Loading...
Monday, July 8, 2013

Forgiveness


If autoplay is not working, please do press the play button ^_^

Forgiveness by Matthew West

It’s the hardest thing to give away
And the last thing on your mind today
It always goes to those who don’t deserve

It’s the opposite of how you feel
When the pain they caused is just too real
It takes everything you have just to say the word…

Forgiveness
Forgiveness

It flies in the face of all your pride
It moves away the mad inside
It’s always anger’s own worst enemy
Even when the jury and the judge
Say you gotta right to hold a grudge
It’s the whisper in your ear saying ‘Set It Free’

Forgiveness, Forgiveness
Forgiveness, Forgiveness

Show me how to love the unlovable
Show me how to reach the unreachable
Help me now to do the impossible

Forgiveness, Forgiveness

Help me now to do the impossible
Forgiveness

It’ll clear the bitterness away
It can even set a prisoner free
There is no end to what it’s power can do
So, let it go and be amazed
By what you see through eyes of grace
The prisoner that it really frees is you

Forgiveness, Forgiveness
Forgiveness, Forgiveness

Show me how to love the unlovable
Show me how to reach the unreachable
Help me now to do the impossible
Forgiveness

I want to finally set it free
So show me how to see what Your mercy sees
Help me now to give what You gave to me
Forgiveness, Forgiveness

♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫

Grabe, I was really moved by this song.  Sobrang inspiring and uplifting ng spirit ^_^

 Ngayon, ika'y aking tatanungin kaibigan.  Madali ba para sa'yo ang magpatawad at tumanggap ng kapatawaran?  Bakit karamihan sa atin ay tila ba hirap na hirap na ibigay ang bagay na ito sa taong inaakala nating nagkasala sa atin?  Naiintindihan ko na ang ibang tao ay may malalim na dahilan kaya hindi agad nila maibigay ang pagpapatawad. Pero diba napakasarap sa ating pakiramdam kung tayo ay taos-pusong tumatanggap at nagbibigay ng kapatawaran sa ating kapwa?  Ang Diyos nga walang sawang nagpapatawad, gaano man kabigat ang ating nagawang kasalanan sa Kanya, tayo pa kayang tao lamang na kanyang nilikha?  
  
Masarap pag-isipan ang mga bagay na ito habang pinakikinggan ang awiting nakapaskil din sa post na ito.

Have a blessed day! 


----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nagbigay panahon sa aking previous entry titled Fiel-kun's A to Z!.  Shout out goes to the following:

Rix, khantotantra, Senyor Iskwater, Overthinker Palaboy, Jonathan, Joy, Bino, iambabetski, yccos, MEcoy, Mar Unplog, Ric LifeNCanvas, Arvin U. de la Peña, jloartworks, Wrey Swift, Leeh Saberon, Bulingit, krykie, KULAPITOT, glentot, Phioxee, Balut, Dlanyer Oallesma, Pao Kun, Pink Line

41 comments:

  1. Sang ayon ako, magaan at masarap sa pakiramdam kapag ikay nakapagpatawad. Para bang nabunutan ng tinik. Ngunit ang pagpapatawad ay hindi automatic na magagampanan dahil kung ito'y nagdulot ng sugat at hapdi, kinakailangan muna nitong maghilom... oras o panahon ang kaakibat ng pagpapatawad gaano man kababaw o kalalim ang pinag ugatan ng problema.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree ako jan Ate Gracie. Time heal all wounds sabi nga sa old saying. Pero masarap at magaan pa rin talaga sa pakiramdam pag marunong kang magpatawad. Salamats!

      Delete
  2. Mahirap magpatawad at patawarin sa ating mga maling nagawa. Magpatawad ay maaaring mangyari pero kasama nito ang paglimot na mas mahirap gawin. Tao tayo pero kaya natin. Have a blessed week.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama kayo jan sir Jonathan :) Mahirap pero hindi imposible. Salamats!

      Delete
  3. hmmnnn.... no comment ako sa forgiveness na 'yan... herhehehe... maganda ang meaning ng song ah...

    ReplyDelete
  4. It’s the opposite of how you feel
    When the pain they caused is just too real

    ----> motherfather! ang pagpapatawad ay isa sa pinakamahirap gawin pero ganun pa man ang pagpapatawad ay isa sa mga bagay na nakakapagpaluwag ng kalooban mo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek ka jan Doc Rix :)) marami talaga ang hirap gawin ang magpatawad at syempre, di ko rin naman sila masisisi... pero ganunpaman, mahirap man itong gawin ngunit hindi imposible. Subok subok din pag may time ^_^

      Delete
    2. hoooooooyyy... maka-doc ka naman dyan loko ka ahaha

      Delete
  5. Ako I would admit mapagtanim ako ng galit... Minsan napapatwad ko yung isang tao pero hindi ko nakakalimutan yung ginawa nyang masama sakin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minsan naiisip ko din yan Ate Balut. Bakit kaya it's easy to forgive but not to forget anu? Ako kase, aaminin ko ay naging mapagtanim din ako ng galit sa mga nakagawa ng kasalanan sa aken dati. Pero as the time goes by, kusa na lng nawawala ang galit ko sa kanila and I laugh at the memory na lng tuwing naaalala ko ang mga bagay na iyon :))

      Delete
  6. So love this song. Reminded me of my prayer that I published in my other blog : willyouhearfromme.blogspot.com
    Lord let us forgive the unforgivable
    Let us love the unlovable
    Let us believe the impossible

    Anyway, before I hated many for the wrongs they did to me, but when I found God, I forgave them all.Now it is easy for me to forgive. Coz if God can forgive us, why cant we forgive? And by the way, we can hurt other people too and need forgiveness. In fact it is very rewarding to forgive. It will release us from the burdens, the heartaches and prevent sickness in our body. To forgive is to do ourselves a favor.
    This is a very beautiful post. Saludo ako Fiel -kun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po ng marami for appreciating this very inspiring song Mommy Joy *hugs* :))

      I'm officially now a fan and follower of Matthew West. Grabe, napakinggan ko na rin po yung ibang songs nya and it's very inspiring talaga at uplifting sa spirit.

      Yep, you're absolutely right Mommy Joy. Napakasarap talaga ang magpatawad. Ang gaan sa pakiramdam. Hindi lng ikaw ang nagbebenefit, kundi pati na rin ang mga tao sa paligid mo. Saka syempre, matutuwa din si Lord ng labis sa iyo :)

      Salamat po ulit ng marami!

      Delete
  7. Forgiveness... Hmmm big word! To err is human, pero wag gawing sangkalan para patuloy na magkami, and to forgive is divine... Wag sanang maging madamot sa pagbibigay neto. Sabi nila, pag nagpatawad ka, ikaw mismo ang napapalaya, hindi lamang yong taong pinatawad mo...

    Easier said than done? Bakit di natin subukan di ba? Masarap sa pakiramdam, trust me I know!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Kuya Mar :))

      Yep, Forgiveness is such a big and powerful word. Agree ako sa iyo, wag maging madamot sa pagbabahagi nito sa kapwa mo. Ilang beses ko na rin napatunayan yans!

      Delete
    2. ahahaha, aba aba, gumaganti ang kuneho ah.

      nanggugulo din sa lungga ng pusa? XD

      Delete
    3. @Pao Kun: err - make a mistake, sin, do wrong

      Delete
  8. ako sa sarili ko hindi ako madalas tumatanggap ng kapatawaran. hindi ito madaling tanggapin lalo na't if malaking syet happened ang ngyari. nirerespeto ko mga eksepsyon pero hindi ko talaga pinapansin ang kanilang "sorry".

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awww... pwede naman subukan pag may time pareng Cyron ehehehe! cguro, di rin kita masisisi kung hindi ka pa handa sa ganyang mga bagay. Pero darating din naman ang panahon na mare-realize mo na masarap nga talagang magpatawad :))

      Delete
  9. minsan maganda talagang gawin na iisipin ang mga ginawa ni God pag may mga kailangan tayong pag desisyunan, makikita natin sa kanya talaga ang napaka gandang halimbawa at kung paano tayo mamuhay. kaya siguro na uso dati ang mga WWJD bracelets, kailangan pa uso ulit yun! hehe :)

    thanks sa share ng song Fiel, ang ganda at puno ng sense :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, tama ka jan Zai :)) si God talaga ang unang-unang matutuwa kapag marunong tayong makipagkapwa tao at magbigay ng pagpapatawad.

      Salamat din for appreciating this song!

      Delete
  10. well ang forgiveness ee dipende yan sa dalawang bagay, first ung value sayo nung naghingi ng tawad at second ung bigat ng nagawang kasalanan. hmmm as for me, hirap nun kasi my pride din naman akong tao, pero jsut for example samen ng gf ko lage ko na lng inaaccept ung sorry nya even though parang pabigat ng pabigat sa loob ko to do so. One thing is sure in regards of forgiveness, you can forgive but you can never forget

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala ka, iniisip ko pa naman na madali kang magpatawad Mecoy hehe... kase very religious kang tao as far as I know eh. Pero, siguro naman maiintindihan ni Lord ang mga personal reasons mo kung hindi ka man makapag forgive and forget ng madalian sa ngayon. No worries naman diba, kase malawak ang pang-unawa Niya para sa ating mga tao. Salamats!

      Delete
  11. hmm.. ako merong pagkakataon na pinapatawad ko na agad kahit hindi pa humingi ng tawad .. o kaya naman kahit siya yung may kasalanan ako pa nauunang humingi ng paumanhin ...

    pero hindi naman madalas ..

    hahahaha....

    ReplyDelete
    Replies
    1. I salute you for taking the initiative Leeh! That is the right thing to do talaga. Salamats!

      Delete
  12. Forgiveness. Magaling ako jan! #Yabang. Pero sadyang may pag kakataon na kailangan ng panahon, pasensya at matindihang pang uunawa.

    Pero alam mo, masarap mag patawad, lalo na pag bukas sa kalooban. Ang sarap kaya sa pakiramdam na walang kaalitan! diba diba? :)

    May kaaway ka ba at nagawi ka sa forgiveness na title na ito pusa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, tama ka jan Kuneho brother :)) I'm pretty sure naman, maiintindihan ni Lord ang ilang mga personal na dahilan naten na kung bakit minsan ay nahihirapan tayong maibigay at tumanggap ng pagpapatawad. Pero wag naman sana natin sobrang patagalin diba? Take the initiative, ikaw nga.

      and yep, just what like Ate Gracie and Mommy Joy said above, sobrang sarap at luwag sa pakiramdam ang maging forgiving ka sa kapwa :)

      Kaaway? wala namans... I was really moved by this song lang naman kaya ayun, bigla ako napa-post ng wala sa oras hehehe XD

      Salamats sa pangungulit!

      Delete
  13. i can forgive but i can't always forget :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tamaaaa si sir bino very muh ganun din ako papatawarin kita peo wal na my marka ka na sa kin

      Delete
  14. pag masakit talaga ang nagawa sa tin ng ibang tao, mahirap talaga magpatawad. may mga kahinaan din kasi tayo kaya kahit anong pasensya natin, pagdating sa mga kahinaan nating yun, mahirap talaga. pero always, time is our weapon para magpatawad.

    ReplyDelete
  15. My first time to hear the song...but it is really good...
    Forgiveness... Madaling sabihin, pero minsan mahirap gawin.
    Di ko minsan sinasabi yan, pero ginagawa ko na lang through action.. kung kaya ko naman.

    ReplyDelete
  16. heartbreaking. it's really hard to forgive, and I stand by that.

    ReplyDelete
  17. Madale lang sa akin. lalo na pag nakatulong yung taong yun sakin sa isang sitwasyun na walang ibang handang tumulong. At makakalimutin din ako. Hehehe so nakakalimutan ko agad ang rason

    ReplyDelete
  18. Ang ganda ng kanta...forgiveness madaling sabihin pero kapag ikaw na ang nasaktan, mahirap...but in time, nawawala rin naman ang sakit at pagdaramdam, iba-iba nga lang ang time frame ng paghilom ng sakit.

    ReplyDelete
  19. napakinggan mo na ba ang What Love Really Means ni JJ Heller? :)

    ReplyDelete

 
TOP