Loading...
Saturday, February 1, 2014

Feb-ibig: Magmamahal muli


Pagkatapos ng lahat ng ating mga nasabi at nagawa  
Ito na ba ang takdang oras para tayo ay magpaalam sa isa't isa
At pagkatapos ng mga masasayang sandali na ating pinagsamahan
Handa na akong harapin ang mapait na katotohanan

Alam kong bukas at sa mga darating na araw ay wala ka na
Tuluyan mo nang lilisanin ang pusong nag-iisa
Ngunit ang lahat ng ito'y aking kakayanin
Ningas ng apoy sa aking puso'y patuloy na paaalabin

Hindi na natin maibabalik pa ang mga naganap sa nakaraan
Ang mga ala-ala ng matatamis na lambingan at suyuan
Hiling ko na sana ay may kahit isang salitang mapulot
Sapat upang itong aking puso'y tuluyan nang makalimot

Masakit man sa kalooban at ang puso'y nagdaramdam
Batid kong ito'y pagsubok lamang na kailangang malampasan
Sa bawat araw na lilipas ay patuloy na matututo
Hanggang ang puso kong ito'y handa na muling magmahal ng bago


33 comments:

  1. hooooyyyy!!!! olats sa lablayp? nyahaha pa-orasyonan mo na yan kay notnot..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, oo olats eh. try ko ngang pa-orasyunan kay Notnot baka umepek at hindi ako ma-zero sa balentayms XD

      Delete
    2. Magbigay ng donasyon muna bago magpa-orasyon. One million siyete mil!

      Delete
    3. nyahahaha kasi naman baka sira na yung gps nya..

      Delete
    4. hoooyyyy! anung kaguluhan ito? nagpyesta na ang mga pisti ahahaha :D

      Delete
  2. Kudos for your effort coming up with this poem. However, the general tone is so sad making your readers feel too - lols!

    I hope you can come up with a new one that is a happy ending kahit pa 'make-believe' lang haha.

    Naalala ko tuloy ang kakapanood ko lang few days ago na movie na ROMEO AND JULIET- the star-cross lovers who ended their love story tragically.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Daddy Jay. forte ko na yata ang ganitong tema ng tula, yung laging may halong kasawian. i can relate kase somehow... ( say what!? XD ) mas madali kasi magpaluha ng mga mambababasa kesa magpatawa.

      yep, may nire-ready na akong isa pang tula na positive naman ang tema (love themed din) kulang pa sa mga wordings hehe.

      Rome and Juliet was really a tragic movie *sniff*

      Delete
    2. So,ilang beses ka na bang nasawi? lols! at bakit di ka pa din ba maka move on? hahaha. (just kidding)

      Pero, in composing poems, two of its perks are when you're in your lowest moment and greatest moment. :) :) And in your case right now, the former took the lead in your heart hehe

      Delete
  3. nauuso ang tulo ah... si bino may poem din na post....

    dala ba eto ng pebrero? hahahah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, yep inspired lng ng buwan ng pag-ibig :D

      Delete
  4. shet. nakarelate ako konte.. konti lungs naman.. punyetang lablayp yan.. bitter? haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha! relate much ba parekoy? wag ka naman masyado bitter, cge ka baka magtampo si kupido at lagpasan ka XD

      Delete
  5. Nakamove on na ako kaya hindi ako nakarelate. Sinong niloko ko? Lols. Sa araw ng mga puso, dapat nagkakampihan ang mga single sa mundo. Tara!

    ReplyDelete
  6. aba aba paps ang ganda ng iyong pagkakagawa ng pag-ibig na tula.... dahil ba buwan na ng mga puso?

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat paps!

      yeps, dala na marahil ito ng buwan ng mga puso. kaya inspired gumawa ng tula. ayeeee!

      Delete
  7. Next kong aabangan ay ang feb-ibig mo ka-fiel! hehehe. Magaling kang humabi ng tula, may pinaghuhugutan?

    ReplyDelete
  8. Ang ganda, nakakadala! 'yun nga lang malungkot. :(

    ReplyDelete
  9. husay. nasabayan ko pa ng thousand of pieces na song habang binabasa ko.

    loner ako peo di ko pa masubukan ma heartbroken. never pa ako nagka partner eh. lols

    ReplyDelete
  10. This one is deep.. Maka sad siya when you read this but my oh my love will come soon :)

    ReplyDelete
  11. awww.. ito yung tulang nasasalamin ko ang aking sarili....

    at parang sinasabing.... handa na akong magmahal muli...

    lalalalala.... ang peg-ebeg nge nemen....

    fiel...... magmamahal muli..........
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    ang gasolina.. sabi sa balita.. :)
    Pasa LOVE on Monday...

    ReplyDelete
  12. Devastated ka nanaman Fiel? Naku watch ka na lang romantic movies to uplift your spirit.

    ReplyDelete
  13. I remember posting a comment but I somehow can't find it here :\

    Anyway, I now see how good you really are at writing. Ramdam talaga yung sadness (parang brokenhearted?) behind your words. Hope you'll be showered with happiness this Febulous month! Haha. Kung wala man special someone, sino ba nagsabi bawal mga kaibigan and family naman ang maging special somones, 'di ba? :))

    ReplyDelete
  14. Tunay na lungkot ang aking nasilayan
    Sa mga mata mo'y lumbay at kawalan
    Sa kanyang paglayo ikaw ay nakatanaw
    Saan ang pagkakamali sa kanya o ikaw?

    Ang pag-ibig na natapos ay hindi kawalan
    Isa siyang aral na may kapupulutan
    Paka-isipin na lamang kung anuman
    Mahal ka namin fiel-kun kong kaibigan.

    ReplyDelete
  15. aba, feb-ibig month pa pala... kala ko March na! hahaha

    skip! skip! skip!

    #umiiwassafeb-ibigmonth

    nice poem by the way, although di ako makarelate sa lungkot mode, masaya kasi ako hahaha

    ReplyDelete
  16. hello.....binisita ka uli...ngayon pa lang nakapag blog kasi nabagyohan ni yolanda...

    ReplyDelete
  17. hung sakit na poem na yan! di ko kayang maisip na ganyan kakahantungan ng relationship ko lalo na naun na mag ti3rd year anniversary na kame

    ReplyDelete
  18. Ang pait at sarap ng pagibig!
    I miss you Fiel!

    ReplyDelete
  19. Hay naku fiel, tigil tigilan na ako ng pag ibig na yan. Joke

    Love. OH. Ang sarap at hapdi nito ang tunay na naglalagay ng spice sa pagmamahal! :)

    ReplyDelete
  20. Galing mo naman gimawa ng tula:) maswerte ang girl na hahawak ng puso mo:) I do hope for a happy ending:)

    ReplyDelete

 
TOP