya.  Nakaramdam siya ng pag hanga para sa bata kahit batid niyang ang mga bagay na iyon ay hindi na maaaring mangyari kailanman…

-Wakas-


----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled Childhood Treasures & Memories.  Shout out goes to the following:

Lalah, Anthony, Senyor Iskwater, June | Life and Spices, khantotantra, Leah | Travel Quest, JonDmur, joy, Rix, MEcoy, Juicy Jay, Bino, ventocoseuss, Ishmael Fischer Ahab, 88-Nutty Thoughts-88, Jei Son, Genskie, sherene, jonathan, glentot, bluedreamer27, Ric LifeNCanvas, Lady_Myx, bagotilyo, Wrey Swift, xoxo_grah, aian, Gracie, Jessica, ignored_genius, POY, Phioxee

45 comments:

  1. Kawawa naman si Angela... So si Mimi walang reaksyon?

    Hyyy... kaka-sad ang story na ito...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, dedma lang si Mimi hahaha!

      Thanks Senyor :)

      Delete
  2. nabitin ako sa story 1 thing is for sure.... nakakalungkot ang pinagdaanan ni Angela pero kahit na ganun na nanatili pa rin syang positive.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tamah! Isa yan sa gustong ipabatid ng maikling katha na ito. Ang manatiling positibo sa kabila ng kalungkutang pinagdadaanan. Thanks Rix!

      Delete
  3. nakakalungkot! hays pero ayun nga nakakabitin kasi di natapos
    hirap nun nu? umaasa ka sa wala, pero un nga siguro ung sense ng pagasa kahit na
    wala ee may mapanghahawakan ka pa din

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka jan Mecoy! kahit may konting alam na rin si Angela sa kinahinatnan ng kanyang pamilya ay hindi pa rin talaga siya nawalan ng pag-asa. Kahit man kahit konting liwanag ng pag-asa ay may mapanghawakan siya.

      Delete
  4. Napakagandang akda nito Fiel, magaling kang manunulat. Magandang ehemplo ang inilalarawan ng batang si Angela sa maikling kwentong ito. Ehemplo sa karamihan, ehemplo sa mga nawawalan ng pag-asang magpatuloy sa daang tinatahak na kahit anong hirap at lungkot ang dinaranas sa buhay, ehemplong gusto nating gawin pero mahirap tuparin, ehemplong gusto ko rin. Di man ako gaya nya na nawalan ng pamilya pero gusto kong magkaroon ng malaking pag-asa para magpatuloy sa karera tungo sa tagumpay. Ika nga ng tiyahin ko, wala kang ibang aasahan kundi sarili mo kaya pagbutihin mo nalang, wag sayangin ang oras, maging matatag at harapin ang katotohanan ng buong tapang at puno ng pag-asa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Gracie!!! I so love your very meaningful and rich comment :) Tama ka rin jan ate, ang batang si Angela ay isang simbolo na dapat ay patuloy tayong lumaban sa hamon ng buhay, gaano man ito kabigat ay huwag tayo susuko at mawawalan ng pag-asa. Di ba sabi na rin sa kasabihan, habang may buhay may pag-asa.

      Delete
  5. aww.. nakakalungkot naman ito pero maganda ding isipin na sa kabila ng lahat nananatili pa ring positibo si Angela at di xa nawawalan ng pagasa. pero nakakalungkot pa rin kasi di ko alam kung anu mangyayari kay Angela in future :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, tama ka rin jan parekoy. Malungkot man ang naging karanasan ni Angela sa mura nyang edad ay nanatili pa rin siyang matatag at di nawalan ng pag-asa.

      Delete
  6. kawawa naman si Angela :(,
    May mga bagay talagang ginagawa ng tao na sa tingin natin ay walang kwenta pero dapat lang talaga nating intindihin at silaý tanungin kung bakit nila ginagawa yun.
    Galing galing naman ng pagkakalikha ng kwento na ito.. more kwento pa ulit FeeyeL! hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Ate Gen! tama ka na minsan may mga ikinikilos or ginagawa ang isang tao na sa paningin ng iba ay weird o panget. Kaya kailangan din ng ibayong pang-unawa upang lubos natin silang maunawaan.

      Delete
  7. Minsan naiisip mo na maraming di magagandang kanagapan, desisyon o direksyon ang buhay mo...pero madalas may mga taong mas matindi ang pinagdadaanan.. hay life! nakaklungkot ang sinapit ni Angela pero gayun talaga. kailangan tumayo at lumaban at harapin ang kinabukasan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, tama ka rin jan Ric :)) bahagi na talaga ng buhay ng tao ang kalungkutan at kabiguan. Nasa sa atin na lang talaga kung paano natin ito lalabanan para malagpasan :)

      Delete
  8. ung pagiging positibo sa kabila ng kalungkutan. yun yon eh

    ReplyDelete
  9. grabeh naman si mimi noh. di man lang ba nya tinanong kung bakit nagtatago ng food si angela sa unan nya? buti pa tong si cherry. pero sana me part 2 fiel.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, ganun talaga ang character ni Mimi; walang pakialam sa mundo ang peg lols Naku ate Aicy, parang ang hirap nang dugtungan toh hehe. Ang bigat sa dibdib.

      Delete
  10. very sad story naman ito...kakaiyak naman...:(


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, sad talaga. Ang bigat sa dibdib nito habang sinusulat ko.

      Thanks ate Grah :)

      Delete
  11. wooooott!! paaappp! banngg!! ang galing ha! i was sooo hook reading it. isang realidad nga sa isang batang ndi nawawalan ng pag asa lalo na sa likod nito ay situation na ndi inaasahan. ang trauma ng bata talaga ang concern ko don echoooss lang hahaha pero mganda feeyyel super! pweding ilagay sa isang article na magazine hehehe

    halika nga namiss kita papisil sa mukha mo at pahawak sa buntot mo at sasabit kita sa patiwarik hanggang mauubos ang laway mo! lol haha madaling maubos ang laway kasi summer madaling matuyo! hahahaha peace!! muaah! *hugs*I

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha! Ssssshhhhhh.... ang ingay mo Lala (-^o^-) mellow ang mood dito oiii.

      Pero salamat din sa nice compliment :))

      at hanggang dito talaga, tortured pa rin ang pusa sayo lols

      Delete
    2. eh bakit ba kasi namimiss ko na ang pusa eh hahaha echoosss!!! kung makamellow ka naman eh ang mellow na mellow ko na kaya ohhh hahahaha ansabeh? hahahahaha woooootttt pamparakpakpak!! sabay tadyak sa pusa!! hahaha

      Delete
  12. parang bitin ako sa story parekoy(ngayon na nga lang nagbalik nanlait pa hahaha). gusto ko rin ng shout out! demanding? hahaha. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, sa next update ko kasama ka na rin sa shout out parekoy (-^o^-)

      Delete
  13. This is sad man, but i preferred to lost it and have been loved than lost it and never have been loved. i am referring to the child's family.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Sir Poy :) I'm sure that Angela has a very loving and supportive family before she lost them.

      Delete
  14. Mali 'yung hula ko kung anong aksidente. Akala ko kasi aksidente sa kalye sakay ng kotse. Hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha parekoy! hinuhulaan mo na pala yung mangyayari while your reading it :))

      Delete
  15. Awww! Nalungkot ako sa banda huli. Umaasa si Angela....pero hanggang kelan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hanggang hindi nawawala ang mga langgam sa ilalim ng kama, patuloy na magliliwanag sa puso ni Angela ang pag-asa :)

      Salamat sa pagdalaw at kumento Kuya Empi!

      Delete
  16. ayokong maiyak. kaya heto nalang. alam ko kung ano ang kumurot sa puso nya. yung langgam. hahaha. hindi ako yung tipong ma drama pero hangganda. :-)

    ReplyDelete
  17. Tingin ko ang ginagawa ni Mimi ay masyado lang nyang ayaw maattach sa work and ginagawa lang niya ang trabaho professionally. Iwas na lang siguro sya sa pag hukay ng mga kwento sa mga pasyente.

    Nakakaapekto naman talaga kasi sa trabaho pag masyado nang emotionally attached dun ang isang empleyado. :)

    ReplyDelete
  18. A very sad story. I hope ok ang maging kalagayan ni Angela don sa mag aampon sa kanya kung itutuloy mo story. Galing mo fiel- kun.

    ReplyDelete
  19. tragic yung story ... kasalanan ng kapitan ng barko kun bakit nangyari to kasalanan mo to fiel huhuhuhuhuhu chos! napaiyak tuloy ako!

    ReplyDelete
  20. nakaka sad naman ang pinagdaanan niya.....

    join ka sa kwento ni nanay ha... wait ko entry mo.... ^^

    ReplyDelete
  21. me mga katulad talaga ni mimi dito sa mundo. in fact marami sila. heartless masyado

    ReplyDelete
  22. من منا لا يحتاج إلى سباك يقوم بكافة أعمال السباكة الخاصة بالمنازل والشقق والفلل والقصور، كما أن الشركة تعتمد في أداء عملها على مجموعة متميزة من عمال ومهندسين محترفين في أعمال السباكة المتطورة، فشركتنا تحرص على أن يتم تدريب عمالها على استخدامهم لأحدث المعدات والتقنيات الحديثة التي تساعد على كشف مكان مشكلة السباكة، أو كشف تسرب مياه من أي نوع، لذا عند حدوث أي مشكلة يجب أن يتم اللجوء إلى شركتنا على الفور فنحن الشركة الوحيدة التي تمتلك القدرة على كشف وتصليح جميع المشكلات الخاصة بأعمال السباكة.

    سباك بالمدينة المنورة
    كهربائي بالمدينة المنورة
    دهان بالمدينة المنورة
    نجار بالمدينة المنورة
    معلم سباك بجدة
    معلم كهربائي بجدة

    ReplyDelete
  23. Shadow Creation is the process to change the color of an image or video..Shadow Creation It means correcting the lighting, white color balance, red or blue color balance, so that the image looks more clear or natural

    ReplyDelete
  24. Shadow Creation is the process to change the color of an image or video..Shadow Creation It means correcting the lighting, white color balance, red or blue color balance, so that the image looks more clear or natural

    ReplyDelete

 
TOP