Loading...
Wednesday, August 21, 2013

Hindi magpapatalo sa kahit ano pa mang unos


Kamusta naman kayo? Isa ba kayo sa mga naperwisyo ng Habagat at ni Maring?    Kakaiba talaga kapag mag jowa ang dalawang sama ng panahon anu?  Feeling ko talaga may something na namamagitan dito kina Maring at Habagat.  Kita nyo naman ang resulta ng bonggang team up nila - isang malawakang pagbaha ang naranasan ng karamihan sa ating mga kababayan dito sa Luzon.  Buti naman at nagsawa ding tumambay itong si Maring at nilubayan na rin niya sa wakas ang bansang Pilipinas.

Seriously speaking, I know marami din sa inyo ang lumusong at nalubog ang kanila-kanilang mga tahanan sa baha.  I hope and I pray na you're all doing good now mga parekoy at marekoy.  I know, gaya ng kahit ano pa mang unos, this too shall pass at laging tandaan, The Filipino Spirit is Water Proof!  Bago pa ba sa atin ang ganitong klaseng mga kalamidad?  Tayo pa ba ang magpapatalo?  Very resilient yata tayong mga Pinoy.  Kahit ilang unos pa ang dumating sa ating bayang magiliw, patuloy tayong lalaban at magiging matatag sa lahat ng hamon ng buhay.

Kabilang din pala itong bayan ng San Mateo, Rizal na isinailalim sa State of Calamity.  Pero don't worry guys, we're all doing good here.  Malayo naman ang aming tahanan dun sa mga flooded areas na nakikita nyo sa news.

Sa mga nag-aabang (kung meron man :P) sa Chapter 3 ng Love, Time & Space (my mini blog series) mga around September ko na siya maipo-post along with the new Chapters of Kristal na Pluma.  Konting paghihintay na lang po.  Abang-abang din pag may time.  

So ayun, ingat kayo parati!



----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nag-bigay ng panahon sa aking previous entry titled Kristal na Pluma, ang pagbabalik?  Shout out goes to the following:

Mar Unplog, Bino, Rix, Ric LifeNCanvas, Arvin U. de la Peña, Joy, Mharliz, jonathan, yccos, Superjaid, MEcoy, Ms. Leeh, Ishmael Fischer Ahab, KULAPITOT, zerojournal, Axl Powerhouse Production Inc., Umi, Balut, glentot, Anthony, Pao Kun, Bulingit, JonDmur, aian, ZaiZai

44 comments:

  1. dusa ang dinanas ko, di ako nakauwi ng bahay huhuhu...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya pala hindi ka halos nago-online nung Lunes at Martes. May pasok pa ba kayo sa work nun kahit baha na sa paligid?

      Delete
    2. Meron pa. alam mo naman ang mga tao sa BPO gumuguho na ang lupa may pasok pa rin kami...

      Delete
  2. Good to know okay lang kayo Fiel!

    Sana dito na lang dumalaw si Maring at Habagat sa UAE! Ay sobrang kainit dine!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Kuya Mar :)

      Ahahaha, sayang naka alis na si Maring. Hindi ko nasabihan na bisitahin kayo jan sa UAE :D

      Delete
  3. Reduce reuse and recycle. Yan ang solusyon sa baha. Tapos wala na sanang matitigas na ulo na gustong tumira sa gilid ng mga ilog, dangerous na danger pa! dangerous yung area, tapos nagiging danger ito in the sense na pag may baha, maari nitong maging block sa ilog na magiging sanhi ng pag-apaw ng ilog. :D excited ako sa susunod na episode ng Love, Time & Space. post mo na! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! isang malaking check! kaso lng we can't deny the fact marami pa rin talagang mga pasaway tayong mga kababayan. Kaya ayan, taon-taon na lng parati natin problema ang mga baha. Matitigas ung ulo ng mga naninirahan sa mga tabi ng sapa at ilog. Kahirapan talaga ang main root jan. Dapat masugpo muna ang kahirapan bago tuluyang matugunan ang problema natin sa basura at baha.

      Delete
  4. mabuti at ayos lang kayo. sanay na tayo dyan lalo na sa ting mga PUP alumni. hehehehe. ingat pa rin lagi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat parekoy. Ahahaha, mga isda ang mga PUPians ahahaha XD ang dami ko na din beses na lumusong sa baha nung nag-aaral pa ko sa PUP lol

      Delete
  5. nakukuha pa ding ngumiti.. nakukuha pa ding magbiro sa gitna ng unos... yan ang pinoy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep, jan tayo unique. Nagagawa pa rin natin ngumiti kahit sa gitna ng mga pagsubok ng kalikasan like nitong mga baha :))

      Delete
  6. Nahati ang naramdaman ko habang dumagsa si Maring at Habagat, sa patuloy kong pagsunod sa mga nagaganap via social networks nandun ang pagkahabag ko sa mga nawalan ng kuryente, nagutom, nagkasakit, lumusob sa baha at nag-umiyak dahil marami ang hindi nakauwi sa kani-kanilang tahanan na basa at walang mapagpahingahan. Nakakalungkot pero wala akong nagawa kundi magmatyag nalang at magdasal na sana'y matapos na ang unos. Sa kabilang dako naman ay nagtaka ako dahil iilan na imbis tumulong at gumawa ng makabuluhan, ayon nagtagay - selebrasyon daw dahil walang pasok. Yan ang Pinoy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din sa mga dasal mo jan sa Norway ate Gracie :)) grabe talaga tong Habagat part 2 na pinalakas ng bagyong Maring >_< most affected ng torrential rains ang Cavite at Laguna. Ang daming flooded areas dun.

      Ahaha, naku palibhasa kase di sila affected ng baha kaya nagha-happy happy na lng ang ginawa nung bumabayo ang Habagat. lol

      Delete
  7. Read your comment sa FB post ko, really good to know na malayo kayo sa affected area :) Sana tumigil na ng tuluyan ang ulan, na naka unli ata. Tama ang nasabi mong water proof ang mga Pinoy spirit, sana lang pati gamit natin ay water proof no? Haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Zai :)) uu nga grabe, naka unli ng ilang araw sila Habagat at Maring lol

      Delete
  8. Marami na akong nakausap at nagsabing hindi raw magandan tirhan ang Pinas dahil na rin sa mga sakuna: bagyo, baha, lindol, pagsabog ng bulkan, krimen, corruption, atbp. Subalit patuloy pa ring nabubuhay ang lahat dahil na rin sa: pananalig sa Diyos, paniniwala, pag-asa at naiibang pananaw sa mga sakuna. Kung mayroon mang itatapon sa isang isla upang makita kung sino ang matitira siguradong Pinoy ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir Jonathan, yun ang pananaw ng ibang lahi. Pero ang di nila alam, super resilient natin sa lahat ng anu mang klase ng mga kalamidad. Kaya kahit ganito sa Pinas, masarap pa rin mamuhay dito. And yeah, "cowboy" ang mga pinoy kaya kahit saan mo ilagay, magsu-surive!

      Delete
  9. pinoy tayo e. we have the capability to turn these disaters into something positive kaya kayang kaya talaga to.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isang malaking check ulit! yan ang katangian nating mga Pinoy na hindi mo makikita sa ibang lahi :)

      Delete
  10. kapit bisig lang.. at least ok na tayo well lalo na yung mga nasalanta. di naman tayo nakatulong financially but in a single prayer it could be a relieved for their needs spiritually :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka rin Gilbert :) a prayer can do a lot of miracles! Kayang kaya nating lagpasan lahat ng pagsubok na ito!

      Delete
  11. The Filipino Spirit Is Waterproof! I like that.
    Kalungkot nga ang mga calamities na nangyayari dyan, pero dyan nakikita ang mga bayani. Take care Fiel-Kun

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Mommy Joy ^_^

      Yep, the Pinoy bayanihan spirit is really in the air right now!

      Delete
  12. Good to know you're ok Fiel. Hindi din naman kami masyadong naapektuhan ng pamilya ko kundi sa konting abala.

    Wala akong masabi sa mga kapwa ko Pilipino ang tatag talaga kahit ipaghampasan pa ng mga bagyo, nilalamon ng mga buwaya at kinukuyog ng mga baboy (sensya na mainit talaga ulo ko sa pork barrel na yan).

    Nenerbyos ako sa mga nag file ng state of calamity ngayon baka kasi hanggang pagkuha lang na naman yan ng calamity fund tapos hindi mapupunta sa dapat kapuntahan... haaay...

    Laban at dasal lang mga kabayan...

    Balut

    ReplyDelete
  13. good to know na ok ang lugar ninyo... ipagdasal din natin ang aking iba na nabaha...

    Tiwala lang patatapos din ang unos!

    ReplyDelete
  14. sana okay na ang mga binaha.... bangon lang....

    buti okay ka lang diyan..... ingats lagi,....

    ReplyDelete
  15. HI Fiel, been a while, naaalala mu pa ba ako? hahahahahaaha.

    Ang isang bagay na ikinatutuwa ko sa pinas kahit baha sa lugar, sa kalsada, pingkakatuwaan nila yung ulan, after all they see things lightly kahit ang tindi ng sakuna sa atin, hindi ko maicocompare ang lakas ng habagat last year o ngayon, vary kasi sa lugar. :)

    BUti nalang ok sa inyo. Pinakagusto kong part ng bagyo week ay ang conjurain! hahaha.


    ps: pavisit nalng po ng blog ko: https://stevevhan.blogspot.com. i would love to talk with you soon. :) baka kasi iligaw ka ni G+

    ReplyDelete
  16. Nalagay din sa state of calamity ang bayan namin pero dahil sa maraming puno at bukid sa paligid, hindi naman nagtagal ang tubig...Kaawa-awa ang mga nasa mababang lugar dito sa Laguna gaya ng Binan, Sta Rosa at San Pedro. Anlaki talaga ng tubig... Anyway, hindi na ito bago sa atin..Babangon at babangon uli tayo...

    ReplyDelete
  17. good to know na okay naman pala kayo dyan
    dito din naman samen oks na din pati ung mga kalapit
    namen ee oks na at wala ng baha, pero tong habagat na to ee ung
    pinaka nakapag pahirap sakin ng todo haha

    ReplyDelete
  18. good to hear you're okay... hyyy kawawa naman yung mga naperhuwisyo ng magjowang H and M... tsk

    ReplyDelete
  19. Buti na lang wala kame sa pinas, pero yung mga mahal namin sa buhay naiwan naman. Mabuti na lang at hinde masyado naapektuhan ang aming bayan sa Bulacan.

    matigil na sana ang mga magjowa at mga singles n yan.. (asa pa)

    ReplyDelete
  20. Gusto ko yung "The Filipino Spirit is Water Proof"! Super agree ako. Despite the hardships every Filipino citizens are facing, we can still find it in our heart to smile. Sa mga ganitong pagkakataon din natin napapatunayan ang tibay ng pakikipagkapwa tao nating mga Pinoy.

    BTW, marunong bang lumangoy ang pusa? Mag-dodonate kasi ako ng salbabida sa iyo, just in case. Ahehe, Peace!

    Aherm, sa wakas may posting date na yung inaabangan ko. Yun oh!

    Aja lang!

    ReplyDelete
  21. Kami nila jikoy nabahaan sa marikina , hassle tlga sobra!

    ReplyDelete
  22. okay naman dito sa Cebu. except sa nangyaring banggaan ng dalawang barko dito na maraming nasawi. nakakalungkot. pero mas nagalalala naman din ako baha sa manila kasi nandyan ung mga relatives ko. pero ang saya pa rin ng mga taong apektado, ganun talaga ang life. :D

    dapat masaya!

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
  23. Keep safe always bunso, I remember taga San Mateo ka nga pala. Our barangay is always in the new malapit kami kasi sa San Mateo Bridge at pag nagpakawala na ng tubig ang wawa Dama for sure gang bewang ang baha sa Barangay namin :( although di naman affected ang bahay namin kasi sa mataas na lugar kami pero mga kapitbahay namin abot sila gang bubong.

    ReplyDelete
  24. tomo.. wag magpadala sa mga unos ng buhay.. kahit ilang beses man tayong bahain.. literal at hindi.. kailangang magpakatatag ..

    buti na kami hindi binaha.. at medyo naenjoy ang bakasyon :)

    ReplyDelete
  25. Agreeng agree naman ako sa the filipino spirit is waterproof =) and im so glad ok lang kayo ng family mo kahit nasa san mateo kayo.

    ReplyDelete
  26. Thank God that you and your family are safe.

    Ako naperwisyo din dahil sa habagat na iyan. At least hindi nalubog ang bahay namin.

    Waterproof nga ang Filipino Spirit pero matigas naman ang ulo. Taon-taon na lang tayo binabaha tapos taon-taon ding burara ang marami sa atin. Marami pa ring nagtatapon ng basura kung saan saan. Tapos magrereklamo sa baradong drainage. Hay naku naman.

    ReplyDelete

 
TOP