Loading...
Monday, February 24, 2014

Feb-ibig: Tunay na pag-ibig


Ako'y nabighani sa taglay mong ganda ngayong gabi
May kakaibang ningning ang mukha mong napakayumi
Sa iyong mapupungay na mga mata aking nasilayan
Tunay na pag-ibig na walang pagaalinlangan

Sa Poong May Kapal ako'y labis na nagpapasalamat
Dahil ikaw ay Kanyang ibinigay langit man ang agwat
Sa mga panahong nais ko nang sumuko
Ikaw ay nanatili at di bumitiw sa mga pangako

Sapagkat ang pag-ibig mo'y tulad ng isang ilog
Dumadaloy sa aking puso't kaluluwa o aking irog
Pinapawi mo ang uhaw sa hapis kong pagkatao
At binigyan ng bagong kulay malumbay kong mundo

Dumating man ang bukas na siksik sa pagsubok
Mananatili tayong matatag at di malulugmok
Kapit kamay nating haharapin ang bawat umaga
Ng may ngiti sa mga labi at puno ng pag-asa


19 comments:

  1. Ang ganda ng tula, simple pero ang husay ng pagkakagawa. May pinanghuhugutang personal ba ito? hehe.

    ReplyDelete
  2. ang tamis ng tula. ang lakas maka-teenager. :)

    ReplyDelete
  3. Ay may feb-ibig na si fiel, secret ba? Parang puwedeng gawing kanta para sa mga mag sing-irog. At ang larawan, kaninong kamay ba yan? Nakikitsimis lang, lol!

    ReplyDelete
  4. Awww super love ko 'to. Especially yung lines, "Sa mga panahong nais ko nang sumuko
    Ikaw ay nanatili at di bumitiw sa mga pangako" which really really hits home! Sobrang relatable sa relationship namin ni W esp nung rocky first few months namin. This poem makes me happy for some reason. Sigh sigh :')

    ReplyDelete
  5. love the last stanza. inlove ata si Fiel ah.cnu? tsismis lang

    ReplyDelete
  6. iPush na yan, wag ng patagalin ka fiel! Aww, teka meron na ba? :P

    ReplyDelete
  7. pahabol sa feb-ibig :) Good job

    ReplyDelete
  8. lakas maka-PBB teens! meheheh. followed you! ;D

    ReplyDelete
  9. I thinks ants are coming to my laptop right now.. This is just so sweet :)

    ReplyDelete
  10. Wow! In love na kami. Ganda ng poem.
    I'm back in Norway again. Sorry, napaka busy ng stay uwi ko dyan with my big family there.di tuloy kita na meet.
    Anyway, there will be next time.

    ReplyDelete
  11. may ico-comment sana ako kaso lang wag na nyahahaha

    ReplyDelete
  12. magaling-magaling! sino ang inspirasyon mo para sa poem na ito? :)

    ReplyDelete
  13. maganda ang pagkakasulat ng tula.....bilib ako...

    ReplyDelete
  14. :) happy puso nung nakaraang buwan hehe

    http://www.thegirlwiththemujihat.com/2014/03/on-malaysia-airlines-flight-mh370-and.html

    ReplyDelete

 
TOP