Loading...
Tuesday, December 18, 2012

Sagot sa tanong ng Prinsipe + SMP


This post is long overdue kaya humihingi ako ng paumanhin kay Pareng Arvin dahil ipinangako ko sa kanya na maglalaan ako ng oras at espasyo dito sa aking blog para sagutin ang kanyang post na may pamagat na 10 Tanong ng Prinsipe.  Actually kaya mejo natagalan tong post ko na ito ay dahil hinihintay kong dumating yung Postcard na pinadala mo Arvin para sana maisama ko sya dito, pero after halos isang buwan ng paghihintay ay hindi ko pa din sya natatanggap.  Sana talaga hindi sya naligaw T_T Pero still, umaasa pa rin akong darating sya sometime soon.  Okay without further ado, eto na ang aking mga kasagutan sa 10 Tanong ng Prinsipe.

1.  Gwapo ako. Anong unang pumasok sa isip mo? Yung Totoo. dyuk!
+ Okay since Pasko naman, pagbibigyan kita.  Pero next year ako na ulet ang mas gwapo *evil grin*

2. Pumikit ka tapos sabihin mo sakin kung ano yung unang bagay na nakita mo pagka dilat mo.
+ Yung commercial nila Jose at Wally ng Mang Inasal sa TV haha.

3. Kung bibigyan kita ng piso anong gagawin mo?
+ Ibibili ko ng bubble gum at ididikit ko sa buhok mo ^o^

4. Kung ikaw si dyalibi, bakit?
+ Kung ako si Dyalibi, kakantahan kita ng "I love you sabado, pati na rin linggo!"

5. Pano isolve ang math problem?
+ Sorry try again. Message internal error.

6. Gawin nating pet ang ipis papayag ka?
+ Oo ba basta ikaw ang mag-aalaga.  Ayaw na ayaw ko talaga ng ipis lalo na yung lumilipad tapos dadapo sayo >_< I mean okay lang na gumagapang gapang sya jan sa tabi, basta 'wag lang lilipad.

7. Sa tingin mo, anong meron ka na wala ako?
+ Yung pangalan ko :)

8.  Sa isang eroplano, nakasakay ka. Nandun din ako. Nagcrash eto. Napunta sa isang isla na walang tao at mahirap hanapin. Tayong dalawa lang ang nabuhay sa plane crash. Anong gagawin natin? 
+ Gagamitin ko ang kaalaman na aking natutunan about Survival 101 nung Boy Scouts days ko. Ikaw marunong ka bang gumawa ng apoy using two dried branches?

9. Anong paniniwala mo sa pag-ibig?
+ Ang pag-ibig ay napaka hiwaga.  Hindi mo ito kailangan hanapin dahil kusa mo na lang itong mararamdaman.  Naniniwala ako na bawat tao ay may nakalaan na soul mate.  Kung di pa sya dumarating ngayon, hintay hintay lang.  Wag mainip. Darating din yan.

10. Pasko na, bakit single ka parin? Awwwwooooo!
+ It's my choice, anu bang paki-alam mo? :P

--------
I would also like to thank Maria for this Super Mr. Popular Award.  Along with this award is a set of questions that I need to answer.  So here they are:

1. Your life is going to become a script for a movie. Whose local/foreign celebrity would you want to play you?
+ Sa local movie, gusto kong gumanap sa character ko si Coco Martin (minus the "S" deficiency) and sa foreign naman gusto ko namang gumanap sa akin si Ben Affleck.

2. You get to become a villain for a day from a Disney movie. Which villain are you?
+ Ay gusto kong maging si Scar ng Lion King or si Shan Yu ng Mulan.

3. Aside from family,  what's your greatest accomplishment in life?
+ Honestly speaking, wala pa talaga akong greatest accomplishment in life.  Meron siguro mga maliliit lang pero di ko na isusulat dito.

4. In your own views, what's the spirit of Christmas?
It is tenderness for the past, courage for the present, hope for the future. It is a fervent wish that every cup may overflow with blessings rich and eternal, and that every path may lead to peace.

Di na ako magta-tag ha.  Halos lahat na ng kilala kong active bloggers ay meron na rin ng ganito.  Maligayang Pasko sa inyong lahat!

19 comments:

  1. Ako rin hindi pa dumadating ang postcard ni Pareng Archie. Sobrang snail mail dito sa Pinas. Pareho tayo ng gustong villain, si Scar! Yung Lion King kasi ang naaalala kong napanuod kong Disney movie :D

    ReplyDelete
  2. @Anthony, uu nga eh. Feeling ko talaga na delay lang sya kasi Holiday season ngayon, baka super busy sila sa post office >_< konting paghihintay pa hehe.

    Haha, naging peyborit ko din ang Lion King dati kaya si Scar agad ang pumasok sa utak ko. Gusto ko din sana si Ursula ahaha kung beki ang peg wahehehe :D

    ReplyDelete
  3. ang kulet ng mga sagot mo kang archieviner, Fiel. ;-)

    ReplyDelete
  4. kakaaliw basahin mga sagot mo.... buti ako natanggap ko na ang post card (nangiinggit lang hehehehe)

    Ok ah talagang si Coco Martin hehehe

    Advance Merry Christmas!

    ReplyDelete
  5. haha aliw :)congrats sa MR popular award

    ReplyDelete
  6. Sobrang tawa ko sa mga sagot, lalo sa bubble gum at ididikit mo sa buhok niya hehehe.
    Paborito din ng husband ko si Coco Martin, actually ang tawag niya kay Coco ay Cocoy Martin.
    Cocoy kc ang palayaw ng asawa ko hahahaha, nakakatawa diba nge!:)

    ReplyDelete
  7. Ang dami kong tawa sa post na to ni boss arvin...:) kulet ng sagot mo...:)


    xx!

    ReplyDelete
  8. @Miss Phioxee, haha salamat :)

    @JonDmur, waah isa ka pa sir Jon. kung makapanginggit oh ahahaha!

    @Gilbert, salamat parekoy :D

    @Sherene, ahaha pano ba naman ate piso lang ang binigay ang kuripot. kaya ayun ginantihan ko wahehe ^o^ ang kulet nung Cocoy Martin!!!

    ReplyDelete
  9. @xoxo_grah, ahaha salamat :D kulitan to da max toh!

    ReplyDelete
  10. Parekoy maraming salamat sa pagsagot sa tanong ko. Naaliw ako. haha. Lalo na sa No.3. Dahil dun itinuturing nakita na aking kaibigan. lol

    Sad bakit wala parin ang postcard T.T Mga sampu pa kayo ang hindi pa nakakatanggap :(

    Ano yung minus S ka coco?

    ReplyDelete
  11. @Archieviner, walang anuman parekoy. ang daming natuwa dun sa sagot ko sa #3 ahahaha! uu naman, with or without the bubble gum, friends pa din tayo :D

    siguro kung di ko matanggap ung postcard ngayong December, baka by next year andito na un... hopefull XD

    yung tungkol sa "S" ni Coco, yun ung "s" deficiency nya pag nagsasalita sya ng mga words na may letter s. pakinggan mo sya sa mga past drama nya sa youtube. magi-gets mo what i mean ehehe!

    ReplyDelete
  12. May pakapilosopong nakakaaliw ang mga ang sagot parekoy!, hindi ko parin natatanggap post card na pinadala ni ser Archie...tiwala lang matatanggap din natin haha.

    ReplyDelete
  13. Funny answers sa mga tanong ni archie. By the Way I love your answer sa what is the spiriit of christmas sa yo. Very wise thought.

    ReplyDelete
  14. Napangiti mo naman ako Fiel sa post mo na ito :) siguro nung grade school k ikaw unv mahilig kumain ng bubble gum at pagkatapos ididikit sa ilskim ng desk no? He he. Hay nku pareho tayo ayaw sa ipis , mamamatay ipis nga ako eh :P about sa pag-ibig iyan talga ay napaka hiwaga lalo pa kung ikaw ay umiibig sa isang diwata or maladyosa he he! Tama dont find love let love finds you!

    ReplyDelete
  15. Nosebleed sa Spirit of Christmas! HAHAH!

    Natawa ko sa minus S... I mean minuth eth? HAHAH!

    Sabi nga ni Coco Martin:

    GAANO KASARAP ANG PANGARAP?

    Mahalaga ang tamang pagsisimula. Konting tiaga, marami kang makikilala. Pag nagpursigi ka, uulanin ka ng maraming grasya! Tapos darating yung pinakalove mo, yung pingarap mo!

    Ang SIARAP!

    ReplyDelete
  16. Ang kulit ng mga sagot! heheeh! naranasan ko na madikitan ng bubble gum sa buhok. Di talaga matanggal kaya ginupit ko na lang buhok ko.

    ReplyDelete
  17. Wow Mr. Popular.. :) Congrats po!
    Okay lang yan kahit single.. dadating sa tamang panahon yun, hehehe,

    Opo, friend ko yun eh.. :)

    ReplyDelete
  18. Parekoy maraming salamat sa pagsagot sa tanong ko. Naaliw ako. haha.Dahil dun itinuturing nakita na aking kaibigan.http://www.ahmedabadwebdesigning.com/
    We found that your company is leading web designing and website Development Company in your city. We appreciate
    your creativity and portfolio of website designing. We also come to know you are doing well in search engine
    optimization inSurat. Here we are Ahmedabad based company #1 Vinayak InfoSoft – dealing in website designing in
    ahmedabad, web development in ahmedabad and search engine optimization in ahmedabad.
    Once again thanks for sharing our view (comment) on your blog with all internet user. We wish best luck for your bright
    future. http://www.ahmedabadwebdesigning.com/


    ReplyDelete

 
TOP