Loading...
Friday, January 1, 2010

goodbye 2009, HELLO 2010!

Woohoo! Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ay winelcome natin ang taong 2009. Ngayon ay nagpaalam na tayo sa kanya at naghe-hello naman sa panibagong taong 2010! Marami ang nangyari sa ating bansa noong 2009 - financial crisis, mga sikat na personalidad na namaalam, mga iskandalo at mga kalamidad. Ngunit di nagpatinag ang mga Pinoy sa mga pagsubok na ito bagkus ay hinarap natin ng buong tapang ang mga hamon na ito ng buhay - Fighter tayo eh ^_^ I am praying to the Lord almighty na sana ay maging masagana ang buong taon na ito para sa ating lahat.

Sa aking mga mga parekoy at mare dito sa mundo ng blogoshere,
I am wishing you all a Happy New Year! Inuman na!





Mga firecrackers na pinaputok ko kagabi ^^

All in all, naging masaya at maluwalhati naman ang pagsalubong ng aking buong pamilya sa taong 2010 last night. Syempre hindi mawawala ang chibugan at ang nakaugalian na ng mga pinoy na mga "paputok". Nagulat nga kami kahapon, dahil naglilibot yung mobile car ng Barangay at naga-announce tungkol sa pagiingat sa pagpapaputok at pagbabawal sa pagsusunong ng tire ng sasakyan sa kalye. Di ko tuloy maiwasang isipin na may bahid pulitika ang ginagawa nila (May 2010 election ^^) or pwede din hindi (just my imagination lang siguro). Baka concern lang talaga siguro sa amin ang aming mahal na konsehal. Kase first time nilang ginawa yun ahaha.

Anyways, mga mahihinang klase lang naman ng paputok at mga pailaw ang nakaugalian nang gamitin ng aking pamilya tuwing sasapit ang bagong taon. Ako pa yung personal na namili nung mga firecrackers na nasa piktyur sa itaas kahapon ^^ Ayaw ko din kase nung mga firecrackers na tipong dumudurog ng eardrums ng tao ahaha. Saka, delikado yung mga malalakas na paputok and isa pa, kailangan magtipid. Ayun, pagsapit ng 12 Midnight kagabi, parang naging warzone yung kahabaan ng kalye namin. Yung dalawang street ng isang subdivision na malapit dito sa amin ay nagpaligsahan pa sa pagandahan ng fireworks display kagabi. Talagang napa-"wow" na lang ako habang pinagmamasdan ang mga makukulay at bonggang-bonggang ilaw ng fireworks sa kalangitan kagabi ^^ Ayun pagkatapos ng putukan, ang itim ng loob ng ilong ko.

18 comments:

  1. happy new year!happy new year!hehehe

    ReplyDelete
  2. happy new year..mabilis nga lang ang panahon..di magtatagal ay mag new year na naman,hehe..

    ReplyDelete
  3. Naku hanggang tv na lang kami sa fireworks! bawal kasi dito... pero ayos lang zero casualty naman kami sa disgrasya sa paputok eh... jijijijiji...

    Happy new year parekoy!

    ReplyDelete
  4. From the Arabian Gulf, I'm wishing you a blessed New Year!!!

    ReplyDelete
  5. Naba-vibes ko maganda ang 2010 natin hehehe...naku nmn Fiel-kun ha bka aftr mong mgpaputok ibang putukan nmn ang gnawa mo nyahahaha lolz! Nadala n ako jan. Ayaw ko ng magpaputok o lumabas ng bahay pra magpaputok. Muntik n kc akong mabulag dati dahil jan...Ayoko n tlga hehehe...

    Ikampai n lng natin yan! Akemashite Omedetto Gozaimasu!

    ReplyDelete
  6. tol happy new year.. sana more happiness to come not pain.. hehehe

    see u around

    ReplyDelete
  7. booooooommmmm!!!!

    ka-blaaaaaaam!!!!

    (fireworks yan)

    happy new year!!!

    ReplyDelete
  8. @ayu-chan:
    ahaha, uu naman 10 pa rin ang fingers ko sa dalawang kamay pati sa paa 10 pa rin ^_^ yay! thanks sa awards and happy new year too!

    @jaid:
    wuy happy new year din :)

    @arvin:
    happy new year din sayo tol.. yeah, di natin namamalayan, 2011 na ^^

    @xprosaic:
    aww, uu nga pala taga Davao kayo. Bawala talaga jan ang paputok. Anyways, Happy New Year din sa iyo parekoy!

    ReplyDelete
  9. @the pope:
    Mula dito sa Pilipinas, Happy New Year din po sa inyong lahat jan sa Arabian Gulf ^_^

    @Jag-kun:
    Waah di noh ahaha. After kong magpaputok.... ng firecrackers, naghugas ako ng kamay para kumain ng foods ^^ kampai!!!

    @ice:
    happy new year din sayo tol :)

    @Fr. Felmar:
    Happy New Year din po sa inyo at sa lahat ng ating kaparian sa buong Pilipinas ^_^

    ReplyDelete
  10. happy new year kuya!
    korek!
    mapapa-wow ka talaga sa mga fireworks nung pagsalubong sa bagong taon...
    medyo mataas kasi ang bahay namin, kaya di na kami nag-abalang bumili ng paputok...
    libreng libre!
    yeeeee!
    good luck sa taong ito!

    :P

    ReplyDelete
  11. @gege:
    happy new year din sayo ^_^ sana ay maging prosperous ang taong 2010 para sa ating lahat!

    ReplyDelete
  12. Naku parekoy, ito lng ang masasabi ko...wag agad maghugas ng kamay matapos magpaputok pra hndi mapasma ang kamay nyahahaha lolz!

    Napadaan lng uli pre!

    ReplyDelete
  13. @Jag:
    ahaha, ganun ba yun? do you mean sa firecrackers mismo or yung isa pang pagpapaputok ang ibig mong sabihin? ahaha XD

    ReplyDelete
  14. parekoy, hanggang ngayon, di ko pa rin makita kung may bago sa blog mo o wala. bakit ganun? hay naku. anyway.. happy new year sayo :P

    ReplyDelete
  15. I love new years in the philippines, they are alive and exciting :D
    Happy new year to ya!

    ReplyDelete
  16. @mr.nightcrawler:
    wuy parekoy ako man ay nagtataka din kung baket ayaw lumabas sa blog mo yung mga recent updates ko... weird... btw, Happy New Year din sayo :)

    @Kibumie:
    happy new year to you too dear ^^

    ReplyDelete
  17. ei... happy new year sau... may u have a blessed new year... namiss koh ren ang pasko and new year sa pinas.. da best pa ren dyan... noon den nagpapaputok kme.. or kaya minsan nemen.. pag walang mga fireworks at pinag kakalabog lang namen yung mga kalan.. wehe.. namiss koh lang.. ingatz.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  18. @Dhianz:
    Happy New Year din sayo jan sa ibayong dagat ^_^

    @Ayu-chan:
    ahaha, naku ok lang yun. Nakakatuwa nga at dumadami ang online buddies ko specially mga anime/naruto fans :)

    ReplyDelete

 
TOP