Loading...
Thursday, August 1, 2013

Ala-ala ng nakalipas na tag-ulan...


Sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-ulan
Hindi maiwasang gunitain ala-ala ng nakaraan
Kasabay ng pagpatak ng mga luha sa aking mata
Buhos ng ulan na sa wari ko'y hindi na titila pa

Natatandaan mo pa ba? Tayo ay nagkakilala
Isang panahon kung saan langit ay nagbabadya
Paparating na unos ay hindi natin alintana
Nabuong pag-iibigan kahit ang ulan di kayang lusawin pa

Ngunit maraming taon pa sa buhay nati'y lumipas
Matatag na pagmamahalan unti-unting kumupas
Dati'y ang ulan na ating naging tanggulan
Ngayo'y tila siya pa ang lulusaw sa ating sumpaan

Kasabay ng pag-buhos nitong ulang masalimuot
Mga pangarap nati'y nabaon na rin sa limot
Ngayon heto ako't naglalakad sa gitna ng ulan
Pilit na hinuhugasan ang pait ng nakaraan...




----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nag-bigay ng panahon sa aking previous entry titled Choose to be happy!  Shout out goes to the following:

sherene, Ric LifeNCanvas, jonathan, Mar Unplog, ZaiZai, Rix, yccos, MEcoy, jloartworks, Bino, khantotantra, Senyor Iskwater, mr.nightcrawler, Ms. Leeh, Tito Bhoy, Joy, Balut, Olivr, krykie, Umi

49 comments:

  1. sarap maka-emo kapag tag-ulan....

    tatambay sa harapan ng bintana, malayo ang tingin habang nadidinig ang patak ng ulan at ang lamig ng kapaligiran....

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu subra maka emo ang ulan kaya ayan ang produkto... nakapag compose ako ng isang tula :))

      Delete
  2. aww.
    Ang pag-ibig at pag-ulan
    laging may kaugnayan
    lalo na sa taong tila nasaktan
    dahil laging naalaala ang nakaraan
    sa tuwing bumubuhos ang ulan

    muling bumabalik ang kanilang pagmamahalan
    lambingan at tawanan na tila wala ng katapusan
    hanggang isang araw kailangang may mamaalam
    at doon mandin pag-ibig winakasan
    kaya ngayo'y luhaan habang pumapatak ang ulan.


    emo-emo din pag may time...
    ang lakas ng ulan

    ReplyDelete
    Replies
    1. aba aba, pinasisiklaban mo din ako Ate Babet ha? XD

      nice, ganda rin ng patulang comment mo.

      Delete
  3. lakas makapagpa emo ng ulan! wahehehe... ayun may naaalala tuloy ako.

    sa malamig na panahon
    bumuhos ang malakas na ulan
    kami ay nakatinginan
    naglapat ang aming mga labi
    init ng katawan aming dinama
    kasabay noon ay ang pag higa sa kama.

    waaahhhhh! puro makamundong bagay ang naaalala ko pag naulan haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahahaha!

      Ang kumentong ito ni Eagleman/Xan ay rated SPG!

      paaak katol paaa!!! XD

      Delete
  4. ang ulan sa kanyang dalang lamig
    isang tao lamang ang naaalala
    na naging dahilan ng aking pagsusulat
    pitong taon na ng siya'y makasama.

    Galing naman, ang dami kong naalala sa post na ito. Sana nakita kita para ganito tayo mag-usap, buwan ng wika pa naman. Pero mabubulol ako dahil lamang ka sa bala, sa salitang Filipino.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice pati si Sir Jonathan, patula din ang kumento :)) naglalabasan ang mga talento ah XD

      Hmmm... cno kaya yung tinutukoy nyo sa tula?

      Salamat po!

      Delete
    2. Hindi ko sasabihin. Pag nag meet tayo, yan ay isang kuwentong to share.

      Delete
    3. hmn... interesado akong makinig sa kwentong yan at makilala ang taong naging dahilan dahilan ng pagsusulat...

      Delete
  5. emo much! hehe. pero talagang pag umuulan hindi maiwasan sariwain ang mga pait ng mga nakaraan... ganun pa man, after ng rain anjan naman ang rainbow eh :) magbibigay kulay sa mapait na kahapon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga eh ehehe XD ang lakas talagang maka emo ng ulan!

      tama, there is always a rainbow after the rain :))

      Delete
  6. masarap talaga mag emo-emohan kapag umuulan noh? yun parang pang MTV at may background na music? hehehe .. parang kanta yung tula mo .. galing galing ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. sakto! ganyan ang iniimagine ko yung parang gumagawa lng ng music video habang umuulan ahahaha XD

      salamat Leeh!

      Delete
  7. sabi nga nila minsan ang ulan ang dahilan kung bakit nailalabas natin ang natatagong damdamin natin mula sa sakit,saya,lungkot at iba pa...

    At dahil sa paggawa mo na ito may naalala ako isang ulan na nagbibigay saya sa bawat nakaraan na masarap balik-balikan kahit na may kaunting pait..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka jan Paps!

      Ako din nagtataka, ano bang klaseng kapangyarihan meron itong ulan. Ang lakas maka emo lol

      Yep, kung may lungkot meron din namang saya ang hatid ng ulan!

      Delete
  8. emo? ahaha katol pa.... ahaha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha! slight lang XD

      sige, katol pa nga jan!!!

      Delete
  9. Ngayon heto ako't naglalakad sa gitna ng ulan
    Pilit na hinuhugasan ang pait ng nakaraan...

    at napakanta ko ng Aegis mash up with Rihannas, Diamonds... lols... Nakakalungkot ang ulan :( lakas maka-emo at makawishful thinking na magkaron ng rainy season jowa for the cuddle time.. haha... Maligayang Buwan ng Wika!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha talagang kumanta si Teacher Kat :))

      uu tama ka jan, ang sarap ng may ka holding hands habang naglalakad kayo sa ulan. Masarap din yung may kayakap ka tuwing malamig ang panahon na hatid ng ulan!

      Maligayang Buwan ng Wika!

      Delete
  10. nagkalat ang mga ulan entries.. mukhang sinlakas ng ulan ang pinaghuhugutan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga eh, napapanahon kase :))

      sinlakas ng pinaghuhugutan? errmmm.. konti lang XD

      Delete
  11. gusto ko ang tulang ito... malinaw ang kwento... pag-ibig na nagsimula sa ulan at natapos sa ulan... kaya 'yan, ampalaya pa rin sa ulan... hehehe

    keep writing poems... i admire those who can

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Senyor :))

      ahahaha, natawa ako sa "ampalaya pa rin sa ulan" XD

      mahusay ka rin naman gumawa ng tula *pokes blogger of the month sa damuhan*

      Delete
  12. natuwa ako sa tula. may konting kilig at sentimento. mahusay ka ding gumawa ah. nice :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming Salamat din sa iyong kumento Kuya Bino ^_^

      Delete
  13. ulan,

    kapag umu-ulan,
    nauubos ang ulam,
    kapag umu-ulan,
    busog lahat ng tiyan.

    yung lang, baw! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahahahaha! hong kulet XD

      tama, kase pag maulan ang panahon masarap kumain ng kumain!

      Delete
  14. nice poem...
    napapanahon...
    tag-ulan na..and sometimes we are emotionally affected :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sir Ric :))

      yep, akmang akma para sa panahon ng tag-ulan!

      and yeah, ang dami ngang nage-emo tuwing maulan. kasama na yata ako dun lol

      Delete
  15. Marami ang nalulungkot at na de-depress kapag umuulan. Like in London, statistic shows na mas marami ang nag su-suicide at nagpapakamatay kapag rainy season.

    As for me, masaya ako kapag umuulan ;)

    ReplyDelete
  16. Dito rin panay ulan, pero di ko makacompose ng tula:)
    Very nice Fiel-kun. Ang lungkot lang ng message.
    I hope hindi true story mo:)

    ReplyDelete
  17. Magaleng ang pagkakalikha fiel, malinis ang daloy ng kwentong nakapaloob sa iyong tula. Heto ang aking pagkakaunawa --


    Pag-iibigang nabuo sa tag-ulan.

    Pagsubok man ay dumating, sadyang sa kanila'y di naging hadlang.

    Patuloy na lumaban, upang isalba ang wagas na pagtitinginan.

    Ngunit sa kabila nito'y tila andaming humahadlang na sya rin palang tutuldok sa kanilang pagmamahalan.

    Ngayo'y bumabangon at pilit kinakalimutan ang nakaraan, subalit pagsapit ng tag-ula'y sadyang dinudurog unti unti ng nakaraan ang kanyang puso't isipan.



    Hay, bakit kasi di kayo nagkakilala noong tag-araw e di sana'y di nyo sinisisi ang tag-ulan.. haha

    Di bale, baka sa iyong patuloy na paglalakad sa gitna ng tag-ulan, isa na namang pag iibigan ang mabuo.

    Baka isang araw, isang dilag ang magsabing... "halika na, sukob na.. sa payong ko.. Uy kinanta mo noh? hehe

    Basta't tandaan mo, hangga't may ulan, may payong.. este may pag-ibig, ok ibig ko sabihin may pag asa. Tahan na....

    ReplyDelete
  18. saktong sakto ito kasi tag ulan hehehe maraming love stories ang babubuo kaya, kasama ako noon diyan may naaalala akong tuwing umuulan.
    nways, magpayong ka lagi ha?:)

    ReplyDelete
  19. Dahil sa ulan naging emo si fiel at dahil sa ulan may nagawa suyang tula !!

    Bravo!

    ReplyDelete
  20. dang lungkot naman ng bawat kataga
    sakto sa gantong panahon sarap mag emote
    anyway, pag mauulan ung kanta ng bata kong kapatid
    ung naaalala ko ee

    ReplyDelete
  21. wag mo lang hayaang maging tulad ng ulan, na pagka tapos ay mag e-evaporate at magiging ulan ulit. paulit ulit na cycle. O di ba, may science na involved! haha :)

    ganyan talaga, minsan tag ulan. pero meron ding mga tag araw, mga masayang panahon na mas masayang balikan :)

    galing ng tula mo, dama ko ang emosyon. isang standing ovation at clap clap para syao Fiel! :)

    ReplyDelete
  22. ang lakas naman makapagpaalala ang tula mo. may tama. ang ganda... tambay ka minsan sa bukid namin:)

    ReplyDelete
  23. Talaga namang mahilig mag-emo ang mga pusa sa tag-ulan ha ha ha!

    In fairness napakaganda ng pagkakahabi mukahang may pinaghugutan :)

    ReplyDelete
  24. aww! Ang lungkot talaga pag umuulan no? Hays.


    Anyways ang ganda ng tula mo pusa! Ipagpatuloy. Sana marunong din ako gumawa ng tula. :3

    About sa pagsikat naman ng araw. haha

    ReplyDelete
  25. Masarap talaga mag emo pag umuulan. Kasabay nang patak nang ulan, ang paghigop nang mainit na kape na gumuguhit sa lalamunan.

    Tagay pa!

    ReplyDelete
  26. Kapag tag ulan at nakikita ko ang mga bata na naliligo sa ulan. Naalala ko ang panahon na na bata pa ako na mahilig maligo sa ulan kasama ng iba pang mga kaibigan...

    ReplyDelete
  27. Lakas talagang makaemo kapag maulan. I hope happy thoughts ka na sa susunod na umulan. =)


    By the way, if you have time feel free to visit my new blog.

    superjaid.blogspot.com

    ReplyDelete
  28. Tamang-tama ito kasi parang uulan ngayon dito sa Maynila. :-)

    ReplyDelete

 
TOP