Credits to the photo owner
Ngayong araw ng Linggo ay Palaspas na or "Palm Sunday". Hudyat na ito ng pagsisimula ng Mahal na Araw. Marami sa atin, imbes na mangilin ay nagbabakasyon at namamasyal sa kung saan-saan. Sa karamihan, ito lang kasi ang panahon na maaaring magsama-sama ang magkakaibigan at pamilya dahil walang pasok ang lahat. Siguradong puno na naman ang mga beach at resorts. Siksikan na naman sa Boracay. Ngayon pa lang, nagsisimula nang magplano ang magkakaibigan at pamilya kung saan ang kanilang destinasyon.
Hindi na ganoon karami ang nagbibisita-Iglesia. Kakaunti na rin ang nakikibahagi sa Pabasa. Hindi naman kailangang hagupitin ang katawan ng latigo o magpapako sa krus. Nakaugalian na ito, ang pamamasyal sa panahon ng Semana Santa. Ang magsaya, uminom, pero huwag din sana natin kakalimutang magsakripisyo at mangilin. Alalahanin natin na ang diwa ng Mahal na Araw ay ukol kay Jesus na isinakripisyo ang kanyang buhay para sa ating mga kasalanan. Sana ay maisama n'yo Siya sa anumang inyong balak ngayong Semana Santa.
[ Repost ]
[ Repost ]
What a wonderful message for everyone. God bless Fiel and have a blessed Holy Week.
ReplyDeleteAmen. Hope you have a blessed Holy Week! Plan namin ng family mag spend ng day outside with friends, but of course church muna :)
ReplyDeleteGod bless each and everyone of us :)
ReplyDeletemay isa pa atang tawag doon dominggo de ramos.
ReplyDeletebibisita si ate sa bahay so alam na. lolz
I missed the old days when I was still in the province. Simple man ang Holy week atleast kasama pamilya. Dito sa Manila me trabaho pa din.. hayst
ReplyDeleteYes, that is the true spirit of " Mahal na Araw". To be reminded of what Jesus had done!
ReplyDeleteNice to read post from you agin Fiel-kun.
Amen. I hope your Holy Week turns out to be fine. :)
ReplyDeleteThanks for reminding everyone of the true essence of semana santa :)
hindi ramdam ang holy week dito... kaya na miss ko na rin ang holy week sa PInas.... tama ka karamihan sa atin nagbabakasyon o namamasyal sa araw na ito.... pero siguro sa ibang province marami pa rin ang nagpapanata.....
ReplyDeleteLovely message. I agree, pwede naman siguro magbakasyon pero huwag kalimutan magsimba or magalay ng dasal. :) Happy Holy Week sayo. :)
ReplyDeleteHindi man ako religious, pero sa bahay lang ako ngayong Semana Santa. Iwas gastos na din kasi. :P
ReplyDeleteang paggunita ng semana santa ay talagang mahalaga para sa ating mga Pilipino at Kristiyano. SACRIFICE. :)
ReplyDeletehttp://www.lavinajampit.blogspot.com
Ganda ng message nito. Somehow kasi, minsan nakakalimutan na ng mga pinoy ang tunay na cause ng Semana Santa and they somehow are more concentrated sa vacation. I hope more people will observe it properly.
ReplyDeletehappy holidays :)
ReplyDeletenaguilty ako bigla...but thanks for reminding us para san ang Semana Santa
ReplyDeleteHi Fiel-Kun, hope your week turn-out to be both meaningful and reflective. I do agree that wherever we spent lent, we should never forget to appreciate what Jesus has done in order to save us.
ReplyDeleteMagtiyaga lang muna sa beach dito sa amin....walang pang boracay...
ReplyDeleteHope you had a meaningful Holy Week Fiel :)
ReplyDeleteI used to participate in pabasa when I was a kid!!
ReplyDeleteSobrang ganda ng message ng post mo na toh Fiel!! :)) kaya na miss ko mag blog eh! Isa tong blog mo sa namiss mo bisitahin!!
Imishew fiel
ReplyDelete