Minsan mahirap makamit ang kasiyahan sa buhay. Ngunit ang hindi alam ng marami ang tunay na
kasiyahan ay makukuha mo lang kung mayroon kang tiwala sa iyong sarili o yung
tinatawag na kumpiyansa. Pero paano nga
ba makukuha ito? Narito ang ilang
paraan:
Purihin
ang iyong sarili – Hindi mo naman kailangan ipagsigawan sa buong
mundo na ikaw ay magaling. Minsan
kailangan mo lang na tapikin ang sarili mong balikat at ipaalala sa iyong
sarili na may mga nakamit ka rin sa iyong buhay. Ang ipaalala sa iyong sarili ang iyong mga
abilidad at naabot ay tiyak na makakapagpaunlad na ng iyong kumpiyansa.
Hanapin
mo ang magagandang bagay sa’yo – Kailangan mong sabihin sa
iyong sarili na hindi ka lang basta tao dahil ikaw ay mayroon din naman talento,
kaalaman at abilidad. Minsan kailangan
mo lang bigyan ng reward ang iyong sarili sa pamamagitan ng paggawa minsan ng
kahit na maliit ngunit kapakipakinabang na bagay.
Tanggapin
ang sarili – Anumang bagay na mayroon ka ay dapat mong
pasalamatan. Dapat mo rin tanggapin na
may mga taong tunay naman na nakakahigit sa’yo.
Hindi mo sila dapat kainggitan at hindi ka rin dapat magmalaki sa mga
taong tingin mo ay mas mababa naman sa iyo.
Patuloy
na matuto – Kung sa tingin mo ay kulang ka pa sa kaalaman,
mas mabuti pa rin sa’yo ang mag-aral ng mga bagong bagay. Kapag nakita ng mga tao na umunlad ang iyong
mentalidad, hahanga sila sa’yo. Ang
paghangang ito ay makakapagdagdag pa rin ng kumpiyansa sa iyo.
Maging
positibo – May mga bagay at tao na nakakapagdulot sa’yo
para bumaba ang iyong self esteem, kaya dapat mo silang iwasan. Sumama at makisalamuha ka sa mga taong
makakapagdulot sa iyo ng good vibes na pakiramdam at may positibong pananaw sa
buhay.
Have a blessed day everyone!
[ Credits to PM Tabloid ]
----- Pasasalamat -----
Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nag-iwan ng kanilang mga pabati sa aking previous entry titled Fourth Blog Anniversary Celebration + Fidelis Award. Shout out goes to the following:
Phioxee, Bino, Joy, khantotantra, ignored_genius, 88-Nutty Thoughts-88, jonathan, MARIA, Rix, Ric LifeNCanvas, Mar Unplog, eMPi, Cyron Agustin, MEcoy, Overthinker Palaboy, Balut, Olivr, JonDmur, Xian, yccos, Lawrence, Pink Line, ZaiZai, Elilea, Arvin U. de la Peña, Ms. Leeh, Umi, Nomad, KULAPITOT, Ishmael Fischer Ahab, Eagleman, Lady_Myx, Leah TravelQuest, Dhianz, glentot, Lalah
may idadagdag ako diyan.
ReplyDeleteKailangan lang talagang maging kuntento tyo at magpasalamat kung ano ang meron.
Diba?:)
Thanks for the reminder, Fiel....
ReplyDeleteyes, i believe happiness is an inside job...
At kailangan nating tulungan ang sarili no matter how difficult it may seem, sometimes....
We need to feel good all the time, less negativities, more positive vibes.
ReplyDeleteA great list of reminders for everyone.
Purihin ang sarili - parang madalas kong gawin to hahaha
ReplyDeleteHanapin mo ang magagandang bagay sayo - Nahanap ko na!
Tanggapin ang sarili - Acceptance lang.. kung ano ka at mahalin mo sarili mo. madalas ko nga i treat sarili ko eh, wala naman kasi nanlilibre sa kin hahaha
patuloy na matuto - agreeng agree ako dito. Hindi dapat huminto kasi everyday is a learning process.
Maging positibo - ito yong dapat i apply sa lahat nang aspeto nang buhay... how we look at things, our perspective in everything, we always look at the brighter side of life.
So I can say... I'm Happy... coz I choose to be!
agree ako sa lahat :) dagdag din ang maging appreciative sa mga bagay kahit gaano man kasimple o kaliit. madali namang sumaya, ito ay nasa sa atin lang kung gugustuhin natin ito :)
ReplyDeletevery nice read Fiel! :)
oiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii alam ko ang pinaghuhugutan nito nyahahahaha
ReplyDeletePurihin ang sarili - check. every day. good job. well done. bongga!
ReplyDeleteHanapin mo ang magagandang bagay sayo - titingin lang ako sa salamin nang wlang suot na salamin...hahaha...charot!
Tanggapin ang sarili - oo naman... pano na kapag tinakwil ko sarili ko? san ko sya hahanapin? hahaha
patuloy na matuto - but of course! there is always something new to learn :)
Maging positibo - yan tlaga ang bottomline nang lahat.. no matter how bad the situation is, stay positive dahil lilipas din ang lahat...
At dahil jan, have a happy week ahead, pusa!
Nice post..
ReplyDeleteMaybe we can follow each other..!!
keep in touch
www.beingbeautifulandpretty.com
agree agree agree, kahit ako, para sakin hirap gawin yan kasi mejo
ReplyDeletemababa confidence ko eeh pinipilit kong i encourage
yung sarili ko saka pinipilit kong matuto sa lahat ng bagay na dumadaitng din sa buhay ko
mejo matigas lang talaga ulo minsan haha
tumpak, super agree ako sayo parekoy... salamat sa pagpapaalala, dahil as of this moment malungkot ako.. sakto ang pagkabasa ko sa post mo :)) belated blog anniversary :)
ReplyDeletebasta think positive. and put God above everything/everyone else. :)
ReplyDeletetrue this....
ReplyDeletekaso minsan hirap labanan ang negativitey..... huhuhuhuh. hahahahaha
Hala bakit ganun? ang alam ko, bumati at nagkumento rin ako sa 4th anniv post mo eh...nawala... hehehe
ReplyDeleteEniweis, I love this post... Anlakas maka-positive vibes!!!
Parati kong pinupuri sarili ko. Minsan akala nila may toyo na ako sa ulo kasi sinasabi ko pa outloud. Hahaha. Haapy anniv sa blog mo :)
ReplyDeleteui ayos to ah, makakatulong ito sakin bilang reminders.. kasi lately feeling ko puro badvibes nasasagap ko and I feel so ugly .. hehehe .. thanks for this fiel :)
ReplyDeletedati rati kasi madalas ko purihin ang sarili ko at feeling ko ang ganda-ganda ko .. pero ewan ko ba parang medyo nakalimutan ko na ata yung mga pagkakataon na ganun ako .. tahaha
DeleteNakakaligtaan natin ang kakuntentuhan sa ating mga sarili. Minsan, ang paghahangad natin sa labis ay lubha ng hindi tama. Ang pagbibigay ng importansya sa kung ano man ang meron tayo at mga taong nakakasama natin sa ating paligid ay maituturing ng kasiyahang 'di mapapantayan.
ReplyDeleteGusto ko ang ganitong mga paskil. Puno ng positibong pananaw. (Clue: Ahehihihihi.)
Galing Fiel-Kun. Very nice thoughts. Thumbs up:)
ReplyDeletenaksnaman pusa ang ganda naman ng nilalaman ng post mo na eto! :)
ReplyDeleteMay happiness be with us all.
ReplyDeleteFiel! annyeong! :)
ReplyDeleteThis is a nice post. :)
Being happy is a choice. Ü
What you said are all facts. <3
Siguro add ko na rin yung stop being materialistic. best things are free, isa na dito ang LOVE. ^_^
Hay, sana madali lang din silang gawin. :)
ReplyDeletePero oh well, at least alam nating may pag asa pa lagi para maging masaya hehe :>
Isang maligayang araw!
Thanks for spreading the good vibes bunso very uplifting post kudos to you :) Sabi nila Happiness is a choice , it feels great to make someone happy. But how can you make them happy if you , yourself, you cant make yourself happy gulo no? Parang Billy Crawford lang ang peg he he... No matter what trials and problem we all have at the end of the day be thankful that we still breathing.
ReplyDeletePurihin ang sarili- ahh yes! It might come with some reward for yourself! :)
ReplyDeleteHanapin mo ang magagandang bagay sa'yo- oo hindi yung puro negative nalang. Naalala ko dito ang kantang "Perfect" ni Pink!
Tanggapin ang sarili- Of course, to be accepted by others, sarili mo muna ang kailangang tumanggap sa iyo.
Patuloy na matuto- Tama, hindi dapat makuntento sa mga natutunan na, dapat we strive for more. Everyday is a learning process.
Maging positibo- eto... siguro parang eto na yung susuma sa lahat. ;)
yohooo! Happiness is a choice talaga!
and dagdag pa sabi mo dito choose to be happy i dont know if i will make sense with "think to be happy so happiness will follow" woooottt hahahaha i mean choose to think to be happy pala ata yon eh hehehehe
ReplyDeletepandora charms, ugg,ugg australia,ugg italia, moncler, ugg pas cher, moncler outlet, vans, thomas sabo, canada goose, barbour, bottes ugg, louis vuitton, moncler, karen millen, hollister, marc jacobs, wedding dresses, canada goose outlet, moncler, pandora charms, ray ban, louis vuitton, montre pas cher, canada goose, supra shoes, louis vuitton, barbour jackets, ugg boots uk, toms shoes, moncler, converse outlet, moncler, juicy couture outlet, pandora jewelry, sac louis vuitton pas cher, doudoune canada goose, converse, replica watches, nike air max, lancel, canada goose, coach outlet, pandora jewelry, juicy couture outlet, moncler, doke gabbana outlet, ugg,uggs,uggs canada, canada goose outlet, links of london, canada goose, gucci, moncler
ReplyDelete