Loading...
Tuesday, October 22, 2013

Birthday wishlist + random anik anik


It’s exactly 23 days na lang pala ang bibilangin at madaragdagan na naman ng isang taon ang aking edad. Dahil jan hindi naman siguro masama kung medyo aagahan ko ng konti ang pagpopost ng aking birthday wishlist.  Who knows baka may matupad kahit isa dyan diba? Kung wala naman eh, see you next year na lungs!

Mababaw lang naman ang kaligayahan ko kaya heto na ang aking wishlist J
- Book ( Inspirational, novel, any genre pwede. Choosey pa ba ako? Lol )
- Traditional greeting cards or postcards
- Fansign

That’s it pansit, napaka simple lng diba?
#ProudScorpio

------

Sobra din pa lang nakaka drain ng brain cells ang sunod-sunod na pagpopost ko ng mga short stories dito.  Kaya chillax mode lang muna ako ngayon.  Siguro, huli na muna yung entry na sinubmit ko for SBA 2013 para sa taong ito.  Next year na ulit ako magsusulat ng mga maikling kwento.  Kailangan ko lang mag-recharge ng aking mga brain cells. 

Goodluck rin pala sa lahat ng mga fellow bloggers ko na nagsubmit ng kanilang entries for SBA 2013!

Nakakalungkot rin ang mga sunod-sunod na di kanais-nais na pangyayaring naganap sa ating bayang magiliw these past few months.  Yung giyera sa Zamboanga, baha at bagyo sa Luzon at itong pinakahuli nga is yung mapaminsalang lindol na yumanig sa Bohol, Cebu at Central Visayas.  Siguro kinakalabit lang tayo ng Panginoon dahil medyo nakakalimot na tayo sa kanya.  Kaya sana ay higpitan pa natin ang kapit sa Kanya at patuloy na manalangin para sa sama-samang pagbangon ng ating mga kababayang nasalanta. #PrayForBohol #PrayForCebu #PrayForVisayas

Undas (Halloween sa mga susyal) na pala next week at sobrang lapit na rin ng Pasko.  Medyo chilly na rin ang mornings natin, napansin nyo ba?  Ang aga ng state visit ni Amihan this year lol

May kabagalan rin yung new interface ng yahoo mail ngayon.

For those of you (lalo na po yung mga new visitors ng blog ko) who are using Google+, sana paki-iwan din po yung link ng blog nyo when you post a comment on my post.  Nababagalan kase ako sa Google+ na yans.  Thanks!

Nakakaramdam na naman ako ng slight tampo.  Basta lol… argh I hate this feeling!



----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nag-bigay ng panahon sa aking previous entry titled [ Final Chapter ] Love, Time and Space.  Shout out goes to the following:

Joy, Marichu Bajado, Rix, Ric LifeNCanvas, Lalah, glentot, Bino, yccos, ZaiZai, Balut, jonathan, Wrey Swift, Lady_Myx, KULAPITOT, Jhanz A., Nicole See, Superjaid, Mar Unplog, ignored_genius, Gracie, CheeNee, Silent Readers


Salamat rin po sa lahat ng bumisita at nag-iwan ng kanilang bakas sa aking SBA 2013 entry titled Sa Likod ng mga Ulap.  Shout out goes to the following:

Bino, Joy, Ric, jonathan, Rix, Nicole Estenote, Mharliz, limarx214, Axl Powerhouse Production Inc., SunnyToast, Jomar Garcia, Ms. Leeh, Balut, Wrey Swift, Jhanz A., KULAPITOT, Silent Readers

29 comments:

  1. bakit ako kasama dito? haha. salamat din.
    nakatutuwa na marami pa rin ang sumuporta sa SBA, nung una akala ko kakaunti lang ang nais na lumahok pero nung palapit na nang palapit ang deadline saka dumagsa ang mga entry malamang medyo nangarag si sir bernard at siguradong mahihirapan na naman ang mga judges nito.

    happy birthday sa'yo sir fiel kun and God bless too. sana matupad ang mga simpleng hiling mo :)

    ReplyDelete
  2. kunyari ako si silent readers hehe.. uy maganda yung "Sa Likod ng mga Ulap" goodluck sa entry mo ^_^

    ReplyDelete
  3. i would try the fansign for yah! :D

    ReplyDelete
  4. Sunog na ba lahat ng brain cells mo? Haha

    ReplyDelete
  5. Fansign lang pala eh! :D
    Abangan mo :D PM ko sayo! XD KEKEKEE!
    Advance happy birthday! :D

    ReplyDelete
  6. Sige pm mo address mo sa akin via teacherjo@gmail.com. Advance happy birthday and God bless!

    ReplyDelete
  7. Send mo address mo sa akin fiel-kun da fb:) Hope I can send you a greeting:) you really deserved all the greetings you can get:)
    Anyway, kalungkot nga ang mga nangyayari sa pinas. Hope bad things bring people more closer to God

    ReplyDelete
  8. ayan, at dahil jan, isang malaking pusa hug! ilang taon ka na? itaya natin sa lotto...hahahaha.... happy burpdey /fi-yel~/ :D

    ReplyDelete
  9. ahaha bati na lang kami mi tony sa chatroom natin lolz... try namin na mas maging makulet na pagbati ganyan ahahaha.....

    ReplyDelete
  10. Advance Fiel...
    Advance Happy Halloween
    at Merry Christmas... at syempre Advance Happy Birthday!
    Kalungkot nga mga pangyayari sa ngayon... but we're hoping na muling babangon ang bayan!






    ReplyDelete
  11. Wee. Kuya padadalhan kit ng postcard, hinge details. :DDDD And Fan sign na din. :DDD Dumadami na ang matatanda. LOL.

    Tama, ika nga, God gives problems to his strongest soldiers, kaya lang natin to. :D

    Hindi ko nabibisita mga mall dito, pero for sure, daming gimik nanaman. Exciting. :))

    cheenish.blogspot.com xxxxxx

    ReplyDelete
  12. fan sign it is. wait for ti :)

    ReplyDelete
  13. Replies
    1. apat na beses na ako dumalaw dito kasi di nag popost ung previous comments ko.. hehehe

      Delete
  14. wow... lapit na pala.... greet na kita in advance.... Happy Happy Birthday ^^ enjoy enjoy lang....

    di ko pa nabasa entry mo sa SBA.... pero Goodluck ^^

    ReplyDelete
  15. advance happy birthday sa iyo....keep blogging.................

    ReplyDelete
  16. Fieeeeeeeeeeel! salamat ng marami sa pag-bisita sa blog ko kahit na napakatamad kong magpost ngayon hahaha ^___^ salamat ng marami ~ Ü
    I just wish you live just blocks away from my place!
    I have a book here kasi tapos ko ng basahin yun, inspirational :)))

    at anong fansign ba ang gusto mo? HAHAHA :)))

    advance happy birthday~ :)))

    ReplyDelete
  17. Huwaw! Sana hindi pa huli ang lahat. Happy Birthday sayo! :)

    ReplyDelete
  18. Dropping by again to tell you that I sent you a birthday card. Hope makarating sa yo:)

    ReplyDelete
  19. naku mukhang di na ata ako umabot sa pic greet na fansign ha,,,, anyway hapi bday ulit sayo paps!!

    ReplyDelete
  20. Happy Birthday sa iyo...enjoy your special day!

    ReplyDelete
  21. Super advance happy birthday Fiel! Sana matupad lahat ng nasa wish list mo!
    Sa November 15 ba yun? hehe! ^◡^

    Fashionmoto Blog
    Bloglovin
    Facebook
    Fashiolista
    Google+
    Instagram
    LookBook
    Pinterest
    Tumblr
    Twitter

    ReplyDelete

 
TOP