Loading...
Sunday, January 10, 2010

21 Random things about me

I was inspired by Fr. Felmar's entry about some random stuffs about his self on his blog. Kaya, I also decided to post my very own ^_^

1. Apat kaming magkakapatid sa pamilya. Two boys, two girls. Pangalawa ako sa panganay. Dalawang babae na yung sumunod sa akin.

2. Asthmatic ako noong bata pa ako kaya madalas akong dinadala ng father ko sa Luneta, particularly dun sa may break waters sa Manila Bay. Ang paniwala kase nya, nakakagaling ng hika ang fresh sea breeze (noon yun, mga early 90's - nung hindi pa polluted ang Manila Bay lols) Awa ng Diyos, gumaling naman ako.

3. Hindi talaga ako magaling sa subject na Math. Greatest weakness ko na siya talaga kahit noon pa man. Hindi ko nga alam kung paano ako naging Fourth Honor nung Grade 6 eh lols.

4. Lahat ng pinasukan kong Schools ay laging malapit sa ilog. Banaba Elementary School - nakaharap siya sa Nangka River (boundary ng Marikina at San Mateo). Roosevelt College San Mateo - San Mateo river naman ang nasa likod ng school. PUP Sta. Mesa - Pasig river naman ang nasa likod nito.

5. Nakarating na rin ako sa Camp Tecson [First Scout Ranger Regimen] sa San Miguel, Bulacan as part of my ROTC training class nung college. Malawak at napaganda nung buong lugar. Medyo nakakaintimidate yung mga sundalo at scout rangers na nagte-training dito. Di ko din malilimutan ang sakit ng katawan na dinanas ko dito while doing some military excercises. First time ko din maexperience mag "Slide for life" dito. Todo kaba pa ako nung una dahil ang taas nung cliff sa gilid ng ilog. Pero nagawa ko naman. Success! Ang sarap sa pakiramdam.

6. May pagka-nerbyoso ako. Hindi lang halata. lol.

7. May pagka-OC ako. Gusto ko laging malinis sa katawan at sa paligid ko.

8. I love seafoods. Gustong-gusto ko ang shrimps. I also love fruits and veggies. Paborito ko ang pakwan at melon. Kumakain din ako ng kahit anong klaseng gulay - talbos ng kamote, amplaya, okra, kangkong etc. Di ko lang gaano trip ang lasa ng asparagus.

9. Hindi ako mahilig sa ma"Sauce" na mga pagkain. Paksiw na galunggong, pritong tuyo or itlog na maalat lang solve na ako.

10. Isa sa pinaka favorite kong classic tagalog movie ang "Kumander Bawang" ni Herbert Bautista. Sana may makaisip na gawan ng remake ang pelikulang ito.

11. I'm a hopeless romantic [period]

12. Gustong-gusto kong nakikinig sa original sound tracks ng mga pelikula at tv dramas, local man ito or foreign made.

13. Mahilig din akong magbasa ng libro. Si Bob Ong ang favorite pinoy author ko. Siguro, pareho kaming may tinatagong mga kalokohan sa buhay. Sa lahat ng librong kanyang isinulat, naging paborito ko ang "ABNKKBSNPLako?" at ang "Alamat ng Gubat".

14. I am also a huge Harry Potter fan. Nabasa ko na yung seven book series about "...the boy who lived" ni Ms. JK Rowling. Medyo nagkaproblema pa ako nung una dahil medyo malalalim na British English ang ginamit nya sa pagsusulat na hindi ko naman masyadong naiintindihan. Kaya kinailangan ko pang magdala lagi ng English Dictionary tuwing magbabasa ako nito. Malaki pala talaga ang differences ng American English sa British English.

15. I'm a huge Anime fan! Kulang siguro ang espasyo ng pahinang ito kung ililista ko lahat-lahat ang mga paborito at napanood ko nang mga animes sa tv at sa internet, mula noon at ngayon.

16. I am also a gamer at heart. Ang Final Fantasy series for the PS game console ang all time favorite game ko.

17. I love watching Korean, Japanese, and Taiwanese dramas.

18. Mahilig din akong makinig sa JPOP at KPOP. Kahit hindi ko gaano nauunawaan ang lingguwaheng ginagamit sa mga awiting ito, go go go pa din!

19. Hindi ko pa nararanasan ang malasing ng todo. I mean, yung tipong gumagapang ka na pauwi sa inyo. Umiinom ako pero laging in control lang. Hindi rin ako nagyoyosi.

20. Gustong-gusto kong subukan mag Taekwondo. Dream ko na talaga to simula pa nung bata pa ako. Feeling ko ang astig-astig sa pakiramdam habang suot mo yung white robe with matching black belt... at syempre, for self-defense reason na rin.

21. First time ko din maranasan ang isang grabe at malawakang pagbaha dito sa aming lugar noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Mabuti na lang at hanggang lagpas tuhod lang umabot ang tubig baha sa loob ng bahay namin. Sa ibang part ng Baranggay at ng bayan namin, lagpas tao yung tubig. Grabe talaga, total devastation ang nangyari. Nang humupa ang tubig baha, nalantad ang kalunos-lunos na sinapit ng aming lugar. Magulong-magulo. Parang may gera. Tambak ang putik at basura sa paligid. Marami ang nawalan ng tirahan. Pero laking pagpapasalamat pa rin namin kay Bro dahil hindi niya kami pinabayaan during those dark times. Then three months later, fully recovered na rin ang lugar namin ngayon.

31 comments:

  1. salamat sa post na ito fiel-kun. mas nakikilala kita. hehe.

    kakatuwa ung kumander bawang -- kalaban ng mga aswang. takot na takot ako manood nyan noon.

    then lately sa fliptv napanood ko ulit. natawa na lang ako...

    sinama na pala sa link ko ang post na ito...

    ReplyDelete
  2. parang nag confess ka talaga dahil dito..sige try mo sumubok sa taekwondo baka sakali masama ka para sa asean games,hehe..joke..

    ReplyDelete
  3. sa number 12 ay naalala ko tuloy ang soundtrack ng manood ako ng pelikula noon ni nicolas cage sa sinehan..iyong awitin na how do i live..con air yata ang pamagat ng movie na iyon..bagay na bagay talaga ang soundtrack na iyon para sa movie..

    ReplyDelete
  4. You should definitely try taekwondo then, heehee.

    Kumander Bawang? lol, the title seems interesting. I'll wait for that movie to show in Cinema One or PBO. ^^

    (HP Rules, Ronald Weasley hawt! Wingardium Leviosa! >:D)

    Bob Ong's books are inspiring and also kewl too. Hahaha

    Anime is wicked man, lurve! ^^

    Wow, your a gamer too? Nice... hahaha

    Sa last part, gosh. I'm glad you're a-okay and safe after the Ondoy. It's so good that your place is back to normal as well. :3

    Thankies for sharing your 21 random things X3

    ReplyDelete
  5. @Fr. Felmar:
    Salamat po sa paginclude nitong link ng post ko sa blog nyo ^_^

    Kakatuwa kase yung Kumander Bawang. Hindi siya nakakasawang panoorin. Kakaaliw din yung mga bampirang kalaban ni Herbert. Sumasabog, paghinahagisan ng bawang lol.

    @Arvin:
    Gusto ko ngang mag-enroll sa isang Taekwondo training class eh... magkano kaya ang entrance fee?

    Whee, loved "How do I live" dati sikat na sikat tong song toh... mga around early 2000.

    ReplyDelete
  6. @Ayu-chan:
    Yayayay! galing naman! dami nating similarities ah ^_^

    san ka pala nagaaral ngayon?

    *hugs fellow Otaku* *megatacklehugs*

    @konta:
    There's an available Kumander Bawang movie in Youtube. You should try watching it ^_^ *hugs*

    ReplyDelete
  7. Parehas pala tayo ng school sa College. PCC pa ang tawag dito.

    Kami yung mga original na demonstrador nung panahon ni Marcos.

    Philippine College of Communism ang tawag ng tage UE at FEU noon.

    Aywan ko lang kung anong meaning ng PUP ngayon.

    ReplyDelete
  8. Salamat sa very candid post Fiel-kun.. I learned more about you. Hopeless romantic ka pala at OC.. hehehe... Very unusual sa lalaki ang very OC sa kalinisan..

    Naku kami rin mahilig sa anime, kasi asawa ko at anak ko mahilig dito kaya nahilig na rin ako.. Lalo na ang naruto at bleach.. hehee

    Salamat sa bisita at sa comment..

    Women
    Abbeymae
    mom

    ReplyDelete
  9. @kaspangarigan:
    Maraming salamat po sir sa pagbisita sa aking blog.

    Wow, it's good to know na nag-aral din po kayo sa PUP (my fellow PUPians)... ang meaning na po ng PUP ngayon ay "Polytechnic University of the Philippines".

    @Ate Kathy:
    Naging OC lang naman ako dahil natakot akong magka-allergy sa ilang bagay-bagay na madumi... ayaw ko nang maulit yung nangyari sakin dati saka medyo prone kase ako sa diarrhea eh lols.

    Yay big fan di ako ni Naruto ^__^
    Dattebayo!!!

    Salamat sa pagbisita ate :)

    ReplyDelete
  10. nerbiyoso din ako hindi lng din halata hahaha...napasaglit lng parekoy busy tlga ang bida eh...

    Teecee!

    ReplyDelete
  11. Hi Fiel-kun,

    Hey, i'm really sorry for gettin' here only now...

    I think your blog was really captivating... and this post 'bout your self was really interesting!!!:)I really enjoyed the read!!!:) Thanks for sharing!!!:)

    BTW, welcome to my li'l room of poetry.... and thank you for taking time visiting my page... your comments were highly appreciated... thanks and keep visiting!!!:)

    Good day!!!:)

    >Kelvin

    ReplyDelete
  12. @jag-kun:
    wuy parekoy! buti at napadaan ka kahit busy ang sched mu XD

    @Windowlad:
    you're welcome buddy! and thanks for visiting and commenting to my blog too. It was really appreciated :)

    @ayu-chan:
    yep, graduate na ko ng college.

    waaah! talagang dala lang naman ng pangangailangan yun kaya ako nag-cheat ahaha ^^ *palusot ba hehe*

    ReplyDelete
  13. well, I do love KOREAN MOVIE! :]
    ahmm... ung photo? ewan ko. dun un sa tapat ng star bucks. galing kameng CCP nun
    ja!

    ReplyDelete
  14. @ayu-chan:
    Ah I see... gomen ne~ baket ka naman asar sa kanya? XD

    @glenn-kun:
    ah, uu alam ko yung place na yun. I've been there once. ^_^

    ReplyDelete
  15. Naglalaro din po ba kayo ng Monster Hunter sa PS game?

    ReplyDelete
  16. asthmatic din ako, naalala ko pa pilit akong pinapakain ng butiki ng lolo ko dahil nakakagamot daw iyon. tsk

    ReplyDelete
  17. di mkatulog kya ngkaron ako ng bgong post hehe...

    uhmmm...gagawa din b ako ng random things bout me? uhmmm...

    may award k sken...

    ReplyDelete
  18. Fiel-kun salamat sa bisita ha... Appreciate your comments too... Andito na naman ako, bumibisita... Hope all si well with you there...

    Women

    Abbeymae

    Mom

    ReplyDelete
  19. @Sikat Ang Pinoy:
    Maraming Salamat po sa pagbisita sa aking blog ^_^

    Monster Hunter? di ka po siya nalalaro... akala ko, Monster Rancher hehe :)

    @Ayu-chan:
    hehehe ^_____^v

    @Douglas:
    Maraming salamat din parekoy sa pagbisita... aww butiki? napanood ko dati sa tv, di naman daw nakakagaling ng hika yun hehe :)

    @Jag-kun:
    Cge gawa ka rin tol ng random things about you...

    at maraming salamat sa cute na cute na Tiger Buddies Award hehe!!!

    @Ate Kathy:
    You are most welcome po ate... I also appreciate your visit and your comments. Keep in touch, okie? ^_^

    ReplyDelete
  20. A confession of my life, pwede dito.. hehehehe. galing atleast tunay tayo sa sarili.

    ReplyDelete
  21. tell me honestly though, sa loob loob mo? gusto mo bang malasing ng husto? I guess nakaka-curious ang bagay na yan. parang gusto natin masubukan yan at some point in our lives....to simply let go and lose yourself for a moment.....

    ReplyDelete
  22. sosyalin! :D hehehe

    may mga pagkakapareho din tayo kuya. lol hehehe
    yung number 1,2,3,6,7,8,14 hehe

    ReplyDelete
  23. fiel kun, 478 released! yahoo! dati ko pa nabasa un^^. hehe.I mean unang labas palang.><
    weak tlaga ni sasuke.grr.^^.

    ReplyDelete
  24. wow. ganda aa :D haha :))
    kpop fan din aco :D
    go. magtaekwondo ka. hahaha :D ingat lg :))

    ReplyDelete
  25. Ang pinaka obvious sa lahat ay ang number 15....


    Haha! :)


    Napansin ko nga sa buong blog mo...

    ReplyDelete
  26. @Tim:
    Wuy salamat ulet sa pagdalaw sa aking tambayan parekoy!

    @pusang-kalye:
    haha tama ka jan... gusto ko din ma-try kahit once lang na malasing talaga ako ng todo... ano kayang itsura ko non ahaha XD

    @Alex:
    Haha! apir! may pagkakapareho pala tayo XD

    @Glenn-kun:
    Haha yeah!!! Sasuke s*cks! di ko talaga siya gusto kahit noon pang mga bata sila. Kung pwede nga lang matalo siya ni Danzou sa laban nila eh ahaha XD

    @nicole:
    hiyee!!! salamat ulet sa pagbisita. whee, fellow kpop fan :) sa tingin mo, magkano kaya ang entrance fee sa taekwondo training?

    @Lionheart:
    Wuy parekoy!ahaha at talagang napansin mo yung number 15 XD

    ReplyDelete
  27. ayaw kong magsulat ng mga ganyan baka makikilala nyo lang ako hahahahha

    ReplyDelete
  28. fiel, look mo. me award ako sau. @ http://blaggista.blogspot.com

    ReplyDelete
  29. ka alma mater pala kita kuya!
    naks, natuwa naman ako dun!
    SINTANG paaralan...
    naks!
    salamat sa mga info, para mas makilala ka namin ng lubusan!
    yeeeeeeee!

    God bless!
    :P

    ReplyDelete
  30. @ice:
    wuy parekoy, baket naman? ayaw mo nun mas makikilala ka pa namin lalo... saka hindi mo naman kailangan ilagay ang lahat-lahat tungkol sayo eh XD

    @glenn-kun:
    wuy salamat sa Moon Award tol ^_^

    @Gege:
    waah! my fellow PUPians ^_^ kamusta na alma matter naten? matagal nakong di nakakavisit jan eh :)

    ReplyDelete
  31. Eto ang pinakacomment sa lahat ng ginawa naming comment sa history ng pagcocomment namin.

    1. buti sinabi mong apat kayo, hindi na kami nahirapan bilangin kung ilan ang 2 boys and 2 girls.

    2. Props sa erpat mo! at props kay God!

    3. sayang, siguro kung naging magaling ka sa math 3rd honor ka nung grade six.

    4. isip namin sinasadya mo yun.

    5.hindi pa kami nakapunta dun pero nakakaintimidate talaga ang mga sundalo. pero "cute" din sila dahil parang mga boyscout sila na may baril.

    6. hindi nga din namin nahalata.

    7. OC din kami sa kalinisan... pero once a month lang.

    8. ang takaw mo.

    9. "Sauce" (sosyal) na pagkain na ang galunggong dahil sa taas ng presyo nito ngayon.

    10. Sana si Herbert parin ang artista sa remake.

    11. Tinuldikan mo na kaya no comment.

    12. Kami din. Tulad ng Voltes V at Teenage Mutant Ninja Turtles The Movie Part Two (the revenge of Shredder)

    13.Props kay Bob Ong.

    14. Nabasa din namin ang 7 books. Parang "Pringles" kasi sha.. once you pop, you can't stop.

    15. Hindi kami masyado mahilig jan, La Blue Girl lang ang nakikita namin sa Greenhills madalas.

    16. Ang salitang "Chokobo" lang ang tumatak sa utak namin tungkol sa Final Fantasy, matagal na yun. as in years.

    17. Sabi nga nila, kanya kanyang trip lang yan.

    18. pag dito sa Pilipinas nauso yan tatawagin ba ng ibang bansa na PPOP yun? magiging PPOPers ba ang tawag satin?

    19. Ayus lang yan, MINSAN hindi totoo ang "try EVERYTHING at least once" kung SIGURADO na makakasama naman.

    20. Gusto din namin bumili nung "Gi" (karate uniform) o ng "Dobak" (Taekwondo uniform) tapos maglakadlakad lang sa mall.

    21. Marami kang kasama jan sa random fact na yan. Random fact about us din yan at sana hindi na maulit yung random fact na yun sa sa future. "Gago ka talaga Ondoy!"

    Gagawin naming post ito sa site sana ok lang sayo.. Salamat .. minsan lang kami makakita ng site na masarap commentan.

    hanggang sa sunod sa daan namin.

    ReplyDelete

 
TOP