Loading...
Saturday, September 14, 2013

[ Chapter 3 ] Love, Time and Space



Ang nakaraan...  Chapter 1, Chapter 2


“….umm Cid, What’s the matter? may problema ba?”
Ang may halong pag-aalinlangang tanong ni Shane sa binata.

Agad naman itong napalingon muli sa katabi niyang magandang dilag.
“Hmmmm? Ah…. Eh…. Wala naman Shane.  May bigla lang kasi akong naalala.”

“Ah ganun ba?”
“Bigla ka na lang kasing natulala jan.”
“Tungkol ba yan sa girlfriend mo?”

Halos mamula muli ang buong mukha ni Shane.  Mabilis nyang tinakpan ng isa niyang kamay ang kanyang bibig.  Hindi siya makapaniwalang nasambit niya ang mga bagay na iyon sa binatang kaharap.  Pakiramdam niya ay nanliit siya sa mga sandaling iyon.  Hindi niya dapat sinabi iyon.  Nakakahiya.

“Oh that… I’m single now.  We’ve just broke up several days ago.”
Saglit na gumuhit sa mga mata ni Cid ang kalungkutan.

“… rather… iniwan niya ako…”
Halos pabulong na lang ang huling mga katagang binitiwan ng binata. 

“Waah… sorry… I’m sorry… I’m so sorry to hear about it Cid.  Hindi ko dapat tinanong ang mga bagay na iyan sa iyo.  Pasensya ka na talaga.  Sorry.  I didn’t mean to…”

“It’s alright Shane, don’t worry.”
Ang nakangiting tugon nito sa dalaga. 

“Shucks… ayan na naman ang mga dimples niya…”
Ang may halong slight kilig na bulong ni Shane sa kanyang sarili.

“Oh, it’s getting late already.  Saan ka ba umuuwi Shane?  Ihahatid na kita sa sakayan.”
Mabilis na tumayo ang binata mula sa pagkakaupo nito sa bench.

“Shall we?”

Agad niyang iniabot ang kanyang kanang kamay para alalayan rin sa pagtayo ang dalaga.  May kakaibang “warmth” ang hatid nang maglapat ang kanilang mga palad.  Pakiramdam ni Shane ay parang kinumutan ng di maipaliwanag na init ang kanyang puso sa mga sandaling iyon.  Ganundin ang naramdaman ni Cid.

Lumipas pa ang mga araw, linggo at tuluyan na ngang nakalimutan ni Shane ang mapait na karanasan sa huli niyang pag-ibig.  Ibinaon na niya sa limot ang lahat.  Basta ang mahalaga para sa kanya right now ay kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan.  Hindi siya makapaniwalang mabilis na maiibsan ang sakit na dulot ng kanyang sugatang puso.  Ito ay dahil sa binatang si Cid, maraming salamat sa kanya.

Masaya siya sa tuwing magkasama sila ni Cid.  Lagi niyang hinihiling na sana ay di na matapos ang bawat oras sa tuwing sila ay magkasama.  Nagsilbing tanggulan at comfort zone na rin nilang dalawa ang bench na iyon sa ilalim ng malaking puno ng Mahoganny.  Na Matatagpuan sa isang sulok ng public park, sa gitna ng busy business district ng Ayala center sa Makati.  Tahimik ang buong paligid dahil hindi naman madalas dinadagsa ng mga tao ang pook na iyon.  Pakiramdam madalas ni Shane ay solo nila ang mundo sa tuwing magkasama sila ni Cid doon.  Minsan ay kumakain din sila sa isang romantic na restaurant, although hindi madalas kumakain, or kumakain man ay patikim tikim lang si Cid, ay hindi iyon pansin ni Shane.  Basta ang mahalaga sa kanya ay masaya siya sa company ng guwapong binata.

Hindi niya na muli pang tinangka na tanungin si Cid tungkol sa past relationship nito.  Although alam niyang likas na masayahin ang binata, ay ayaw naman niyang masira ang masayang mood sa tuwing sila ay nagkikita sa isang sulok ng parkeng iyon.  Punong-puno parati ng tawanan, kulitan at kilig ang bawat sandaling sila’y magkasama roon.

Minsan isang araw ng Biyernes, muli silang nagkita sa paborito nilang lugar sa parkeng iyon.

“Masaya ka ba?”
Ang malambing na tanong ni Cid kay Shane.

“Ano bang klaseng tanong yan?  Syempre naman.  Walang pagsidlan ang aking kasiyahan tuwing Kasama kita Cid.”
Ang masayang tugon ng dalaga habang nakasandal siya sa mga bisig ng binata at ang kanyang ulo naman  ay nakahilig sa malapad at matipunong balikat nito.  Langhap niya ang aftershave na ginamit ng binata sa ganoong kumportableng posisyon.

… and then there’s a moment of silence between them…

“Ummm… Shane…?”

“Ano ‘yon Cid?” 

Agad niyang nilingon ang binata.  Nagtama ang kanilang mga mata. Nangungusap.  Hindi inaasahan ni Shane ang biglang paghalik ni Cid sa kanyang labi.  Nalasap ng binata ang malalambot na labi ng magandang dilag.  Mabango ang hininga nito.  Saglit lang na naglapat ang kanilang mga labi.  Ngunit sapat na iyon para malusaw ng todo ang puso ni Shane... Handa na talaga siyang magmahal muli.

“May gusto sana akong sabihin sa’yo Shane…”

Halos kabugin naman ang dibdib ng dalaga.  Ito na siguro ang pagkakataong pinakahihintay niya.  Sigurado na rin siya sa nararamdaman para sa binata.  Hindi na siya magdadalawang isip na sagutin si Cid sa oras na magtapat ito ng pag-ibig sa kanya.  Dahil sa totoo lang, hindi naman talaga siya mahirap mahalin.  May pangarap at paninindigan sa buhay, matalino, maginoo at higit sa lahat ay guwapo pa.  Hindi rin maalis sa isipan ni Shane ang isang bahagi ng kanyang katauhan – ang pagiging misteryoso nito sa ilang aspeto.  In which ay mas lalong nakaka-challenge alamin.

“Ano iyon Cid? Sige lang makikinig ako.”

“Hindi na kasi ako maaaring manatili pa rito. Kailangan ko nang umalis.”
Bakas ang kalungkutan sa boses ng binata.

“Teka, wait… hindi… hindi kita maintindihan Cid.  Diba masaya naman tayo?  Bakit biglaan naman yata yan.  Kung kailan nahuhulog na ang loob ko sa iyo, bigla mo naman akong iiwan.  You’re really unfair!” 
Ang halos sunod-sunod at napapailing na tugon ng dalaga.

“Hindi mo kasi naiintindihan ang sitwasyon ko Shane.  Hindi maaaring maging tayo.  Oo aaminin ko, napamahal ka na rin sa akin.  Yes, I’m in love with you!  Pero… Pero…”

“Talagang hindi ko maiintindihan kung hindi mo ipaiintindi sa akin.  Akala ko kilala na kita ng lubusan Cid, pero nagkamali pala ako.”
Halos namumugto na ang mga luha sa mata ng magandang dalaga.  Hindi niya inaasahan ang mga tagpong iyon. 

Mabilis na tumayo si Cid sa inuupuan nilang bench.  Makahulugan nitong pinagmasdan si Shane.  Sabay offer ng kanyang kamay para alalayan ito sa pagtayo.

“Halika, kumapit ka sa kamay ko.  Ipapaliwanag ko…”


Abangan ang pagtatapos!
 To be continued...



----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nag-bigay ng panahon sa aking previous entry titled Caleb ~ cutest baby on the planet!.  Shout out goes to the following:

 Superjaid, Balut, Joy, KULAPITOT, Rix, Jei Son, jonathan, Marichu Bajado, Lalah, Mar Unplog, Lalah, Erica, JonDmur, Jewel Clicks, Ric LifeNCanvas, ignored_genius, Bino, Arvin U. de la Peña, vhincent, jloartworks, Jhanz A., Senyor Iskwater, Gracie, Ishmael Fischer Ahab

24 comments:

  1. Nasaan ba ang writer nito ng masakal? Bitin ako ng bonggang-bongga. Pa-mysterious effect ang peg... Ano bang ibubunyag ni Cid? Shane, ang totoo niya, may asawa na talaga si Cid. (Chos)

    P.S. Kapag thought ng Character okay lang kahit wala ng ("), basta italicize mo lang siya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha! ganun talaga ang style ng mga writers (you know it kase writer ka rin) kasama na dun yung suspense at bitin effect :)) Nice guess... abangan sa next chapter ang totoong reasons ni Cid XD

      Thanks Madam Critic *evil grin*

      Delete
    2. Pero ang tatoo niyan mamatay na si Sid, Shane sapagkat may malubha siyang karamdaman. Ay mali pala, patay na pala talaga si Cid, Shane at multo na siya. Tanging ikaw na lang ang nakakakita sa kaniya. Subalit, ang totoong rason, aalis si Cid, Shane. Pupunta siya sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Haha. Chos lang.

      Walang anuman. Eh, kailangan talaga may evil grin? Hehe!

      Delete
  2. Ikaw ba si Sid na matalino, maginoo at higit sa lahat guwapo? Ok ka sa bitin, pang asar lang, ha,ha,ha. Sino naman kaya and Shane ng buhay mo? Tulad mo, misteryoso ka in many aspects but I respect that.

    The best sentence I read in here was... Kinumutan ng init ang kanyang puso, galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ummm... slight, pero tanggalin nyo na lng ung salitang "guwapo" sir Jonathan ahaha XD

      Glad you liked that line po :)

      Abangan nyo po ung final chapter, Salamat!

      Delete
  3. Hays kabitin. Mag pare siguro si Cid or may malala sakit:(
    Kailamgan may kadunod agad; )

    ReplyDelete
  4. eeeeeehhhhhhhh ito na yung kasunod... ahahaha ang tagal bago nasundan ha...

    ReplyDelete
  5. Aba anong nangyayari bakit chumachapter dito. Hehe

    ReplyDelete
  6. medyo bitin kainis! lol

    ReplyDelete
  7. Okay ah... napapaisip ako sa magiging ending niya....

    ReplyDelete
  8. nakakabitin nga....
    ano nga bang dahilan? sige let's wait and see....

    ReplyDelete
  9. hmm... napaka interesante naman nito fiel...

    BTW share lang :) Check out my September Blog Giveaway :)

    The Girl with the Muji Hat BLOG GIVEAWAY

    ReplyDelete
  10. Next na!! Ang daya sobrang bitin!! Hahaha

    Gusto ko ring maamoy ang aftershve ni cid. Hahahaha

    ReplyDelete
  11. Grabe naman, ibang level na ang kilig ko (mala may epilepsy level) tapos biglang namaalam si Cid! Oh my gas!

    Binalikan ko ang chapter 2 dahil di ko nabasa hihihi! Looking forward for chapter 4! :)

    ReplyDelete
  12. leche! hahaha, next episode na! wag nang tagalan.

    Cid: Shane, hawakan mo ang kamay ko, halika, sumama ka sa akin, ipapaliwanag ko sa iyo.

    (At biglang lumipad si Cid na kasama si Shane)

    Cid: Ito ang dahilan kung bakit hindi pweding maging tayo Shane. Isa akong superhero. Oo, Superhero. Ayokong gamitin ka ng mga kalaban ko laban sa akin.

    LOL :D

    ReplyDelete
  13. ayyy nakuh alam ko na isang kaluluwa si cid hahahaha sabay sapak sa pusa at tadyak sa buntot booommm baaaamm paaakkk hahaha i miss that feeyyeeelll hahahaha

    wag kang oa dyan ha tapusin mo na to hahahaha

    ReplyDelete
  14. CLIFFHANGER ! grabe ka man kuya fiel ! Daliaaaan mo ! ?Next chapter na please. Hahahahha.

    ReplyDelete
  15. oiii feeyyeel ten years naman ang next chapter eh umayos ka

    ReplyDelete
  16. ang haba naman nito..di ko yata kaya ang ganito klase na pagsulat,hehe..

    ReplyDelete
  17. Nakita ko available na ang final chapter. dumaan muna ako diti sabay takbo sa final chapter he he...

    ReplyDelete
  18. luhaan na naman si Shane! tsk tsk! bakit kasi aalis si Cid? Bakit mo pinapaalis mr author? Ayaw mo ba ng happy ending? hahaha

    ReplyDelete
  19. Sadya bang masaya lang sa umpisa ang... ang kwentong ito? Pero totoo marami ang nagaganap na ganitong sitwasyon, okay sa umpisa tapos nandyan ang eksenang may mang iiwan at may iiwanan. Parehong masasaktan at pinili na lamang na maghiwalay sapagkat kailangan... ngunit sa kabilang banda, tadhana rin ang naghihiwalay sa dalawang pusong nagmamahalan, mahirap ngunit kailangan... puno ang isip ng mga katanungan at katumbas nito ay puro paliwanag ngunit may mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag. Panahon na lang ang makakapagpasya... tamang panahon at tamang lugar. Saan at kelan? Di natin alam.

    ReplyDelete

 
TOP