Loading...
Sunday, August 22, 2010

Si Ninoy, si Venus, at iba pa...

In remembrance of Ninoy Aquino Day

Sa pagsasakripisyo ni Ninoy, marami ang namulat at nagkaroon ng tapang na hindi na mauulit ang paghahari-harian sa MalacaƱang. Sa pagsaskripisyo ni Ninoy nabuksan ang pagiging makabayan ng mga Pilipino.

:+:+:+:+:+:+:+:


Sa August 24, 2010 (Aug. 23 naman sa US) na pala ang Miss Universe 2010 beauty pageant na gaganapin sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas. Ipakita natin ang ating taos pusong pag-suporta sa pambato ng Pilipinas.
Miss Universe 2010 Official Site
Watch Miss Universe 2010 online Here

:+:+:+:+:+:+:+:

Naku, mga parekoy at marekoy! Usong uso ang sakit ngayong panahon ng tag-ulan. Sa family ko, yung nanay at kapatid kong bunso ang tinamaan ng trangkaso lately. Yung kapatid kong bunso ay magaling na ngayon. May konting ubo pa yung sa nanay ko pero wala na syang lagnat. On the road to recovery na sya. Kaya kayo, extra ingat ang gawin niyo. Huwag kalimutan magdala ng jacket at payong para may pananggalang kayo sa ulan. Very unpredictable pa naman ang weather ngayon. Sa umaga maaraw then pagdating ng hapon, biglang bubuhos ang ulan. Maambunan ka lang, sakit na agad ng ulo ang aabutin mo. Kung wala din pala kayong gaanong ginagawa sa inyo, why not try to do a general cleaning. Linisin nyo ang buong paligid ng loob at labas ng bahay nyo. Para walang dahilan na tumambay sa inyo ang mga dengue carrying mosquitoes. Nakakatakot magka dengue ngayon. Mahal ang gamutan! Kung may budget kayo para sa mga multi-Vitamins (Vit A,B,C), mag-take din kayo. Take care guys!

Eto ang masakit naman sa akin is yung buwisit na singaw na to. Talagang tambayan na ng singaw tong bibig ko noon pa. May pahabol si Inay, kulang daw ako sa Vitamin C. Ang sagot ko naman, naku nagmana lang ako sa inyo haha. Singawin din kasi yung nanay ko lols.

34 comments:

  1. Oo dobleng ingat lang talaga...salamat sa mga paalala parekoy!Para sa singaw mo, mag gargle ka ng lukewatm water with salt. Nakakatulong ito...

    Viva!Filipinas!

    ReplyDelete
  2. `salamat sa tip :)
    kaso ang weird , almost 2 years na kong ndi nagkakasakit ;)

    ReplyDelete
  3. for your singaw,, try mo po mag astring o sol or listerine,,every after meal,, mabilis siya nagpaparelieve..

    so proud of venus,,sana talaga manalo siya! :)

    ReplyDelete
  4. @Jag-kun:
    Salamat sa tip parekoy! I already did what you said last night. Looks like effective naman siya xD

    @Arvin:
    yeah, Mabuhay ka Venus Raj! bukas na yung Miss Universe. Sana makapasok siya kahit sa top 10 ^^

    @Ayu-chan:
    Hehe, salamat! may sakit ka din ba? Uu nga sana magkapitbahay na lang tayo para makahiram ako sayo ng mga DVDs hehe... pwedeng swap din sana tayo... dami din kaming collection ng sister ko. :)

    ReplyDelete
  5. @Mitchie:
    Lucky you! ibig sabihin nyan, malakas ang immune system mo :)

    @Gesmund:
    Salamat din sa tip mo ^_^ Wala yata akong Listerine... teka ayun, meron ung sister ko hehe XD

    ReplyDelete
  6. Bangon Pilipinas!

    Kaya natin to. Magtulungan tayo.

    ReplyDelete
  7. ako rin madalas magkasingaw. kaya hanggang dito may baon akong Bactidol ^_^ mejo matagal ang treatment pero epektib ^o^

    ReplyDelete
  8. @Ishmael:
    Yeah!!! kapit-kamay, kapit-bisig! lahat ng pwedeng kapitan, kapitan na. XD

    @sikoletlover:
    Thanks for the tip, pero wala kaming bactidol sa house >_< meron kaming pampahid sa singaw yung dark-brown sya na liquid then medyo stinky yung amoy haha... mahapdi pero effective.

    Congratulations to Maria Venus Raj for being the 4th Runner Up in Miss Universe 2010!

    ReplyDelete
  9. Naku po! sakit ng singaw! hehehehehhehe... kelangan talagang laging mag ingat mahirap na mahal magkasakit ngayon... hehehehhehe

    Word verification:remeldi -muntikan nang mag "remedy"...lolz

    ReplyDelete
  10. @Xprosaic:
    Haha, sinabi mo pa. Hulaan mo kung ilan ang singaw ko. Dalawa lols! isa sa dila at sa labi amf!

    ReplyDelete
  11. puro karumal-dumal ang mga nangyayari ngayon sa pilipinas...dagdagan pa ng MAJOR MAJOR ni miss philippines! pero proud pa rin ako sa kanya!!! haha ..mabuhay PILIPINAS! proud to be pinoy pa rin ako!! ingat sa trangkaso't lagnat nyahaha

    ReplyDelete
  12. vitamins. :D tama. ito ang needed dahil laganap ang sakit.

    ReplyDelete
  13. @Sendo:
    Wuy parekoy! uu nga eh, hindi talaga kagandahan ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw... grabe pumangit na naman ang imahe ng Pilipinas sa buong mundo... haayzz... mabuti na lang nanjan ang major major ni Venus haha ^_^

    @khantotantra:
    yep tama po kayo jan! Vitamins + healthy foods para sa healthy na katawan!

    ReplyDelete
  14. yea.
    sayang talga si venus, kung walang major major ang sagot nia, na mss universe na sana siya. tsk. pero oks lg.

    lol. na kelangan tlga uminum ng vitamins everyday :)

    lol. singawin? haha.

    ReplyDelete
  15. ang ganda ng photo ni ninoy ah. kailangan yan ni PNoy lalo ngayon! kay venus, ang galing, ngayon alam ko na ang bonggang-bongga ay major-major sa ingles! sa singaw mo... totoo, pag mababa ang immune system nagkakasingaw kaya vitamin C na pampalakas ang sagot! ang cute ng mascot ng vitamin C mo haha!

    ReplyDelete
  16. @Cheen:
    Haays, destiny na talaga siguro ni Venus na makuha ang 4th place lols. Yeah, singawin ako eh... siguro every other month may singaw ako XD

    @prinsesamusang:
    Wuy, maraming salamat po sa pagbisita at sa kumento ^_^

    ReplyDelete
  17. lecheng singaw yan. ayaw ko din niyan. hehe. talo si ms. philippines. ninerbiyos ata sa tanong. sayang... mag-gargle ka ng tubig na may halong asin. effective yun parekoy :P

    ReplyDelete
  18. tama...

    hay naku, di naman tayo nananlo eh, but okay na din. runner up..

    ReplyDelete
  19. Singaw?ayos ah!:) sa panahon ng tagulan? pagkakaalam ko uso yan pag summer. Anyways, pagaling ka.

    Um, Makatutulong din ang pineapple, yung fruit or chunks, healthy din yun!:)

    Ang galing ni venus. Hanga talaga ko sa kanya in a major major way!:) hahahaha. Para sakin mahirap talaga yung tanung sa kanya, i think tama din yung sagot nia hindi nia lang ganung nabigyan ng justice. at crush ko si Mexico super kamukha nia si vanessa hudgens na paborito ko dahil sa favorite film ko ever-----high school musical!:)

    At si ninoy ay i-link natin kay noynoy, na dahil sa pagtawa sa hostage scene eh napuna. I think hindi din masama na ngumiti siya dahil kahit ako pag nadidismaya ganun din ang expression ko. Wag din natin sana siyang sisishin sa kapalpakan ng PNP sa pag respond sa Hostage taking. Um, Ang kasalanan ng isa hindi kasalang ng lahat at vice versa!.
    Kahit ako yung presidente tatahimik din muna ako, ipapaubaya ko sa may trabaho nun. Alangan naman umeksena ka dun eh alam mo ba ang gagawin mo kahit presidente ka?pagkakaguluhan ka lang dun!:)

    ReplyDelete
  20. isang major, major na good evening sa yo fiel-kun!

    after several months, nakabalik ako dito sa bahay mo.

    last week nagkaubo ako, pero more water lang, nawala na agad.

    ReplyDelete
  21. Fiel~~~kulang ka nga sa vit. c or mahina immune system mo pag singawin ka..apir*di ka nag-iisa pero ngaun di na ako gaano nagkakasingaw dahil laklak ng vit c eh hehe...

    VIVA Filipinas in Major Major Way~~~~

    Happy weekend Fiel~

    Take care~

    ReplyDelete
  22. @mr.nightcrawler:
    Haha, pinaka ayaw ko pa naman pag tumubo ang singaw sa dila. Ang hirap kumain. Yeah, nagmumumog na ko ng water with salt. Effective naman sya at pagaling na rin yung singaw ko.

    @Tim:
    Still, we should all be proud of Venus' achievements :)

    @Steve:
    All year round yata ang singaw eh ^^ nung summer, nagkasingaw din ako.

    Whee! tama ka jan, ang pretty ni Miss Mexico kaso lang bakit kailangan pa nya ng interpreter... bawas beauty points yun :)

    Sa nangyari last monday sa hostage crisis, lahat ay may pagkukulang. Gobyerno, PNP, at Media ay palpak. Kaya wag na dapat silang magsisihan.

    ReplyDelete
  23. @Fr. Felmar:
    Isang major major na good afternoon sa inyo Father Felmar. Salamat po at muli kayong nadalaw sa aking tambayan ^_^

    @Unni:
    Haha, siguro ako din dapat nang lumaklak ng vit c hehe.

    ReplyDelete
  24. tama!ngaun okay nako wala na akong ubo at sipon kasi naagapan. :) ingat!

    ReplyDelete
  25. oo, nga
    mahirap ng magkasakit ngayon
    ingat din

    ReplyDelete
  26. I like your Ninoy image. That's fantastic.

    ReplyDelete
  27. hehe namana mo lang? sana ok na yang singaw na yan now.

    ReplyDelete
  28. lol. evry month? grabe man yan singaw mu xD haha

    ReplyDelete
  29. salamat sa pagdaan ah! :D

    tama, alagaan ang sarili. mahira magksakit! magastos... pero mawawalan naman kami ng work. ahehe. biro lang. :P

    ReplyDelete
  30. Cute nung picture ni Ninoy. :))

    Yeah, agree ako, panahon ng tag-sakit ngayon. Good thing gumaling na yung mga taong alam kong may sakit ngayon. Ingat! :))

    ReplyDelete
  31. parang tao din, ang mga bansa nagkakasakit din. pero kayang iwasan or pag andyan na, pwedeng gamutin. yung nangyari sa 1st administration test ni Noynoy...bagsak. instead na gumaling ang pasyente, lumala ang sakit.

    ReplyDelete

 
TOP