Loading...
Monday, September 2, 2013

"-ber" months na + random anik anik


Yey, sumapit na naman ang "-ber" months at isa lang ang ibig sabihin nyan, malapit na naman ang Pasko! Wooohoo!  May kakaiba talagang excitement kapag sumasapit na ang "-ber months", nararamdaman nyo rin ba?  Ako oo, ramdam na ramdam ko.  Basta, di ko ma-explain yung feeling na nasasabik ka for something.  Dahil siguro alam mong panahon na naman ito ng sari-saring parties, bumabahang pagkain, gifts, pera at kung anik anik pa.  Masaya dahil this is the season to be jolly!

Isa rin sa nilu-look forward ko is ang paparating na buwan ng Oktubre.  I am very hopeful, na sana, if God permits, ay matupad yung matagal ko nang wish at gustong gawin.  May tiwala naman ako kay Lord.  Sana early birthday at Christmas gift na niya sa akin ito.  *fingers crossed*

Mejo nakakahiligan ko din lately na mag movie marathon.  I'm done watching Angels and Demons movie starring Tom Hanks at ang masasabi ko lang ay epic ang movie na ito.  Two thumbs up!

Kaya si Jack Frost with Parol ang piksyur sa itaas ay dahil napanood ka na rin sa wakas ang Rise of the Guardians.  Epic din siya, pramis!  Loved the battle between the Guardians and Pitch.  Kakaaliw Si Sandy at yung pag summon ni Santa Clause ng mga Yeti :D

Kanya kanya na rin pakulo para sa Pasko ang mga early morning news program kaninang umaga.  Umagang kay Ganda, Unang Hirit at Good Morning Club.

Di ko masyado nagustuhan yung napanood ko kanina sa Kris TV kung saan iniinterview ng mag-inang Kris Aquino at Bimby si Ryzza Mae Dizon for the two kid's upcoming movie titled My Little Bossing.  Ang akin lang, bakit kailangan pang itanong ni Bimby kay Ryzza kung may boyfriend na ba toh.  Very awkward diba?  Na sa mismong bibig pa ng isang bata manggagaling ang ganung klaseng tanong.  Hindi maganda pakinggans.

So ayun lang naman, simulan na ang pagdiriwang! Naghanda ako ng isang Pamaskong Playlist para sa inyo.   Enjoy~

----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nag-bigay ng panahon sa aking previous entry titled Hindi magpapatalo sa kahit ano pa mang unos.  Shout out goes to the following:

Rix, Mar Unplog, Bulingit, ignored_genius, yccos, Gracie, ZaiZai, jonathan, Olivr, Gilbert Pagunaling, Joy, BloggerRunner, Axl Powerhouse Production Inc., JonDmur, steven dela cruz, Ric LifeNCanvas, MEcoy, Senyor Iskwater, Megan, Mharliz, KULAPITOT, Jewel Clicks, Leah TravelQuest, Ms. Leeh, Superjaid, Ishmael Fischer Ahab, Erica

53 comments:

  1. Replies
    1. basta... hindi ko pa maaaring banggitin. baka di matuloy. ipo-post ko naman un dito sa blog at sa fb pag nangyari na yun :))

      Delete
  2. yeast! its the season to be chubby nanaman....

    " Isa rin sa nilu-look forward ko is ang paparating na buwan ng Oktubre. I am very hopeful, na sana, if God permits, ay matupad yung matagal ko nang wish at gustong gawin. May tiwala naman ako kay Lord. Sana early birthday at Christmas gift na niya sa akin ito. *fingers crossed*" ---> mukhang alam ko kung ano ito? ahahaha....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha, hinay hinay din sa pagkain ng hamon at lechon XD

      Waaah, wag kang maingay Rix!!!! shhhhhhhh....!!!!

      *evil grin*

      Delete
  3. oo nga, anmeron sa oktober bukod sa oktobeerfest?! lols... gusto ko don yang rise of the guardians.... diba jan yung kanta ng owl city na bird's eyeview? isa ring band na gusto ko..hehehw.. di ko bet ang angels and demons, konti lang kasi yung nagawa from the book.. hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha basta Teacher Kat ^__^

      Ayyy I dunno, kung kinanta ng Owl City yung theme song ng Rise of the Guardians. Teka search ko sa youtube.

      Hindi ko pa nababasa ung book ng Angels and Demons kaya no idea ako kung ano yung differences niya from the movie.

      Delete
  4. mukang masaya pasok ng -ber months sayo ser ha? hehe

    Trip ko din yung Rise of the Guardians.. minsan na naisip ko sana si toothfairy dalawin ako sa aking malamig na gabi.. pero pang matured na toothfairy ba? yung tipong rarapin ako hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masaya ba? hindi naman masyado :D more on excitement lng talaga siguro!

      Wahahaha, yung tipong Rated SPG na toothfairy nyahahaha! adik ka Xan!!!! XD

      Delete
  5. Sayang, di ko napanood yung interview na yon. Mukhang gagaya si Bimby sa nanay nya ah kapag tumanda.

    I'm looking forward to the holidays and the 13 month pay! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun din yung nakikita ko kay Bimby... parang Kris Aquino, boy version siya ahahaha.

      Uu nga, 13th month pay at sa iba naman Christmas Bonus!!!

      Delete
    2. Oo nga pala, thanks for sharing that song! Yan pala title nyan, tagal ko na hinahanap. Dagdag din sa playlist ko. :D

      Delete
  6. Gusto ko rin yang Rise of the Guardians!

    Ano nga bang meron sa October? Hindi naman siguro nag-aabang ka ng mga Oktober Fest?! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Apir for the Rise of the Guardians!

      At isa ka pa Kuya Mar ahahaha. Basta, ipopost ko naman dito sa blog at sa FB pag nangyari na yun ^__^

      Ayyy uu nga pala, may October Fest din. Babaha na namans ng beer! XD

      Delete
  7. Marami talaga ang excited sa ber months. Hindi ko napanood yung Angels and Demons, nabasa ko lang at thumbs up din. Daming random ah, nasaan na yung mga series of stories mo? Kaabang abang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. By next week po sir Jonathan maipo-post ko na ^_^

      Delete
  8. ber month na pala, sana umulan ng beer, lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha! in can or in bottles? machakit pareho pag tumama sa ulo >_<

      Delete
  9. Ang aga talaga ng Pasko sa Pilipinas. September pa lang, ramdam mo na. Kumakatok na agad ang mga inaanak sa pinto. Hahaha! Dito naman sa Italy kahit malamig at mag snow, hindi mo maramdaman. Parang normal week days. Siguro dahil nakaka drain ng Christmas spirit ang bills at trabaho. Hay nako. I look forward to a Christmas vacation sa Pinas in 2015. I'm really sorry kung magcomment ako ng puro negativity.

    Anyway, ano bang meron sa October? Parang maagang Christmas surprise para sayo? Hehehe! Anuman yan I hope ay dumating sa iyo.

    I've seen the Angels and Demons movie. A lot better than the Da Vinci Code, pero wala pa rin tatalo sa libro ni Dan Brown. Marami pa rin bagay sa libro na hindi kayang i-protray o maipaliwanag ng film. Ano ang susunod sa movie marathon mo? Sa next day off ko puro mga Wong Kar Wai movies ang papanoorin ko, nakakasira nga lang sa mata ang magbasa lagi ng subtitles. Hehehe! Now that you mention Rise of the Guardians, nagkaroon ulit ako ng desire panoorin yun. Hindi ko alam na si Sandy pala ay hindi nagsasalita. Just saw some clips.

    And as for Bimby. What can you expect? He's the child of Kris Aquino. Anyway, I think the lives of these kids are on the brink of oblivion where they will have the tendency to auto-destruct. I hope for the best for these two, hoping that the Fame Monster, their parents, and showbiz will not destroy their future, and ours as well.

    Merry Christmas!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow epic po talaga kung mag iwan kayo ng inyong bakas dito sa aking munting tambayan sir Tripster XD

      Ahahaha, salamats po. Sana talaga matupad!

      Puro movie version pa lang ang napapanood ko. Hindi pa talaga ako nakakabasa ng kahit isang books ni Dan Brown >_< and yep, mute si Sandy hehe! pero isa siya sa powerful sa team ng mga Guardians.

      Waah, natakot naman ako sa salitang oblivion at auto-destruct lol. Anyways, bata lng naman siya, so let's forget about it na lng :))

      Happy Christmas din po sa inyo!

      Delete
    2. banatan ba naman ng "oblivion" at "auto-destruct" ang topic tungkol sa mga batang showbiz eh di nayanig ang pusa lolz!

      ikaw na talaga TG!

      Delete
  10. Advance Merry Christmas kuya, hahahaha. Di ko feel masyado. Hahaha. Kasi before magChristmas, magte20 na ako. Katakot. LOL.

    Jack Frost, yea, epic yung movie na rise of the guardians. Sana may powers din ako tulad ni Sandy. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cheen! na miss ko ang presence mo dito sa blog ko ah :)) welcome back din pala sa'yo!

      Ayy kelan ka pala magte-20? advanced happy birthday!

      Pwede rin tayo magkaroon ng powers tulad ng kay Sandy, just Believe!

      Delete
  11. oo nga lapit na Pasko.....

    napapaisip naman ako kung ano ung hinahangad mo makuha... kung ano man yan alam kong makakamtan mo yan...

    hindi ko napanood ung Kris TV ... uo nga... di maganda ang tanong hehehe

    Advance Merry Christmas...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehe, salamat Kuya Jon. Sana talaga matupad ung gusto kong mangyari this coming October :))

      and Happy Christmas din sa'yo jan sa KSA :))

      Delete
  12. Aga talaga dyan sa pinas na mag celebrate ng Christmas:) kami dito sa winter pa magumpisa. Autum muna:)
    Anyway, Christmas is the best season of the year especially when people give Jesus the credit not santa.
    Hope your wish will come through:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bale nagse-celebrate din po kayo jan ng Halloween Mommy Joy? kase autumn na. I'm sure unti-unti nang lumalamig ang weather jan sa Norway habang papalapit ang Christmas seasons.

      yeah, si Jesus talaga dapat ang bigyang pugay at ang center ng selebrasyon ngayong Pasko :)

      Salamats po!

      Delete
    2. Nag celebrate din ng halloween parties yong iba. Pero d masyado ang celebration. Sa ngayon, I am waiting for the leaves to be red and orange:)

      Delete
    3. yeah, oo nga po. magiging "fire red" na naman ang paligid pag autumn/fall na. I'm sure babaha na naman ng mga shots nyo sa fb/blog about it when autumn arrives. I'll wait for them :)

      Delete
  13. Kung ano man ang iyong wish for October, sana ito ay matupad :)

    Oo nga ber month na naman, ang bilis ng panahon! Dami ulit gastos pang gifts haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din Zai :))

      Ber months means more gastos ehehe! ilan ba mga inaanak mo? XD

      Delete
  14. Oo nga, ber na pala...at gastusan na muli..hehe

    gayunpaman, masayang season nga ang ating aabangan...looking forward to it! Di ako gaanong familiar sa mga movies na nabanggit mo.. Di na nga pala ako nakakapanood ng movies ngayon :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha, kakambal na rin talaga ng ber months, celebrationg ng Pasko ang salitang gastos lol

      Yep, this is the season to be jolly talaga. May kakaibang excitement na hatid ang ber months sa atin XD

      Delete
  15. nagustuhan ko din ung Rise of the Guardians at di pa ko nagsasawa panoorin heheh.

    pag ber months na, ramdam ko na talaga ang paparating na pasko. ung feeling ko kapag dumadaan ako at biglang umiihip ung hangin, amoy pasko na hahaha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha tama ka jan Kuya Bino. Pero ngayon, di pa ganun kalamig ang simoy ng hangin. Ngayong hapon nga lang, parang summerz ang temperature. Ang inet!

      Delete
  16. I love the song... bet ko yan dati nung bata pa ako...hehehe...Jolinian kasi ako eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Senyor ehehe! kung napanood mo na yung video nyang Sa Araw ng Pasko, bagets na bagets pa si Jolina with matching bangs pa!

      Delete
  17. Wew, Paskong pasko na dito. Octoberfest pa muna, hihi. Napanuod ko rin ang Rise of the Guardians, imba lang! Kaya gusto ko na rin si Jack Frost. Mukang tanga din yung Kristv kanina, grrrr!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha Tonio!!! baket ayaw mong gamitin yung account para sa new blog mo ahehihihi!

      Kaaliw much ang Rise of the Guardians. Natuwa ako dun sa powers nila Santa Clause at Sandy :))

      uu continuation ng episode kahapon ung KrisTV kanina...

      Delete
    2. Ayoko nga hihhi. Gusto ko sa KrisTV kapag food trip edition sila, marami akong nalalamang mga lugar kainan. :D Kahit siguro hindi na nasasarapan si Kris sa kinakain niya eh sasabihin niya pa din na masarap :/

      Delete
  18. Nakakaintriga naman ang oktubre! :)
    I hope things would work out great for you.
    Pray lang!

    http://theyellowpadchronicles.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, thanks Jhanz. Mejo naninibago ako sa name switch mo, mejo nasanay ako sa Umi XD

      Delete
  19. makiki-"Abangers" na lang ako sa magaganap sa October!

    Good luck sa wish mo pusa and Happy Christmas!

    ReplyDelete
  20. Ano kaya itong winiwish mong mangyari kapatid? Kaexcite!! Abangan ko yan. Hahaha kaloka yung kanta paskong pasko hahaha

    ReplyDelete
  21. lovelife ata yung gusto mong gawin ng oktubre pre.

    ReplyDelete
  22. pangarap kong mging si jack frost ngayung pasko ..

    Kahit maging kahawig niya lang pwede na. hehehe

    Wishes do come true pare . Tiwala lang. and Pray :)

    ReplyDelete
  23. Ano bang meron sa Oktubre? Octoberfest ba? Bumabahang beer? Tagay na bro. :-P

    Ay naku, 'wag ka na magtaka kay Kris. Magulo ang buhay oamilya nila kaya hindi nakapagtataka na magulo rin ang pagpapalaki kay Bimby.

    ReplyDelete
  24. Merry x'mas! hehe. Ay ako din nakakahiligan este nakakatulugan ko nalang manood ng Movies, di pa naman malala mga 3-4 during my free time or after my duty ayun napapako ako sa harap ng computer hay!

    Lapit na October reveal mo ha kung anuman yan God bless!

    ReplyDelete

 
TOP