Loading...
Thursday, March 27, 2014

20 signs na summer na talaga sa Pinas!



 *Whew* Aminin nyo, intense na talaga ang init ng panahon these past few days diba?  Ibang klase na rin magpakitang gilas itong si Haring Araw.  At dahil jan ay opisyal na ngang dineklara ng PAG-ASA ang pagsisimula ng summer season sa ating bayang magiliw.  Kaya naman bigla akong nagka-idea na mag-jot down ng mga common at ilang nakakatuwang mga signs na talagang summer na nga dito sa Pilipinas.  Here we go:

  1. Marami ka nang makikitang mga nagtitinda ng Pakwan, Melon, Singkamas, Mangga at iba pang summer fruits sa paligid.
  2. Nagsulputan na rin ang mga nagtitinda ng Halo-Halo, Fruit Shakes, Ice Cramble, Ice Candy, Sago’t Gulaman at iba pang pagkaing pampalamig sa bawat kanto ng mga Barangay.
  3. Mainit na ang tubig na dumadaloy sa ating mga gripo.
  4. Kapag nagkakaubusan na ng yelo at ice tubig sa mga tindahan.
  5. Naka-highlight na sa mga fast food chains/restaurants ang mga “summer coolers” sa kanilang menu.
  6. Dagsa na rin ang mga tao para tumambay at magpalamig (nakiki-aircon lol) sa mga malls.
  7. Panay-panay na rin ang mga discounts sa air fare ng mga travel agencies.
  8. Nagkalat na sa paligid at sa internet ang mga resort’s ads offering reasonable prices and discounts.
  9. May series of sales na rin ang mga malls sa kanilang tindang “under garments”.
  10. Umiiksi na ang tela ng damit na suot ng kapitbahay nyo.
  11. Marami na ang nagse-selfie ng naka trunks, bikini at two piece sa fb/instagram.
  12. Marami na rin ang mga nagse-selfie under water.
  13. Yung mga nagpapapicture ng 20% face at 80% cleavage *evil grin*
  14. Kapag marami na ang nagso-solicit para sa mga paliga ng basketball.
  15. Kapag marami na rin ang nagkakasakit ng sore eyes, pigsa, sun burns at bungang araw.
  16. Halos karamihan ng nakakasalubong mo sa daan ay naka sun glasses.  Kapag tinanggal, may sore eyes.
  17. Uso na naman ang “Operation Tuli”.
  18. Talamak na rin ang mga insidente ng sunog. Kaya doble ingat po para sa lahat.
  19. Mas mahaba na ang araw kesa gabi.  Kung mapapansin ninyo, pasado ala-sais na ng gabi, maliwanag pa rin sa labas.
  20. Kina-karir na rin ng mga empleyado ng mga kumpanya ang pagpapaputi ng kanilang mga kili-kili bilang paghahanda para sa kanilang company outing.
Ikaw, ready na ba for summer?
#Summer2014
#Bakasyon

46 comments:

  1. Suddenly, I miss these summer fruits - esp. melon, pakwan and singkamas. Siyempre, summer isn't complete without these fruit blends & shakes and halo-halo around. Teka, mainit na tubig na dumadaloy sa gripo? huh? really? akala ko sa MidEast lang yan pati sa Pinas ganun na din?

    Wow and the list goes on! Ang sarap lang ng summer season kasi maraming mga happenings around esp. in the beaches.

    Dito sa location ko, may last hurrah pa ang rain, kanina lang lakas ng buhos ng ulan. Huling hirit na rin siguro as the season changes to summer na rin here.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dad, Pinaka peyborit ko sa mga summer fruits yang pakwan. Sobra syang nakaka-refresh ng pakiramdam after you ate one or two slices of it :))

      Yup, maligamgam to mainit talaga yung dumadaloy na water sa gripo namen dito specially tuwing mid-afternoon. Naka-expose kase yung water pipes namen sa labas eh.

      Naku, I'm sure mas matindi ang summer nyo jan sa KSA >_<

      Delete
  2. malamig pa ang tubig sa gripo namin. di pa summer samin lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha. nakatago siguro sa malilim na lugar yung mga water pipes nyo. sa amen kase dito, naka expose sa init ng araw. kaya ayun, pwede ka na magkape lalo na sa tanghaling tapat. *whew*

      Delete
  3. Usually ay on sale na din ang winter collection ng iba't-ibang clothing stores. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. on sale, kase di mo na sya magagamit for summer ahaha. unless gusto mong ma-heat stroke lol... pero pwede mo na rin itago para pag tag lamig na ulet, may pamporma ka XD

      Delete
    2. Well, I'm sorry kasi winter pa rin dito sa amin eh.

      Delete
    3. Lels, ang arte lang. *haha!* Ngayong summer ano ang magandang gawin??? Eh di magkulong sa bahay at maglaro ng maglaro ng video games! XD

      Delete
    4. im sure, mataas din ang bill ng kuryente nyahaha XD

      Delete
  4. Saka marami nang batang nagtatakbuhan sa labas umaga man o hapon. bakasyon na kasi nila eh. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup, ganyan din dito sa amen ngayon. ang daming bata sa labas tuwing umaga at hapon. ang madalas nilang laruin yung "pogs" uso pala ulit sya lol

      Delete
  5. Hahahaha super kulit! 15 and then 16 made me laugh :D Hehe. Anyway, I remember na favourite street food ko last time was either singkamas or mangga with bagoong!! OMG. I'm craving for it now. Pag uwi ko talaga end of this year I'm definitely going to eat those! Pag December ba may nag titinda pa rin ng ganun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. naaayyy si Czarina pinagtatawanan ung mga may sore eyes at pigsa. mamaya nyan ikaw naman ang tubuan. cge ka ahahaha XD

      yup, peyborit ko rin yang singkamas/mangga with bagoong. all year round naman siya available dito. kaya nothing to worry pag balik mo :)

      Delete
  6. nyahaha at nakaschedule na din ang mga meet up kembot ang mga magkakaibigan para mag bonding nyahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehem, speaking of meet up oh ahehihihi

      Delete
    2. naaayyy anu na namang eb yans? hah? hah? sagoooot poooo agad hoooo!

      paaaakkkkk!!!! nyahahaha!

      *evil grin*

      Delete
    3. @Rix, natawa ako dun sa txt mo tungkol sa "baskil" nyahaha!

      uu marami nagkakabaskil tuwing summer *evil grin*

      Delete
  7. Malamig lamig pa naman ng kaunti ang lumalabas sa aming gripo, lol. Sa lahat, naaliw ako doon sa nagsosolicit para sa paliga. lol lagot ka sa SK. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag may nagso-solicit nga dito paps, minsan di namin pinapansin hanggang sa magsawa kakatawag sa may gate nyahahaha. pero kadalasan, laging wala kaming binibigay lol

      Delete
  8. I'm learning my tagalog here. Tryna be legitly filipino

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Hazel! thanks for visiting my blog and welcome aboard! mabuhay hehe :D

      you should learn a lot of tagalog language. it's pretty easy lang naman eh XD

      Delete
  9. masarap na talaga tumambay sa malls, di mo ramdam ang hot hot hots!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tumpak! pero minsan sa dami ng tao sa mall, parang di na rin kinakaya ng air conditioning nila >_<

      Delete
  10. Summer na nga at niyayaya ka na ni Jewel Chicks mag- swimming, go na! Ha,ha,ha! At pag summer, tumataas ang kunsumo ng kuryente. Kaya nga ba ng isang electric fan to be on for 24 hours? Kaya bumili ako for every room in the house, diyan napunta suweldo ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, kakahiya naman kay Miss Jewel hihihi :D

      same lang din dito. I'm sure, next month mataas din ang bill namen sa kuryente nyan. ngayong March, mejo mababa pa eh.

      dapat portable aircon ang buy nyo sir Jo XD

      Delete
  11. Ha ha, ho ho at hi hi. You made me smile. Padala ka dito ng init Fiel -kun.
    Nice to read updates from you:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Mommy Joy *hugs*

      Cge send ko sa inyo jan ang extra init dito. mga ilang boxes ba need nyo?

      Delete
  12. The best part ng summer is yung #3! I love warm showers hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha. naku, dito samen araw araw may libreng warm showers simula nung nag start ang summer XD

      Delete
  13. summer na nga! ramdam ko na ang iyong mga nabanggit :)
    nakakatawa naman yung mga naka-shades tapus pag tinanggal may sore-eyes pala lols
    pati na rin yung pagpapa-puti ng underarm para sa nalalapit na company outing haha :)

    at sadhil summer na, wala na ring tigil ang electric fan dito sa aming bahay, at naka-number 3 pa :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku sir jep, dito din samen. magdamag nakabukas ang mga bintilador XD

      Delete
  14. nakaka miss ang summer sa PInas.... ang pagkain ng pakwan at halo halo..... nakaka aliw naman ang post na ito..... naalala ko tuloy ang summer sa Pinas...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Jon!!! long time no see ah :D

      kelan ka ba magbabakasyon dito? uwi ka naaaahhh! XD

      Delete
  15. The Summer heat is killing me haha. Not even my AC can handle the heat and make my room cold haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. huwaw susyal may aircon sa bahay. lakas maka yaman ahaha :D

      Delete
  16. at dito naman samin...araw araw ang aming "EARTH HOURS". T_T rotational blackouts sa northern mindanao huhu ...kahit gabi 37 degrees pa rin! haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sendooooooo!!!! parekoy, long time no see ahhh XD musta namans?

      ayy uu, lagi ko nakikita sa news yang rotational black sa Mindanao. laking perwisyo, lalo na ngayong summer na sooobra ang inet >_<

      Delete
  17. Well here in SG it is starting to feel so hot that I would have to sleep naked at night

    ReplyDelete
  18. lol! I plead guilty, nakiki-aircon din kasi ako sa mga malls, yun tambay2 lang. At yung nagso-solocit din, nagkalat na yan samin! XD

    ReplyDelete
  19. sarap tumambay sa mall with your special one... ^,^

    Good post btw =D

    ReplyDelete
  20. # 17

    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

 
TOP