Loading...
Wednesday, September 1, 2010

"-ber" months na!

Ang bilis talagang umusad ng panahon. Parang kailan lang ay ipinagdiwang nating lahat ang Pasko '2009. Parang naka ilang tulog ka lang, dumaan ang summer at tag-ulan, aba'y heto't sumapit na naman palang muli ang panahon ng "-ber" months. Na iisa lang ang ibig sabihin, malapit na ang panahon ng Kapaskuhan! Ilang araw mula ngayon ay magsisimula na ng kanilang "Christmas Countdown Traditions" ang bawat istasyon ng radyo at telebisyon. Unti-unti na rin kayong makakakita ng mga tv commercials na pampasko. Ilang araw mula ngayon ay isa-isa na rin magsusulputan ang mga tindahan ng mga gayak pamasko. Makakarinig na rin kayo ng mga awiting pamasko sa radyo. At dahil jan may nagtext, patutugtugin ko muna ang isa sa paborito kong OPM Christmas Carol.

:+: Sa Araw ng Pasko - All Star Cast :+:


Naging paniniwala na nating mga Pilipino na kapag nagsimula na ang "-ber" sa kalendaryo, Pasko na! Nalalanghap mo na ba ang simoy ng Pasko?

25 comments:

  1. Oo, ramdam ko na ang simoy ng Pasko. Pero sana, wag lang puro palamuti ang matatak sa ating mga isipan, sana matatak sa puso ng bawat isa ang tunay na kahulugan ng Pasko :)

    God Bless.

    ReplyDelete
  2. Ou nga eh. Nagulat nga ko kagabi sa news. Medyo hindi ko na din napansin ang bilis ng panahon.

    I was like "Ohhhhh, BER month na?ou nga no?" nafeature na sa TV ang mga tinitindang mga Parol.

    Pero unang pumasok sa isip ko nun, Naku, wala akong GF malungkot, ahahaha, tsaka bakasyon niyan, tsaka nagtethesis na kami nian!ahahaha, well then kaibigang Fiel....

    MERRY CHRISTMAS!!!!!

    ReplyDelete
  3. weeeeeee! BER months na! Septmeber na! Birthday ko ay malapit na! :P

    Hindi ko natapos panoorin yung bidyo. nalungkot ako :(

    ReplyDelete
  4. madalas na naman papatugtugin sa mga fm radio ang kanta sa pasko..

    ReplyDelete
  5. Oo nga eh ambilis ng panahon. Parang kelan lang na nagpasko ako sa ibang bansa tapos ngayon malapit ng magpasko. Hays! Naririnig ko na nga ang kantang iyan sa radyo eh...

    ReplyDelete
  6. yea, so lapit na nan pasko xD super excited na nga ako xD
    haha.

    well, yea, sa mga radio at tv nagpapalbs na cla nan mga chrstmas na commercials.

    haha

    ReplyDelete
  7. @Ayu-chan:
    Yeah, "ber" months na kaya i-ready mo na ang gift mo para sakin. Di naman ako choosy eh haha /joke!!!

    @Captain Runner:
    Yup, tama po kayo jan sir Paolo. Hindi lang dapat tayo magfocus sa material things kundi sa pagkakaisa/pagmamahalan ng bawat isa.

    ReplyDelete
  8. @Sikolet-chan:
    Yay!!! kelan beerday mo? pa-canton ka ha? XD Refresh mo lng siguro ulit yung vid para magload ng dire-direcho.

    @Arvin:
    Yeah, pero sa ngayon wala pa akong naririnig. Siguro pag 100 days to go na lang, makakarinig na ko ng Christmas Carol ^^

    ReplyDelete
  9. @Jag-kun:
    Naku, kaya dapat iready mo na din yung gift mo sakin parekoy haha XD

    @Cheen:
    Yung mga early morning news program may Christmas Decor na sila sa set nila (Umagang kay Ganda & Unang Hirit)

    ReplyDelete
  10. Naku sobrang bilis talaga ng panahon... naku tatanda na naman pala ako nito... hayz... lol... happy "ber" month parekoy!

    ReplyDelete
  11. haha, merry christmas fiel-kun!

    naalala ko ang kanta na ito. kinanta ko ito noong 2002 sa isang orphanage together with my brother seminarians.

    ReplyDelete
  12. one of my favorite Christmas song of all time. tagus sa puso at talagang sinasalamin ang kwento ng paskong Pinoy.

    ReplyDelete
  13. @Xprosaic:
    Haha, sa "-ber" months din pala ang birthday mo parekoy? naku pareho tayo haha... XD

    @Fr. Felmar:
    Sobrang ganda talga ng song na ito. All time favorite ko na sya hehe...

    @pusang kalye:
    Yeah same here parekoy! napakaganda ng song na to lalo na yung meaning ng lyrics, talagang tagos sa puso :)

    ReplyDelete
  14. sarap makinig ng christmas carols nga kasi it uplifts the spirit

    ReplyDelete
  15. You're right! Since it's already Septem-BER my sister just started playing random Christmas songs. Haha. I can already feel the Christmas air.

    Is everyone in the Philippines already setting up their christmas trees? :)

    ReplyDelete
  16. Ahahahhahahaha hindi naman ber month pero syempre meaning nyan eh new year na ulet... hehehehhehehe...

    ReplyDelete
  17. haha... gaya-gaya ka parekoy. peyborit ko rin yan. naglalaway tuloy ako para sa masarap na putobumbong. yumyum. hehe. pero bago ang pasko, birthday ko muna. hehe.

    ReplyDelete
  18. @The Philippine Guild:
    Yeah, tama po kayo jan XD pampagaan ng pakiramdam ang mga Christmas Carols!

    @Chui:
    Hey, thanks for dropping by and for commenting. Well, some of the folks here already started decorating their homes with Christmas decors.

    @Xprosaic:
    Ahaha, next year pa pala beerday mo parekoy XD

    ReplyDelete
  19. @Tim:
    Hehe thanks XD

    @Mr.Nightcrawler:
    Nyahaha! uu nga pala, magb-birthday ka na din. Lapit na hehe! ako -"ber" months din ang b-day ko XD

    @Raft3r:
    Haha, uu parekoy! advance preparation lolz

    ReplyDelete
  20. Pasko na nga! Grabe. Advanced Merry Christmas parekoy.

    Wish ko lang nasa ang Pasko ay maging CHRISTmas at hindi SANTAmas. Lagi na lang kasi nang-aagaw ng limelight si Sanata Claus eh. Nawawala na yung true meaning of Pasko.

    ReplyDelete
  21. Parang hindi ko maramdaman eh. :)) Lam mo kung bakit... hahahahaha! WALA LANG! :)) SYEMPRE! Nararamdaman ko yan... lapit na rin kc birthday ko eh! ^^

    sensya naman, naun lang napadaan... T_T

    ReplyDelete
  22. Merry Christmas?? hahaha! ang aga pa! BERfest na!! babaha na naman ng beer! :D

    ReplyDelete
  23. Ang favorite Christmas song ko ay grown up Christmas list
    :)

    ReplyDelete

 
TOP