Loading...
Monday, December 3, 2012

Kababata, Kaibigan at Barkada


Dahil sa mp3 na naka embed sa post kong ito ay bigla akong napa isip na parang ang sarap muling bumalik sa aking pagkabata.  Don't get me wrong, I'm still young (walang kokontra ^^) Basta, yun bang tipo na wala kang mga alalahanin at pinoproblema.  Maglaro at kumain ay ayus na.  I'm sure kayo din minsan sa isang yugto ng inyong buhay ay nagra-random musing kayo na what if pwede kayong bumalik sa inyong pagkabata at balikan ang mga masasayang ala-ala kasama ang inyong mga kababata, kaibigan at mga barkada.

Ngayon kasi on this fast-phased world, sobrang busy na ng karamihan sa trabaho, eskwela at kung anu-ano pang mga bagay.  Dahilan kung bakit marami sa atin ay halos hindi na nakikita o nakakausap man lang ng madalas ang ating mga kaibigan or barkada.  Siguro sa fb, email, chat, or cellphone ay nakakausap nyo sila pero masarap pa din talaga sa pakiramdam kung may "personal na connection" pa rin kayo sa isa't isa hanggang ngayon at nagkikita at nagkakausap pa din ng madalas.

On my part kasi, karamihan ng mga naging kababata, kaibigan o barkada ko noon ay may kanya-kanya ng mga pinagkaka-abalahan sa buhay ngayon.  Yung iba mga professional doctor/nurse na, mga team leaders or manager ng isang call center, may sarili nang business, yung iba may sarili nang pamilya at anak.  Kaya naiintindihan ko kung madalang ko na silang nakikita at nakakausap ng personal.  Oo minsan nakakausap ko sila via fb chat, email or texts.  Pero syempre masarap pa din kung personal mo silang makaka-kuwentuhan at muling balikan ang mga harutan at kulitan noong kayo ay mga bata pa.

Halika, samahan nyo akong pakinggan ang awiting ito at sabay nating alalahanin ang mga masasayang ala-ala ng ating kabataan kasama ang ating mga kababata, kaibigan at barkada.  Please press the play button and tell me what do you think of this song.

Halika Na
by 1:43

Naaalala mo pa ba?
Mga kuwentuhang puno ng kwela
Dun sa dating tambayan kalapit ng eskwela
Halika tayo nang pumunta

At ang tanging baon natin ay 
Masarap na tawanan
Kay saya ng takbuhan lalo na kung may kulitan
Halika na nandun na sila

Halika na sa dating tagpuan
Halika na sa mahaba habang kuwentuhan
Halika na kalimutan muna ang problema
Halika na tayo na
Halika na sumama ka na

Na na na na na
Na na na na na na

Marami sa'tin talagang nag-iba
Di akalain na magkikita pa
San ka man makarating lagi mo lamang iisipin
Barkada nagbuklod sa atin

Halika na sa dating tagpuan
Halika na sa mahaba habang kuwentuhan
Halika na kalimutan muna ang problema
Halika na tayo na
Halika na sumama ka na

Na na na na na
Na na na na na na
Na na na na na na
Na na na na na

Halika na sa dating tagpuan
Halika na sa mahaba habang kuwentuhan
Halika na kalimutan muna ang problema
Halika na tayo na
Halika na sumama ka na

Na na na na na

Halika na tayo na
Halika na sumama ka na
Halika na tayo na
Halika na sumama ka na

21 comments:

  1. uu nga karamihan sa kanila bz bzhan na. At sa tuwing magpaplano naman minsan hindi rin nakukumpleto.

    Hayy namiss ko din tuloy ang school life..lalo na yun pagfoodtrip at tambay anywhere para gumawa ng assignment at projects. Yung mga campus crush at lahat lahat na.

    Life goes on for all of us and its always nice to hear from old friends. lalo na kun sila yun unang mangangamusta hehe. ^_^

    ReplyDelete
  2. hay super busy na nga karamihan sa mga batch ko. lahat me mga career at work. ako nga minsan di ako nagtitext pag walang kelangan. hehehe. pero despite of that, me mga times na narereminisce ko yung mga moment ng pagkabata ko.

    ReplyDelete
  3. i had the same thought just a few days ago. nakakalungkot at nakakamiss na minsan nakakalimutan na natin yung mga kasama natin noon na parang kapatid na ang trato natin pero ngayon e wala na lang. may iba siguro sobrang busy na talaga pero minsan nakakatampo rin kasi everytime na yayayain e busy sila. pero naiisip ko, ganon din pala ako sa ibang tao. hay buhay. :D

    ReplyDelete
  4. Makikisenti din ako gawa ng hindi ako makakauwi ng Pasko :(

    ReplyDelete
  5. nakakaemo naman yung kanta. =_= pinalala mo lang yung homesickness ko. *sigh* pero ya, katulad din na nabangit ni mareng maria, life goes on. move on.

    memories memories memories...

    ReplyDelete
  6. HAHAH! Tama. Mga kababata ko din na ngayon e kabarkada ko pa rin e busy na. Lately lang. Kakagraduate lang kasi this year. So work agad sila. Nasa adjustment period palang ng pagwowork kaya mga masisipag pa. HAHAH! Pero naiintindihan ko naman sila. Ngayon wala kameng time magkita kita. Kakamiss din. HAHAH!

    ReplyDelete
  7. well nakakamis din talaga yung mga taon nakasama mo nung college at highschoolso once in a while nag kikitakita rin nman kaya todo bonding saka kwentuhan.. masayang balikan yun mga ganung bagay... minsan parang ang sarap pa mag aral kesa mag work hahaha gulo diba

    ReplyDelete
  8. Busy busyhan nga ang drama nating lahat eh:)

    ReplyDelete
  9. puros kalokohan ang mga naalala ko sa aking mga kabatch noon, maging nun hyskul at college, kasi ako ang promotor :D ngayon mga busy na tayo, kanya kanya na ang buhay pero hindi mawawala ang mga alaala at pagkakaibigan. nice post! :)

    ReplyDelete
  10. Ay miss ko din yun ibang friends ko, mga hindi gaano nagpaparamdam e, pero I'm sure magkikita kami ngayong Dec para sa Christmas Party! BTW, ganda nun song!

    ReplyDelete
  11. Masayang mag reconnnect sa mga long time friends and classmates. At masayang balikan ang mga kakulitan noong magkakasama pa. Ako, gusto ko talaga ang makipag reach out lagi sa mga kaibigan, kabarkada at kapamilya. Para sa akin, eto ang isa sa pinakamahalang gawin habang nabubuhay. Invest in relationship towards family, relatives, friends,and in community. At some point, I don't appreciate our technological advances kasi nagiging dahilan din eto para magkaroon ng mga sari-sarling mundo ang bawat isa.

    Anyway, re-send your entry kasi di ko pa natatanggap until now. Thanks

    ReplyDelete
  12. hay..namiss ko tuloy bigla mga friends ko sa province.. hay.karamihan kasi may mga pamilya na..:(

    ReplyDelete
  13. hello kuya fiel

    nakakamiss talaga. lalo na pag matagal na ung last na nagbonding kayo. namiss ko tuloy mga friends ko before, esp high school mejo wala na masyado communication.

    hohoho! >_<
    hindi ko mapakinggan ung song... hihi, na sa library kasi. i hope mapakinggan some other time :)

    ReplyDelete
  14. isang nakaka miss noong kabataan pa ay ang larong sipa......

    ReplyDelete
  15. ang ganda nung kanta.. habang pinapakinggan ko naiisip ko yung mga masasayang moments namen ng barkada ko..

    ReplyDelete
  16. Wow! Anong masabi ko na grandma na ko? Hi hi
    Anyway, di maganda ang childhood days ko kabataan, so I stick to now coz now. I am having the time of my life:)

    ReplyDelete
  17. Loose [url=http://www.invoiceforyou.com]make an invoice[/url] software, inventory software and billing software to conceive competent invoices in minute while tracking your customers.

    ReplyDelete
  18. I miss them also..pero admit ko na pag nag papabalak magkita kita...nag kakataon na busy ako sa work...and I hate that...kaya malaki kasalanan ko sa batch ko:(

    ReplyDelete

 
TOP