Loading...
Friday, May 1, 2015

Nais kitang makita...

Sa kabilang linya ng telepono 
Tila ba napakalapit ng iyong tinig
Ngunit bakit ngayong gabi labis ang aking pangungulila?

Kadalasan naman ay nagagawa ko pang tumawa
At sabihin sa aking sarili na ako'y ayos lang
Pero bakit ngayon, nais ng puso ika'y makasama.

Nais kong ikaw ay makapiling at hagkan ka ng mahigpit
Ngunit kaya ko pa namang tiisin at pigilin ang luha
Magtiyaga, hanggang sa araw na muli kitang makita.

Sa pagbaba ko ng telepono
Katahimikan at bigat ng damdamin ang tanging pinapasan
Paano ko ba ito malalampasan?

Gusto kong lumipad patungo sa iyo
Ngunit ito ay parang napaka imposible
Nasa magkabila tayong panig ng mundo.

Nais kitang makapiling, ako'y labis na nananabik sa'yo
Lagi kong pinagmamasdan ang iyong larawan
Upang aliwin ang sarili kahit panandalian lang.

Nais kong ikaw ay makapiling at hagkan ka ng mahigpit
Ngunit kaya ko pa namang tiisin at pigilin ang luha
Magtiyaga, hanggang sa araw na muli kitang makita.

8 comments:

  1. Ano ang pinaghugutan nito fiel? :)
    Ikwento na yan hehehe.

    ReplyDelete
  2. Ako ba ito, tara na, nandito ako sa Manila, lol! Kidding aside, sabi nga ni Cher Jep, what is the taking of this? Ha,ha,ha.

    ReplyDelete
  3. Inlababo si fiel!!!

    *hugs* cher jo!

    ReplyDelete
  4. In love Fiel? Hope magkita uli kayo...how about skype?
    Wishing you a wonderful love life:)

    ReplyDelete
  5. sinusuportahan ko ang love life mo ☺

    ReplyDelete
  6. Ahaha, kayo talaga. Basta pagdating sa usaping puso, ambibilis nyo XD Pero salamat po sa pagbisita at mga kumento nyo :)

    Huwag kayong mag-alala about sa status ng aking puso. About love? may takdang panahon para jan ^^

    Na-inspired lang akong gumawa ng ganitong akda at mejo madali kasi sakin magbuhos ng emosyon pag ganito ang tema.

    ReplyDelete
  7. wow super feels! at uhm mejo nakarelate! hihi. ^_^

    ReplyDelete

 
TOP