Loading...
Sunday, September 26, 2010

Ondoy: Ang pagbabalik tanaw

September 26, 2009 - isang sabadong di malilimutan ng mga Pilipino.

Eksaktong isang taon na pala ang lumipas ng magulantang ang kalakhang Maynila, Quezon City, Pasig, Bulacan, Laguna, at ibat-ibang bayan sa Rizal dahil sa hindi inaasahang malawakang pagbaha na dulot ni Bagyong Ondoy. Signal #2 lamang noon ngunit napakadaming ulan ang dala nito. Sa loob lamang ng mahigit 10 oras na walang tigil na pag-uulan ay nagmistulang dagat ang maraming lugar dito sa NCR at Region 4. Walang sinanto ang malaking tubig-baha. Mapa mahirap, mayaman, simpleng tao at artista man ay hindi nakaligtas sa lupit ni Ondoy. Libo-libong pamilya ang naapektuhan. Maraming bahay ang inanod at nawasak. Halos umabot sa ilang bilyong piso ang total cost of damage sa mga ari-arian at marami din ang namatay.

Noong kasagsagan ni Bagyong Ondoy last year, hanggang lagpas-tuhod umabot ang tubig-baha dito sa loob ng aming tahanan. Hanggang hita or halos umabot naman sa waist yung baha sa labas. Ang inakala kong simpleng araw ng Sabado na yun ay nabahiran ng kakaibang kaba at takot. Mga bandang 11:30 ng umaga ng simulang nagkaroon ng tubig sa gate pa lang namin. Ang akala namin noon ay hindi na yun tataas pa pero ilang minuto lang ang lumipas ay nasa loob na ng aming bahay ang tubig-baha. First time yun na makaranas kami ng ganung pag-baha - nasa mataas kasi na lugar tong street namin at hindi talaga ito inaabot ng baha dati. Syempre nakaramdam na kami ng kaba noon. Itinaas na namin ang mga importanteng gamit na pwedeng itaas sa isang mataas at secure na lugar ng aming tahanan. Nagsimula na rin kaming mag-pack ng mga damit. At noong patuloy pa rin sa pagtaas ang tubig, nagpasya na kaming makituloy muna sa isa naming kapit bahay na may second floor. Masigasig naman nila kaming tinanggap sa kanilang tahanan at yun ang ipinagpapasalamat namin sa kanila. Mga bandang pasado Ala-Singko na ng hapon ng humupa ang tubig baha dito sa aming lugar. Maglilinis sana kami ng house, ang kaso wala kaming kandila at mahina na yung battery ng flashlight namin. Madilim na noon dahil pagabi na at brownout pa. Kaya ipinasya muna namin na ipagpabukas na ang paglilinis at doon muna magpalipas ng magdamag sa aming kapit bahay. Tinulungan din namin silang maglinis ng kanilang first floor bilang kapalit ng kagandahang loob nila sa amin. Kinabukasan, ayun tumambad sa amin ang maputik at magulo naming neighborhood. Yung sa house namin, mga hapon na kami natapos sa paglilinis ng mga dumi at putik. Grabe, parang sumabak sa gera ang itsura ko noon. Puro putik ako saka ang sakit ng buong katawan ko. Pero all in all ay nagpapasalamat pa rin kami kay Lord dahil ligtas ang aking buong pamilya noong araw na iyon. Napagisip-isip ko din na masuwerte pa din kami dahil hindi ganun kalalim ang tubig-baha dito sa amin. Yung sa ibang parte ng aming baranggay, lalo na yung nasa mabababang lugar, halos hanggang 15 feet ang tinaas ng tubig. Sana talaga hindi na ito mangyari muli. Napakahirap at nakakatakot!

Eto yung itsura ng lugar namin at the height of typhoon Ondoy. Shots taken by me and my younger sister using her cellphone camera.

(Paki-click na lang yung images for a larger version)
typhoon ondoy,flood,san mateo rizal typhoon ondoy,flood,san mateo rizal
typhoon ondoy,flood,san mateo rizal Photobucket
typhoon ondoy,flood,san mateo rizal typhoon ondoy,flood,san mateo rizal
typhoon ondoy,flood,san mateo rizal typhoon ondoy,flood,san mateo rizal


Maraming leksyon ang dapat nating matutunan sa pangyayaring iyon. Syempre, unang-una na dyan ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan, gayundin ang ating pagiging laging handa, lalo na ng pamahalaan at lahat ng kinauukulan, sa mga bagyo at kalamidad. And lastly, ang pinakamabisa nating sandata, ang manalangin at patuloy na humingi ng gabay sa ating Poong May Kapal.

34 comments:

  1. Grabe noh samantalng ako ng mga panahong iyan ay nasa Japan at napakaaliwalas ng panahon doon hays! Tama ka, hindi sapat ang awa at pag-unawa, dapat lakipan ito ng gawa, ang pagmamahal at pangangalaga ng ating kalikasan. Sana wala ng mala-Ondoy na sakuna ang dumating...

    ReplyDelete
  2. hahai, that was the major major tragic event that happens on our country, and it wasn't really great to see people striving by this. Lesson was we should protect our nature our earth and love it...

    ReplyDelete
  3. sana hindi na maulit ung dleubyo tulad nung ondoy..lesson learned sana ito sa ating laahat

    ReplyDelete
  4. Isang taon na pala ang nakakaraan! Grabe talaga iyon.

    Sana hindi na maulit uli yun. Pero sa palagay ko ay imposibleng hindi maulit iyon dahil patuloy pa rin ang mga tao sa pagpapabaya sa kalikasan.

    ReplyDelete
  5. hindi na sana maulit pa ang nangyari sa bagyong ondoy.........nakakapangilabot iyon....hindi ko maisip kung ano kaya ang nangyari pa kung gabi tumaas ang tubig..kahit paano magpasalamat na hindi gabi nangyari ang mga pagbaha o pagtaas masyado ng tubig kasi kung gabi hindi masyado makakakita ang mga tao at baka napakarami ang nalunod sa baha.......dahil hindi gabi kahit paano nakahanda ng kaunti ang mga tao..may mga nakaakyat ng bubong ng bahay o nakapunta sa mataas na lugar..

    ReplyDelete
  6. UU nga... minalas talaga ang manila nung time na yan... hayz... nakakatakot at nakakapanlumo ang sakunang iyon...

    ReplyDelete
  7. ondoy ang pinaka grabeng bagyo.

    Grabe ang epekto sa buhay ng mga nasalanta.

    ReplyDelete
  8. parang kailan lang... nagulat talaga ako sa resulta ng ondoy.

    ReplyDelete
  9. kaya maglinis palagi haha...wag magtapon ng basura kung saan saan..at thank You Lord....

    ReplyDelete
  10. nakasam pala house mo kuya. tsk.
    mabuti na lang at may mga kapitbahay pa kayo na may mabuting loob :)

    lol, naiimagine ko ang itchura mo na parang sumabak sa gera. :D pero thank god kahit papano nd na damage house niyo at safe kayo :D

    ReplyDelete
  11. @Jag-kun:
    Tama ka jan parekoy! isa lang talaga ang susi jan, ang mahalin si Inang Kalikasan para di na toh maulit muli.

    @Tim:
    Yeah, I agree with you. Plant trees and help save mother earth!

    @Rico:
    Sana talaga di na toh maulit. Sana din ay may natutunan tayong lahat na aral mula sa delubyong ito. Salamat po sa comment!

    ReplyDelete
  12. @Ishmael:
    Naku, yan ang kinatatakot ko din... baka talaga mangyari ulit toh (sana hindi na) kasi patuloy pa rin sa paglapastangan ang mga tao kay Inang Kalikasan.

    @Arvin:
    Naku parekoy, yan din ang pinagpapasalamat namin at araw nangyari ang pagbaha. Kung gabi yan nangyari, tsk, siguradong mas marami ang mamamatay saka nakakatakot.

    @Xprosaic:
    Hindi lang Manila ang kawawa, pati yung mga karatig lalawigan tulad ng Rizal.

    ReplyDelete
  13. @Khanto tantra:
    Sinabi mo pa parekoy! part na sya ng history ng Pilipinas.

    @Emotera:
    Isang taon na rin ang nakalipas at marami na rin ang naka recover mula sa delubyong ito.

    ReplyDelete
  14. @Sendo:
    Tama! dapat maging disiplinado sa pagtatapon ng basura at kung maaari ay magtanim ng maraming puno!

    @Cheen:
    Yep, ang halos buong San Mateo, Rizal ay nilubog din sa baha ni Ondoy last year. Marami din ang lumabas ang kabayanihan nung araw na yun, gaya ng kapitbahay namin na pinatuloy kami sa kanilang tahanan dahil sa baha. Yep, Salamat talaga kay Lord at safe kami saka hindi nadamage ang house namin - yun nga lang, ang dumi dahil sa putik XD

    ReplyDelete
  15. hay naku... talagang hindi ko makakalimutan ang ondoy! tumapat pa talaga ang bagyo sa birthday ko! ang handa ko nun ay sardinas dahil yun na lang ang naiwang delata kasama namin sa second floor ng bahay! haaayy... nagpapaawa talaga ako para bigyan mo ako ng picture greeting para sa birthday ko! nyahaha

    ReplyDelete
  16. Mga lapastangan! ^_^ Malamang yan ang sigaw ni Mother Earth sa balahurang Pinoy.

    Mga walang awa pagdating sa pangangalaga ng kalikasan. :-(

    ReplyDelete
  17. Mga lapastangan! Malamang yan ang isinisgaw ni Mother Earth sa mga balahurang Pinoy na walang galang sa environment.

    Tama ka. Malayong hindi maulit uli ang Ondoy dahil atin na ring kapabayaan.

    ReplyDelete
  18. awww-isang taon na pala. kung ganu ka-wet last year---medyo dry naman ngyn---sana di na maulit na ganun kalakas ang ulan...kasi honestly---wala tayong natutunan sa ONDOY---wala akong nakitang ginawa ang gobyerno para ayusin ang mga drainage systems natin. antayin lang na umulan uli. mauulit lang ang pagkakamali ng nakaraan......sad sad

    ReplyDelete
  19. It was such a big tragedy. It had taken innocent lives and ruined homes ... but above all that, I am still thankful that God didn't allow it to happen again.

    ReplyDelete
  20. ayaw kong mag-ingay seryoso ang poste mo ahihi~~
    tragic ang nangyari last year...nakaktrauma lalo na sa mga nakaexperience yun..
    pero thank God you and your family were OK~~...

    ReplyDelete
  21. Marami ngang lessons sa nangyari... Wake up call siya para sa lahat. It's good that you guys are okay! Un naman ang importante--na buhay kayong lahat...
    At napakahalaga talaga ang faith kay God. Malaking help talaga ang nasa itaas. :)

    ReplyDelete
  22. I am very lucky kasi nasa tour ako as bicol kaya wala kong di magandang experience..

    ReplyDelete
  23. hey bro, i got your link from leah's blog...

    anyway, last year was a disaster, im renting an apt here in pasig and we were on the first floor so we were definitely flooded... the worst part was, i have a big dog and the water was knee high...

    we got stucked for three days until we decided to get out of the hell hole... my dog had a grand time on the man-made bangka...

    lots of things to learn from that disaster, i for one, realized who among the neighbors are real people. disasters like that brings out the best... or the worst in us. :-)

    Show Me Your Look Today

    ReplyDelete
  24. We should be thankful that we were able to survive and start all over again.

    ReplyDelete
  25. @Ayu-chan:
    Sinabi mo pa T_T

    @Mr. Nightcrawler:
    Aww, ka-birthday mo pala c Ondoy parekoy >_< Belated Happy beerday!!! XD

    @Ishmael:
    Naku, you're right parekoy! marami pa rin Pinoy ang di natuto sa dalang pinsala ni Ondoy last year >_<

    ReplyDelete
  26. @Pusang Kalye:
    Tama ka din jan parekoy... mukhang hanggang puro pagpplano at pangako lang ang ginagawa ng gobyerno natin ngayon. Kung kelan anjan na ang kalamidad, saka kikilos. haazzz!

    @Dyane:
    Amen to that! and I'm hoping that it will not happen again.

    @Unni:
    Sobrang nakakatakot talaga ang nangyari last year. Talgang di na yan malilimutan ng mga Pinoy >_<

    ReplyDelete
  27. @Traveliztera:
    Salamat po sa pagbisita at sa kumento. Very thankful talaga kami kay Lord at naging safe kami at nakasurvive kami sa delubyo na ito.

    @casino:
    indeed.

    @superjaid:
    you're lucky at di mo naexperience ang Ondoy >_<

    ReplyDelete
  28. @Michael:
    Hey thanks po for visiting and for the comment. Naku, you had the same experience din pala last year. Grabe, sana di na talaga toh mangyari ulit. Ang hirap!

    ReplyDelete
  29. marami leksyon ang naidulot ng ondoy na yan satin lahat
    sana lang di na maulit
    at sana lang din matuto na ang mga pinoy

    happy weekend!

    ReplyDelete
  30. These photos reminds me not only with Ondoy but also what happen in Pakistan early this year.

    ReplyDelete
  31. Year passed. We're thankful that nothing like this happen again.

    ReplyDelete
  32. Naalala ko nung Ondoy... umuwi akong sumusulong na sa baha! Naka-organization shirt ako, na may dalang Gaara bag galing sa comic alley.. at inaalala ung libro ko sa Integral Calculus na baka mabasa.... wew.... grabe, languyan ever ang naganap!

    Paguwi ko, aba. nasa PAA ko na pala ang baha...... and nagsimula nun ang MAHABANG pagrereview ko sa Integral Calculus at Statistics.... nakakaloka lang kasi kahit gabing gabi na, pinapatulan ko pa yung mga books ko kahit alam kong nawiwindang na ang labas namin... take note, ung labas namin eh....over na sa baha! Buong bahay na apektado... :(

    Masasabi ko, MARAMING DAPAT MATUTUNAN DITO! :D

    ReplyDelete

 
TOP