Loading...
Sunday, October 28, 2012

Happy Halloween!


I know hindi naman ganun talaga kagarbo at sini-celebrate ang Halloween dito sa Pilipinas pero nonetheless, babatiin ko na din kayo ng isang HAPPY HALLOWEEN! Trick or Treat!? Buwahahaha! *ubo ubo*

--------


Ikaw ay isang 90's kid kung naaalala mo itong Halloween Special ni Kabayan Noli De Castro sa Magandang Gabi Bayan.  Natatandaan ko pa tuwing nalalapit na ang panahon ng Undas noon, hindi nawawala sa itinerary ni Kabayan na manakot ng kanyang audience sa pamamagitan ng mga topic na tungkol sa kababalaghan.  Lagi ko tong pinapanood noon kasama ng mga kapatid ko.  Sama-sama at tabi-tabi kami sa sofa sa sala at may naka-ready pa kaming kumot noon.  Para pag di na namin ma-take ang katatakutan sa pinapanood namin ay sabay-sabay kaming magtatalukbong at magtatago sa ilalim ng kumot haha.  At ang mas grabe pa noon, pag-oras na ng tulugan, ayan na, sobrang hirap makatulog dahil ang laman ng utak ko ay puro yung mga nakakatakot na scenes ng MGB na napanood ko.  Super epektib talagang panakot ito noon.

Isa pang naaalala ko dati tuwing Undas ay nag-iipon kami ng mga kapatid at kalaro ko ng mga lusaw na kandila, iipunin namin yon, then gagawing bola.  Then pag nagsawa na kami, tutunawin namin yun sa isang lata then bahala na kung anu ang maisipan mong gawin sa sopas na kandila haha.

15 comments:

  1. Hindi ko naeenjoy yung MGB Haluwin edition nila. Nakakapraning kapag madilim. Naalala ko nun five minutes lang ako nanood tapos hindi nako nagABSCBN kapag haluwin ang tema ng mga programa.

    ReplyDelete
  2. Pinapanood ko din yan noon... mahilig kasi akong manood ng mga nakakatakot... kaya di ko pinapalampas ang episode ng magandang gabi bayan...

    Tuwing undas, maliban sa pagpunta sa sementeryo wala na akong gaanong activities.... pero sa probinsiya namin may mga pamilyang nagluluto ng kakanin... un nakikikain lang kami hehehe

    ReplyDelete
  3. inaabangan din namin noon pag halloween episodes ng MGB. hehe.

    kami naman, papakuluin namin ang kandila sa lata ng sardinas, tapos tsaka mo sabuyan ng tubig. lalagablab siya nun. hehe.

    ReplyDelete
  4. pag araw ng patay, yang mgb ang isa sa iniiwasan ko. creepy lalo na minsan wala parents ko kasi umuuwi ng probinsya.

    ReplyDelete
  5. isa ako sa mga takot na takot dati ... its marks my bday too kaya double celebration

    ReplyDelete
  6. Paran diko napanood ang mga episode na ito noon, abala kc akong nakikipag taguan sa mga friends ko sa kanal noon kapag halloween hehehe.

    ReplyDelete
  7. nakakatakot ang magandang gabi bayan tuwing undas. grabe. kinikilabutan ako. buti na lang wala na yun. hehe.

    ReplyDelete
  8. Happy Halloween!
    Takutan na!
    Hehe

    ReplyDelete
  9. Naku. Hindi ko alam yang Halloween Special ni Kabayan na yan. Wala kaming TV noon eh.

    ReplyDelete
  10. Ay... 90's kid ako kaso di ko alam yan. Kasi malabo channel 2 sa amin dati so lagi kaming GMA. Hahaha!

    ReplyDelete
  11. Meron ba ngayon? for 2012 inaabangan ko kasi eh sana may mag sabi kung anung date :)

    ReplyDelete
  12. Happy Halloween Fiel-Kun! Dabest tlga ang MGB Halloween Special..Sana ibalik ang MGB hehehe...

    ReplyDelete
  13. Aw, nakakamiss nga yung Halloween special ng Magandang Gabi Bayan shet yung may mga pugot na ulo tapos lumulutang haha :3

    ReplyDelete
  14. Maraming salamat sa inyo guys! hope you all had a happy and great long weekend!

    ReplyDelete

 
TOP