Loading...
Thursday, December 20, 2012

[12-21-12] End of the World na nga ba?


So kamusta naman ang fuzz about sa End of the World thingy na yan? Oh, hayan ilang oras na lang papatak na ang December 21, 2012 at ayon sa Mayan Calendar magugunaw na daw ang mundo bukas.  Naniniwala ka ba dito?  I'm sure yung iba jan kinakabahan na and I just don't get why people are so freaked out about it pero for a non believer like me, eto lang ang masasabi ko.

Biblically Speaking, kung masidhi ang pananampalataya mo sa Diyos na lumikha sa sanlibutan hindi ka maniniwala dito sa Gunaw thingy na ito.  Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam kung kailan darating ang sinasabing katapusan.  Siya lang at wala nang iba.  Kung nabasa nyo yung Genesis 9:1–17 sa Bible, kung saan nag pledge si God kay Noah ng isang commitment na hindi nya na gugunawin pang muli ang sansinokob at kasabay ng pangakong iyon ay ang paglitaw ng isang bahaghari na sumisimbolo sa kapayapaan ng sanlibutan.

Scientifically Speaking, as far as my knowledge brings me, tatagal pa ang mundo ng ilang billion years bago ito tuluyang magunaw.  At yung sinasabing mangyayaring Planetary Alignment, wala itong magiging masamang epekto sa mundo.  Yung sinasabing gravitational pull pag nagkaroon ng Planetary Alignment, halos hindi nga nya mapapagalaw yung alikabok sa ibabaw ng mesa nyo sa bahay.

Mayan Calendar, very skeptic ako dito nung una pa man.  Yung sinasabi marahil dito na may malaking pagbabagong magaganap pag dating ng 12-21-12, para sa akin ang ibig sabihin nito na may malawakang pandaigdigang pagbabago lang na magaganap but that doesn't necessarily mean the end of man kind.  Marami din akong nabasa na yung mga modern Mayan's ngayon ay hindi na rin naniniwala sa prophecy na ginawa ng kanilang mga ninuno.  Saka tanong ko lang din sa inyo, paano nalaman ng mga ancient Mayan's na end of the world na nga bukas, sila ba ang lumikha sa mundo? Saka hindi nga din nila nahulaan yung time na naglaho ang Mayan civilization dati eh.

I respect kung anu man ang paniniwala mo tungkol sa issue na ito.  It doesn't mean na tama tong mga isinulat ko dito dahil ito ay akin lamang mga opinyon.

At this point in time, na excite akong malaman na included si Miss Philippines, Janine Tugonon sa Top 10 sa Miss Universe, OMG!!! wow the only Asian in the top 10. [Edit] Ayun, Miss USA is now proclaimed as Miss Universe 2012.  First runner up si Miss Philippines, Janine Tugonon! Congrats!!!

Enjoy, enjoy din ako habang nakikinig sa RX 93.1, The Morning Rush Daily Top 10 with their topic for today, Fantasy Apocalypse.

12 comments:

  1. Naniniwala ako na magugunaw na ang mundo sa time na mag mature ang sun, w/c is also a star. Alam naman natin na sasabog din ito. Matagal na naman siguro 'yun, at hindi na tayo buhay 'nun.

    ReplyDelete
  2. Guguho ang mundo? ^^ Walang nakakaalam ng second coming Nya. Sabi nga sa bible:

    "No one knows about that day or hour, not even the angels in heaven, nor the Son, but only the Father. Be on guard! Be alert! You do not know when that time will come." (NIV, Mark 13:32-33

    Oha! komo-kowt ako sa bible! :)

    ReplyDelete
  3. @Anthony - yup tama ka jan and that would happen billion of years from now. kaya hello na lang kung buhay pa tayo pag dumating ung time na yun hehe!

    @Pao Kun - yep, nobody knows kung kelan ang katapusan, we just have to always ready and have faith in God.

    ReplyDelete
  4. bahala na kung anong mangyayari...

    pero syempre mas masaya kung hindi pa magtatapos ang mundo.

    ReplyDelete
  5. @Khantotantra - haha, yeah syempre naman. ebribadi hapi pag hindi natuloy ang prediction ng mga Mayan's bukas. Pasko na noh, good vibes lang!

    ReplyDelete
  6. Ako naman di ko na namamalayan kung magugunaw ba talaga o hindi... di ko na iniisip... hehehe

    o masyado na akong busy kaya nawawala ako sa update hehehe

    May point ka diyan...

    Happy din ako na nasungkit na naman ng Pinas ang 1st runner up ^^ sa miss universe hehehe

    ReplyDelete
  7. well no one can tell kung kailan magugunaw ang mundo. sabi nga ng isa kong kaibigan we need to be prepared spiritually. magsisi at mag reflect na lahat ng pagkukulang natin. after all god is always be there. strong faith can save us.

    ReplyDelete
  8. sabi ko na nga ba echosero lang ang mga mayans lols...

    i think janine should be the winner..galing nya eh..

    ReplyDelete
  9. end of the world or not, im ready :)

    ReplyDelete
  10. Yes, we are still alive today. Di rin ako naniwala sa kanilang prediction. But I believed in raprure. Anyway, if we died and our relationship with God is ok, then we are on the way to heaven:)

    ReplyDelete
  11. people are always predicting na end of the world na.. but really, si God lang naman yung nakaka-alam nun.. though nasa Revelation era na tayo, so we really need to have a strong relationship with God para we are ready anytime.. ;)

    ReplyDelete
  12. Skeptic din ako sa Mayan caledar na yan. Congrats Janine :) Enjoy din ako sa The morning rush kahit sa twitter ko lang nababasa :)

    ReplyDelete

 
TOP