Loading...
Sunday, September 12, 2010

Bakit noon?

Magti-trip back to memory lane muna ako. Bakit noon (mid 90's) halos karamihan ng mga Opening at Ending theme songs ng mga napanood nating Tagalog Dubbed Animes ay naisalin din sa wikang tagalog?

Bakit ngayon, kung kelan kaunti na lang ang napapanood nating animes sa mga local tv channels ay hindi man lang nila magawan ng paraan na maisalin sa wikang tagalog kahit yung openening theme song man lang sana? Imposible namang walang budget para sa mga talents/dubbers. Tinatamad ba sila? Walang oras? or sadyang hindi na talaga nila priority ang maisalin pa sa ating sariling wika yung mga pambungad na awitin ng mga animes na ito?

Buti pa noon ay may panahon sila para bigyang pansin ang mga bagay na ito. Noong mid-90's, halos namamayagpag sa mga palabas na animes ang ABS-CBN, GMA at ABC5. Animes ang pumupuno sa morning at afternoon slots nila. Eh ngayon, hindi na ako magtataka kung puro teledrama at koreanovela ang naghahari tuwing umaga at hapon. Uso kasi!

Paniwala ko kasi na mas nagiging appealing sa mga viewers kung pati ang OP/ED songs ng mga animes na ito ay isinalin din sa wikang tagalog. Sa isang anime fan na tulad ko, ang unang-una laging pumupukaw sa atensyon ko ay ang mga catchy/melodious na theme songs ng isang anime. Para sa akin hindi isang kabaduyan kung yung OP/ED theme songs ay tagalog din. Mas lalo pa nga tayong nagiging makabayan at naipapakita natin na may pagmamahal tayo sa ating sariling wika.

Pakinggan natin ang ilan sa mga piling Anime OP songs sa wikang tagalog at kayo na ang bahalang humusga ^_^

:+: Magic Knight Rayearth OP theme (Tagalog) :+:
Performed by: Cynthia Villanueva, Daisy May CariƱo, Maripette Narvasa


:+: Sailor Moom OP theme (Tagalog) :+:
Performed by: Angelica Dela Cruz (yes, yung Pinay actress ^^)


:+: Si Mary at ang Lihim na Hardin OP theme (Tagalog) :+:
(Himitsu no Hanazono)
Performed by: Erie Resurrection, Maripette Narvasa

35 comments:

  1. Ah...bumabalik ako sa pagkabata parekoy. As in naalala ko na naman yung mga anime na pinanood ko noon tulad ng Voltes V, Zenki, Time Quest, Dragon Quest, Dragon Ball, BTx, at kung ano-ano pa.

    Kasali na rin pala yung mga live action na Maskman, Bioman, Mask Rider Black, Shaider...

    Sa palagay ko kaya hindi na tinatagalog eh tinitipid na nila ang mga anime ngayon. Syempre gastos yun sa pera at oras kung paglalaanan pa yung pag-translate ng mga kanta.

    Tingnan mo yung TV shows ngayon. Lahat sila naka-focus sa mga teen drama at heavy drama. Eh, yun daw yung mabenta ngayon eh.

    Yung tungkulin nga nilang i-educate yung viewers eh nakalimutan na rin nila. Asaan na yung Batibot, Sineskwela, atbp? Kung buhay pa ang mga shows na iyon eh nasa sidelines na lang sila. Tapos yung mga mapangmulat matang documentaries eh sa madaling araw na pinapalabas. Paano mae-educate ang mamamayan n'yan?

    ReplyDelete
  2. really noong 90's dubbed ung mga op and ed ? wow man, maybe that time hindi pa masyado tamad mga tao.

    ngayon ko lg man to nalaman. haha.

    ee. i miss sailor moon :) haha. fave ko yan xD

    ReplyDelete
  3. eto yung panahon na hde pa uso ang cabletv, internet at mga computer games kaya pare-pareho ang pinapanood ng mga bata. lahat ng batang '90s makakarelate dito ^_^

    napakanta tuloy ako bigla LOL

    dahil siguro sa dami ng anime na pinapalabas ngayon e wala ng oras na i-dub. tsaka dagdag gastos nga naman.

    idagdag ko lang yung isa sa mga peborit ko...

    "sige sugod laban mas-ku-man. ipagtanggol ang kapayapaan..."

    (~_^)V

    ReplyDelete
  4. tingin ko lang... dahilan siguro yan ng lack of resourcefulness ng mga Filipino dubbers to get the minus ones ng mga kanta... OR siguro Copyright Problems... :)) Tingin ko lang ha

    pero lam mo, natuwa ako dun sa Magic Knight Rayearth! :))

    ReplyDelete
  5. @Ishmael:
    Naku, ako man ay bigla din nagbalik sa kabataan lols. Isa din sa mga favorite ko yung Time Quest, too bad laging hindi tinatapos ng mga tv stations yung pagpapalabas nun. Di ko tuloy alam ang ending haha.

    Agree din ako sa sinabi mo na talagang tinitipid na nila ang mga pagda-dub sa animes ngayon. Grabe naman sila sa pagkakuripot saka tama ka din na mas kumikita sila ngayon sa mga dramas... haayz, kung pwede lang ibalik ang nakaraan lols.

    May mga educational program pa rin naman ngayon tulad ng Matanglawin saka yung A-ha pero mas maganda pa rin yung mga dating palabas like Sineskwela at Batibot. Bigla ko tuloy naalala si Kuya Bojie at ate Sienna lols!

    ReplyDelete
  6. @Cheen:
    Uu mas kinakarir ng mga tv stations dati ang pagda-dub ng mga animes pati yung OP at ED songs tinatagalog din nila. Kaya lang ngayon, ayun tamad-tamaran na sila kaya hanggang youtube na lang ang lahat haha XD

    @sikoletlover:
    Yup, like you, batang 90's din ako talagang mas masaya at magaganda ang mga palabas dati.

    "sige sugod laban mas-ku-man. ipagtanggol ang kapayapaan..."
    ---> haha, I know this one! sa Maskman yan. Yung ending song nito maganda din.

    @Sasarai:
    Hindi naman siguro sa lack of resourcefulness, kundi hindi na talaga nila pinagtutuunan ng pansin. Marami naman silang talents/dubbers na magaling magtranslate ng japanese into filipino eh. Yeah, Magic Knight Rayearth pa rin ang may pinaka magandang vocals at translations sa mga tagalog dubbed op anime songs ^^

    ReplyDelete
  7. Siguro nagbabawas sila sa budget kasi mas pinapaburan nila ang kikita ng mas malaki gaya ng mga telenovela... hehehehehhe

    ReplyDelete
  8. Agree ako sayo... sa bagay... kung sa US nga nagagawa nila un sa mga animes nila like Yu-Gi-Oh!, Duel Masters, etc. di ba?

    HAHAHAH! Iba na ata siguro ngaun kultura ng Pilipino naun... :)

    ReplyDelete
  9. nakarelate naman ako. Napansin ko din yan. Noon talagang effort sa pag-gawa ng opening at ending na tagalized.

    lihim na hardin ang pinaka-tumatak na kanta sa akin :D

    ReplyDelete
  10. ^_^ Tama ka Parekoy.

    Basta ako adik talaga sa Pokemon. Kinabisado ko nga yung mga Pokemon at yung names nila eh.

    ReplyDelete
  11. Oo nga noh? Nag-iba nga ang trend...Namiss ko nmn bigla ang mga cartoons noon hehehe...

    Astig ang mga pinili mong vids ayos hehehe...

    ReplyDelete
  12. omg,, sailor moon! paborito ko yan nung bata pa ko! saulado ko ang lyrics ng tagalog opening theme nyan,, kasama ako sa mga naimpluwensyahan ng dubbed songs nya. nagrerecord pa ko ng mga episodes sa cassette tape ko..
    haayy, kakamiss ang childhood :)

    ReplyDelete
  13. wow.. naalala ko yang ray earth! inabangan ko din yan sa abs-cbn dati. hehe.

    ReplyDelete
  14. Repa anime lover din ako until now.. Agree ako sayo mas naappreciate ko ang anime dati kesa ngaun.. ung mga panahon ng samurai x, ghostfighter at trigun. Pero wala pa ring tatalo sa naruto shippuuden! haha! oi kabisado ko dati yang mga opening songs na pinost mo.. pwera lang ung si mary at lihim na hardin.. pakisama na din si chacha!! :D

    ReplyDelete
  15. sa isang banda, mas may dating kung yung original. tignan mo ang bioman and shaider---mas classic. mas magnada. mas masarap balik-balikan kahit di mo maintindihan. db?

    ReplyDelete
  16. kasi mahina na ang OPM..kaya ganun siguro hindi na sinasalin sa tagalog ang kanta mula sa original song..katulad ng voltes v..laging ganun ang theme song,hehe..lalo na ang paborito kong one piece..

    ReplyDelete
  17. @Xprosaic:
    Yep, yun din ang palagay ko parekoy. Kasi nga naman, mas malaki ang kita nila sa mga drama lols.

    @Ayu-chan:
    Alam mo ba Ayu na halos kasing galing ng mga Pinoy Dubbers ang Japanese dubbers? mas gusto ko ang tagalog/japanese dub kesa sa english dub. Sa english kasi, nakukulangan ako lalo na sa emosyon.

    ReplyDelete
  18. @Sasarai:
    naku sinabi mo pa... halos lahat ng napanood kong english dub animes, kinari pati op/ed songs hehe. alam mo naman ang pinoy mentality, feeling nila mas susyal ka pag "inglesero" ka haha.

    @Ishmael:
    Waah adik!!! diba halos 500+ na ata ang species ng Pokemon? kabisado mo lahat yun? all time favorite ko si Pikachu at Squirtle, followed by Togepi and Jirachi :)

    ReplyDelete
  19. @Jag:
    Haha thanks, parekoy! mas magaganda talaga ang classic cartoons/animes dati.

    @gesmunds:
    Haha same here! madalas ko din gawin dati yung magrecord ng mga op/ed songs ng anime using our radio recorder lols. Kaso yung mga casette tape ko nun, nawala na yata or nalubog sa baha lols.

    ReplyDelete
  20. @mr.nightcrawler:
    Yeah! tuwing sunday yan dati pinalalabas sa abs. 10:30 am yata yun kaya talagang nakaready na ko ng mga ganung oras dati haha. para walang kaagaw sa tv XD

    @Benh:
    Wuy parekoy, fellow anime fan!!! XD Syempre naman, Naruto Shippuuden din ang latest favorite ko sa mga animes ngayon... kaso medyo di nako nakakahabol sa latest episodes haha... check ko nga after this XD

    ReplyDelete
  21. @Pusang Kalye:
    Haha, uu naman okay pa rin talaga sa kin ang orig... pero masaya din pag naririnig mo yung songs sa wikang tagalog hehe.

    @Arvin:
    yeah tama ka din jan parekoy. Kasabay din ng paghina ng OPM industry natin sa bansa yung paghina ng mga tagalog op/ed songs ng anime. Waah One Piece! di nako nakakasubaybay nyan... ang dami nang episodes sa internet na di ko pa napapanood >_<

    ReplyDelete
  22. Haha! Hindi naman yung 500+ yung kabisado ko. OA na 'yun. Yung original 150 lang.

    Favorite ko yung mga fire type Pokemons tapos sundan mo ng electric type para pabagsakin yung mga water type na tatalo dun sa mga fire type pokemons ko. :-)

    ReplyDelete
  23. isa lang masasabi ko.. "oo nga naman" i learned a lot from this post...

    ReplyDelete
  24. lalo tuloy ako naintriga sa edad mo fiel lols~~~
    waahh fave na fave ko ang sailor moon pati voltes v~~
    nakarelate aketch much sa poste mo,,ikaw na ang batang 90's hehehe~
    apir~

    ReplyDelete
  25. Uy Unni. Bakit dito hindi ka naka-anonymous?


    -Ishmael-

    ReplyDelete
  26. hindi na kase ako nanunuod ng anime.. hindi naba na tratranslate?? favorit ko .. mojako at doraemon eh? hahahah

    anyway uy patulong naman kelangan ko ng full force. gumawa kase ako ng guest post..

    http://imissyouhotcakes.blogspot.com/2010/09/107-my-first-guest-posting.html

    eh onti palang bumibisita dun sa ginawa ko sa blog ng isang blogger! nakakahiya!

    anyway yung link nasa blog ko :) please comment!!!! please... thank you

    ReplyDelete
  27. hehe
    matanda na nga ako
    di ko na ito inabot noong bata ako, eh
    hehe

    ReplyDelete
  28. kung gaano kalakas ang hilig ng mga pinoy sa imported na mga bagay ay ganun din kalakas ang hilig ng mga pinoy sa awitin ng mga mang aawit na labas ng ating bansa..

    ReplyDelete
  29. @Ishmael:
    Haha, adik sa Pokemon! dati ang starting Pokemon ko parati is Water Type. Bihira akong gumamit ng Fire Type. Sunod sa water type is, favorite ko din ang mga ghost/psychic type Pokemons.

    @Tim:
    Haha, Salamat ^^

    ReplyDelete
  30. @unni:
    Wahaha, anu ba yan. napunta na naman sa age ko. basta bata pa ko, remember that hehe XD

    @Miss Innocent:
    Salamat po sa pagbisita. Will visit your site too after this.

    @Raft3r:
    Ngek, sinong nagsabing matanda ka na? lahat tayo dito bata pa hehe... child at heart XD

    @Arvin:
    Agree! yan ang pinoy mentality talaga... mahilig sa mga imported lols.

    ReplyDelete
  31. Bagay pala tayo maglaban ng Pokemon eh. Ako Fire type ang gusto. I want to burn my enemy pokemon. Si Arcanine, Rapidash, Magmar ay the best. Tapos lagyan mo ng Alakazam at Jolteon.

    ReplyDelete
  32. siguro hindi na nila feel ngayon...sa kung ano-anong korean stuff na naman sila nakaconcentrate haha

    ReplyDelete
  33. Evidently, the divorce ring has been around for awhile. Bracelets are a bit
    overshadowed by necklaces this twelve months.
    Referring with a diamond like a blue-white diamond is these
    kinds of a scam.

    Also visit my web site: promise rings wiki

    ReplyDelete
  34. The much larger the pearl, the rarer they are really and the much more
    high priced. While we don't think of divorce as being very common in the 1920's, this newspaper
    article stated the need for the divorce ring due to "divorce having become so frequent that it is considered there is a need for a distinctive emblem. However, you need to look at the person and promise before deciding on the type of ring you want to exchange.

    My website web site

    ReplyDelete

 
TOP