Special thanks to Mommy Joy of Joy's Notepad for tagging me with this fun A-Z stuff! At bago ko pa makalimutan, ayan gumawa na ako ng post. Have fun reading guys!
Ang inyong matutunghayan ay purely random thoughts lamang at walang sustansyang post ^_^
Are you ready? here we go!
A - Attached or Single?
~ Single and happy.... really. I'm happy being single... (teka parang may poot yung pagkakasabi ng happy)
B - Bestfriend
~ Actually, lahat naman kino-consider kong bestfriend eh. Lalo na yung madalas kong nakakausap at nakakakulitan sa FB at Twitter. I won't mention names kase madami sila (mostly fellow bloggers) at baka may magtampo pag nakalimutan kong banggitin ang names nila hehe!
C - Cake or Pie
~ I'm not really a big fan of Cake and Pie eh, pero kung mapilit ka at papipiliin mo talaga ako, sige Rice Cake!
D - Day of Choice
~ Wala eh... actually, lahat naman ng araw gusto ko. It also depends na rin siguro sa mood ko at sa mga pangyayari on that particular day.
E - Essential Items
~ Pera, cellphone (although hindi ako pala text na tao), laptop, broadband stick.
F - Favorite Color
~ Blue, the color of the sky.
G - Gummibears or Worms
~ Gummibears! ang kyot kyot kasi nilang pagmasdan at kainin!
H - Hometown
~ I was born and raised in San Mateo, Rizal - it is located along the western border of Rizal Province, it is bordered on the west by Quezon City, to the south by Marikina City and Antipolo City.
Consult-consult din ng map pag may time :P
I - Indulgence
~ Say what? Indulgence daw! oh, I love Melon Shake/Juice :))
J - January or July
~ January, first month of the year. New Year. Fresh start for everyone.
K - Kids
~ I love kids, basta wag lang sobrang kulet.
L - Life isn't complete without...
~ God, my family, makukulet na online friends, internet and lotsa foods.
M - Marriage date
~ Errr... soon! invited kayo ha! XD
N - Number of brothers and sisters
~ I have one older brother and two younger sisters.
O - Orange or Apples
~ Apples! kase naniniwala akong an apple a day, keeps the doctor away.
P - Phobias
~ Venomous snakes and heights.
Q - Quotes
~ Believe what you believe, work hard to achieve, focus yourself and you will receive.
R - Reason to smile
~ Good vibes na mga kaibigan (both online and personal)
S - Season of Choice
~ Summer (Kahit naglalagkit ako sa pawis, kesa naman sa tag-ulan at malamig ang panahon. Uso naman ang sakit at baha. Nakaka stress lang pag ganun.)
T - Tag 5 People
~ You! yes you! Kung sino man ang nagbabasa ngayon nito. Oo ikaw, you've been tagged! Sige na, 'wag ka nang mahiya! Post post din pag may time.
U - Unknown facts about me
~ [Edited] Mejo matampuhin at may pagka possessive po ako. bow!
W - Worst habit
~ Mahilig akong magkutkot ng balat sa gilid ng aking mga kuko. Minsan umaabot pa to the point na nasusugat na yung daliri ko sa kakakutkot ko.
X - Xray or UltraSound
~ Xray
Y - Your favorite food
~ Itlog na pula with kamatis!
Sarap! kanin na lang ang kulang, solb na!
Z - Zodiac Sign
~ Born under the star sign of Scorpio.
----- Pasasalamat -----
Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled [ Chapter 2 ] Love, Time & Space. Shout out goes to the following:
Bino, jonathan, MEcoy, Joy, Leeh Saberon, Balut, ignored_genius, Bulingit, Wrey Swift, Gracie, Ric LifeNCanvas, Axl Powerhouse Production Inc., Rix, Mar Unplog, Phioxee, Leeh Saberon
ahahaha pasaway... sabi nga 5 lang :p
ReplyDelete- masarap ang itlog na maalat na may kamatis tapos tinapa.... natatawa ako sa mga sagot mo parang gusto kita isilid sa sako at pausukan ng mamunga ka nyahahaha.
Ahahaha, kawawa naman yung iba kung 5 lungs ang ita-tag ko. Dahil gusto ko happy kayong lahat, kaya ayan You've all been Tagged!
DeleteHahaha, game ako jan. Gusto ko mamunga ng pera at ginto. XD
oooooohhhhh...... katulad din to ng a-z ni senyor iskwats. heheheh.
ReplyDeletematry nga din to....
pag may time :D
Yup yup, tinag kami ni Mommy Joy eh XD
DeleteCge go, there's no harm in trying!
ang sarap naman ng itlog na pula with kamatis.... we both love summer... wala na talagang unknown facts about u? d nga?
ReplyDeleteAhahaha, unknown facts ba kamo? cguro may pagka matampuhin ako at may pagka possessive pero di lang halata XD
DeleteMalapit ka nang magpakasal? :) Congrats :)
ReplyDeleteNaku sir, matagal pa siguro yun. Kaya nakalagay sa taas "soon". Indefinite time and date haha :D
DeleteHappy and single tapos malapit na ang kasal, kulit lang.
ReplyDeleteNatawa ako sa hometown, kumpleto sa mapa.
Second ka pala sa brood of four, same same lang.
Naku sir Jonathan, wag mo na lng pansinin ang kakulitan ko hahaha XD Kaya nilagay ko dun ay "soon" kase indefinite pa talaga kung kelan yun mangyayari.
DeleteUu, kase yung mga fellow bloggers natin na taga Visayas at Mindanao baka di makarelate kung nasan ba locate ang San Mateo hehe.
yes, apir!
Wow! Very touch naman ako at ginawa mo. I loved your answers. You are really a nice guy. So everbody pls join. It is really fun.
ReplyDeleteThanks din po Mommy Joy XD
Deleteblue at green ang fave kulay ko hehee.
ReplyDeleteafraid ka pala sa heights. tara bungee jumping tayo :D
Waaah! naku, pass muna ako sa bungee jumping hahaha XD
DeleteDati nga nung ROTC namin sa college, nag slide for life kami sa San Miguel, Bulacan at todo kabog talaga ang dibdib ko noon. Mas lalo naman sa bungee jumping!
hi fiel, bwahaha... pareho tayo ng worst habit, pati na rin sa season.. i ♥ summer, asin kasi ako.. natutunaw kapag umuulan... :)
ReplyDeleteHahaha, thanks ate Babet! apir tayo jan! XD
Deleteay..bet ko to! makapag A-Z nga din... hahaahaha.... NAgutom ako sa itlog na pula ah! more crave more crave talaga ko ngaun sa lungga ko! its all your fault! lol
ReplyDeleteHahaha, tara kain tayo. Nagugutom din ako right now eh. Ang sarap kumain lalo na ngayong maulan at malamig ang panahon.
DeleteCge gawa ka rin ng ganito Kat :))
nice ako din trio ko yung rice cake at itlog maalat at kamatis!
ReplyDeletehaha need ko papala mag post regarding this
Hahaha, yep ang sarap talaga ng mga simpleng pinoy foods. Di mo na kailangan pumunta sa mamahaling resto, kahit sa tabi tabi lang may mabibili ka na XD
Deletenaaliw din ako sa pagbabasa nung version mo :))
Kailan ang kasal? Para makauwi ng Pinas! hahaha...
ReplyDeleteSoon kuya Mar! Very soon ahahaha XD
DeleteHow soon is soon? Very soon? Coming soon? hahaha
DeleteBasta Kuya Mar, malalaman mo na lng pag may dumating ng invitation sa bahay nyo hihihi XD
DeleteWala bang sustansya? ok lang yan, panawid gutom na din hahaha.
ReplyDeleteNice to know more about you, Sir. Hehe...
Gandang araw!!
Ahahaha, salamats din ng marami sir Ric :))
DeleteHave a great day too!
ok ang ang gusto mong quotes...sino ba naman ang hindi matatakot sa ahas...
ReplyDeleteSalamat Arvin :))
Deleteuu nga eh, natural instinct na talaga ng tao ang matakot or umiwas sa ahas everytime they see one.
wah! hindi nagpost ung una kong comment.. kaya ito... comment ako ulit...
ReplyDeletemukang fun ito ah A-Z, try try din pag may time :) nice knowing you more Fiel, lovelife din pag may time :P
Hindi masyado in good terms ang WP at Blogspot hehehe. Buti inulit mo magpost :))
DeleteSalamat Jess, cge gawa ka rin ng ganito. Masaya!
Lovelife ba? (insert sad face here)
Hahaha salamat Wrey :))
ReplyDeleteCge go, gawa ka rin ng ganito. The more, the merrier! masaya toh pramis :D
Yep, great rewards for those who waits ika nga hehe!
ui mahirap ang mag-isip ng mga bagay from A-Z ah .. hehe .. anep ..
ReplyDeletebuti ka pa marami na friends sa blogging..
tenks pala ulit sa pag-dalaw sa blog ko ah :)
Salamat Leeh!
DeleteNaku, hindi naman mahirap maghanap ng mga mababait at masayahing mga kaibigan sa mundo ng blogging. Marami sila. They're just waiting for you hehe.
life is not complete without...
ReplyDeletesex? hahaha lalala lala ♪♫
Waaah! di ako ready jan sa sagot nyo sir Niiru ahahaha XD
Deletepero somehow may point kayo jan :P
lalala lala ♪♫
kk~ akala ko yung post about sa puto! looool ~ kase yun agad ang unang image na nakita ko kk~ :) mukang masarap pa naman kase gawa nung kesooooo <3
ReplyDeleteat oo, naiinggit ako kasi ang dami mong kapatid! hihi pangarap kong mag ka ate or kuya man lang ehh :) pero dahil eldest ako, waley! kk~ ^__^
but i have older siblings by heart :)) bawi na rin kk~
have a happy friday fiel!
Annyeong Krykie :D
Deleteputo kayo jan!!! uu nga ang sarap kumain ng puto with cheese hehe!
bitter-sweet din ang pagkakaroon ng mga kapatid eh... away-bati kami madalas hahaha!
TGIF~
Parehas pala tayo scorpio .... After a month hndi ka na maging single niyan hahaah
ReplyDeleteWuy, mga November babies pala tayo :))
DeleteNaku, Josh sana magdilang anghel ka jan hahaha!
Bakit kaya may tanong kung X-ray or Ultrasound LOL di ko yun gets. Wow getting married soon! Congrats.
ReplyDeleteAko din nga nagtataka kung baket may Xray at Ultrasound, pero sinagutan ko na rin hahaha :D
DeleteNaku, ang "soon" na nakalagay jan ay indefinite pa XD
Binasa ko yung serye mo ha. Wala ako sa thank u. Hahaha. Di lang ako nag comment. Ang kulit ng connection sa cp.
ReplyDeleteAt bakit single ka parin bata ka? Mag lablife din pag may time
Ahahaha, dapat pini-M mo na lng ako sa FB ate Aicy, para naisama kita sa Thank You list hehe! ( I know naman na may problema yung 3G network nyo jan sa Dumaguete)
DeleteTama na, utang na loob, ayaw ko nang marinig ang tungkol sa lablayp! hahaha XD
Hahaha pag may time lang naman
DeleteNAYAMOT naman talaga ako dun sa worst habit mo lol.
ReplyDeleteParang wala tayong something in common according to your A-Z. Pero alam ko pareho nating love ang mga pusa ;)
Awwts, sori naman dun sa worst habit ko hehehe :D di ko lng kase mapigilan minsan ang sarili ko na magkutkot lalo na pag bored ako or kinakabahan >.<
DeleteYes, pareho tayong certified cat lover and apir tayo jan!
Salamat ate Balut!!!
Wow sarap nung itlog na pula. Nagutom tuloy ako. hmp! gusto ko tuloy kumain. I love to eat this kind of food. halla, nagugutom na talaga ako.
ReplyDeleteGusto kong makita ang unedited version ng unknown facts mo pusa!
ReplyDeleteand... asan ang letter V?
naku pusa, masarap partneran ng tuyo ang itlog na maalat at kamatis!!!
sarap ng puto.. masaya naman talaga pag single..pero believe me mas masaya kapag attached haha.. ayun oh sumeseries k na pala.. sige basahin ko yan pag may time ako..basta ayoko ng mahaba ah haha..
ReplyDeletematampuhin ka? so pano yan kapag batian scene na? mapapatawad mo ba sya? o pakipot muna? haha..
ReplyDeletesingle and happy talaga? chos! napaisip din tuloy ako ng isasagot ko dun. hahaha.
ReplyDeleteYun oh same pla tayo scorpio. magpost din ako nito pag may time hehe. pakopya ^_^
Weeh bunso ung C di naman Cake or Pie, puto yan eh, gusto ko yan palit tau he he.. Sa San Mateo ka pala malapit kami dya sa tulay kami pagtawid madalas nga bahain laging nasa news ang Barangay namin :( pero mga kapitbahay ko madalas inaabot ung bahay namin bandang taas kasi. Nwei about love life i must say..
ReplyDeleteYou can't hurry love
No, you just have to wait
You got to trust, give it time
No matter how long it takes
Pray more and God will give you the right woman for you :) payo ni Ate Leah :P
michael kors, oakley pas cher, kate spade handbags, ralph lauren uk, ralph lauren pas cher, north face, michael kors, michael kors, burberry, hogan, hollister pas cher, nike roshe, sac guess, ray ban pas cher, ray ban uk, coach outlet, true religion outlet, air force, coach purses, nike roshe run, lululemon, coach factory outlet, coach outlet, timberland, true religion jeans, vanessa bruno, nike blazer, nike free, nike air max, hollister, new balance pas cher, vans pas cher, nike free run uk, nike air max, lacoste pas cher, louboutin pas cher, air jordan pas cher, michael kors, sac longchamp, north face, true religion jeans, abercrombie and fitch, tn pas cher, air max, longchamp pas cher, true religion jeans, converse pas cher, mulberry, hermes, nike air max
ReplyDeletepandora charms, ugg,ugg australia,ugg italia, moncler, ugg pas cher, moncler outlet, vans, thomas sabo, canada goose, barbour, bottes ugg, louis vuitton, moncler, karen millen, hollister, marc jacobs, wedding dresses, canada goose outlet, moncler, pandora charms, ray ban, louis vuitton, montre pas cher, canada goose, supra shoes, louis vuitton, barbour jackets, ugg boots uk, toms shoes, moncler, converse outlet, moncler, juicy couture outlet, pandora jewelry, sac louis vuitton pas cher, doudoune canada goose, converse, replica watches, nike air max, lancel, canada goose, coach outlet, pandora jewelry, juicy couture outlet, moncler, doke gabbana outlet, ugg,uggs,uggs canada, canada goose outlet, links of london, canada goose, gucci, moncler
ReplyDelete