Loading...
Saturday, May 9, 2015

Dakila ka, Inay

Ako'y pauwi na mula sa mag-hapong pagbabanat ng buto
At ako ay malugod mong sasalubungin
Ng may naguumapaw na ngiti sa iyong mga labi.

Paumanhin kung pinaghintay man kita ng matagal
Alam ko'ng ako'y labis mong kinasabikan.

Ang maamo mong mukha, tulad ng sa isang anghel
Ay isang makinang na kayamanan
Dito sa dakilang mundo ni Inay.

Ako'y iyong yayakapin at tatanungin
"Inay, pagod po kayo?"
"Hihilutin ko po ang inyong balikat"
Gamit ang iyong mga mumunting kamay
Gagawin mo ang lahat upang ako'y maginhawaan.

Para sa'yo ang aking mga pagsisikap
Dahil sa'yo hindi ako sumusuko
Kaya naman gagawin ni Inay ang lahat
Titiisin ang lahat ng hirap para ikaw ay itaguyod.

Handang itaya ni Inay kahit ang kanyang sariling buhay
Mapangalagaan at maprotektahan ka lang
Ganyan kadakila ang pagmamahal ko para sa'yo.


@ ------------------------------ @
Happy Mother's Day sa lahat ng butihing Ina!

20 comments:

  1. Salamat Fiel-kun! I believe you are a very good son!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po Mommy Joy :)
      and Happy Mother's Day po sa inyo ^^

      Delete
  2. Lucky for both you and your mom. Happy Mothers' Day to your loving mother!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sir Jo :)
      Happy Mom's Day din po para sa inyong butihing Ina, kasama ng mga anghel sa langit!

      Delete
  3. Sweet, kung nanay ako, super iyak ako after reading this :)

    Happy Mother's Day sa iyong Mama :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks much Zai hihi XD
      and belated Happy Mom's Day din sa iyong dearest ina :)

      P.s
      Just read your recent post, naaliw ako sa mga kwento mo when you were still a kid ^^

      Delete
  4. Good afternoon!

    I am Lawrence from Boom Collective. We are a digital advertising agency that spans Australia, New Zealand and the Asia Pacific.

    Currently, we have a product named Boom Tick that makes use of video ads for CAPTCHA. We're very excited about this because it gives you a chance to earn money for your blog if you place it in your Contact Us page or forms in your website.

    Installing this tool is easy and free of charge. To learn more about Boom Tick, you may watch this video: https://www.youtube.com/watch?v=uc-A9g_BUC0

    To view live placements for Boom Tick, you may check the following links as well:
    http://www.aggylow.com/p/contact.html
    http://www.sarawakcrocs.com/contact-us/
    http://www.lawrencefernandez.com/p/contact-us.html

    I hope that you can be our partner with this new product. Looking forward to your response. Feel free to ask me whatever questions you may have regarding it.

    Thank you.

    Lawrence Andrew Fernandez
    lawrence@boomcollective.net

    ReplyDelete
  5. super duper belated happy mothers day sa mudraks mo fiel.

    amsareeeee, di ako nakakadalaw, bihira na sa blogworld, fb world, twitter at IG na lungs tinatambayan ko minsan e.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, same din kay mama mo sir Khants XD

      ayus lungs, di talaga maiiwasan minsan na dapuan tayo ng super duper sabaw mode sa blogging. at least, nakakapag update ka pa rin every once in a while :)

      Delete
  6. belated Happy Mother's day sa yong ina parekoy...
    wala talagang papantay sa pagmamahal ng mga nanay ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. same din kay mama mo parekoy :)
      and added you up on my blog roll ^^

      Delete
  7. ito pa pala ang personal site ko parekoy
    http://bluedreamer27.com

    ReplyDelete
  8. Maganda ang iyong tula. :-) Good gift para sa iyong ina. Happy Mother's Day sa Nanay mo.

    Mabuhay ang lahat ng mga ina!

    ReplyDelete
  9. aw! Happy mother's day sa iyong ina Fiel. and to all mothers out there. :)

    ReplyDelete

 
TOP