Loading...
Tuesday, February 5, 2013

Love is...



Ngayong buwan ng Pag-ibig, pagnilayan natin ang salitang Love.

Isa sa mga pinakapaboritong berso sa Bibliya ay ang 1 Corinthians 13: “Love is patient, love is kind.  It does not envy, it does not boast, it is not proud.  It does not dishonor other, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.  Love does not delight in evil but rejoices with the truth.  It always protects, always trusts, always hopes, always preserves.  Love never fails.”

Nang mabasa ko ito ay naintindihan ko ng lubusan kung bakit hindi ganon kadaling umibig at ibigay ang puso – dahil by nature ay selfish tayong mga tao.

Maraming tao ang takot magmahal matapos makipaghiwalay sa isang taong matagal nilang nakapiling.  May mga pusong napagod.  May mga nanghinayang.  At mayroong mga kailangan mamahinga dahil panibagong proseso na naman ang pagkilala, pakikisama at pagtanggap ang kailangang kaharapin.  Hindi madaling magmahal.  Pero sabi nga, ito ang greatest commandment, ang pinakauna sa lahat ng utos ng Diyos – ang mahalin ang ating kapwa, gaya ng pagmamahal Niya sa atin.

Sa konteskto ng Bibliya, ipinakikita na anumang gawain natin, kung hindi mula sa pagmamahal, ay walang silbi.  Ang pag-ibig ang espesyal na sangkap sa anumang gawain natin kung kaya’t ang ating mga angking talento at kakayanan ay nagagamit natin ng tama at matagumpay.  At bagamat tayo ay magkakaiba ng mga kakayanan, ang pagmamahal ang isang bagay na libre para sa lahat.

Love is patient.  Minsan ay irritable tayo at madalas magalit o mainis sa ibang tao kahit hindi nating lubusang maipaliwanag kung bakit.  Ito ay sa kadahilanang nais nating maging perpekto ang mga bagay-bagay palagi.  Ang ating mga plano na mangyari sa ating ayon, ang mga tao na umarte, gumalaw ayon sa ating nais, ang mga bagay na inaasam natin ay mapasaatin.  Ngunit ang reyalidad ay hindi tayo mga perpekto.  At dahil dito ay hindi maaaring magmula ang perpekto sa atin.  Ang Diyos ang bukod tanging perpekto at siya lamang ang maaaring gumawa ng perpekto.  

Ito ang kailangan nating maintindihan.  Kaya tayo madaling nagagalit ay dahil umaasa tayo sa isang bagay na kailanman ay hindi mangyayari sa ating mga tao.  Kailangan nating maalalang ang perfection ay sa Diyos lamang.  Kaya huwag magalit kung sa halip ng iyong paulit-ulit na pagtuturo sa isang tao ay hindi  niya makuha ang bagay ng gusto mo – dahil hindi siya Diyos na kayang gawin ng perpekto ang mga bagay.  Huwag mo ring asahan ang iyong katipan ang magiging lahat sa buhay mo dahil ang Diyos lamang ang lahat.  

Minsan talaga nasa pananaw at pag-iisip lamang natin iyan.  Kung iaayon lamang natin sa lugar ang ating inaasahan, madarama mong gagaan ang buhay mo at makikita mo ang tunay na diwa ng pagmamahal.  Huwag maghanap ng perfect match dahil hindi iyon mangyayari.  Ipagdasal mong dumating sa iyo ang taong makikilala mo at mamahalin mo ng perpekto sa halip ng kanyang mga kakulangan at kahinaan.

34 comments:

  1. 1 Corinthians 13 at Roman 6:23 ang 2 sa pinakapaborito kong verse sa bible...

    tama ka mahirap ispelengin ang pag-ibig pero tama ang Corinthians love is patient, love is kind, love is blind and love is all that matters. Chars!

    Seryoso, sobrang hiwaga din ng pagibig kaya kang gawin mahinahon, matapang, matatag, mahina, mapusok, mapagbigay, madamot atbp. Gayun pa man ang lahat ng ito ay parte ng kagandahan ng buhay :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayos ang comment... mukhang may pinaghugutan hehehe ^_^

      Delete
  2. If I’m not mistaken, I think it’s in the King James Version that says there ‘Love is long-suffering’. To say ‘Love is patient’ doesn’t really do much justice to what really God intended it to be. It’s really about long-suffering. This is the very reason I have so much contempt for teenagers who claim to know more about love better than us not-so-young ones. Well, others siguro. I’ve been through some relationships. I messed up to. Because I still haven’t learned what long-suffering is? No. I haven’t been honest with myself to and to others too.

    And I think love is also living in truth and honesty. Without that, then it isn’t love at all.

    Hay nako, eto na nga ba ang sinasabi ko. Puro love na naman ang mga posts at ang comment at mga litanya ko ay tungkol din diyan, bagamat singol na singol talaga ako.

    Anyway, sa Chapter 13 ng First Epistle to the Corinthian church, I like the last part when it says that the greatest of love, hope, and faith, is love, because it seems that the others become true and solid when it is based on love. It’s interesting to note what a theologian once said about chapters 12, 13, and 14 of 1 Corinthians- parang sandwich daw, at ang 13 ang pinakapalaman. Kung 13 lang daw, masarap na. Isolate chapters 12 and 14, eh parang plain bread lang, or worse, walang sense daw kung hindi sasamahan ng chapter 13. I’m not sure kung malinaw yung sinasabi ko. What I want to say is that in ministry, in life and in everything, without love, it is nothing. Love is like oxygen. Love lifts us up where we belong. All you need is love! (Oo, Moulin Rouge yan. Hehehehe!)

    Totoo, maraming takot ang magmahal. Ako din. I’m scared to tell my beloved my true feelings. I’m scared na magkaroon ng bagong relationship. Hindi pa kasi ako natututo magbigay at humility.

    And since we are talking about love in the biblical context, well I might as well share something na natutunan ko, at siguro alam niyo na rin ito.

    St. Paul meant agape love. But most of the people nowadays want eros. Agape is all about the other person. Pero yun nga lagi na lang gusto natin ay yung atin. Kaya nga mabilis ma-frustrate at magalit sa isa’t-isa ang mga lovers- gusto natin umikot ang buong uniberso sa ating sarili, at gusto natin na ang buong mundo ay tumingin sa ating point of view. But it’s not possible, unless one would give way to the other.

    Pero in time we will learn. I may know many things or may know in part, but unless I live accordingly to what I know, I am but an alien posting nonsensical comments on other people’s blogs. Hehehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice sharing feil kun and very nice comment mr tripster. I love both:)
      1 cor 13 is my goal:)

      Delete
    2. Dittoing Mr. Tripster.

      Napakalalim talaga ng pag KJV. Ang bigat nga lang talaga ng love is long-suffering.
      Pero totoo nga naman. Well love is patient is more pleasant sa pandinig. :)

      Ewan ko hindi naman ako takot magmahal at magbigay. Hahaha! Masarap din namang magmahal ng walang commitment! :)

      ♪pasulyap sulyap at kunwari...♫

      Delete
    3. Well said. I prefer long suffering at di enough yung word na patience. Nawawala minsan yun pag sobra na ang sitwasyun

      Delete
  3. maganda ang mensahe ang nais mong ihatid sa post na ito...

    ReplyDelete
  4. ang ganda naman ng topic na ito parekoy... this was the same topic na dinuscus last Sunday sa simbahan and I always adore Saint Paul for his wisdom..and everything that he wrote for the Corinthians ...
    Sabi nga ni father... there are four types of Love according to the Greek
    Eros is the lustful love, Philia is the friendship love, Storge is the affection for our parents and love ones while Agape is the love for God ^_^

    ReplyDelete
  5. may pakiramdam ako na ang love at limerence ay napaghahalo o napapagpalit ng ibang tao kadalasan. magkaiba yun di ba ser fiel?

    ReplyDelete
  6. yan ang favorite verse ko sa Bible..napaka ganda at profound meaning ng love. kung madali lang i-memorize e di sana yan ang sagot ko sa mga slambook, sa tanong na 'define love' hehe :)

    tama ka sa wag pag hanap ng perfect match, malabo yun. basta happy, loyal at loving, perfect na yun :)


    happy love month fiel kun! :)

    ReplyDelete
  7. Yung love talaga na dinescribe sa Bible ang pinakaakmang paliwanag ng kung ano talaga ang love. hindi ito yung spark, hindi ito yung kilig, hindi ito yung excitement. Ito yung bagay na naiiwan kapag wala na yung tatlo na yun (spark, kilig, excitement) pero andun ka pa rin para sa tao na yun at handa kang gawin ang lahat para sa kanya at para sa kasiyahan nya. Dahil masaya ka pag nagiging masaya siya.

    At tama, walang perfect na tao. At tayo din hindi perfect. Ang dapat, hanapin natin yung magccompliment sa imperfections natin at yung matatanggap natin sa kabila ng mga ito. I agree sa iyong pareng fiel.

    ReplyDelete
  8. well ganto ung homily sa church last sunday ee
    at balak ko ipost ung sa blog ko some other time
    hehe anyways nasabi na ni blue ung
    sasabihin ko hehe

    basta love love love para masaya ang buhay

    ReplyDelete
  9. we always want to look our better half almost close to perfection in the standard that we are setting for ourselves which in contrast to the real meaning of love and that is supposed to be unconditional.

    ReplyDelete
  10. "Love is patient. Minsan ay irritable tayo at madalas magalit o mainis sa ibang tao kahit hindi nating lubusang maipaliwanag kung bakit. " huhu.. tama ka jan pero God is Love... his love is greater.

    ReplyDelete
  11. agree...love is persevering; perfect match...soul mate is worth waiting
    i'm happy na napadpad in your remarkable blog, nice blog entries

    ReplyDelete
  12. ganda! *clap clap clap* napakagandang message nito. Sana eh mabasa ng marami ito para maging lesson sa kanila. Walang perpekto... tama ka dun... minsan naiisip ko kung bakit nga b may ngbbreak, nagdidivorce, asan na yung love na pinanghawaka nila nun? na pinangako nila... haaayz

    ReplyDelete
  13. Confirmed na nga. Love is in the air na naman. :-P

    Ang hinango mong teksto sa Bibliya ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay ang pagbibigay ng sarili sa iyong minamahal. Ganyan ang ginawa ni Kristo. Dahil mahal niya tayo ay ibinigay niya ang lahat pati na ang kanyang buhay para lang sa atin.

    ReplyDelete
  14. Napakalawak ng konteksto ng salitang Love... hindi lamang ito tumutukoy sa iyong better-half. It covers almost everything in this world. love your work, love your neighbor, your parents, friends, brothers etc...

    In 1 Cor 13:13, And now, these three remain: Faith, hope, and love. But the greatest of these is Love.

    And what better way to celebrate this season of love is to remember the greatest love of all: God's love to mankind...

    Happy heart's day!!!!!

    ReplyDelete
  15. Gustong gusto ko yung pagexplain mo sa love is patient. And this one: Kaya tayo madaling nagagalit ay dahil umaasa tayo sa isang bagay na kailanman ay hindi mangyayari sa ating mga tao.

    Agree ako jan pusa! :)

    "We can give without loving, but we cannot love without giving" komokowt din ako! hahaha!


    If I give all I possess to the poor and give over my body to hardship that I may boast, but do not have love, I gain nothing. -
    1 Corinthians 13:3

    ReplyDelete
  16. ayeee love love na mga tema ng bloggers ngayon.

    ReplyDelete
  17. komplete rekado hahah nice. well love is something we cannot control.. pero masarap maramdaman yan.. pero masakit pag nasaktan ka hahaha..

    ReplyDelete
  18. Fiel-kun...are you in love na ba? :) ayaw mo kasi akong sagutin eh...kaya di ako maka-relate :P joke! nice once Dark. I like calling you Dark, ako lang kasi tumatawag nyan sayo dito eh. :P

    ReplyDelete
  19. naku usapan love nanaman. febibig nga talaga. anyway..simple lang naman ang pagibig for me nagiging complicated lang dahil sa by nature ang mga tao eh selfish. kaya agree ako ng bonga kay kuya tripster na mas tama na long suffering ang love hindi lang basta basta patient kasi at one point in your relationship mawawala yung patience mo for sure yun hahaha

    ReplyDelete
  20. basta i believe the love can do more to one person...kaya whenever i greet someone or birthday I Always say more love to you:)

    ReplyDelete
  21. minsan kahit natagpuan mo na ang love mo ay may pagkupas pa rin, dahil sa bagong love na nakita....

    ReplyDelete
  22. wala naman talagang perfect na tao meron lang ay yung perfect match para sayo.. ano daw? magulo ba? basta yun na yun :)

    ReplyDelete
  23. Yan ang fave verse ko sa bible about LOVE.. super perfect lang... minsan pinag ninilayan ko bumabagsak ako... haysss...nakakaloka kasi mag mahal eh..
    minsan ang pag-ibig binabago ka din... yung angel nagiging monster yung monster nagiging angel..

    Bibisita uli ako :)

    _genskie_

    ReplyDelete
  24. may naalala ako sa quote ng corinthians..... narinig ko sya sa kanta ni Yeng.... Pag-ibig... :p

    ReplyDelete
  25. The verse you have given above is indeed the true definition of love. Mahirap i achieve but achievable naman. Love shouldn't always be on the context of the heart and mind- kasi nag babago ang puso at utak...Love should always be in the context of faith. Where God is placed in the center...:)


    xx!

    ReplyDelete
  26. happy v-day
    thanks nga pala for following thru GFC, following you also

    ReplyDelete
  27. yan din ang paborito kong bible verse pagdating sa pag-ibig! :)

    ReplyDelete

 
TOP