Loading...
Thursday, January 23, 2014

Movie review: Grave of the Fireflies


Personal Note:
Two words to describe Grave of the Fireflies: Tearjerker & heart-wrenching.  Literal na pinaluha at kinurot ng pelikulang ito ang aking puso.  Hindi ito yung typical anime na napapanood mo araw-araw kung saan sinasagip ng bayaning bida ang mundo laban sa kasamaan. Wala rin ditong cute na anime sidekicks or mascots na nagsasalita.  Walang happy ending.  

Simple lang naman ang mensaheng nais iparating ng pelikulang ito.  Sa gitna ng digmaan at kaguluhan, walang panalo.  Lahat tayo ay talo.  Lahat pwedeng maging biktima lalo na ang buhay ng mga inosenteng bata.  Bato na lang talaga siguro ang puso mo kung ni kahit isang patak ng luha ay hindi tumulo mula sa iyong mga mata habang pinapanood mo ito.  I highly recommend this movie for everybody to watch.  Anime fan ka man or hindi.  I’m sure right after you see this, magbabago ang pananaw mo sa ilang mga bagay tungkol sa buhay.  Just don’t forget to bring some tissues with you.

! < Massive Spoiler Alert > !

What is the story all about?
Ang kuwento ay umiikot sa buhay ng magkapatid na Seita at ng bunso nyang kapatid na babaeng si Setsuko.  

Sa opening lines pa lang ng pelikula:  "September 21st, 1945. That was the night I died." Batid mo na agad kung anung klaseng kalungkutan ang iyong masasaksihan sa mga susunod na eksena ng pelikula.  Boses ito ng multo ni Seita habang kanyang binabalikan isa-isa ang masaklap na naging buhay nilang magkapatid sa kasagsagan ng World War II sa bayan ng Kobe, Japan.  

Pumanaw ang kanilang ina na may sakit sa puso habang tumatakas sila mula sa  air raid ng mga American Superfortress bombers patungo sa isang bomb shelter.  Ang kanilang ama ay nagsisilbi naman bilang Captain ng Imperial Japanese Navy. 

Matapos mailibing ang kanilang ina, pansamantala silang kinupkop ng kanilang tiyahin na hindi rin naging maayos ang pagtrato sa magkapatid.  Dahil dito, nagpasya si Seita na umalis sa poder ng kanilang tiyahin at manirahan sa isang abandoned bomb shelter kasama ang bunso nyang kapatid na si Setsuko.  Dito na nila naranasan ang lupit ng buhay na mas pinalala pa ng digmaan nung mga panahong iyon.  Labag man sa damdamin at prinsipyo ni Seita, wala siyang nagawa kundi magnakaw sa mga naiwang tahanan ng mga taong nagsilikas at mga taniman para lamang may makain silang magkapatid.  Hanggang sa unti-unti na rin naubos ang kanilang imbak na mga pagkain na naging dahilan upang makaranas ng severe malnutrition si Setsuko at eventually nga ay naging sanhi ng kamatayan nito.

After na ma-cremate ni Seita ang katawan ng kapatid ay sinubukan nyang mamuhay mag-isa.  Ngunit dala na rin marahil ng pagiging bata at kawalang gabay ng mga magulang, maging siya man ay di na rin kinaya ang lupit ng digmaan at nung gabi nga ng September 21, 1945 ay pumanaw na rin si Seita.

Fireflies (Alitaptap) in the story:
May isang bahagi ng pelikula kung saan inililibing ni Setsuko ang mga patay na Alitaptap na kanilang nahuli.  Malungkot niyang binanggit dito ang mga katagang: “Why do they have to die so soon?”

Tulad ng maikling buhay ng mga Alitaptap, nagsisilbing metapora ito ng nawasak na buhay nila Seita at Setsuko.  Pumanaw sa napaka mura nilang edad.  Walang muwang at kalaban-laban.

Hindi lamang ang maikling buhay nilang magkapatid ang sinisimbolo ng  mga Alitaptap sa pelikulang ito.  Kasama na rin dyan ang buhay ng libong inosenteng bata na nabuwis dahil sa digmaan.

Ang malamlam na liwanag na nagmumula sa mga Alitaptap ay sumisimbolo rin sa pagkawala ng kanilang pagiging musmos.  Ito rin ang nagsisilbing tanglaw ng pag-asang matatapos rin ang lahat ng dinaranas nilang paghihirap sa gitna ng malupit na digmaan.

My personal rating: 9/10 

35 comments:

  1. You had me at "tearjerker" & "heart-wrenching". Omg. I'm not a big fan of anime but I'm really interested to watch this now. Siguradong maiiyak ako dito. Mababaw luha ko eh. Haha. Thanks for the recommendation Fiel! Let me go and watch it now. *prepares tissues*

    ReplyDelete
    Replies
    1. No prob Czarina :)) nakadagdag din sa kalungkutan ng palabas yung mga musical scores nila T_T

      Delete
    2. I started watching na yesterday, but biglang nahuli ng teacher. Hahaha! Tuloy ko ulit mamaya :P

      Anyway I nominated you for the Liebster Award! :) Alam ko nagawa mo na dati so you can just comment your answers if you want. Haha! Have a nice day! :)

      Delete
    3. hala, bawal talaga manuod sa internet during class XD

      and thanks for the award!

      Delete
  2. ito yung movie na nakakaiyak di ba? natatandan ko na pinost moito at sinabi mo na di ka makamove on dahil sa sobrang drama ng palabas na ito :D

    ReplyDelete
  3. May dl na ko nito, di ko pa lang napanood.. Hmm.. Di ideal na panoorin ko sa panahon ngaun, pero Ill watch it :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. watch mo siya Cher Kat pag emotionally stable ka na hihi :))

      Delete
  4. Tama ka diyan kaibigan sa mundo ng digmaan walang masasabing panalo sapagakat maraming mga inosenteng mga tao ang napahamak lalong-lalo na ang mga bata.

    Ang ganda naman ng pelikulang ito, mukhang gusto ko rin ito mapanood.. Salamat kaibigan sa pagbahagi nito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman kaibigan. Sigurado ako, maaantig rin ang iyong damdamin ng pelikulang ito.

      Delete
  5. I'm no fan of anime though I watch a handful of them. About this one, this ain't your ordinary anime out there. It is powerful, touching, and moving. And these accolades are sincerely deserved.

    Grave of the Fireflies is one, if not, the most painful movies you're likely to see, animated or otherwise. It carries an allegory of human failings and a quiet but unflinching look at two young children caught in the peripheral effects of war.

    Its slow motion phase of tragedy showcased in subtle but aesthetically intricate animation in steady-handed minutely realistic style of its brilliant director.

    It may be the most emotionally drenching movie to watch, but it's not an idle tearjerker--it is direct, honest, thought provoking, and worth watching by anyone. Just make sure you're ready for it before you start; it has been said by many that it's a movie you can only bring yourself to watch once.

    Nice review Fiel. I have watched it four times already since I was given a downloaded copy two years ago.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks much po Daddy Jay. Naku, I agree with your comments. This is one of the saddest anime film I've ever seen. Emotionally draining sya grabe. It was a realistic masterpiece combined with simple but beautiful artwork.

      Delete
  6. I have seen this movie yeaaaars ago back when I was still in High School.. This movie has brought me to tears! I just hope that something like that would never ever happen to any of us ever.

    ReplyDelete
  7. Nakaka intriga naman ang post mo at mga comments. Mukhang madrama nga ha. Nagdadalawang isip ako kung papanuorin ko,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku Jun, what are you waiting for? wag ka nang magdalawang isip. watch mo na rin siya. now nah XD

      Delete
  8. Yes, thanks to you napanood ko nga...yes, it was really touching and painful. Made me remember of my childhood which was also painful. But thanks to God, mine has a happy ending:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po Mommy Joy. I know it's a very sad and touching film but I'm glad you liked it :))

      Delete
  9. Panuorin ko muna din balikan kita , mahilig ako sa anime eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. uki Josh :D dala ka ng pop corn pagbalik mo hah? XD

      Delete
  10. napanuod ko ung ilang part neto, at napakalungkot na story na to iniyakan pa nga ng lil bro ko yan ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. try mo panuooding yung buong film parekoy. then kwento mo sakin ang experience at naramdaman mo while watching it :D

      Delete
  11. di ko pa to napapanoods, mahagilap nga sa torrents pagbalik ko from bakasyones.

    ReplyDelete
    Replies
    1. *thumbs up* let's see kung maiiyak ka din sir Khants hihihi

      Delete
  12. hmm.. mukha nga itong magandang panuorin.. mahilig pa naman ako sa mga nakakaiyak na pangyayari sa buhay.. saan ko naman ito pwedeng mapanood? ehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Leeh!!! maligayang pagbabalik :))

      Sa youtube meron nyan. english dubbed na sya :D

      Delete
  13. Hindi ako mahilig sa movies pero mahilig akong umiyak. Someone gave me a copy of this some years back, mahagilap nga. Ayoko ng temang barilan o giyera :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. don't worry sir Jo, sa dalawang bata naka-focus yung story nito. may ilang scenes ng bombing pero di naman ganun ka-harsh.

      Delete
  14. Salamat sa review ka-fiel, gusto ko ang mga ganitong istorya I might search for a copy of this movie and download it, interesting!

    ReplyDelete
    Replies
    1. no prob ate Gracie!

      gooo, sa youtube naman meron nyan. english dubbed :)

      Delete
  15. hinanap ko talaga to sa torrent hahahaha.

    ReplyDelete
  16. sa review mo pa lang , ramdam ko na nga ang lungkot at bigat ng storya. (muntik na ako maluha lulz.) pero dahil dyan, hahanapin ko yan nang mapanood na!

    ReplyDelete
  17. Hi, nabasa ko itong mahabang explanasyon mo tungkol sa pelikulang ito, Oo, nakapagpadurog ito ng aming mga puso at nagmulat sa aming mga isipan na sa.digmaan ay pantay pantay lamang, lahat ay madadamay. Isa pa dito is, paano naisalaysay ang pelikulang ito kung sa gano'y namatay nrin si Seita?

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

 
TOP