Loading...
Wednesday, May 8, 2013

Sana ngayong eleksyon...


  • Sana ngayong darating na eleksyon ay lumabas at bumoto ang lahat ng mga Pilipinong botante.
  • Sana ngayong eleksyon ay maging matalino ang bawat Pilipino sa pagpili ng kanilang kandidato.
  • Sana ngayong eleksyon ay maging mapagmatyag tayong lahat. Isuplong ang sino mang mahuhuling nandaraya at lumalabag sa batas.
  • Sana ngayong eleksyon ay wala nang kandidatong bibili ng boto.
  • Sana ngayong eleksyon ay wala nang Pilipinong magbebenta ng kanilang boto.
  • Sana ngayong eleksyon ay wala nang brownout.
  • Sana ngayong eleksyon ay walang maging aberya sa paggamit ng mga PCOS machine.
  • Sana ay tuparin ng mga mananalong kandidato ang kanilang mga pangako.
  • Sana pagkatapos ng eleksyon ay kusang linisin ng mga kandidato ang mga duming kanilang ikinalat sa paligid. Tulad ng mga posters na dinikit sa mga pader at streamers na isinabit sa mga puno at poste.
  • Sa pangkalahatan, sana ay maging malinis at mapayapa ang darating na eleksyon...


----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled I love you mom.  Shout out goes to the following:

Rix, Sherene, 88-Nutty Thoughts-88, Lady_Myx, jonathan, Phioxee, ZaiZai, Overthinker Palaboy, Bulinggit, joanne, Gracie, Senyor Iskwater, joy, Jei Son, Juicy Jay, Bino, MEcoy, ERICA, Pao Kun, JonDmur, Ric LifeNCanvas, Gilbert Pagunaling, Archieviner, aian, Jessica, Mar Unplog, xian, Superjaid, Elilea, reese

32 comments:

  1. sana, dumating na ang panahon na si Jesus na ang mamumuno sa daigdig na ito para wala ng aalalahanin pa. :)

    BTW! I have something for you <3 Check it here! :D

    from Myxilog with love <3

    ReplyDelete
  2. Sana ngayong pasko ay maalala mo pa rin ako ♪♫♪♫
    ay mali eleksyon pala ahahahaha.
    Naku sana nga tama ka dyan. Pero sa totoo lang eh wala pa rin akong mapiling iboto. Kasi naman parang lahat sila eh di ko makitaan ng concern talaga sa taong pag sisilbihan nila parang puro hiden agenda hihihi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahah Rix natawa naman ako sa intro mo ang kulit mo talaga.
      Ang prayer ko sana mahalal ang karapatdapat.
      Nakakatamad na tuloy pumirme sa pinas pag ganito pa din ka bulok ang sistema ng bayan...choz kala mo naman nakakapag stroll sa ibang bansa hahahah

      Delete
    2. nyahahaha masanay ka na Genskie si Fiel nga nasanay na sa akin ahahaha

      Delete
  3. sana walang karahasan..sana walang dayaan at sana sana wala ng corruption..

    Masasabi ko lang sa lahat ng nasa politiko dapat hindi lang sila bago mag eleksyon nagbibigay ng tulong at malasakit sa tao, masyadong halatang pasikat at dun pa lang sabihin man nilang hindi eh namimili na sila ng boto. Kung gusto nilang makatulong gawin nila araw araw diba...hindi un dumadagsa lang ang tulong nila bago mag-eleksyon then after that ni hoy ni ha wala na.. tsk. -_-

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. *Sana gawing pa-raffle na lang ang election?
    (the more entries you send the more chances of winning!!!!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahah ...pwede din text winner to 2236 hahahah

      Delete
  6. Kailangang maging firm and strict, dapat bumoto, dapat walang dayaan, dapat maging malinis at mapayapa. Yun nga lang may freedom of choice kasi so puwedeng mandaya, puwedeng maging marumi ang halalan. Karma karma na lang!

    ReplyDelete
  7. sana matupad lahat ng sana na to Fiel! Para maayos naman ang bayan natn :)

    ReplyDelete
  8. sana makaboto ang mga registered voters. sana di nila bale-walain ang karapatan nilang bumoto

    ReplyDelete
  9. sana ngayong pasko, ay maalala mo parin ako. nyahahaha.

    sana ang pulitikong mandadaya ay makatapak ng tae, tapos matatapon sa akin ang pera nya, tapos kukunin ko at hindi ko na isusuli sa kanya, tapos magpapakamatay sya, tapos mamamatay lahat ng may mga masasamang balak na politiko. nyehehehe

    ReplyDelete
  10. Maraming sana/ dapat ang hindi matutupad ngayong eleksyon :P

    ReplyDelete
  11. sana makaboto ako..... hahahaha. night shift kasi me so medyo nakakapagod bumoto sa umaga na dapat matulogs

    ReplyDelete
  12. sana matupad lahat yan fiel. ma ilolok ang tamang mga leader

    ReplyDelete
  13. sana mangyari ang lahat ng ito... bow..

    ReplyDelete
  14. amen! sana lahat ng sanang yan ee mangyari! at sana nakapagparegister ako sa comelec
    naun edi sana makakaboto sana ako naun haha

    ReplyDelete
  15. Sana ngayong eleksiyon maluklok ang mga tamang tao sa tamang posisyon :)

    ReplyDelete
  16. ayokong iboto yung re-electionist na hehehe

    ReplyDelete
  17. sana nga wala brown out! naku po!

    ReplyDelete
  18. Sana nga. Good luck sa inyo dyan:)

    ReplyDelete
  19. Sana tuparin nila mga sinasabi nila. Amen!

    ReplyDelete
  20. -Sana magkaroon ako ng karapatan, sipag at kakayahan na kaladkarin ang mga tinatamad bumoto. Kung hindi sa dasal maidadaan eh sa puwersahan na lang.

    -Sana yung mga hindi gumagamit ng utak sa pagboto eh makuryente at maluto ang mga utak nila. Baka sakaling ma-jump start ang utak at tuluyan nang gumana.

    -Sana ngayong eleksyon eh mawala lahat ng mga teleserye, reality shows at mga walang kwentang subaybayin, para i-focus ng sambayanan ang attention sa election process at subaybayan lahat ng mga presinto.

    - Sana ngayong eleksyon malugi ang mga kandidatong bumili ng boto.

    - Sana ngayong eleksyon ay yumaman ang mga Pilipino para hindi na sila magbebenta ng boto.

    - Sana ngayong eleksyon ay mapatakan ng generator ang mga taong nag trigger ng brown out. Sana magdilim na ng tuluyan ang paningin nila.

    - Sana ngayong eleksyon eh kung anong practical ng mga tao sa mga gadgets, ipads, laptops, etc. ganon ding practical sense ang gagamitin nila sa mga PCOS machines.

    - Sana mabigyan na talaga tayo ng pagkakataon na ipako ang mga kandidatong hindi tumupad sa pangako.

    - Sana pagkatapos ng eleksyon, mabigyan lahat tayo ng pagkakataon na ipalamon ang mga kalat, poster at tarpaulin sa mga kandidatong walang kusa na maglilinis ng paligid at pamayanan natin.

    - Sana makasakal ako ng isang gagong trapo ngayong eleksyon.

    Yun lang naman. Wishful thinking lang din! Hehehehe!

    ReplyDelete
  21. sana.. sana.. sana...
    ang mga karapat-dapat nawa ang mamuno sa bayan...

    ReplyDelete
  22. Nung mapanood ko ung previous episode ng Jessics Soho about vote buying napaisip ako ang tao talaga gagawin ang lahat mawalan man ng sariling karapatan magkalaman lang ang sikmura. Di ko sila masisi, ang tanging hiling ko lang sana wala nang karahasan. Sapat na ang pagdurusa ng mamamayan. Godbless to all the voters, be safe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah, it's really true. Before you give them political emancipation, you have to feed the people. There is no law to a hungry stomach.

      Delete
  23. Sana nga. Sana nga. Sana hindi na lang tayo puro sana. Minsan nakakapagod na ring makipaglaban sa bulok na sistema ng gobyerno natin.

    ReplyDelete

 
TOP