Loading...
Sunday, June 23, 2013

[ Chapter 2 ] Love, Time and Space


You can read Chapter 1 here (basa-basa din pag may time ^_^)

…Muntik nang masangkot si Shane sa isang malagim na aksidente.  Mabuti na lamang ay nandun malapit sa kanyang kinaroroonan ang isang di kilalang estranghero at mabilis siyang nasagip nito…

“Errr… Miss ang sabi ko, ayos lang ba kayo?”
Ang malambing pa rin at nakangiting tanong ng lalaki habang nakatunghod ito sa kanya.

Marahil sa bilis ng mga pangyayari ay saglit na natulala at hindi agad nakasagot si Shane sa tanong ng lalaking nasa kanyang harapan.

“Ay oo… okay lang ako.” 
Ang mabilis na tugon ni Shane.  Nakabalik na siyang muli sa kanyang sarili.

“Pasensya na…”
“Ang lakas din kasing maka distract niyang mga dimples mo.” Halos pabulong na sabi ni Shane.

“Huh, ano yun Miss?”  Ang muling tanong ng lalaki sa kanya.  Sabay abot ng kanyang kanang kamay upang alalayan si Shane sa pagtayo mula sa pagkakahiga nito sa malambot na Bermuda grass.

“Ah eh wala… never mind na lang what I said.”  Ang medyo napahiyang sagot ni Shane.  Batid niyang narinig ng lalaki ang mga huli niyang nasabi.

“Sa susunod ay maging extra careful na sana kayo sa pagtawid dito.  Marami nang kaso ng aksidente ang naganap sa kahabaan ng kalyeng ito.”

“Ganun ba?  Maraming Sala…..”  Hindi na nagawang ituloy pa ni Shane ang kanyang sasabihin dahil biglang nag-ring ang cellphone mula sa kanyang bulsa.  Nang kanya itong tignan ay ang kanyang ina pala ang tumatawag.   Nagtatanong kung pauwi na ba siya.  Pagkatapos sagutin ni Shane ang tawag ay tumalima siyang muli sa lalaki ngunit sa kanyang pagkabigla ay naglalakad na pala itong palayo mula sa kanya.  Inisip na lamang niya na marahil ay nagmamadali rin ito at may mahalaga pang bagay na kailangang asikasuhin.

Nakauwi ng matiwasay si Shane ng gabing iyon sa kanilang tahanan.  Hindi na rin niya nabanggit sa ina ang mga nangyari sa kanya noong araw na iyon upang hindi na ito mag-alala pa sa kanya.

Nakaharap si Shane sa isang malaking salamin sa loob ng kanyang silid.  Nag-aayos siya ng sarili at naghahanda na rin para sa pagtulog.  Muli niyang pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang katawan.  Nagtataka siya kung bakit nagawa pa siyang ipagpalit ni Jake sa ibang babae.  Maganda naman siya.  Mapupungay ang kanyang katamtaman at bilugang mga mata.  Mamula-mula ang mga labi at pisngi kahit hindi na siya naka make up.  Tuwid at hanggang lagpas balikat ang haba ng kanyang mala sutlang itim na buhok. Katamtaman din ang kanyang skin complexion na bumagay sa kanyang balinkinitang pangangatawan.  At higit sa lahat ay may maipagmamalaki naman siyang mga dibdib.

Kinabukasan sa loob ng kanilang opisina…

“Huy best, mag kuwento ka pa nga tungkol dun sa cute guy na sinabi mo sa akin sa text mo kagabi.  Dali na!”  Ang kinikilig-kilig pang pangungulit sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Joyce.

“Ano type mo ba?”  Ang muling tanong sa kanya ng kaibigan.  May kakaibang ningning sa mga mata nito.

“Sira ka talaga Joyce.  Anong type-type ang pinagsasasabi mo jan?  Ni hindi ko nga naitanong kung ano ang pangalan ni Kuya eh.”

“Pero type mo?  Di ba ang sabi mo sakin sa text mo kagabi ay parang nakakita ka ng isang guwapong anghel na siyang nagligtas sa iyo.”

“Tse! Mali talaga ang desisyon ko na sabihin sa iyo ang tungkol sa lalaking iyon eh.  Hindi mo talaga ako tatantanan sa kakakulit eh.  Tama na nga ang tungkol jan.  Magtrabaho na muna tayo.”

“Ayyy… ang corny naman neto.  Hahahah!”  Ang sambit ni Joyce sabay tapon ng kapirasong nilukot na tissue kay Shane.

Lumipas ang ilang araw at hindi na muling nakita pa ni Shane ang lalaking sumagip sa kanya mula sa kapahamakan.  Dahil dun ay tila ba nakaramdam siya ng kakaibang kalungkutan.  Pakiramdam niya ay parang may puwang na naiwan sa loob ng kanyang pagkatao.

Isang araw ng Lunes, nag half day lamang sa opisina si Joyce dahil nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila.  Kaya naman nung uwian na ay mag-isang naglakad si Shane patungo sa terminal ng FX na biyaheng Cubao.  Muli siyang napadaan dun sa malapit na park sa kanilang opisina.  Sa kanyang galak ay natanaw niyang muli ang lalaking sumagip sa kanya.  Nakaupo ito sa isang wooden bench sa ilalim ng malaking puno ng Mahogany.  Iyon din ang paborito niyang tambayan sa parkeng iyon.

Atubili siyang lumapit sa kinaroroonan ng lalaki.

“Hi”  Ang bati ni Shane.
“Maaari bang maki upo dito?”

Biglang napalingon sa kanya ang lalaki.

“Yeah sure! Wala naman akong ibang kasama.”  Ang nakangiting tugon nito kay Shane.
“Small world eh?  Nagkita tayo ulit.”

“Ah… oo nga eh… Alam mo ba na ilang araw na rin kitang inaabangan dito?” Ang medyo nahihiyang pahayag ni Shane.

“Hmmm… bakit naman?”  Ang masayang tugon ng lalaki sa kanya.  Medyo tumaas pa ng konti ang kilay nito.

“Nais ko lang kasi na pormal na magpasalamat sa iyo. Remember, you saved me several days ago.  Maraming salamat ha?”

“Oh that… walang anuman.  It’s my pleasure to help. I’m glad na maayos ka na ngayon at mukha pang masaya.”

“And oh, I haven’t formally introduced myself to you yet.  Ako nga pala si Lancid.  You can call me Lance pero mas gusto ko na tawagin mo akong Cid.  That’s my nickname.”

Kasunod niyon ay mabilis na iniabot ni Cid ang kanyang kanang kamay upang makipag shake hands kay Shane. 

“Ako naman si Shane.  Glad to meet you Cid.”  Mabilis niyang binitiwan ang kamay ni Cid.  May kakaiba siyang naramdaman sa bagong kakilala.  Tila ba bumilis ang tibok ng kanyang puso.  Nakakatunaw ang bawat ngiti ni Cid sa kanya.

Bigla silang natahimik pareho.  Marahil ay nakikiramdam pa sa isa’t isa.  Napansin ni Shane na biglang napatitig si Cid sa malayo.  Tila ba may hinihintay or iniisip ito.  Pero nahihiya naman siyang magtanong.  Dahil na rin sa halos 2 feet lang ang layo niya kay Cid ay napagmasdan niyang mabuti ang itsura nito.  Maiksi ang gupit ng kanyang buhok, may konting bangs na dumadampi sa kanyang medyo may kakapalang kilay at may konting stubbles na tumutubo sa kanyang mukha.  May pagka chinito din ang mga mata nito na siyang lalong nagpaguwapo dito.  Nakasuot pa rin ito ng powder blue long sleeved shirt na binagayan ng neck tie na may black and silver stripes, black slacks and leather shoes.  Tulad noong una silang nagkita.  Marahil ay iyon ang uniporme nila sa opisina, ang agad na pumasok sa isipan ni Shane.

Marahil ay naramdaman ni Cid na kakaiba ang pagkakatitig sa kanya ni Shane.  Kaya naman nilingon nyang  muli ang magandang dilag.

Halos mamula naman ang buong mukha ni Shane sa pagkabigla.  Alam niyang it’s rude to stare on somebody’s face.  Pero hindi niya talaga mapigilan ang kanyang sarili.

To be continued…



----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled Random hirit sa Tag-ulan.  Shout out goes to the following:

jonathan, Phioxee, sherene, Senyor Iskwater, MEcoy, Lady_Myx, Mar Unplog, Bino, Ric LifeNCanvas, Joy, Rix, ZaiZai, krykie, ignored_genius, Elilea, Balut, khantotantra, Pao Kun, Xander, Arvin U. de la Peña, KULAPITOT, Leah TravelQuest

33 comments:

  1. May pagka-f4 pala hitsura ni CID hahaha. ay si shane talaga pinansin pa ang pimples tsk. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mejo slight lang naman ang pagka chinito ni Cid dito and haha, chinek ko tuloy bigla kung pimples ang naisulat ko, pero it's dimples Kuya Bino :D

      Delete
  2. Ayan na, love story na ulit na kikilig sa mga readers. Maganda ang pagkakahabi ng kuwento. Gusto ko din the way you describe things. Aabangan ko next part.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sa nice comments sir Jonathan. Balik kayo ulit for the next chapter :))

      Delete
  3. ayiie! haha malakas talaga dating sa babae ng heroic type with dimples na guy ee nu!
    love is in the air ahh, kaso feeling ko magkakaconflict pa yan sila

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah, weakness talaga ng mga girls ang heroic type na guy with dimples hahaha *apir* naku, balik ka ulit parekoy for the next chapter. Abangan ang kakaibang twist before the ending!

      Delete
  4. Wow! Ka in love naman eto;) sana may kasunod agad:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wheee! pati si Mommy Joy, na-i-in-love na din kina Shane at Cid. Thanks and balik po kayo ulet for the next chapter :))

      Delete
  5. hi fiel-kun ..

    hahaha .. ayos to ah .. sarap talaga mag basa ng mga kwentong ganito.. nakakahanap ako ng libangan .. aabangan ko na ito, at babalikan ko ang naunang part ...

    salamat pala sa pagbisita sa blog ko, mula ngayon isa na ko sa iyong mga taga hanga .. at susundan ko na ang blog mo :)



    ReplyDelete
    Replies
    1. Leeh!!!! ^_^ Maraming salamat din sa pagdalaw, kumento at sa pagiging follower. Ayan may new blogger friend na naman ako :)) I am also following your blog!

      balik ka ulet for the next chapter!

      Delete
  6. yay! teka babalikan ko muna ang Chapter 1...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cge go! push yan ate Balut ^__^

      Delete
    2. ay Fiel nabasa ko na pala ang Chapter 1 neto kala ko naman ibang series. Kaya heto nakiki-kilig ako sa Chapter 2 hi hi hi

      Nakaka-muhi naman yung description ni Cid parang perfect pati ako nai-inlove waaah. May dimples na may bangs pa may stubble pa at higit sa lahat "you're my hero type" pa. Feeling ko multo yun ha ha ha mag conclude ba naman ako. Bilisan na kasi ang kasunod :P

      Delete
  7. hmm, eto namang si Shane oh. Kaya kung ano ano nangyayari eh laging lumilipad ang isip. saka mabilis magshift ang isip ah. nakalimutan agad ang ex. hehehehe. pag ganyan e malapit sa disgrasya ang ganyan, either literal or figurative. hehehehe. abangan ko ang kasunod.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha uu parekoy. Move on, move on din daw pag may time sabi ni Shane XD

      Delete
    2. ambilis naman. di ba nya alam ang 3 month rule ika nga ni popoy? hahhaa

      Delete
    3. Hahaha, baka nakalimutan mo parekoy na ilang linggo na rin na depressed si Shane until nga nang makilala niya si Cid. Puwede naman daw sumaya ulit ^_^

      Delete
  8. naks naman! hahaha, tuloy mo pa! hahaha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, yes sir!!! abangan nyo ulet ang next chapter :))

      Delete
  9. Hahaha salamat Wrey :))

    Natutuwa ako sa mga kumento at speculations nyo. Like this comment of yours hehe. I guarantee you na straight si Cid :) pero naka set na ang mind ko sa isang ending at yan ang dapat mong abangan ^_^

    ReplyDelete
  10. Ayiee napapatitig si Shane kay Cid, sa isip nya siguro "Hong yummy!" wahahaha joke lang.

    Maganda si Shane, charming si Cid, bagay sila pero sila nga ba ang pwedeng magkatuluyan sa bandang huli?

    Pero bakit si Shane ang syang nabibighani, how about Cid may laman na ba ang kanyang puso at isipan sa mga sandaling yun kaya't ang layo ng tingin at mukhang anlalim ng iniisip? Hmm.. mukhang hindi naman baklush si Cid pero feeling ko... may lover sya wahaha joke ulit para masaya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wheee! ikaw talaga ang number 1 critic ng story na ito Ate Gracie hahaha ^_^

      Naku, naku, I won't say much about what will going to happen with Shane and Cid. Basta may ka-abang abang na mangyayari next chapter :)

      Salamats ate!!!

      Delete
  11. The boy meets the girl.... Love is in the air na nga ba?, hehe...Nice one fiel.. Ano kayang magiging twist? Hmm, sige abangan natin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yiiiiii! salamat sir Ric. Ramdam ko din na Love is in the air na talaga. Naku watch out po for the next chapter :)

      Delete
  12. wait a minute sinu yung tinitignan ni Sid sa malayo? At si Shane kung makatitig wagas.... Next part na....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, secret... watch out for the next chapter!

      Salamats!

      Delete
  13. o di ba ang challenging gumawa ng series na kwento? ahahaha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, uu VERY challenging pero masaya. Nakakatuwang paglaruan yung story ng main characters dito :)

      Delete
  14. ayon may chapter 2 na pala! mukhang mapapabilis mag move on si Shane, hindi kaya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eeeeeh... I won't say much Kuya Mar hahaha pero somewhat oo, maiibsan kahit papaano ang kalungkutan ni Shane with Cid :))

      Delete
  15. ewan ko sau feyelll hahaha wag kang maharte sa ending nito ha hahahaha pasasabugin ko yang pwet mo hahahaha

    ReplyDelete

 
TOP