Loading...
Sunday, November 3, 2013

Nagbago ka na...


Nagbago ka na... ikaw pa ba yan? Tila hindi na ikaw ang dating kaibigang nakilala.  Sa bagay, may kanya kanya naman tayong buhay at pinagkakaabalahang mga bagay sa ngayon.  Ngunit hindi sapat na dahilan iyon upang ikaw ay makalimot.

Masaya naman ang naging simula ng ating pagkakaibigan.  Hindi ko inakalang, isang araw ay bigla ka na lamang magbabago.  Bakit? Hindi ko rin alam ang iyong mga dahilan. Sinabi mong ikaw ay abala at marami lang alalahanin.  Pero ano ito?  Kapag sa iba ay may panahon ka.  Kapag sa akin ay wala.  Nakakasama lang ng loob.  Nakakapagtampo.

Napagisip isip ko rin na tama na siguro ang ganito.  Mahirap din namang ipagpilitan ko ang aking sarili sa taong ayaw naman sa akin.  Isa pa napapansin ko rin na parang ang hirap pasukin ng mundo mo at ng iba pang mga nakakasalamuha mo.  Naisip ko tuloy na mukhang kuntento at masaya ka na talaga sa bago mong mundo.  Kaya ako na lang ang lalayo.  Mahirap rin kasi yung umaasa ka sa wala.  Alam mo yung pakiramdam na ikaw lang palagi ang nagbibigay ng effort at di man lang ito pinapahalagahan.  Masakit.

Kaya wala ka na rin dapat na i-expect mula sa akin dahil ikaw naman ang unang nagbago, hindi ako.  Kung ano ang ipinapakita mo, yun ang ibabalik ko sa'yo.




----- Pasasalamat -----

Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng bumisita at nag-bigay ng panahon sa aking previous entry titled Birthday wishlist + random anik anik  Shout out goes to the following:

limarx214, Eagleman, khantotantra, khantotantra, xian, jonathan, Joy, yccos, CheeNee, Rix, Ric, Nicole Estenote, Bino, Chstr, Overthinker Palaboy, Jei Son, Jon Dmur, Arvin U. de la Peña, krykie, Jewel Clicks, Axl Powerhouse Production Inc., Cutella, Wrey Swift

31 comments:

  1. nyahaha... may lalim ito... hindi ko masukat pero alam ko kung ano ang bagay na yan dahil sa aking hinagap ay mukang pareho tayo ng sintimyento... ano't ano pa man pagusapan na lang natin yan sa chatroom natin sa FB ehehe...

    ReplyDelete
  2. woah! gaano kalalim na balon ang pinaghugutan mo nito PapaFiel? :O
    sayang naman yung friendship niyo kung pareho kayong magbabago, na magiging
    parang wala lang, or baka umiiwas siya kasi may ibang reason? kahit ano pa man yang pinagdadaanan mo PapaFiel, chillax ka lang at stay positive :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito pala yung sinasabi mong pinagdaraanan niya mare. Hehe.

      Delete
  3. Awwww! :( Yaan mo, di na ako busy. #feelingero! haha

    Try mo sya kausapin pusa. Baka magawan ng paraan. Sayang naman, maybe miscommunication lang or the like.

    ReplyDelete
  4. Parang gusto ko ring sabihin yan pero hindi na lang so makikiangkas na lang ako sa sentimiento mo. They come and go so kung magbalik man siya, eh di tanggapin. Pero kung tuluyan na talagang mawawala, let it go! I have to do what I preach :)

    ReplyDelete
  5. Pwedeng pa kopya neto? I po post ko rin... ganito din kasi nararamdaman ko hahaha

    ReplyDelete
  6. Ang lalim naman, life is like that. Up and down, but be prepared; God has someone better for you:)

    ReplyDelete
  7. ramdam na ramdam ko to. kaya nga sabi ko, bakit ka magtitiyaga sa tao'ng laging busy sa iyo pero always available naman sa ibang tao

    ReplyDelete
  8. Maybe, just maybe, your friend has a deeper reason and if not, screw him!

    ReplyDelete
  9. Zion is right. He or she has deeper reason... Don't be affected by one or two person. Don't let them dictate your 'happiness'..

    Just dropping by. Hindi ko ma-access ang blogger account. Something is wrong again.. Anyway, so be it.... Hayaan na lang muna :)

    ReplyDelete
  10. May pinaghuhugutan si parekoy. Hmmm mahirap talaga habulin ang mga taong nagpapahabol kaya kung pagod ka na sa kahahabol, just stay where you are and stay who you are...kung tunay siyang kaibigan babalik at babalik siya sa'yo but if not well it's his loss not yours. I think naging mabuti ka namang kaibigan sa kanya that way we knew a good buddy here in blogosphere for the longest time around. Kaya cheer up! Pero tama si Pao Kun, try 'nyo na munang mag-usap baka lang may miscommunication kayo.

    ReplyDelete
  11. May mga post na fiction na halaw sa imahinasyong likha ng malikot na isip, non-fiction na mula naman sa personal experience ng sumulat o ng ibang tao; ang post na ito nararamdaman naming non-fiction.

    Whatever it is, just go with the flow. 'Wag paapekto.
    Hayaan na lang, it's either hindi mo siya deserve or umayaw na lang siya for some reason/s.

    Mahirap kausapin ang hindi nakikinig, mahirap magreach out kung ayaw iabot ang kamay, mahirap paliwanagan ang sarado ang isip.

    Cheer up! Life's short, enjoy it.

    ReplyDelete
  12. pusaaaaaaaaa! ang lalim ng hugot..... :( akala natin sila lang nagbago, pero kung tutuusin, pati rin naman tayo sa sarili natin may nag iba...

    ReplyDelete
  13. ramdam na ramdam kita sa mga bagay na ito, madami na rin ang dumaan sa buhay ng isang tao, di mo alam kung bakit, kahit anung isip ang gawin mo.. parang blanko parin hindi ba?

    Pero sabi nga nila magbago man ang nasa paligid mo basta ikaw ganun pa rin. simple at maging mabait..kaya enjoy lang ang buhay..

    ReplyDelete
  14. sad naman ang peg mo?
    ramdam na ramdam ko ang mga dramang yan nung college.

    ReplyDelete
  15. Story of my life. Haha! Well ganoon lang talaga minsan e. Ang mahalaga lang siguro you never close your doors to anyone. Ganoon lang. Maging masaya ka sana fiel kun :D

    ReplyDelete
  16. *huggies* youve been a good friend. Sapat na yun.

    ReplyDelete
  17. hindi ako nagbago ha ako pa rin to !

    anong drama to fiel?

    paki explain!

    ilabyu

    ReplyDelete
  18. nakaka relate ako dito. may isang akong besfriend since high school. well alam ko naman na may kanya kanya kaming buhay. pero alam mo yun? ang hirap tangggapin na bigla na lang xang nakalimot. all this time naging mabuti naman akong kaibigan pero suddenly nagbago xa. -- hehe sorry ang drama ko fiel. yun ngayon tanggap ko na. nanlamig na din ako sa kanya. parang nawala yung concern ko as bestfrend sa kanya since i feel the same way for her. i dont know. ganun talga yun no. may bagay at taong mabilis makalimot ~ di marong mag bigay importansya sa taong nag mamalasakit at nagmamahal sa kanila. . hind naman maganda ang magbilang na naitulong at nagawa mong tulong sa kanya. cguro marerealized nila yun in time.

    ReplyDelete
  19. Hayyyy nakakalungkot naman nyan. Tsk. Hayaan mo na siya kuya, madami ka pa namang ibang friends :)) xx

    ReplyDelete
  20. Aw. I feel you. Naka-relate ako. Ganito rin yung naramdaman ko noong mga nakaraang buwan. Yung bestfriend ko... the same sentiments goes. Alam mo yun? You are making efforts to reach her yet she wasn't returning the favor. Masakit yun. Indeed. Dumating sa point na nagpaparinig ako sa kaniya sa text. May mga group messages ako sa circle of friends namin na siya ang pinatutungkulan. Hanggang umabot sa diniretsa ko na siya. That I'm giving up. Na ayaw ko nang maging kaibigan niya kasi nakakapagoid maging bahagi ng busy world kuno niya. Tapos, the following day, my birthday, she greeted me. Nasundan ng mga series of text explaining her side.

    Why am I saying these bunch of stuffs?
    The things is, Fiel, kahit paano naging bahagi pa rin siya ng buhay mo. Ano man ang naging sanhi ng biglang panlalamig ng komunikasyon niyo bilang magkaibigan, siguro marapat lang ng magkaroon kayo ng "talk". Malay mo, yun lang ang kailangan niyo, ang makapag-usap kayo kung ano ba ang naging sanhi ng pagbabago.

    Friendly advise lang Fiel. Nasa iyo pa rin ang huling halakhak.
    BTW, isisingit ko na rito, ISANG MALIGAYANG BATI SA IYO SA DARATING MONG KAARAWAN. Wui, ikaw Fiel ah, kapag tinatanong yung age mo bigla kang naglalaho na parang bula. Hahaha.

    God bless my dear blogger friend.
    May you have peace and prosperity this coming 2014.
    Aja!

    Haba na ng comment ko. Babush!

    ReplyDelete
  21. Aw. I feel you. Naka-relate ako. Ganito rin yung naramdaman ko noong mga nakaraang buwan. Yung bestfriend ko... the same sentiments goes. Alam mo yun? You are making efforts to reach her yet she wasn't returning the favor. Masakit yun. Indeed. Dumating sa point na nagpaparinig ako sa kaniya sa text. May mga group messages ako sa circle of friends namin na siya ang pinatutungkulan. Hanggang umabot sa diniretsa ko na siya. That I'm giving up. Na ayaw ko nang maging kaibigan niya kasi nakakapagoid maging bahagi ng busy world kuno niya. Tapos, the following day, my birthday, she greeted me. Nasundan ng mga series of text explaining her side.

    Why am I saying these bunch of stuffs?
    The things is, Fiel, kahit paano naging bahagi pa rin siya ng buhay mo. Ano man ang naging sanhi ng biglang panlalamig ng komunikasyon niyo bilang magkaibigan, siguro marapat lang ng magkaroon kayo ng "talk". Malay mo, yun lang ang kailangan niyo, ang makapag-usap kayo kung ano ba ang naging sanhi ng pagbabago.

    Friendly advise lang Fiel. Nasa iyo pa rin ang huling halakhak.
    BTW, isisingit ko na rito, ISANG MALIGAYANG BATI SA IYO SA DARATING MONG KAARAWAN. Wui, ikaw Fiel ah, kapag tinatanong yung age mo bigla kang naglalaho na parang bula. Hahaha.

    God bless my dear blogger friend.
    May you have peace and prosperity this coming 2014.
    Aja!

    Haba na ng comment ko. Babush!

    ReplyDelete
  22. Ang friends parang lovelife yan. Nakakapagtaka pero nagbabago din ang taste ng iba samantalang friends lang naman kayo at di kayo partner. Naghahanap sila ng iba na mas masaya kasama. Kaya when friends tend to communicate less to you, nakakalungkot at nakakatampo diba. And worst is, pag nakakasalubong mo -- pigil pa ang ngiti nila. Akala mo naman may kasalanan ka.

    ReplyDelete
  23. mukhang may pinaghugutan.... sabagay minsan may ganyan talaga... magugulat ka na lang may nagbago na.... may biglang mawawala....

    ReplyDelete
  24. ramdam ko ang post mo parekoy! nakakarelate ako !

    ReplyDelete
  25. malalim ang pinaghugutan :-(
    minsan di natin maiwasang magbago ang isang tao. tapos tayo naman di makapag move on. hinahanap natin yong nakasanayan nating "sya".

    ReplyDelete
  26. Ramdam kita. Nakakainis at nakakafrustrate at nakakalungkot ang ganitong posisyon. :(
    Hay. Malalagpasan mo din ang ganyang feeling! Aja!

    ReplyDelete
  27. Makakarelate naman siguro lahat sa post na ito. Lahat naman tayo may mga kaibigan na nawawala. Pero ang maganda jan, pag may nawawala, may dumadating. :)

    ReplyDelete

 
TOP