Loading...
Monday, May 13, 2013

Congratulations, your vote has been registered!

Good morning folks! Kamusta naman ang Lunes nyo?  Nakaboto na ba kayo?  Naku kung hindi pa eh, mahaba haba pa ang itatakbo ng araw.  Gising na at pumunta na sa inyong mga voting precincts and exercise your rights.  Remember, makapangyarihan ang ating boto.  Kaya sulitin natin ang pagkakataon, okay?

Syempre, ikukwento ko lang sa inyo ang mga ganaps sa akin ngayong araw ng Halalan 2013.  Ayun maaga pa lang nagising na ako, kasi early birds catches the worm.  Kasabay kong nagtungo sa voting precinct ang aking tatay.  Since maaga naman kaming dumating eh, kami din ang first batch ng mga botante sa araw na ito.  Nakakaaliw lang tignan kasi pangalan ko yung kauna-unahang nakalista dun sa yellow paper para sa Cluster ko.  Magkaiba kami ng tatay ko ng voting precinct at cluster.  Nasa first floor ng school building yung sa akin, samantalang yung sa kanya naman ay nasa second floor.  

Banaba Elementary School nga pala yung name ng school kung saan kami nakalista para bumoto.  Dyan din ako grumaduate ng elementary ages ago lol.  

After kong ma confirmed yung cluster at precinct ko sa listahan, pinapunta ako nung poll watcher sa waiting room.  Susyal may waiting room pa haha. Look at the bamboo sofa, parang nasa bahay lang.  Nasa Cluster 54, Precinct 0098A nakalista ang aking name.

Si Ma'm oh busy sa pag-e-explain sa aming first 12 early voters.  Parang model lang ng PCOS Machine ang peg!

Yey, after a few minutes lang ng paghihintay pinapunta na kami sa kabilang room, sa mismong voting precinct.  I know, bawal mag piktyur piktyur sa loob ng voting precinct pero dahil may katigasan ang ulo ko, hindi ko napigil ang aking sarili na magpipindot sa aking Canon digi cam... este, Nokia X2 phone lang pala.  (Humihingi po ako ng patawad sa mga taga Comelec, sa Barangay na lang po ako magpapaliwanag ^_^)

Syempre habang bisi-bisihan ang lahat sa loob ng voting precinct, naka nakaw ulit ako ng ilang shots.

After a few minutes ng paghihintay eh dumating na rin ang time ko para i-exercise ang aking rights para bumoto.  Punta ako sa poll watcher, pinakita ko yung voters id ko, tinanong nya name ko, then konting lista ng name sa yellow paper (kung saan ako ang nasa una lol) at may pirma pang ganaps.  Binigyan niya ako ng Ballot, ballot secrecy folder at marking pen.  Then pumili na ako ng magandang puwesto para simulan ko na ang pag shade sa bilog na hugis itlog.  Siguro mga wala pang limang minuto eh natapos ko na ang pagpili sa mga kandidatong aking napupusuan at ang shading sessions.  Kaya kinati ulit ang aking kamay at pumindot pindot na naman sa nyelpon at konting piktyur sa ballot secrecy folder.  Nanginginig pa nga ako nyan habang kinukunan ko ng piktyur kasi baka mahuli talaga ako at mapagalitan ng poll watcher.  Patawad po talaga, sa Barangay na lang ulit ako magpapaliwanag ^_^

Sa pangalawang pagkakataon ay nagkita kami ulit ni PCOS Machine at in-insert ko sa kanya ang aking balota and success!  Lumabas na ang mga katagang "Congratulations, your vote has been registered!"  Then patak patak din ng indelible ink sa aking daliri si Ma'm poll watcher.  Dinutdot pa nya ang hintuturo ko dun sa basahan kaya mejo kumalat tuloy yung ink.

Sa pangkalahatan ay naging maayos naman ang proseso ng pagboto ko ngayong araw.  Since maaga kaming  dumating sa voting precinct ay wala pang tao at hindi pa ganun kainit at siksikan.  Mababait din naman yung mga poll watchers at volunteers.  Maayos naman ang seguridad sa paligid ng paaralan dahil naglipana sa paligid ang mga pulis na armado ng baril.  So kamusta naman jan sa inyo? Vote, vote din pag may time ha? Hanggang mamaya pang 7 PM ang botohan.  Marami pa kayong time para sumaglit sa inyong mga precinct.



----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled Sana ngayong eleksyon.  Shout out goes to the following:

Lady_Myx, Rix, Genskie, MARIA, 88-Nutty Thoughts-88, jonathan, ZaiZai, Bino, Bulingit, Overthinker Palaboy, khantotantra, Jei Son, yccos, MEcoy, ignored_genius, bagotilyo, Phioxee, mga_espasyo, jloartworks, Joy, eMPi, Mr. Tripster, Ric LifeNCanvas, Leah | Travel Quest, Ishmael Fischer Ahab

28 comments:

  1. bumoto na din!!! :D

    ReplyDelete
  2. congrats! ako, di makakaboto. malayo masyado ang probinsya. ndi economical ang umuwi sa lagay ko.

    ReplyDelete
  3. ala lagot ka! kinuhanan mo! haha ako di ako boboto! kahit gustuhin ko
    kasi di ako registered voter ee

    ReplyDelete
  4. Nakaboto na rin ako at di ako nahirapang pumila unlile others kasi super early bird ng mga tagabarangay ko kaya pagdating ng mga bandang 2pm eh wala ng taong nakapila haha

    ReplyDelete
  5. HI!!!! sana manalo ang ibinoto ko pra sa kapakanan ng aming bayan:)

    ReplyDelete
  6. Yay! Another responsible citizen who exercises their right to vote! Mabuhay!

    ReplyDelete
  7. ay naku inabot ako ng 6-7 hours bago nakaboto. walang sistema ang mga poll watcher sa amin grrrr!

    ReplyDelete
  8. wow ako I did not exercise my suffrage sa isabela ako na register eh sayang

    ReplyDelete
  9. sobrang layo ng province ko para bomoto. hehehe

    ReplyDelete
  10. buti ka pa nakanakaw ng piksyurs!!! kahit anong gawin ko di ako maka-simple andaming tao ampotah!!!
    lols

    ReplyDelete
  11. I am reading the news here at natatakot ako sa mga nananalo. Headline ang Marcos clan as big winners.

    ReplyDelete
  12. ako ang di naka vote.... sa news lang ako nakakabalita ng mga kaganapan sa eleksyon hehehe

    sana may entry sa kwento ni nanay hehehe

    ^___^

    ReplyDelete
  13. Diko nakaboto:( anyway, nakaboto naman kayo:)

    ReplyDelete
  14. mabuti naman at nagampananmo ang iyong karapatang bumoto... worth it diba? so may right tayong magreklamo...hehehe...

    ReplyDelete
  15. I hope ang ibinoto mo ay iyong sa palagay mo karapat dapat talaga na siyang mamuno pagka Mayor sa lugar mo.

    ReplyDelete
  16. nakaboto na rin ako. at apat lang ang binoto ko. hahaha

    ReplyDelete
  17. haha..talagang may souvenir pa ng 2013 election....new 'nail art' lang ang souvenir ko pero pawala na din, hehe

    ReplyDelete
  18. Actually pwede namang kuhanan ang scenario sa botohan. :)Ang hindi pwede ay kuhanan ay yung mismong binoto mo, yung kung sino ang mga nishade mo ;)

    ReplyDelete
  19. Natapos din mabuti naman at wala akong nabalitaang barilan dito barilan doon. I hope so, or maaaring outdated ako. So bunso pumasok ba si Dick.... Sa senado? ( haha nakiki-trending lng) eh si chiz nakita mo bang naka short at body fit shirt :P

    ReplyDelete
  20. Natapos din mabuti naman at wala akong nabalitaang barilan dito barilan doon. I hope so, or maaaring outdated ako. So bunso pumasok ba si Dick.... Sa senado? ( haha nakiki-trending lng) eh si chiz nakita mo bang naka short at body fit shirt :P

    ReplyDelete
  21. grabeh yung ink na nabuhos sa daliri mo. ;-)

    ReplyDelete
  22. ang cute ng mga upuan! ang liliit :)

    sayang di ko na experience bumoto this time, tulog ako mag damag, pag gising tapos na botohan time

    ReplyDelete
  23. Pang-kinder talaga yung mga upuan haha cute!

    Sir salamat sa pakikinig sa mga pinost ko sa SoundCloud salamat may naka-appreciate hehe.

    ReplyDelete

 
TOP