Loading...
Tuesday, March 11, 2014

Let's get ready to random!


Kita mo nga naman, it’s mid-March already at hanggang ngayon ay wala pa rin akong bagong post.  Pero syempre, hindi naman ako papayag na lumipas ang buwang ito at maiwang naka tengga at maalikabukan na lang itong aking munting tambayan.  Kaya medyo ra-random (rant) muna  tayo sa araw na ito. Let’s go, sago!

  • Alam mo yung pakiramdam na sobrang frustrated ka na at wala ka man lang magawa kundi ang maghintay? Iyan ang nararamdaman ko these past few days dahil sinumpong na naman ng sakit itong connection namin ng internet sa bahay.  I already contacted Sun Cellular through their official twitter account regarding the problem with our Sun Broadband internet connection.  In fairness, mabilis naman mag-respond kung sino man yung taga sagot ng mga tweets nila.  Ayun, after ko maipadala sa kanila yung complete details ng problema, may dumating na text message from them.  It was an acknowledge receipt thingy confirming na na-received na raw nila yung queries ko.  Need ko na lang daw maghintay muna ng 3 to 5 working days while they are investigating the matters. Sigh.

  • Sana lang talaga, maayos na nila ang problema noh!  Lumalabas kase ang pagiging halimaw ng ugali ko pagdating sa ganitong mga bagay eh.  Yung alam mong nagbabayad ka naman ng tama pero di mo man lang nakukuha ng matino yung serbisyong nararapat para sa’yo.  Ano toh, nagbabayad ka sa kanila for sakit ng ulo at santambak na problema?  Kahit sino naman, ma-a-aburido sa ganyan diba?

  • I know right after na mabasa nyo toh, may ilan sa inyo na magsa-suggest na magpalit na kami ng ISP.  Gusto sana namin, pero ang kaso lang saang ISP naman kami lilipat? Dalang-dala na kasi ako sa mga adverts ng ISP’s na nagki-claim na “fast and reliable” kuno ang serbisyo nila.  Pero in the end, maiiwan ka lang naka nga-nga.  Puro kasi kasinungalingan lang ang mga pinapakalat nilang ads sa tv, radio, prints, at sa internet eh.  In simpler terms, wala talagang matinong ISP dito sa Pinas.

  • This is the reason kaya hindi ko mai-todo ang pagba-blog hop lately.  Babawi ako next time kapag maayos na ang internet namin sa bahay.  Right now kase, rent mode sa internet café lang ang peg ko.

  • Mid-March na and I’m loving the weather.  Sakto lang ang init at malamig pa rin tuwing umaga.  Feel na feel pa rin ni Amihan ang tumambay sa ating bayang magiliw at nag-text si Summer, medyo male-late lang daw ng konti ang kanyang pagdating. Lol.

Okay, ayun lang muna for today. See you when I see you XD

36 comments:

  1. tehrey! friend mo si summer? lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu ahahaha. malapit ko na nga rin maging friends sila winter at autumn :D

      Delete
  2. That's also the one thing I dread most when I'm back in the Philippines! As in, kasi 'tong Singapore maliit lang, so kahit 3 lang yung major ISPs super reliable naman mga connection. Kaso sa pinas, pahirapan talaga :(

    Pero it's somehow a good thing kasi na sa family lang yung focus ko and not on any social media. Pwede mag hintay yun until I come back to Singapore, so it's better that I cherish the little time I can spend with my cousins and other relatives while over there :)

    Anyway, hope your internet problems get solved soon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kakainggit nga jan sa inyo sa Singapore eh. di kase mga kurakot at mukhang pera ang mga ISP companies jan. diba included ang SG sa top 10 fastest internet connection in the world. pati Hongkong kasali din :)

      Delete
  3. Kaya pala medyo silent ka:) Pero at least naraamdaman ka pa rin.
    I can understand your frustration. nong nadyan ako sa Pinas, ay di ko nakapag blog much because ang bagal ng internet.
    Anyway, hope maayos na uli problema nyo sa internet:)

    Keep smiling and hugs from me:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Mommy Joy :) *hugs*
      naku, ewan ko ba dito sa atin kung bakit ganito kabulok ang sistema ng mga ISP's

      Delete
  4. 1. I don't know if masyado lang akong demanding, but I cannot accept a 3-5 days waiting time. How if you're a business person and internet is one of your business allies in accomplishing a business transaction within a day - paano na lang? Perhaps, they should take a second look how their services or any other service oriented companies is affecting their user-consumer.
    2. Understandable kung magiging halimaw ka man Fiel sa case na ganyan lols! Sino man ang makaranas ng ganyan ay maasar din.
    3. Just sort out nalang the problem with Sun instead of transferring to other ISPs. Hassle na naman yun kung lilipat ka pa.
    4. Ok lang yan, don't get pressured na di ka nakakapag blog hop lately due to failure of internet connection. Blog hopping can wait. Maybe, you can do a draft muna sa mga naiisip mong gawing entry. Write them in a pad or notebook and then i-type mo nalang later kung ok na internet nyo. At least productive ka pa din.
    5. Good to hear na malamig lamig pa diyan, dito painit na, pero sa umaga naman masarap pang mag jogging kasi malamig pa naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. naku Daddy Jay, agree ako jan sa sinabi mo. hindi nga makatarungan yang binibigay nilang waiting period. obviously is natutulog lang sa pansitan ang mga employees nila. kase kung right away ay gumagawa sila ng aksyon sa problema, then matatapos agad-agad yan. ang hirap sa kanila hinihintay pa kase nilang matambakan sila ng mga reklamo bago sila kumilos. tsk!

      2. as in. nakaasar talaga. umuusok na nga tong ilong ko sa galit ahaha!

      3. well, that's what I'm doing right now. kainis, wala kasing ibang option lol

      4. yep, yan na lang muna siguro ang gagawin ko while waiting for the internet to come back. thanks!

      5. wala yatang El Nino this year kaya kahit March na, medyo malamig pa din. kasi nung 2010 yata, first week pa lang ng February, ramdam mo na ang summer.

      Delete
  5. problema talaga sa pinas ang net. kahit ano pang provider yan. although bias ako sa isa dahil dun nagwowork si misis. hehehe. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku sinabi mo pa. teka, san ba nagwo-work si wifey mo? smart, globe, pldt? lol

      Delete
  6. Sana mag-text din sila Autumn and Winter na bibisita sila todits sa ating lupang sinilangan. *hahaha*

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha. gusto ko nga din sila maging txt mates lol :D

      Delete
  7. boyset talaga mga ISP sa atin eh haha! ZTE nga pls. mas mabilis pa yun.
    ako din hindi nakakapag bloghop lately.. as in lately lang totoo nyaha ^_^

    -napasulpot lang bigla hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha. diba chinese thingy yang ZTE na yans? lol

      wow, bigla ka ngang sumulpot dito ahaha

      Delete
  8. Sun sucks...... Again!

    Nababagalan din ako lately.
    Dati magdodownload ako ng anime tapos iwn ko lang ng oras ng tulog ko, may nacomplete na. Ngayon, kahit iwan ko ata ng 8 hours, waley! kaasars!

    ReplyDelete
    Replies
    1. mabuti nga sa inyo may connection pa rin kahit papaano. eh sa amin, ayun kahit 1 kbps waley ahahaha :D

      diba pag naka idle lang ang Sun, automatic dc or automatic na mawawalan siya ng connection? ganyan nangyayari sa amin eh >_<

      Delete
    2. ay, di ko sure about sa nadidisconnect pag idle. hinahayaan ko lang kasing bukas tong pc at broadband pag nagdodownload. tyambahan ata...

      Delete
    3. pag may gusto akong i-download na large chunk of files, derecho nako nyan sa computer shop. di kase reliable tong samen for downloading files eh. sa mp3 or short youtube videos, ok siya. pero pag mahabaan na ang duration, paktay ka diha na lol

      Delete
  9. tama mahirap maghintay lalo na kung feeling mo ay walang mangyayari.... sana ayos na yung internet ninyo ngaun.

    Tumpak, parang buwis lang yan eh, nagbabayad ka pero di mo alam kung saan nga ba napupunta..

    hahaha, sabi nga nila wag magpapahuli ng kiliti sa mga tvc,,, siguro depende na lamang sa lugar ninyo kung ok ang connection.


    So saan tayo sa summer!! hahahhaa

    ReplyDelete
    Replies
    1. haayyssst paps! still no connection and words from Sun >_< kainis!

      wala pa naman talaga kami sa pinaka liblib na lugar ah. halos nasa boundary lng nga tong lugar namen ng Marikina at QC eh... tapos ganyan ang signal? ayyy may signal pero walang connection lol

      sa bahay lng kami sa summer paps. waley budget for beach outing lol

      Delete
  10. Hindi lang ikaw ang nagdurusa. Ako nga sa SmartBro naman bwisit na bwisit. Sayang ang binabayad ko. Baka nga ipa-disconnect ko na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha. wala talagang matinong ISP dito sa aten argghh!!! nakakagalit!

      Delete
    2. Kaya nga eh. Sayang yung binabayad natin. GRRRR...

      Delete
  11. naayos na dsl namin sa wakas. try mo kaya pldt?

    ReplyDelete
    Replies
    1. naka globe tattoo SuperSurf 50 ako ngayon Kuya Bino. in fairness, mabilis naman.... sana lng magtagal... lol

      Delete
  12. #ConnectionProblems. actually ako din :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. haaayyssst.... *buntong hininga* *buntong hininga* ulet >_<

      grabe noh, pahirap sa mga subscribers nila tong mga bulok na ISP dito saten.

      Delete
  13. Sometimes I wonder kung kaya ba nating mabuhay ng walang net, hindi na yata since we wanted to be connected with people and with the world. Looking at it in a different way, mabuting mayroon kesa sa wala. I remember I was trying to see a video from you tube pero nabagot ako sa kahihintay, so hindi ko na lang pinanood. Siya, be patient my friend.

    ReplyDelete
    Replies
    1. at this modern age, masasabi kong bahagi na talaga ng ating pang araw-araw na buhay ang internet.

      pero mas gusto ko pa rin yung dati... yung di pa uso ang internet. very simple ng buhay. at masarap maging bata :)

      Delete
  14. Lagpas na mid march at ngayon lang ako napadaan dito hahaha... gamit ko before sa Pinas eh sun broadband wifi. Maayos naman connection depende nga lang sa area, may area na walang signal.. maayos din yang problema mo sa net.. for the meantime, enjoy the day without the hassle and bustle na dulot ng world wide web.

    ReplyDelete
  15. Palit na ng internet! Hehe! :D Hay ewan ko ba bakit laging mabagal ang mga internet sa pinas. Hehe

    ReplyDelete
  16. OMG! Mahina talaga ung mga connection recently eh. Hmm. nakakainis talaga pag ganun. Anyway, oo summer na! So ano na? Tara na sa beach, tayo na at magswimming! :D

    Jewel Clicks

    ReplyDelete

 
TOP