Loading...
Monday, November 5, 2012

Ang Taho bow!


Ang Taho bow!

Tahooo! Tahooo! Tahooo!
Sigaw ni Manong tuwing umaga
Mga batang paslit ay maagang gumigising
Ayan at nag-uunahan na

Tangan ang barya at basong sisidlan
Mga munting mata'y nakangiti
At matyagang nag-aabang
Habang isinasalin ni Manong
Taho, arnibal at sago sa kanilang lalagyan

Masustansya ang Taho
Sapagkat ito ay gawa sa Soya
Isang uri ng butil
Na mayaman sa sustansya at protina

O kay sarap gumising tuwing umaga
Kapag may isang basong Taho
Sa hapag ay nakahain na

--------
Oh ha, bigla akong naging makata lols... sa kakahintay kay manong na magtataho dito sa amin, eto out of the blue bigla akong nakapag compose ng isang tula about Taho.  Mejo matagal na din akong hindi nakakatikim ng Taho kaya bigla akong nag-crave. Eh ang kaso, walang dumaan na magtataho today, bad trip! >_< tamang pang-asar lang.  Kung kelan hinihintay mo saka naman hindi darating.  Kahapon ng umaga naman, may dumaan dito kaso hindi ako nakabili kasi sobrang antok pa ako.  Ngayon naman na maaga akong gumising para mag-abang ng magtataho, wala naman dumating.  Bukas talaga bibili ako!

--------
So kamusta naman ang inyong Undas at long weekend?  Ilang araw din akong walang updates dito kasi wala lang, gusto ko lang hahaha... nakiki long weekend din ako kahit di bagay lols.  I'm sure yung iba sa inyo may hang-over pa at tinatamad pang pumasok sa school at work.  Back to reality na ulit tayo.  Time to rise and shine!  Ang dami ko pa lang dapat gawin right after na mai-post ko ito. Ang daming blog updates na dapat basahin. 

26 comments:

  1. tunay ka talagang makata akalain mo yun nag intay ka lng nakapagcompose ka na agad ng tula :)

    - alam mo bang indi ako kumakaen ng taho heheheh

    ReplyDelete
  2. @Kulapitot, hahaha hindi naman masyado. kasalan kasi yan ni manong magtataho haha XD anu ba ang tamang term sa taho, kinakain or iniinom? at bakit ka hindi kumakain/umiinom ng taho parekoy :D

    ReplyDelete
  3. miss ko na tuloy ang taho...sarap hehe...dami ngang dapat i-update, nakibakasyon din ako kahit di dapat hehe.. anyway, salamat sa pagbisita sa blog :)

    ReplyDelete
  4. Tagal mo ngang walang updates parekoy. Namiss ko ang taho. Paborito ko rin yan nung bata ako. Gusto ko pa nga maraming arnibal. hehe.

    Parekoy, iemail mo sakin yung postal add mo. archieviner@gmail.com :)

    ReplyDelete
  5. Sa sobrang inip nakabuo ng tula. :-) Yan pala ang epekto sa iyo ng taho. Hehe.

    haay nako, miss ko na 'yang taho. Wala silang taho dito sa Thailand eh. Tsk. :-(

    Undas ko? Wala namang kakaiba. Hindi kasi holiday dito yang Undas kaya may trabaho pa din ako.

    ReplyDelete
  6. kapag ako umoorder ng taho, taho lang. walang sago at arnibal.

    ReplyDelete
  7. Conheci seu cantinho em visita através de seu comentário deixado em um outro blog que visitei, e resolvi vir dar uma olhadinha no seus posts.

    Deixo um mimo para você.

    Uma chuva de bençãos desça sobre sua casa!
      
    _..._ ..._(... (  ...).._
      (_....__..._) _(.. (  ...)
      /(_...._)(_...._..._)\
     // / / / / | \ \ \ \
     / / / / | \ \  \
    / /  /  /  | \  \  \
    ♥ ♥    ♥  ♥ ♥   ♥    ♥ 
    ♥ ♥   ♥   ♥    ♥ ♥ ♥   ♥
    ♥   ♥   ♥  ♥   ♥ ♥
     ´´´, •♥♪♥♪♥♪♥♪♥♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥•
    ´´´¢/Λ\♥♪♥♥♪♥♥♪♥♪♥♥♪♥♪♥•
    ´´¢/...\♥♪♥♪♥♥♪♥♪♥♥♪♥♪♥♪♥•
    ´¢/๑۩ ๑_\♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥•
    ¢/¨๑۩۞۩๑_\´♪♥♪♥♪♥♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥
    ¨▓¨.♪♥♥♪.▓♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥♪♥•|||||
    ¨▓¨.♪♥♥♪.▓¨★★★★★★★★★★|||
    ¨▓¨.♪♥♥♪.▓¨★★★★★★★★★★|||
    ¨▓¨.♪♥♥♪.▓••••••••••••••••••••
    ¨♥♥======♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
    ¨♥♥======♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

    A propósito, se ainda não estiver seguindo o meu blog, deixo aqui o convite.

    http://frutodoespirito9.blogspot.com/

    P.S. Visite também:
    http://discipulodecristo7.blogspot.com/
    TEMAS BÍBLICOS E MENSAGENS ABENÇOADORAS.

    ReplyDelete
  8. @Ric - haha, walang dumating na magtataho na naman today lols! gusto ko na magtaho!!!

    @Archieviner - yung sakin naman, saktong arnibal lang ang gusto ko. nakakaumay kc pag sobrang tamis. na email ko na sayo ung postal add ko.

    @Ishmael - akala ko may taho din sa Thailand? ay sa Malaysia at Indonesia pala meron.

    @Overthinker Palaboy - baket taho lang? di ba matabang un? hehe!

    @Fruto - thanks for dropping by. but please post in english next time you visit again. thanks!

    ReplyDelete
  9. HOY! ANUNG NANGYARI SAYO? BUT ANTAGAL MONG DI NAG BLOG HA? AYAN CAPSLOCK YAN PARA ALAM MONG NAG TAMPO AKO SAYO. HUHUHU..

    MISHU!

    ReplyDelete
  10. Wuy Tim!!! hahaha! nung July pa ako nagbalik sa blogging. musta ka na parekoy? :D

    last two months ago pa pala ung last update mo sa blog. saka, baket naka google+ ka na din? ang hirap nyong hanapin lols

    ReplyDelete
  11. na miss ko tuloy ito.
    di kc ki masyadong kumakain nito kc nga medyo dugyot yung mga nataong naglalako sa aming area hehehe.
    sa baguio sobrang sarap ang strawberry taho, natikman mo na?ay panalo:)

    ReplyDelete
  12. magaling ginoo. lubos akong nasiyahan sa tulang ito. magtataho ako mamaya.

    ReplyDelete
  13. ok naman ang Undas namin. nagkita kita uli ang pamilya. at hindi umulan ngayon unlike ng mga nakaraan. :)

    naku, miss ko na rin ang taho. wala kasi nagtitinda sa lugar namin. sa ofis meron sa labas kaso yung mahal eh. iba pa rin yung old school na magtataho. da best!

    ReplyDelete
  14. @Sherene - ate, baket mo naman nasabing dugyot ang taho jan sa inyo? yan ba ung mga tipong nare-raid at nafi-feature sa Imbestigador at Tulfo? ehehehe... naku, gusto kong i-try yang strawberry taho. masarap daw yan eh :)

    @Olivr - haha, maraming salamat at iyong naibigan aking tula tungkol sa taho :)

    @Ignored Genius - im glad na naging masaya din ang inyong pagsi-celebrate ng undas... and yeah, da best pa din talaga ung old school taho. pinoy na pinoy ang dating.

    ReplyDelete
  15. Baka may taho din dito Fiel-kun. Siguro hindi ko pa lang nakikita.

    ReplyDelete
  16. minsan lang ako makakain ng taho dahil bihira lang may dumadaan dito! original pinoy kapag taho na ang usapan! back to reality na talaga!!

    ReplyDelete
  17. dahil sa hindi kayo magkatagpo ng taho nakapag-compose ka ng tula..hehe..sana magkatagpo na kayo.. parang gusto ko rin tuloy ng taho ngayon...

    new reader po :)

    ReplyDelete
  18. Minsan bumibili ako ng taho...tag 5 piso...ayos din ang sinulat mo....

    ReplyDelete
  19. @Ishmael - uu check mo baka meron din Thai version ng Taho :)

    @Lala - yep, pinoy na pinoy talaga ang Taho and salamat po sa pagbisita at kumento :)

    @Pink Line - nakabili na ako kahapon ng umaga hehe and salamat po sa pagbisita, kumento at pag follow :)

    @Arvin - yung tig 5 piso ang liit na nung plastic cup >_<

    @Wrey and Robby - photo courtesy of mr. google hehe. baket naman di ka umiinom/kumakain ng taho?

    ReplyDelete
  20. Hehehe. Sa Maynila, tuwing pasado alas-10 ng gabi hanggang madaling araw nagbebenta ng taho. Partikular si Manong DOTAho na laging pumapasok sa mga shop para magbenta ng taho. Nagshare lang ako para maiba naman. Hehe!

    ReplyDelete
  21. @Goyo - uu nakakita na din ako ng magtataho sa gabi. dati nung gabi na ako umuuwi from work, jan sa baba ng mrt cubao station, sa may farmers plaza may mga magtataho na naka istambay ehehehe. adik ka sa DOTA noh? XD

    ReplyDelete
  22. yahoo!
    paborito ko din yang taho
    hehe

    happy weekend!

    ReplyDelete
  23. madala nahuhuli ako ng labas ng bahay kapag may dumadaan na magtataho sa amin.

    Ang tagal ko na ring hinzdi nakakakain ng taho a.

    ReplyDelete
  24. buti pa dito, every morning may dumadaan :D
    okay lang yan kuya. :))

    makata na din tulad ni kuya arvin aa :D bonggga

    ReplyDelete
  25. Taho masarap yan pero not much ako sa arnibal. Bumabalik na ako hehe

    ReplyDelete

 
TOP