Loading...
Saturday, February 8, 2014

Feb-ibig: Single & Loving it!


Ahoy! kamusta naman? Oh, ilang tumbling na lang at sasapit na naman ang Araw ng mga Puso. Ayeee!

Isa ka ba sa mga taong sasalubungin ng may ngiti sa mga labi at kilig ang araw na ito dahil ikaw ay taken na or in a relationship? (ang lakas maka fb status ^.^) 

Or... 

Nabibilang ka ba dun sa hanay ng mga taong bitter, single at sawi na hindi alam kung paano ipag-diriwang  ng masaya ang araw ni Kupido

Huwag ka naman maging malungkot at panghinaan ng loob kung ikaw ay kabilang dun sa mga single and unlucky peeps.  Dahil tulad mo, ako rin ay single (and ready to mingle #harot101) but I'm loving it! Totoo ito, walang halong ka-bitter'an.  Hindi porke sinabing Valentines Day ay yung may mga "in a relationship" status lang ang maaaring maging masaya.  No way men!  Tayo mang mga pinagkaitan ng Palaso ng Pag-ibig ni Kupido ay pwede rin naman maging masaya sa araw na ito.  

Kaya naman I came up with these simple ideas na maaari mong gawin sa Balentayms kung ikaw ay single:

  • Sa February 14, gumising ng maaga. Maligo, magpabango at pumorma ng naaayon sa iyong taste para looking fresh! 
  • Gumawa ng simple card (mas may appeal kung sarili mo syang gawa at makakatipid ka pa) at ibigay sa iyong loved ones - Parents, sister, brother, best friend.  And tell them how much you love and care for them.
  • Kung marunong kang magluto or mag-bake, go for it! Ipagluto mo ang iyong pamilya or barkada.
  • Looking for a date pero walang dyowa? How about i-date mo ang iyong mga magulang.  Specially your mom and dad.  Spend some quality time with them and I'm sure they would definitely love it.
  • Go out with your friends or barkada.  Spend the whole day with them.  Hindi naman porke loveless at single ka ay magmumukmok ka na lang sa isang tabi.  Lalo ka lang malulugmok sa kalungkutan nyan.
  • Buy some roses at ibigay mo ito sa mga kilala mong single na tulad mo.  Let them know na hindi sila nag-iisa sa araw na ito and that they too, deserves to be loved.
  • Tantanan mo muna ang pagbisita sa iyong mga social media accounts (twitter, facebook, instagram) sa araw na ito.  Why? dahil Maiinggit ka lang sa mga sweet-sweet'an at lovey-dovey status posts na mababasa mo.  So better stay away ka muna sa pag-gamit ng iyong mga social media accounts.  Bawal din pala ang manood ng Romantic movies.  Why again? Maiinggit ka lang!
  • Maaari ka rin gumawa ng charity work sa araw na ito.  Hindi ka lang magiging masaya, magiging makabuluhan pa ang araw mo dahil nakatulong ka sa kapwa mo.  Matutuwa pa si Papa Jesus sa iyo.
  • Lastly, Pray! Spend some quality time praying for your future partner.  This would definitely boost your faith at maaalis pa sa iyong sistema ang inggit.

Oh di ba, sinong nagsabi na silang may mga dyowa lang ang pwedeng sumaya sa Araw ng mga Puso?
#SingleAndHappy

24 comments:

  1. mas maganda na idate mo ang sarili mo. O kaya ang bestfriend mo o ang tropa mo, group date ba. lolz

    ReplyDelete
  2. Hahaha! I love this list! And true.. Wala naman nagsabi na para sa couples lang ang Valentine's Day noh. Araw ng puso nga eh. So kung sino man nasa puso mo, be it parents, siblings, friends, pwede rin naman sila kasama mag celebrate :))

    ReplyDelete
  3. nyahaha! good idea fiel! ako naisipan ko idate nalang yung babaeng kaibigan ko.. kahit alam kong hindi naman magiging kami ehehe.. pure friends lang eh lol.

    ReplyDelete
  4. Tamang tama! Hindi lang para sa mga couples ang araw na 'to. Para ito sa lahat. Galing ng mga suggestions mo! Balak ko gawin yung iba. Hehe.

    ReplyDelete
  5. woooooott!!! maharoooot kaahhh!! hahahahaha hindi porquetttss valentines eh for the couples only chos!! bumili ng pizza at kumain hanggang makatulog yon at yon ang best valentines with the family!!! hahahahaha

    ReplyDelete
  6. Of all the celebrations in school, there are two that I dread and one is Valentine's Day, too cheesy. Not bitter because I am loved, ha,ha,ha but because we should show love everyday. Yung rose, once a year lang ba yan? Eh kung halaman na lang ibigay mo, may roses ka every season. Mayroon ako niyan. Heart shaped cut outs and chocolates, hindi ko na nga mabuksan lower part ng fridge sa dami ng chocolates. Kailangan kasi thoughtful tayo every time so bigyan kita, punta ka dito, ha,ha,ha. I love the suggestions at sana just like Christmas, it's an everyday thing, the spirit of loving.

    ReplyDelete
  7. ang importante lang naman ay maging masaya ka sa piling ng mga mahal mo sa buhay, single ka man o hindi.

    ReplyDelete
  8. Great suggestions Fiel.

    But honestly speaking, February as a heart month isn't only for those lovers out there. It's a celebration of love extended for families and friends as well. So, every body can share the joy and celebration without the need to be attached to someone. Planning out for a fun thing to do with your family is one great thing to do. :) :) Bonding moments are always important.

    ReplyDelete
  9. honggoling ni fiel! hahaha... yearly practice mo na ba ito? lels... charot lang :P
    Yeah on Friday next week, date with friends and Im gonna go home to spend quality time with my family sa Taguig. I had it all planned out just like this. Ahihi... Magandang idea din na mag-organize ng outreach on V-day.... makes me think.... hmmmmm...nuninuninuni....

    ReplyDelete
  10. lonely ako this valentines be my substitute for Cheng for dinner

    ReplyDelete
  11. Kaso Fiel di pwede i-kama ang friends after nung date. LOLs! BAd me ! ahahaha

    ReplyDelete
  12. Yung ka-date ko sa Vday ay merong pechay. *hahaha* At magche-check ako ng papers ng students niya for her. :P

    ReplyDelete
  13. Wow, naimpressed ako sa mga suggestions mo ka fiel. At last may isang makabuluhang suhestyon akong nabasa mula sa isa sa mga single blogger like you. Alam mo na yung walang halong kabitteran! hehehe. Good job, sana gawin nila ito, hindi puro hate at kung ano anong nega ang ilalagay na status sa social network accounts nila. hay

    Fave ko to sa isa sa mga suggestions mo: Buy some roses at ibigay mo ito sa mga kilala mong single na tulad mo. Let them know na hindi sila nag-iisa sa araw na ito and that they too, deserves to be loved. Really smart idea, love it!

    ReplyDelete
  14. Oopppssiee! First time to Celebrate VDay single! So i will date my Daddy instead! :) hanap kami ng Chix. hahaha jk. Happy Valentines sayo :)

    ReplyDelete
  15. Feb 14 is just a day more than that dapat full of love and respect ang mayroon tayo sa lahat ng tao sa lahat ng araw.
    :)

    ReplyDelete
  16. Naks pude ka na maging doktor love niyan hhahaha... sabi nga nila ang di lamang naman sa feb 14 ang araw ng valentine eh, mas mainam kung gawin araw-araw ito di ba?

    ReplyDelete
  17. best thing to do yung wag mag online on feb 14 kung single ka hahahaha,
    anyway in my case di kame ng cecelabrate nyan kasi in few days time anniv nanamen kaya
    ipon ipon din haha

    ReplyDelete
  18. option 5, 7, 9 pero nagdiwang pa din ako ng vday ng walang jowa. eh ano? may pera naman. :)

    ReplyDelete
  19. haha ayos tong mga tips mo ah, cge will do this next valentine :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wuy, maraming salamat po sa pagbisita sir Oman :)

      Delete
  20. @ALL - thanks guys for the visits and comments. sorry kung di ko na kayo mareplayan isa-isa. mejo bisi-bisihan lng ang peg ko hehe :D

    ReplyDelete

 
TOP