Loading...
Sunday, August 1, 2010

Aratiles

Madalas kong mapansin ang malaking puno na ito ng Aratiles na nakatanim sa isang bakanteng lote di kalayuan sa bahay namin. Sa tuwing nagdaraan ako sa tapat nito ay laging napupukaw ang aking atensyon sa mga hitik na bunga nito. Mapupula at ang iba "maniba" lang. Marami din mga maliliit na batang naglalaro ng holen sa lilim nito. Yung iba kapag nakaramdam ng konting gutom ayun at inaakyat nila agad ang puno para mamitas ng mga bunga nito at may instant snack na sila.



'Di ko tuloy napigilan ang sarili ko na magreminisce ng mga magagandang ala-ala noong ako'y isang maliit na bata pa. Natatandaan ko pa dati na tinatawag namin ng mga tropa kong chikiting na pinoy version ito ng cherry at ng grapes. Gustong-gusto kong mamitas ng bunga nito noon tuwing pagkatapos umulan. Paniwala ko kasi noon na nakakatulong ang ulan para mapabilis ang paghinog ng mga bunga nito. Paborito kong tikman yung "yellow'ish-green" ang kulay or yung tinatawag nilang "maniba" lang. Mild lang kasi yung sweetness nya unlike dun sa dark-red ang kulay. Naalala ko din dati na nilalagay pa ng kapatid ko yung bunga nito sa ref para lumamig at masarap daw kainin. Dati, pag sobrang taas na ng puno ng aratiles at hindi ko na kayang akyatin, madalas akong gumawa ng "improvised" na panungkit mula sa mga pinagdugtong-dugtong na mga patpat or sanga ng kahoy. Kung wala naman akong makitang patpat or sanga, solb na ako sa tsinelas. Babatuhin ko lang yung sangang may bunga gamit ang tsinelas at presto, malalaglag na ang bunga. Pero kadalasan, yung bunga na lang yung nahuhulog minus my tsinelas dahil ayun nasampid na sa sanga sa taas lol. Pero pag siniswerte ka, hindi lang yung bunga at tsinelas mo ang malalaglag sa ulo mo, may pabonus pang higad or uod na makati sa balat. Then kapag wala pang bunga yung puno ng aratiles, peyborit naming maglambitin na parang mga unggoy sa mga sanga nito. Marami-rami na rin yata kaming naputol na mga sanga ng aratiles noon at kung minsan ay nababakli pa pati yung buong puno dahil sa kakulitan namin. Kuyugin ba naman ng isang batalyon ng mga chikiting ^^ (sorry po mother nature; sorry denr, mga bata lang po ^_^) At dahil wala akong makitang puno ng bayabas noon, nakagawa na rin ako ng tirador gamit ang mga sanga nito.

May medicinal value din pala ang mga dahon ng aratiles. Paki consult na lang si pareng Google.

Yan ang Aratiles, bow!

33 comments:

  1. Ang tawag sa amin ng punong iyan ay MANSANITAS...Ganyang ganyan din ang gnagawa nmin nung mga bata pa kmi...mas gusto ko ang pula kac matamis siya...paboritong pagkain ng mga ibon at paniki...gamot sa mga batang may bulate...palagi akong kumakain ng aratiles noon kaya lumaki akong healthy at bibo LOL.

    ReplyDelete
  2. @jag: from visayas ba ikaw or Mindanao?dito kasi sa Davao Mansanitas tawag sa puno ng aratiles hehe...

    btw apir fiel fave ko dati ang yellowish green hehe..
    at lalo akong naconfuse sa age mo haha..yung 20plus mo na age kasi parang malapit din sa age ko or baka nagkakamali lng ako haha...

    ReplyDelete
  3. @ Unni: Sa Mindanao po particularly sa Davao hahaha...so tga Davao k din pala nice to know hehehe...

    ReplyDelete
  4. @Jag:apir taga Davao ka din??hmm dito na kami nakatira pero Ilonnga ako hehe,,,nasa Davao ka???etchosra ko noh haha

    ReplyDelete
  5. @ Unni: Baw gali ilongga ka gid? haha...Wala ako sa Davao ngayon andito ako sa Manila...saan k jan sa Davao?

    ReplyDelete
  6. huo eh ilongga gid ko ya~~haha~~ah kala ko andito ka~~somewhere in Matina hehee,kaw taga san ka dito?

    ReplyDelete
  7. Ay usapang aratiles ba ito o usapang davao?! lolz... yup yup! lahat naman atang bata eh may experience sa puno ng aratiles... hehehehehhehe... go davaenyos padayon sa pag-uswag...lolz

    ReplyDelete
  8. viva~padayon jud sa pag uswag lols~~~hapit nako matype panguwag bwahaha jokes lng~~

    ReplyDelete
  9. di ko nagustuhan ang lasa ng aratiles..kaya sa pic na lang ako magcocomment ang ganda kasi ng kuha..^_^

    ReplyDelete
  10. @ unni: Viva Davaoenios, padayon sa panguwag bwahahaha...nice one! Napatawa mko hehehe...

    ReplyDelete
  11. Ay grabe parekoy. Peyborit rin namin yan noong kami ay mga kids pa lang. As in inuubos namin yung bunga ng aratiles na makita namen. Tumutubo lang kasi kung saan saan yung puno na ito eh.

    Sabi ng parents ko eh pagkain daw ng ibon yun. So, parang inaagawan pa namin ng pagkain yung mga birds.

    Ang paborito ko ay yung mapulang mapula dahil yun ang matamis.

    ReplyDelete
  12. @Jag:
    haha, uu may nutrional value naman kahit papaano ang aratiles/masanitas. Dito din sa amin, madalas akong makakita ng mga bunga ng aratiles na may tuka ng ibon or kagat ng paniki.

    @Unni:
    Aratiles ang topic natin dito, hindi yung age ko haha XD

    At tama bang gawin nyong chatroom tong comment box ko haha. Its really nice to know na marami akong blogger friends down south ^_^

    ReplyDelete
  13. @Xprosaic:
    yeah, aratiles!!! haha, natuwa lang sila pareng Jag at Unni kaya biglang naging chatroom tong comment box ko haha XD

    @Superjaid:
    Bakit ayaw mo ng aratiles? ang cute nung pic anoh hehe.

    @Ishmael:
    Pagkain din naman ng tao ang aratiles haha... nga lang, mas nakikinabang ang mga ibon at paniki haha.

    ReplyDelete
  14. Nyahaha
    Pagkain ko Ito noong bata na ako
    Hehe

    ReplyDelete
  15. Mansanitas!

    'Di ko akalaing may maliit na bersyon pala ang kauri kong mansanas.

    Hindi pa ako nakakita ng aratiles, at malamang 'di ko alam kung anong lasa nito. :(

    ReplyDelete
  16. @Raft3r:
    Nyahaha, same here parekoy XD

    @fumbledapple:
    Aww cute ng name mo hehe. Naku, kahit saang parte ng Pilipinas may tumutubong aratiles. Tingin-tingin ka lang sa paligid mo jan and Im sure meron kang makikita. Matamis yung hinog na bunga nyan. ^_^

    ReplyDelete
  17. sorry namen fiel naintriga lng kasi ako kay mr jag-uar taga san cya kasi dun sa workd na mansanitas eh bisayn word yun eh heheh...
    at kasi naman naintriga lng ako sa edad mo hahhaa....
    okok aratiles nga topic dito ano,,alatiles pag pronunce ko nyan nung bata pa ako haha,,dakilng bulol bow haha

    ReplyDelete
  18. aratiles daisuki ^_^

    napa-reminisce din tuloy ako hehe. mas gusto ko na ako yung kumukuha kasi wala ng thrill pag taga-kain na lang. natuwa naman ako sa post na itey ^o^

    ReplyDelete
  19. tanda ko pa eto ung dahilan ng away naming mga bata.. dahil lang sa bunga ng aratilis, nagpapatayan. haha! di ko na matandaan lasa nito, masrap ba? :D

    ReplyDelete
  20. wala na akong makitang puno ng aratilis dito sa amin. nakakamiss ang kabataan sa kwento mo.

    ang mga tshirt ang nilalagyan namin ng napitas o kaya naman minsan nilalagay sa baso tapos dudurugin with yelo. :p

    ReplyDelete
  21. @Unni:
    Haha, ako din nung una hindi ko alam yung tamang pronounciation ng aratiles. Minsan nagiging "alatires" or "alatiris" XD

    @Sikolet-chan:
    haha, masarap gawin yun both. kumakain ka habang nasa taas ng puno at namimitas :)

    @Benh:
    Haha, dito din sa amin dati. Parang big deal sa mga bata ang maliliit ng bunga ng aratiles. Hmm, masarap yung maniba lang... hindi gaano matamis.

    @khantotantra:
    Naku baka po maraming illegal loggers jan sa lugar nyo haha XD Nagawa na rin ng kapatid ko yan dati... parang ginawa nyang fruit shake yung aratiles ^^

    ReplyDelete
  22. gaya ng sinabi ni Jag..dito sa amin ay mansanitas din ang tawag..mahilig din kami ng ganyan noon kumain..kaming mga kabataan..

    ReplyDelete
  23. Yun pala yung aratiles... ganun pala spelling nun. hahahaha! :)) Anyway, oo nga, sabi nila, masarap daw yan, as in hindi ka na aalis ng punong yan sa sobrang sarap. Ako, may tanong,... Wala bang aratiles jam? Kasi may coco jam, may strawberry jam, may grapes jam.... eh aratiles jam, wala??? LOL! :))

    ReplyDelete
  24. @Ayu-chan:
    Yeah, ginawa din namin yung improvised toy gun na babalahan mo ng green aratiles haha... ang saya nun!

    @Arvin:
    Naku, halos lahat pala tayo dito ay may experience sa aratiles XD

    @Sasarai:
    Aratiles Jam? Puwede! why not diba? naku, magiging patok na negosyo yan... ang dali pa naman tumubo ng aratiles dito sa atin. You gave me a very interesting idea.. "Fiel-kun's Aratiles Jam" woot? XD

    ReplyDelete
  25. hindi ko alam kung pareho pero ang tawag namin sa ganyan ay "sirisa." hehe. ang sarap nun... parehas ata yan eh.

    ReplyDelete
  26. favorite ng mga kids yan kasi laging mababa lang ang bunga nya

    ReplyDelete
  27. Tama, nung kabataan ko rin, 'yan din ang madalas naming kainin. Nakakamiss nga lang ngayon at wala na kaming puno nito.

    ReplyDelete
  28. dami ko ring mga memories dyan sa aratiles na yan.....enjoy lang akong pumitas at akyat ng puno pero pinapakain ko sa iba kasi di ko gusto ang lasa...hahaha

    ReplyDelete
  29. @mr.nightcrawler:
    Sirisa? ngayon ko lang narinig yan ah parekoy.

    @The Philippine Guild:
    yep, depende din sa puno. Minsan kasi, may mataas na aratiles kaya ang hirap manguha ng bunga.

    @Captain Runner:
    Yeah, itong aratiles really brings back a lot of childhood memories. Naku, baka maraming illegal loggers jan sa lugar nyo? hehe XD

    @Pusang Kalye:
    Ngek, masarap yung bunga nyan parekoy hehe... yung maniba lang ^^

    ReplyDelete
  30. i remember my childhood... cant forget its taste. haaayyy... bakit ngayon wala na ko makita niyan dito samin?? penge naman!

    ReplyDelete
  31. @gesmunds:
    Maraming salamat po sa pagbisita at sa kumento. Naku, dito sa amin, ang daming puno nyan. Kahit saang parte ng baranggay may tumutubong puno nyan dito hehe ^^

    ReplyDelete
  32. HAHAHAHAHA! Nice nice! :)) Pag nagkaganun at sumikat yung produkto mo ha, yung KICKBACK ko! :)) O kaya commission ko! :)

    ReplyDelete

 
TOP