Loading...
Monday, October 8, 2012

Just another random moments


Well, well, well!? Look what we have here? Another random post na naman mula sa inyong lingkod. Yeah, ampaw at sabaw na naman ako these past few days haha.  Kaya sa post kong ito ngayon ay matutunghayan ninyo ang kung anik-anik lang na mga bagay na nakapukaw sa aking atensyon nitong mga nakaraang araw.

1.  Haays... lalo pa din tumitindi ang protesta ng mga Pinoy Netizens sa Cyber Crime Law.  Pinaninindigan pa din ng ating presidente ang kanyang stand sa pagpapatupad ng batas na ito.  Correct me if I'm wrong, magpapasa na daw ng panukala si Senator Tito Sotto, Pia Cayetano, at Edgardo Angara bukas para amyendahan ang batas na ito.

2.  Pansin ko lang sa mga variety shows (Eat Bulaga, Its Showtime, Wiltime BigTime, etc.) sa tuwing namimigay sila ng mga product "giveaways" or "freebies" ay halos hindi naman lahat ng studio audience ang nabibigyan.  Halos yung mga nasa harapan na bahagi lang na mga audience ang madalas nabibiyayaan.  Yung iba, makikita mo parang nakaka-awa kasi naka tanghud na at naghihintay na mabigyan sila.  Nagtitipad much ba ang producer or sponsor ng show? 

 Bakit di nila gayahin sina Oprah Winfrey, Ellen Degeneres or Andersoon Cooper?  Dati may napanood akong isang episode ng Oprah, grabe lahat nung studio audience nya (siguro around 100+ yun) nabigyan ng tigi-isang brand new na kotse.  Ganun din sa show nila Ellen at Anderson, basta may freebies lahat sigurado ng studio audience, hindi uuwing empty handed.

3.  Mahilig din akong manood ng mga Documentaries at inaamin kong jan magaling ang GMA7.  Idol na idol ko sina Kara David at Jay Taruc sa galing nila sa pagho-host ng mga Documentaries na ginagawa nila.  Pero I always feel depressed tuwing nakakapanood ako ng mga documentaries na tumatalakay sa kahirapan at mga batang maaga pa lang ay banat na ang mga buto sa pagta-trabaho.  

May napanood ako dating documentary ni Jay Taruc tungkol dun sa mga mahihirap na batang taga Leyte ata yun (also, I forgot the title of that docu) na umaakyat sila sa bundok para magbaba ng mga kahoy na pinutol mula sa kagubatan then mababayaran lang sila ng halos wala pang bente pesos para sa hirap at pagod nila sa pagbubuhat ng mga kahoy pababa ng kabundukan.  Meron nga syang nainterview na bata, may mga kapatid pa syang maliliit, then yung kinita nya sa pagpapasan ng kahoy ay kulang pang pambili ng bigas.  Sobrang depressing... bakit hindi kaya sila mabigyang pansin ng ating gobyerno.

4.  Nag pre-Halloween special na din pala ako by watching this tagalog movie called "The Road" - starring Barbie Forteza  and other Tween Hearts stars.  Mabuti at may dvd copy ang kuya ko at nakahiram ako. Anyways back on the movie, para sa akin okay sa alright lang sya.  Nothing much special about it.  Its just the usual "Psycho-Thriller-Movie" na pag-iisipin ang mga audience sa simula then mari-reveal din sa last part yung mga dahilan kung bakit naging killer si ganito lols.

5.  Saka naniniwala ba kayo sa mga surveys na nilalabas ng mga tv and radio stations? Syempre, ang claim lagi ng isa ay sila ang number 1, ganun din yung kabila.  Walang nagpapatalo.  Well kung ako ang tatanungin, walang halaga para sa akin ang mga surveys na yan.  Parang nililinlang lang nila ang mga viewers/listeners sa ginagawa nila eh.  Kung saang istasyon ako nanonood or nakikinig, yun ang number 1 para sa akin.

6.  Bakit ganun? bad trip na bad trip tayo sa tuwing naghahasik ng kasamaan ang mga kontrabida sa paborito nating tele serye or pelikula then pag sa bandang huli naman at pinagbabayaran na nya ang lahat ng kasalanan nya ay nakakaramdam naman tayo ng awa para sa kanya?  Ang weird...

7.  Sumasakit na naman tong right hand ko.  Hindi lang siguro ako sanay sa paggamit nitong Netbook ng kapatid ko >_<

So kamusta naman tayo jan?

16 comments:

  1. ako minsan, nababadtrip sa kontrabids pero minsan boto ako sa kontrabida para apihin ang mga boblaks na bida. wahahahaha.

    pero di ako naaawa kapag pinagbabayaran na nila ang kasalanan nila. Karma kasi ang tawag dun. heheheh

    ReplyDelete
  2. agree ako na magaling nga sa docu ang gma7. actually kahit sa news. ilong pa lang ni mike enriquez masasabi mong may kredibilidad sila talaga. hehe.

    sa mga telenovela naman, dapat minsan try nila yung walang bida, kontrabida lahat tapos matira matibay. oha!

    ReplyDelete
  3. Meron namang show sa pinas na nabibigyan lahat ng audience. yung manny many prizes. hehehe.

    Tapos yung about documentaries, di rin naman lahat naipapakita nila. And kadalasan, yung examples nila yung hindi pangkaraniwan naman. para makapukaw ng damdamin siyempre ng manonood. pero yun na nga, marami talagang neglected society sa pilipinas. Pero nakakapagtaka rin naman din sa mga lugar na yan, bakit paulit ulit nila binoboto yung same names sa gobyerno nila. siguro kapalit ng isang kilong bigas at 3 de lata. di nila alam, galing din naman sa kanila yung pera na pinambili nun.

    ReplyDelete
  4. Di ko napanood yung docu na kinuwento mo regarding mga bata sa bundok..Wow! depressing nga.. sobrang pagod tapos bente pesos? ok lang yung nagbayad.. grabe talaga! daming kaawa-awa sa mundo...at madami ding manloloko.. tsk, tsk..

    ReplyDelete
  5. gusto ko yung show na namimigay ng sasakyan... Happy random to u parekoy:)

    ReplyDelete
  6. @Khanto - wahaha, uu nga eh mas gusto ko din minsan apihin na lang ng apihin ng kontrabids ung shunga-shungang bida. Gaya nitong drama ni Jennilyn Mercado sa hapon, naku po, ubod ng katangahan ang character nya!

    @Denggoy - wahaha, gusto ko yan! puro kontrabida lang ahaha!

    @Ignored Genius - you have a point there. Siguro, kaya talamak pa din ang kahirapan sa lugar na un ay dahil magling mambola ang mga namumuno sa kanila? I mean, sinasamantala ng mga pulitiko ang "kamangmangan" ng mga tao sa nasasakupan nila... so sad >_<

    ReplyDelete
  7. @Ric - ganyan talaga ang klase ng buhay meron ang mga kababayan natin dito sa Pilipinas. kaya hindi mo rin masisisi ung mga tao na magisip na puro pangungurako lang ang inaatupag ng mga namumuno sa isang mahirap na lugar/bayan dito sa atin. kelan kaya tayo aangat? >_>

    @Archieviner - haha salamat parekoy!

    ReplyDelete
  8. naku hindi ako masyadong nanonood ng variety shows ngayon eh, hanggang after please be careful my heart lang ako ngayon. after that wala na, sa bata na ako.

    wow really, ang swerte naman pow pala ng mga auidence ni oprah, nakakainggit naman. sana dito din ganyan sila.

    talagang magaling pagdating sa pagbabalita ang GMA kaya idol ko sila eh.

    x0x0,
    COTTONLUV

    ReplyDelete
  9. @Wrey and Robby - I definitely agree with that!

    @Cottonluv - Wuy, new visitor pala kita hehe. Salamat sa pagbisita at kumento. Nga pala, kung nabasa mo na ung post ko dun sa chat box ko, hindi ko talaga maclick ung comment link sa tumblr mo. I tried to sign up, pero ang tagal nung loading lols... how about using a blogspot account instead? mas convenient dito :)

    ReplyDelete
  10. Favorite ko si Howie Severino. Nakita ko siya noon sa UPBaguio. Grabe. Nastar-struck ako. Akala ko nun, OA lang ang mga nakakaranas nun. Nangyayari pala talaga.

    ReplyDelete
  11. hahaha. malaking check ! lahat talaga ng mga segments, stations or programs naga claim na sila ang number one. lol. parang mga sinungaling lang. :))

    na ganyan talaga ang script ng mga kontrabida eh. :P

    namiss ko ang pagbasa sa ng post mo kuyaaa :))

    ReplyDelete
  12. patindi pa nga ng patindi ang protesta ngayon laban sa Cyber Crime Law na ito. halos walang katapusan ang protesta. araw at gabi nalang palaging laman ng mga balita, kahit saang istasyon pa ng tv ko ilipat, un at un pa rin.

    kailan kaya matatapos ang protestang ito. bakit pa kasing nauso ang cyber crime law na ito. ops, sorry for my wold :b.

    C0TT0N-L0VE.BLOGSPOT.COM

    ReplyDelete
  13. @BoredNightCrawler - yeah, siguro ko ako man din makita sila in person baka mai-star struck din ako.

    @Cheen - Hellooo Cheen! long time no talk ah. Glad you're back!

    @Cottonluv - ngek, ikaw lang pala yan ate Rose haha. akala ko kung sino na. anu yan bagong blog mo na?

    ReplyDelete
  14. Wala na akong maxadong balita sa variety shows na yan kasi busy lagi hays! Pero swear pangarap ko ang makapanood ng EB hehe...Hindi lahat nabibigyan ng freebies kasi kinapos sa budget haha!

    ReplyDelete
  15. @Jag-kun - nakapanood na ako ng EB ng live sa studio nila sa Broadway Centrum nung college days ko haha. Nandun pa yung mga Sexbomb Dancers nun :D Try mo kahit isang beses, masaya haha. Agahan mo lang ang pagpila sa labas.

    ReplyDelete
  16. Okay ang Ramdom ah!

    Ako din naiinis pag nakakakita ako ng kontrabida sa TV hahaha... pero oks un kasi ibig sabihin effective sila sa role nila...

    Ako din nahihirapan pag di akin ung ginagamit ko.. mapa cp man o ibang gadget hehehe

    ReplyDelete

 
TOP